Nakaupo lamang ako sa paanan ng kama. Iniisip ko pa rin kung bakit. Namumugto ang mga mata ko pero kailangan kong pumasok. Sinusubukan ko namang intindihin, sinusubukan kong tanggapin. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko kaya. Para bang sa kaunting panahon na magkasama kami ay tuluyan ko ng ibinigay ang lahat sa kaniya. Maski sarili ko ay hindi na nakikinig sa akin. Tumayo na ako at inayos ang aking sarili. May trabaho pa ako ngayon. Kailangan kong magtrabaho dahil may sinusuportahan akong pamilya. Kinuha ko na ang bag ko at umalis papuntang eskuwelahan. Iniwan ko ang cellphone ko dahil hindi ko naman din na-charge. Inilugay ko lang ang may kahabaan kong buhok para hindi masiyadong halata. Isinuot ko rin ang aking reading eye glasses. Pagdating ko sa faculty ay nakita ko si Timmy. Hum

