DAVE Nagising na lamang siya sa sobrang ingay ng nasa labas mula sa kanyang pintuan. Katok, at sigaw ang naririnig niya. Agad niyang tinalukbong ang kumot upang bumalik sa pagtulog, subalit hindi pa rin tumigil sa pagkatok. Para ngang sisirain nito ang pintuan niya. Bumalikwas na lamang siya sa kama dahil sa kalabog galing sa labas. Napahilot siya ng kanyang noo dahil para sasabog ang utak niya. Naparami pala ang inom niya kagabi ng alak. “Can you just wait!” naiiritang sigaw niya sa kung sino man ang gumambala sa tulog niya. Napabuga siya ng hininga. Tumungo siya sa banyo upang maghilamos, at magsipilyo. Kahit nasa banyo ay rinig na rinig niya ang kalabog. Napailing na lamang siya. Mabilis niyang tinapos ang paghilamos, at pagsipilyo niya. Lumabas na rin siya sa banyo, at tumungo sa p

