Chapter 8: Where You Are

1465 Words
Yannie Ace Ruiz Hindi ko alam kung ilang minuto na ba akong nakatitig lamang sa screen ng cellphone ko. Maya’t maya ko itong tina-tap ng mahina at nag-aabang lamang kung kailan ako makakatanggap muli ng mensahe mula kay Josh. Ang sabi niya kanina ay may gagawin lang daw siya pero halos apat na oras na ang nakalipas pero wala pa din siyang mensahe ulit sa akin. Nakauwi na ako mula sa palengke kanina, nakagawa na ng ibang gawaing bahay at nakapaghapunan na din pero wala pa din siyang text message ulit sa akin. “Kaninong text ba ang hinihintay mo, Ate?” pagkuwan ay biglang tanong sa akin ni Yuri na kanina pa pala ako pinagmamasdan sa aking tabi. “Huh?” “Kanina ka pa kasi nakatitig dyan eh,” puna niya. Umayos ako ng upo saka nagpatikhim. “Wala akong hinihintay na text,” pagkakaila ko sa kanya. Ilang sandali lang nang mabilis na umilaw at nag-vibrate ang cellphone ko. Agad ko naman iyong hinawakan at tiningnan. Pero mabilis din akong natigilan at napalingon kay Yuri nang maramdaman kong nakatingin pa rin ito sa akin. “Tss. Wala daw hinihintay na text,” mahinang sabi niya kasabay ng marahan na pag-iling niya at pagkuwan ay tuluyan na ngang umalis sa tabi ko at lumabas ng kwarto. Nakagat ko na lamang ang ibabang labi ko saka ko muling binalingan ng tingin ang cellphone ko at mabilis na binuksan ang text message mula kay Josh Rain. From Josh Rain: Dinner ka na (smiley emoji) Mabilis akong nagtipa ng reply sa kanya. To Josh Rain: Nakapaghapunan na ako. Ikaw, kain ka na (smiley emoji) Wala pang ilang segundo ay nag-reply na ulit siya sa akin. From Josh Rain: Ang bilis naman. Wala na akong kasabay (sad emoji) To Josh Rain: Wala kang kasabay kumain? From Josh Rain: Wala. Well, I’m used to it naman (laugh emoji) Sa pagka-curious ay hindi ko na naiwasang hindi magtanong sa kanya tungkol sa parents niya. To Josh Rain: Bakit wala kang kasabay kumain? Hmm… how about your parents? Limang minuto ang lumipas bago muling nag-reply si Josh sa akin. From Josh Rain: Wala sila. Simpleng reply niya sa akin. To Josh Rain: Wala? From Josh Rain: Yup. Busy sila as usual dahil sa business nila. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng lungkot para sa kanya. Nabanggit sa akin noon ni Ate Rica na only child lang si Josh Rain, at ngayon ay nalaman ko pang lagi lang pala siyang mag-isa dahil laging busy ang parents niya. To Josh Rain: Hmm… si Ate Rica? From Josh Rain: Nasa apartment niya. Sa Parañaque. Nandito kasi ako sa Intramuros. To Josh Rain: Intramuros? Ang layo naman. Akala ko same kayo ni Ate Rica na taga-Las Piñas? From Josh Rain: Yup. But dito ako nauwi sa condo ko para malapit lang sa school kung may pasok ako (smiley emoji) ‘Ay wow, de-condo!’ bulong ng isip ko sa sarili ko pagkabasa ko ng reply niya sa akin. Umayos ako ng upo saka muling nagtipa ng reply sa kanya. To Josh Rain: Ang layo mo pala. Saan school mo? From Josh Rain: Hindi mo pala alam (sad emoji) sa Mapua school ko. Architecture course ko. Nakagat kong muli ang ibabang labi ko pagkabasa ko ng reply niya saka ako muling nagtipa ng ire-reply sa kanya. To Josh Rain: Hindi ko pa alam at madami pa akong gustong malaman tungkol sa iyo (blushing smiley emoji) Ilang segundo lang pagka-send ko ng reply sa kanya ay nag-vibrate din kaagad ang cellphone ko dahil sa reply niya. Tatlong blushing smiley emoji ‘yong reply niya sa akin at hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na hindi mapangiti dahil doon. To Josh Rain: Kain ka na (laugh emoji) Reply ko na lamang sa kanya. Bigla akong nakaramdam ng pamumula sa magkabilang pisngi ko. Nahawaan ako ng emoji na ni-reply niya sa akin. From Josh Rain: Yup, nakain na nga po (laugh emoji) To Josh Rain: Kain ka muna kaya? Mamaya ka na lang mag-reply (laugh emoji) From Josh Rain: Bakit naman? (sad emoji) To Josh Rain: Para lang maayos pagkain mo. From Josh Rain: Pero mas maayos pagkain ko kung kausap kita. Bigla akong naubo sa naging reply niya sa akin at mas lalo kong naramdaman ang pag-init ng magkabilang pisngi ko. Mabuti na lang at walang ibang tao ang nakakakita sa akin ngayon dito. Nagpatuloy kami sa pag-uusap ni Josh sa pamamagitan ng pakikipag-text sa isa’t isa. Hanggang sa hindi na namin namalayan pareho ang oras. Inabot na kami ng alas onse ng gabi sa patuloy na pagpapalitan ng text message. To Josh Rain: Hindi ka pa inaantok? From Josh Rain: Inaantok ka na? To Josh Rain: Hmm… medyo lang. From Josh Rain: Late na pala (laugh emoji) hindi ko na namalayan ‘yong oras. To Josh Rain: Same (laugh emoji) From Josh Rain: Tulog na tayo? To Josh Rain: Inaantok ka na? Marahan akong napakamot sa noo ko dahil sa naging reply ko kay Josh. Nagmukha tuloy na parang ayaw ko pang matulog at gusto ko lang na kausap pa rin siya. Kaya naman habang wala pa siyang nagiging reply sa akin ay muli akong nag-type sa cellphone ko ng ise-send sa kanya. To Josh Rain: Matulog na tayo. Late na (laugh emoji) good night— Pero hindi ko naituloy ang pagta-type ng ite-text sa kanya dahil nag-reply na kaagad siya at nabasa ko iyon nang lumabas iyon sa notification sa taas ng cellphone ko. From Josh Rain: Can I call you? Iyon lang naman ang reply niya sa akin pero hindi ko alam kung bakit biglang kumabog ang dibdib ko dahil doon. To Josh Rain: Oo naman (smiley emoji) Wala pang isang minuto pagka-send ko no’n sa kanya ay tumunog na ang cellphone ko dahil sa tawag niya. Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga at mabilis na napaupo sa kama. Mas lalong kumabog ng malakas ang dibdib ko. Marahil ay dahil ito sa kaba dahil ito ang unang beses na maririnig ko ang boses niya. Nagpatikhim ako ng dalawang beses bago ko sinagot ang tawag niya. Narinig ko naman ang pagtikhim din niya mula sa kabilang linya bago siya nagsalita. “Hello?” “H-Hello…” mahina at nauutal na tugon ko sa kanya. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya mula sa kabilang linya. Pagtawa na para bang may halong pagkahiya. “Ang cute naman ng boses mo,” saad niya na siyang ikinangiti at ikinakunot ng noo ko. “Huh?” “Anong favorite song mo?” pagkuwan ay tanong niya sa akin. Malalim ang boses niya. “Uhm… actually, lahat ng kanta ng 4SBLUE gusto ko—” Natigilan ako sa sinasabi ko nang marinig ko ang mahinang pagsinghap niya mula sa kabilang linya. “Sila na naman,” aniya. “Huh?” “Gusto mo talaga sila?” tanong niya. “Oo. Gusto ko sila.” “Parehong-pareho kayo ni Sissy,” wika niya na siyang ikinatawa ko nang mahina. “Bakit? Ayaw mo ba talaga sa kanila?” natatawang tanong ko. Para kasi itong bata na nagrereklamo. “Hindi naman sa ayaw. Ayaw ko lang na mas gusto niyo sila ni Sissy. Ayaw kong mas gusto mo sila kaysa sa akin,” tugon niya sa akin na siyang bahagyang nagpatigil sa akin at mas lalong nagpakabog na naman sa dibdib ko. “Huh?” Narinig ko ang mahinang pagngisi niya mula sa kabilang linya. “May isang kanta sila na nagustuhan ko no’ng narinig kong pinapatugtog ni Sissy,” saad niya sa akin. “Anong kanta iyon?” “Iyong kanta nila na Where You Are,” tugon niya sa akin na siyang nagpangiti sa akin kahit na hindi naman niya ako nakikita dahil magka-voice call lang naman kami. “Maganda nga iyon. Gustong-gusto ko din iyon,” masayang tugon ko sa kanya. Pagkuwan ay nakarinig ako ng pag-strum ng gitara mula sa kabilang linya. “Kakantahin ko para sa iyo,” saad niya at kasunod na no’n ang pagkanta niya habang tumutugtog ito ng gitara. Ilang beses kong nakagat ang ibabang labi ko dahil sa labis na pagngiti habang pinakikinggan ko ang pagkanta niya mula sa kabilang linya. Malalim ang boses niya at masarap pakinggan ang tinig niya. Hindi ko alam na magaling pala siyang kumanta, though nabanggit naman na sa akin ni Ate Rica noon na mahilig itong tumugtog ng gitara. “I'm searching where you are. Can you see what I need? It's where you are. I'll always be right there, baby. Always be right there, baby. You know? When I can be where you are, only then I will shine bright.” At nang gabing iyon, wala na akong ibang naramdaman kung ‘di ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko dahil sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD