“N-nag-abala ka pa Kuya,” mahina kong saad. “I insist,” sagot niya. Kinuha ko naman ang pagkain at kumain na rin. Tumayo na rin siya. “Aalis ka na ba?” tanong ko. Tumango naman siya at tiningnan ang wristwatch niya. “Next subject ko na,” saad niya. Nahiya naman ako. “Thank you Kuya,” saad ko ulit. Tumango lamang siya at umalis na. Ilang minuto lang din naman ay pumasok na rin ang Nurse. “Si, Rasgild ba ‘yon?” tanong niya at tila nagtataka. “May kailangan ba siya?” tanong niya sa akin. Alanganing umiling naman ako. “Ahh! So magkakilala kayo? Pinuntahan ka niya rito?” nakangiti niyang tanong. Nahihiyang tumango naman ako. Umupo naman siya sa upuan niya. “Girlfriend ka niya?” usisa niya. Mabilis na umiling naman ako. Ngumiti lamang siya. Alam ko ang klase ng ngiting iyon. Napa

