NADIA Pagpasok pa lang niya sa club, nakita niya ang nagkukumpulan ang mga kasamahan niya sa bar counter. Hindi pa sila open kaya malaya ang mga itong nakikipagchismisan. Lalo na ngayon ay parang may pinapanood ang mga ito. Nagtataka siyang lumapit sa kasamahan niya. Ang ingay kasi nila kaya hindi niya maintindihan kung ano ang pinapanood ng mga ito. "Ang ganda ng garden wedding nila, ano? Ang swerte ni Ma'am Patricia kasi sobrang bait ng mapapangasawa niya. Hay! Nakakainggit naman!" "Oo nga! Sa gwapo, at mabait ng boss natin kaya maswerte siya. Walking green flag si boss!" Habang papalapit siya sa kinaroroonan ng mga ito ay agad siyang Tumikhim. Nang makita siya ay agad na nagsipulasan ang mga ito, at binati siya. ''Good Evening, Ma'am Nadia!" They greet her in unison. Napatingin

