CHAPTER 28 (PART 1)

1392 Words

NADIA Pagkalabas niya sa airport ay nakita niya si Sir Nathaniel na nakaabang na pala sa tapat ng airport. Ibang oras kasi ang flight nila kaya nakarating na ito bago siya. Hindi niya inaasahan na nasa tapat na pala ito ng airport, at naghihintay sa kanya. Nakabukas pa ang bintana nito. Maaliwalas ang mukha nitong kumaway sa kanya. “Hi, Nadia! Halika ka na, at ihahatid kita sa inyo.” Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa kaya pumasok na siya bitbit ang maliit niyang bag na dala. Hindi naman siya magtatagal dito kasi babalik siya kaagad sa Maynila. Pati rin ito ay uuwi rin kasama niya dahil may trabaho rin itong tapusin. Dalawang araw lang naman ang stay nila rito. Si Sir Nathaniel ay lumiban dahil sa kasal ni Dave ngayon. Best man ito kaya hindi pwedeng mawala sa kasal ng kaibigan nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD