Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa reaction niya. Nakatingin lang ako sa kaniya. Nang tiningnan niya ako ay mabilis na umiwas ako at nag-busy-busy-han sa pagkain. I smiled to myself. Iniiwasan kong tingnan ang mukha niya dahil nage-eratiko ang puso ko tuwing nag-aabot ang tingin namin. Hindi ko kayang salubungin iyon. “Eat,” aniya. Natigilan naman ako at kanina pa pala ako nakatitig sa kanin at ulam. Nahihiyang nginitian ko naman siya. Hindi ko talaga mabasa kung ano ang tumatakbo sa utak niya eh. Nagiging mabait siya minsan. Minsan naman hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kaniya. Napailing na lamang ako dahil napakaimposible ng aking iniisip. Alam ko malayo iyong mangyari. “What are you thinking?” tanong niya sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya at agad na

