bc

May Rain's Tears (Filipino)

book_age16+
3
FOLLOW
1K
READ
student
drama
tragedy
school
slice of life
like
intro-logo
Blurb

Hanggang kailan ka ba maghihintay ang dalagitang si May Rain del Rosario sa muling pagbabalik ng kanyang minamahal?

Ilang patak pa ba ng mga luha ang kailangang niyang ipagkaloob upang muli itong makapiling?

Panghahawakan pa ba niya ang pangako nito o hahayaan na lamang niyang lunurin siya ng kanyang pangungulila?

©Mysterious Eyes | Xerun Salmirro

chap-preview
Free preview
Unang Patak - Paglisan
"Halika ka na nga rito..." Ito ang paulit-ulit na sinasabi ng dalagitang si Princess sa kanyang kaibigang babae. Nasa tabi siya ngayon ng kalsada para abangan ang pagdating ng kanilang school bus. Samantala, ang kanyang kaibigang si May Rain ay tahimik lang na nakaupo sa waiting shed sa labas ng kanilang paaralan. Hindi na nakatiis pa si Princess kaya nilapitan na niya ang kanyang kaibigang kanina pa nagmumukmok. "May, 'di ba sinabi ko na sa 'yo, na 'wag mo ng isipin 'yon," paalala niyang muli rito. "Cess, 'di ko maalis na 'wag isipin e," sagot ni May na mas lalo pang lumungkot ang mukha. "Ano ka ba? Baka kaya 'di siya nagre-reply sa 'yo dahil wala siyang load 'no," giit niya. "Pero 'di gano'n si Dino," pangangatwiran pa ni May, "'Di niya nakakalimutang mag-text sa akin…" Inilabas pa niya ang kanyang cellphone upang tingnan kung may bago siyang text message mula sa kanyang kasintahan, na kanina pang umaga niya tine-text. Hindi rin ito pumasok sa eskwela ngayong araw kaya naman hindi rin sila nagkita nito. "Baka naman na-lowbatt? Ano ka ba?" pagkukumbinsi pa ni Princess sa kanya. "Baka iba ang dahilan… Hindi siya nagte-text sa 'kin kung---" "Kung ano???" Sinadyang putulin ni Princess ang sasabihin ni May dahil napapansin niyang ano mang sandali ay iiyak na ito. "Baka galit siya sa akin." Tuluyan na ngang pumatak ang mga luhang kanina pa pinipigilan ni May. "Ano naman ang ikakagalit niya sa 'yo?" Alam ni Princess na hindi kailanman nagawang magalit o magtampo ni Dino sa kanyang kaibigan dahil mahal na mahal siya nito. "Kasi Cess, nagtampo ako sa kanya nang 'di siya pumunta sa birthday party ko sa bahay," paliwanag nito. "‘Kaw talaga. May tampo-tampo ka pang nalalaman…" sita niya habang pinupunasan ng kanyang sariling panyo ang mga luha ni May. "Ewan ko ba. Basta sabi ko sa kanya, dapat nando'n siya pero 'di siya pumunta e." "Alam mo na namang mahiyain 'yong boyfriend mo," pangaral niya, "and 'di ba, hindi pa kayo official sa family mo." "Pero dapat kahit gano'n pumunta pa rin siya…" matapos niyang sabihin ang mga ito ay natahimik na si May. Naisip na rin niyang tama ang mga sinabi ni Princess sa kanya. "At paano mo siya ipakikilala sa kanila? Kaklase mo lang? Hello?" natatawa pang sabi sa kanya nito. "Sige tama ka na… Iti-text ko na lang siya mamaya para mag-sorry," nakangiti na rin niyang sagot. "Hayaan mo, kung may tampo nga siya sa 'yo lilipas rin 'yon. Mahal na mahal ka no'n…" pagbibiro pang muli ni Princess. "Oo na alam ko 'yon," pagmalaki pa niyang sagot. " Pasa-load mo na rin baka wala ngang load," hirit pa ni Princess. "'Kaw talaga, umuwi na nga tayo…" Huminto nang ilang metro mula sa kanilang kinaroroonan ang school bus kaya sabay na silang naglakad palapit rito. Habang palapit sa paborito nilang upuan ay nagbibiruan pa rin ang magkaibigang May Rain Del Rosario at Princess Jallorina. Tinutukso ni May si Princess dahil nakasalubong nila ang matagal na nitong crush na si Adrian James. Pulang-pula tuloy ang mukha ni Princess sa sobrang hiya. Wala siyang lusot dahil wala silang inililihim na sikreto sa isa't isa. Matalik na silang magkaibigan noon pa man. Nagkakilala sila noong sila ay kapwa nasa grade six pa lamang. Mahiyain kasi si May kaya nilapitan siya ni Princess para itanong kung kamusta ang nakaraang bakasyon niya. Nagkakwentuhan sila hanggang sa nagkapalagayan na rin sila ng loob. Naging magkaklase pa sila sa High School kaya lalo silang napalapit sa isa't isa. Sabay nilang sinuong ang pagdadalaga. Mga hinahangaang lalaki, maging mga nakaalitang kaklase. Nakahanda silang damayan ang isa't isa sa lahat ng oras. Gaya na lamang sa pagkakataong ito. Hindi maiiwasang magkaroon na 'di pagkakaunawaan sa isang relasyon pero nariyan si Princess para damayan si May. S'yempre para palakasin din ang loob niya at kung minsan ay pangaralan pa. "Oh sige, text-text na lang ha…" bilin pa niya kay May na papasok na sa loob ng gate ng kanilang bahay. "Okay, pero mamaya na pagnag-reply na si Dino, a?" pabirong sagot sa kanya nito. "Oo na nga. Basta mag-text ka kung okay na kayo." "Sige. Good Night na." "Good night din sa 'yo." Ganito ang araw-araw nilang ginagawa. Sabay silang bumababa ng school bus kahit pa sa ikatlong bahay mula sa bahay nila May pa dapat bumaba si Princess. -------------------------------------------------------------------------------------------- SAMANTALA, sa isang maliit na paupahang bahay sa barangay Karuhatan, Valenzuela City ay hindi magkamaliw ang mga taong nag-uusyoso sa nangyari sa kanilang kapitbahay. May mga pulis na ring dumating upang tulungan ang mag-asawang Amando at Lerma Moral. Umiiyak pa sa balikat ng kanyang asawa si Lerma nang pumasok ang mga pulis. Pinanatili namang kalmado ni Mando ang sarili para sa kanyang asawa. "Hindi na po kami magpapaligoy pa. Ano po ba ang mga nangyari?" magalang na tanong ng isa sa mga pulis, na si SPO1 Christopher Dela Torre. "Nawawala po ang aming anak na si Dino, Sir." sagot ni Lerma, na kahit sandali ay pinilit na kumalma. "Kailan naman po ninyong nalamang nawawala na siya?" usisa naman ni SPO1 Alvin Salas, na naglabas na ng isang maliit na notebook na siyang pagsusulatan niya ng mga impormasyong makukuha. "Kanina lang pong umaga, Sir," sagot ni Mando. "Dapat gigisingin ko na siya kaninang umaga para pumasok sa eskwela pero wala na siya sa kanyang higaan?" dagdag pa ni Lerma sinabi ng asawa. "May mga gamit po ba siyang nawawala?" usisa naman ni SPO1 Dela Torre. "Sa palagay ko po ay wala naman. "Yong pulang T-shirt at pantalon po niya ang maaaring suot niya ng umalis." "Sir, may kutob po akong naglayas ang aming anak," sabad bigla ni Mando. "Mando…" ani Lerma habang nakatitig sa kanyang asawa. Duda na rin siya na ganoon ang nangyari pero ano ang dahilan ni Dino upang maglayas? Hindi naman nila napapagalitan ito dahil napakabait at masunurin nitong anak. "Tama po kayo ng palagay, mukhang naglayas nga ang batang si Dino," pagpapatunay ni SPO1 Salas sa nasabi ng ginoo. Nagkatitigan muli ang mag-asawa dahil sa kanilang narinig. Hindi nila lubos maisip na magagawa iyon ng kanilang anak. "Kagabi po misis, hindi n'yo po ba napansin o naramdaman man lang na wala na siya sa kanyang higaan?" biglang tanong ni SPO1 Dela Torre. "Hindi naman po kasi po masakit ang buo kong katawan kaya nakatulog agad ako," direktang sagot ni Lerma dahil marami siyang labahin kahapon kaya kahit medyo masakit ang kanyang ulo ay ipinagpatuloy niya ang paglalaba. "Iyong mga anak po ninyo?" "Sabi ng panganay kong si Darius. Mahimbing na raw na natutulog ang kapatid niya, pagpasok niya sa kanilang kwarto," paliwanag ni Lerma, "…naghihilik pa nga raw po." Napag-isip si SPO1 Salas sa kanyang narinig. Kaya agad niyang tinanong kung anong oras umuwi ang panganay nilang anak. "Nag-overtime po siya noon sa kanyang trabaho kaya pasado alas dyis medya na raw po siya nakauwi," nagtatakang sagot ni Lerma. "Bakit po ba, Sir?" usisa na ni Mando. "Ganito kasi 'yon," agad na sagot ng pulis sa kanya, "Kung dumating ng gano'ng oras si Darius, maaaring hinintay muna ni Dino na makatulog ang kanyang kapatid bago siya umalis," paliwanag niya sa maaaring ginawa ni Dino. "Maaaring tama po kayo pero wala kaming naiisip na maaaring puntahan ni Dino sa gano'ng dis oras ng gabi," paliwanag naman ni Mando. "Oo nga po," sang-ayon sa kanya ni Lerma. "'E wala po ba kayong alam na pupuntahan niya?" Napailing ang mag-asawa sa tanong ni SPO1 Salas. Wala silang alam na kaibigan ni Dino na maaari niyang puntahan. Ultimo walang kaibigang isinasama ang binatilyo sa kanilang bahay. "Ano pong gagawin natin ngayon, Sir?" usisa ni Lerma sa mga pulis. "'Wag po kayong mag-alala mister, misis. Gagawin po namin ang lahat para mahanap siya," sagot ni SPO1 Salas. "Salamat po sa inyo," magkasabay na pasasalamat ng mag-asawa. "Tungkulin po namin ito," malumanay na sagot ng dalawang pulis na tumayo na upang magpaalam. "Sir, 'eto po ang litrato ng anak ko," ani Lerma sabay abot ng litrato kay SPO1 Salas, na kanina pa niya mahigpit na hawak. "Makakatulong po ito." "Naghanda po kami ng hapunan para sa inyo, kain po muna kayo," paanyaya naman ni Mando. "'Wag na po, may lalakarin pa po kasi kami e'. Salamat na lang po," magalang na sagot ni SPO1 Salas. "Paano po mauna na po kami," ani SPO1 Dela Torre, "Tatawagan na lang po namin kayo kapag may balita na." "Salamat po uli. Ingat po kayo," sagot ni Lerma nang ihatid na niya sa pintuan ang dalawang pulis. Hanggang sa makaalis ang mga pulis ay naroon pa rin ang mga kapitbahay ng mag-asawa. Kahit naipagbigay alam na nila sa kinauukulan ang pagkawala ni Dino ay hindi pa rin mawala ang labis na pag-aalala ni Lerma sa kanyang anak. Kinakabahan siya nang sobra dahil sa paglalayas nito, na hindi niya mawari kung bakit. -------------------------------------------------------------------------------------------- MATAPOS kumain ng hapunan ay nagkulong na sa kanyang silid si May. Nagbukas siya ng kanyang computer at binuksan ang account niya sa f*******:. Napangiti siya nang pagmasdan niya ang mga larawan nilang dalawa ni Dino. Kuha ang mga iyon sa kanyang cellphone na N70, na in-upload niya sa kanilang computer. Isang guwapong binatilyo si Dino Moral kaya bagay na bagay sila ni May. Matangkad na medyo may payat na pangangatawan ngunit matikas naman ang tindig. Maikli lamang ang kanyang buhok na bahagyang nakataas dahil sa gel. Bilugan ang kanyang mukha na nagtataglay ng may kakapalang mga kilay. Singkit na mga mata na natatakpan ng salamin. Medyo malabo na ang kanyang mga mata nito dulot ng sipag sa pag-aaral. Matangos din ang kanyang ilong at may mapulang labi, na kaakibat ng kanyang magandang ngiti dulot ng kanyang dalawang dimples sa pisngi. Biglang napabaling ang atensyon ni May sa isang litratong kuha sa Intramuros noong nagkaroon sila ng lakbay-aral doon. Nakakakilig ang kuha nilang ito ni Dino. Muntik na silang magkahalikan dahil itinulak siya ni Princess palapit kay Dino kaya nadulas siya at napayakap sa boyfriend niya. "Ito ang nakakatawang picture namin. Pasaway talaga si Princess." Biglang niyang naisip na bisitahin naman ang f*******: account ni Dino. Mas lalo siyang natuwa habang tinitingnan ang mga ng larawan dito kung saan halos lahat ay larawan niya. Mahilig talaga siyang kuhanan ni Dino kahit saang anggulo, na laging panakaw pa. Mahal na mahal ni Dino si May. Noong una silang magkita ay nabighani agad siya sa kakaibang kagandahan nito, na walang lalaking hindi maaaring mapansin iyon. Siya rin ay isang matangkad na dalagita na balingkinitan ang katawan. May tila kumikinang na mahabang buhok, na hanggang beywang. Napakalinis niya sa sarili kaya ultimo tagyawat ay wala siya. Maaakit ka naman sa kanyang mga mata na kulay berde at mga matangos na ilong, na parehong minana niya sa kanyang banyagang ama. Higit sa lahat, taglay niya ang matatamis na ngiti dulot ng kanyang maninipis na pulang labi at dalawang malalim na dimples sa kanyang mga pisngi. Coz, there's something in the way you look at me… Isang text ang dumating mula kay Princess. Tinatanong ng kanyang kaibigan kung nagkaayos na ba sila ni Dino. Ito ang kanyang sinagot : Hndi pa xa reply eh… Bkit kya d xa reply? Ewan q b, cguro tmp0 p rin xa s akin… Ito ang iniisip niya ngayon kung bakit hindi pa rin siya sinasagot ni Dino. Pero bakit nga kaya? Hindi naman ganito noon si Dino dahil hindi nito magawang magalit sa kanya. Bka iba ang C0z ng glit nia? Ha? wat nman un?...eh Luv n Luv ka nun! d q na alam now… Uy, wg na u sad ,llpas rn un. punthn ntin xa sa r00m nla bkas, pra usap keo… Cge ok un, thank u ha Cess. Ala un, bsta ok k n ha…Bye n slip n me,,, gUd nyt…swit drimz… Nite Nite 2 ; ) Matapos magpaalam kay Princess ay muling nag-text si May kay Dino. Good nyt mahal q :) Sori na ha...Luv u so much! Nakatulog na siya sa paghihintay ng sagot ni Dino kaya hindi pa rin maalis sa isip niya ang tunay na dahilan ng pagtatampo nito sa kanya. Bandang alas dose y media ng madaling-araw nang muling tumunog ang kanyang cellphone ngunit hindi na niya iyon nabasa dahil mahimbing na siyang natutulog. Nakalimutan nga rin niyang isara ang bintana sa kanyang kuwarto. Itutuloy... ©Mysterious Eyes | Xerun Salmirro

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.1K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook