Maaga akong nagising dahil may seven-thirty akong klase. Isa lang naman ang banyo namin kaya mas maganda ngang nauna akong magising. Matapos kong maligo ay nagbihis na ako at lumabas. Natigilan ako nang makita si Kuya habang nakatayo sa harap ng refrigerator at umiinom ng tubig. Buhaghag ang buhok niya at pajama ang suot niya na pinaresan ng sweatshirt. I pursed my lips and look away nang makitang pinasadahan niya rin ako ng tingin. “G-good morning Kuya,” bati ko at umupo na sa mesa. Hindi naman siya sumagot at tinanguan lang ako. Kinuha niya ang tuwalya na nakasampay sa mesa at pumasok na rin sa banyo. Mukhang maliligo rin siya. “Ahm, puwede bang mauna na akong kumain?” tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam kung narinig ba niya o hindi. “You should,” tipid niyang sagot. Ilang sandali l

