Story By Xerun Salmirro
author-avatar

Xerun Salmirro

ABOUTquote
I am the One behind those mysterious eyes... A mysterious writer since 2008. A published author since 2014. A lifetime reader.
bc
Love Over Vengeance (Filipino)
Updated at Sep 11, 2021, 20:34
Paghihiganti ang nangingibabaw sa isang dalaga, na naulila sa bisperas ng kanyang ikalabinwalong kaarawan. Pagsisisi ang nananaig sa isang binata, na piniling lumayo para sa katahimikan ng kanyang kinikilalang pamilya. Paano kung magtagpo ang kanilang mga landas, mababago pa ng pag-ibig ang kanilang nararamdaman? 2021©Mysterious Eyes | Xerun Salmirro All rights reserved.
like
bc
Oh, My Sardin! (Filipino)
Updated at Sep 7, 2021, 17:08
Subaybayan ang pakikipagsapalaran ng isang dalagang nagngangalang Sharon Quebeta o Mega, na may angking ganda na hindi mo inakala... Masungkit kaya niya ang mailap na puso ng natatangi niyang iniibig na si Ligorio Youngstown Jr.? Ano ang kayang niyang gawin upang malasap ang pinagpapantasyahan niyang katawan ni Junior? Titiisin niya ang lahat hanggang sa mapasigaw siya ng, Oh, My Sardin!' ©Mysterious Eyes | Xerun Salmirro
like
bc
May Rain's Happiness (Filipino)
Updated at Aug 29, 2021, 07:17
Sa paglipas ng ilang taon, muli pa kayang lumigaya ang puso ni May Rain del Rosario na pinangingibabawan nang matinding pangungulila? Muli pa kayang mamutawi sa kanyang mga labi ang isang matamis na ngiti? 2021© Mysterious Eyes | Xerun Salmirro
like
bc
May Rain's Tears (Filipino)
Updated at Aug 25, 2021, 06:13
Hanggang kailan ka ba maghihintay ang dalagitang si May Rain del Rosario sa muling pagbabalik ng kanyang minamahal? Ilang patak pa ba ng mga luha ang kailangang niyang ipagkaloob upang muli itong makapiling? Panghahawakan pa ba niya ang pangako nito o hahayaan na lamang niyang lunurin siya ng kanyang pangungulila? ©Mysterious Eyes | Xerun Salmirro
like
bc
Krayo's Wife (Filipino)
Updated at Aug 22, 2021, 00:41
Gaano mo kakilala ang iyong asawa? Sa pagkawala ng mga paningin ni Krayo Magalona, unti-unti niya ring makikilala ang totoong pagkatao ng kanyang asawang si Kylie. Sapat nga ang kanyang pagmamahal kay Kylie upang matanggap niya ang lihim nito? ©Mysterious Eyes | Xerun Salmirro
like
bc
Thirteen (Filipino Horror Anthology)
Updated at Jan 27, 2021, 01:04
Handa ka na rin bang mapabilang sa kanilang labintatlo? Halina't kilalanin ang bawat isa sa kanila. Mysterious Eyes | Xerun Salmirro
like
bc
Koleksiyon 2 - Exeriel Yvo Eyo (Filipino)
Updated at Jan 16, 2021, 21:13
Kilalanin ang isang binatang mahilig sa mga mata. Si Exeriel Yvo Eyo. Ano ang kailangan niyang gawin upang maipagpatuloy ang paglilihim sa natatangi niyang koleksiyon? ©Mysterious Eyes | Xerun Salmirro
like
bc
Victoria Avila (Filipino)
Updated at Jan 9, 2021, 18:16
Sampung taong nawalay ang binatang si Yoseff Gonzaga sa kanyang inang si Amelia kaya nang mamatay ang lola niyang si Alicia ay napasyahan nitong isama na siya sa mansiyon ng pinagsisilbihan nito. Sa mansiyon ng mga Avila niya makikilala ang dalagang si Victoria na sa una ay nakikita lamang niya sa mga larawan sa buong bahay. Base sa mga iyon, masasabi niyang katangi-tangi ang taglay nitong kagandahan. Ito ay may maputi at makinis na balat. May napakahaba at itim na itim na buhok na hanggang sa sa pang-upo nito. Matangkad at balingkinitan ang katawan. Bilugan ang mukha nito, na may matangos na ilong at maninipis subalit mapupulang mga labi. Ayon pa sa kanyang ina, may lahing Espanyol ang pamilya Avila kaya ganoon ang katangiang taglay ni Victoria. Sa kanilang unang pagtatagpo, agad na mahuhulog ang loob ni Victoria kay Yoseff, na kalaunan ay unti-unti na ring iibigin nito. Isang pag-iibigang mauuwi sa ilang beses nilang pagsasalo sa kaligayahan. Subalit lingid sa kaalaman ni Yoseff, isang lihim ang unti-unti rin niyang malalaman tungkol sa pagkatao ni Victoria. Matatanggap kaya niya ang lihim na gawain nito lalo pa kung isa siya sa posibleng maging bahagi niyon? Mysterious Eyes | Xerun Salmirro
like
bc
Exeriel's Heart (Filipino)
Updated at Jan 9, 2021, 18:14
Handa ka bang ipaglaban ang iyong pagmamahal sa taong minsan ka nang tinanggihan? "Hindi nakalilimot ang puso ng taong wagas ang pagmamahal." ©Mysterious Eyes | Xerun Salmirro
like
bc
Kaleidoscope (Filipino)
Updated at Nov 18, 2020, 21:00
Isang kaleidoscope ang naging tulay sa pagtatagpo ng magkaibigang sina Raymond at Jerome. Subalit ito rin ang magiging daan upang sila ay magkalayo. Sa paglipas ng mga taon, maraming pagbabago ang naganap sa kani-kanilang mga buhay. Hanggang sa unti-unti na ring sinira ng panahon ang kanilang pagkakaibigan. Sa muli nilang pagtatagpo, mapatawad pa kaya nila ang isa't isa? O posible rin kayang manumbalik ang isinisigaw ng kanilang mga puso, na hindi na nila nabigyan ng pagkakataong maipahayag noon? "Gaya ng mga kristal o malilit na bato sa loob ng isang kaleidoscope tayo ay magkakaroon o makakaranas ng iba't-ibang pagbabago sa ating mga buhay, sa bawat pag-ikot ng mundo. Ang mahalaga ay may matuto tayong sumabay sa bawat pag-ikot nito." ©Mysterious Eyes | Xerun Salmirro
like
bc
My One and Only, YOU (Filipino)
Updated at Jun 21, 2020, 18:36
"Hinding-hindi ko hahayaang mawala ka sa aming buhay. Kahit gaano pa katagal, maghihintay kami sa paggising mo." ???????????? "September 04, 2015." Wala siyang kaalam-alam na isang surpresa ang ihinahanda ni Yuan nang araw na iyon. Nagpunta siya sa isang malaking mall upang suportahan ang booksigning nito roon. Pero gulat na gulat siya nang malaman niyang wala pa lang event na nagaganap. Tanging ang limang libro na isinulat ni Yuan, na nakalatag sa isang mesa ang nakita niya roon. Akma na sana siyang aalis pero tila may nag-udyok sa kanyang buklatin ang His Last Smile. Hindi nga siya nagkamali sa kanyang ginawa. Unti-unting nangilid ang kanyang mga luha nang mapansin niyang may dalawang salita na nakasulat sa bookmark na nasa gitna nito. Agad niyang binuklat ang iba pa nang maisip niya ang ibig sabihin ng mga iyon. Hanggang sa tuluyan na siyang napaiyak nang mabasa niya ang kabuuan ng mga mensaheng nakaipit sa mga librong iyon; Will you marry me, My One and Only, Margarette Eyo? Ilang sandali pa ay lumabas na si Yuan na may hawak na isang malaking bouquet ng mga pulang rosas. Agad din itong lumuhod sa kanyang harapan at ipinakita ang isang singsing. Hindi agad siya nakasagot ng 'oo' dahil sa sobrang pag-iyak. Niyakap niya na lamang niya ito nang mahigpit at paulit-ulit na bumulong ng 'I love you for a lifetime, My One and Only, YOU." "Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon..." ???????????? 2018©Mysterious Eyes | Xerun Salmirro
like