Ikalimang Patak - Third Month-sary

2133 Words
Dumiretso agad si May sa kanyang kuwarto kaya nabigla siya nang makita niyang nasa kama ang kanyang laptop. "Bakit kaya 'to ibinalik ni Mommy?" Hindi niya naiwasang mapaisip sa tunay na motibo ng kanyang ina pero nagpasalamat na lang siya dahil makokontak pa rin niya si Dino. Nahiga siya sa kanyang kama matapos niyang buksan ang kanyang CD Player. Isinalang niya rito ang kanyang mga paboritong love song ng iba't ibang singers tulad nila Christian Bautista at Erik Santos. Ang CD na ito ay binurn mismo ni Dino, na iniregalo nito sa kanya noong Valentines Day. Unang kantang tumugtog ay ang Say You'll Never Go ni Erik. Ito ang themesong nilang dalawa dahil ito rin ang kanta na kanilang narinig habang sumasayaw sila sa kanilang JS Prom, limang araw na ang nakalilipas. How can I make it through the day Without you You have been so much a part of me (and if you'll go) Ang gabing iyon ang maituturing ni May na pinakamasayang gabi nila ni Dino. Damang-dama niya ang pagmamahal ng kanyang kasintahan sa bawat haplos nito sa mga pisngi niya. Naalala pa nga niya, na pinagtitinginan sila ng iba pang mga estudyante nang gabing iyon dahil sa sobrang ka-sweet-an sa isa't isa. I'll never know what to do How can I carry on my way The memories… When all that is left is the pain of my history Why should I live my life today Sa gabi ring iyon naganap ang kanilang unang halik sa mga labi. Nasa likod sila noon ng stage nang bigla siyang madulas nang maapakan niya suot niyang gown. Mabuti na lamang ay nasalo siya ni Dino pero pareho silang napahiga sa sahig kaya naglapat ang kanilang mga labi nang hindi sinasadya. Ilang segundo din nilang ninamnam ang kanilang unang halik. Say you'll never go Say you'll never go out my way… Say you'll never go For we can still go on And make it through Mas lalo pa niyang napatunayan kung gaano siya kamahal ni Dino nang surpresahin siya nito ng isang simpleng date sa ilalim ng isang puno nang gabi ring iyon. Na naging daan upang magawa nila ang isang bagay na hindi nila akalaing magagawa nila sa maagang panahon. Pero hindi niya ito pinagsisihan dahil mahal na mahal nila ang isa't isa. Just say you'll never go Say you'll never go away… Agad ding napawi ang nararamdaman niyang kasiyahan dahil sa kanyang pag-aalala sa kalagayan ni Dino. "Dino, bumalik ka na," aniya na muli na naman sanang iiyak pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Tumayo siya upang kunin ang malaking pink teddy bear na nakapatong sa kanyang kabinet. Mahigpit niya itong niyakap habang iniisip ang maamong mukha ni Dino. Ito ang regalo nito sa kanya noong kanilang 1st monthsary. Ang bracelet na suot naman ng bear ay regalo rin nito noong kanilang 2nd monthsary. November 22, 2007 ang official date ng kanilang relasyon kaya naman naging napakasaya ng pagseselebreyt nila ng nagdaang Pasko at Bagong Taon, s'yempre pati na rin ang Valentines Day. "Two days na lang..." Tumulo na ang kanyang mga luha nang maisip niyang dalawang araw na lang pala ay magtatatlong buwan na sila ni Dino. "Sana ang pagbabalik mo ang regalo mo sa 'kin," simpleng hiling pa niya. Inilapag na niya ang malaking teddy bear sa kanyang tabi nang maisip niyang tingnan ang mga pictures nila noong JS Prom. Pagbukas pa lamang niya ng kanyang f*******: account ay napabaling agad ang kanyang atensyon sa isang friend request sa kanyang notifications. Mula ito sa isang user na nagngangalang Light Angel, na mga pakpak ng anghel ang primary picture. Naisip muna niyang bisitahin ang profile nito bago siya makapagdesisyong kung ia-add niya ba ito o hindi. Pero wala ng iba pang detalye tungkol sa taong iyon, maliban na lang sa isang album na punong-puno ng mga larawan niya. "Bakit kaya mayroon siya ng pictures ko?" Halos lahat ng mga larawang makikita rito ay kopya ng mga larawan sa kanyang account at ng kay Dino. Dahil sa sobrang pagtataka kung sino ba talaga 'tong Light Angel na ito, naisip niyang mag-comment sa isang picture doon. Kung sino ka man, bakit mo naman kinopya lahat ng pictures ko sa account ko at sa boyfriend ko? Anong dahilan mo para gawin yun ha?! Kung ano mang trip mo, please lang wala akong time para sa 'yo! "May gusto kaya siya sa 'kin?" Napaisip rin siya sa motibo ng taong iyon. Hindi kaya tama nga ang nasa isip niya, na maaaring may gusto sa kanya ang taong ito? Stalker niya o secret admirer? Matapos ipadala ang naturang mensahe ay tinignan na niya ang mga wall post sa kanyang profile. Napangiti siya nang makita ang isang video na itinag sa kanya ni Dino. "Kahit kailan ang sweet mo talaga mahal ko..." Sabik na sabik niyang pinanood ang video na may pamagat na The One Who Won My Heart. Hindi niya napigilan ang kanyang pagkakilig habang ipinapakita ang slideshow ng kanyang mga picture. Bawat isa ay may nakasulat na deskripsyon sa kanya ni Dino. Gaya ng beautiful, intellegent, brave, cute, etc. S'yempre ang kantang The One Who Won my heart ni Christian Bautista ang background music. Coz there's something in the way you look at me It's as if my heart knows you're the missing piece… "Dino, mahal na mahal mo talaga ako..." aniya habang hinahaplos pa ang larawan ni Dino sa kanyang wallet, "Pero bakit ka umalis nang 'di man lang nagpapaalam sa 'kin? Sana isinama mo ako..." You make me believe that there's notheing in this world I can't be I'd never know what you see But there's something in the way you look at me… "Pero, pa 'no ko pa malalaman na naalala mo 'ko, kung na kay Mommy ang cellphone ko?" aniya muli patungkol sa ginawa ng kanyang ina, "Aam ko naman na gagawa ka ng paraan para makausap mo ako, kahit sa computer pa." Biglang niyang naisipang buksan ang kanyang Messenger. Nagbabakasakali siya na naka-online si Dino sa mga oras na iyon. Nagkamali siya ng akala dahil hindi na naka-online pa si Dino pero may iniwan itong mensahe para sa kanya. Isang voice message na nagsasabing : "Tandaan mo… Mahal na mahal kita. Kahit anong mangyari narito lamang ako sa tabi mo. Aalagaan at babantayan kita, May Rain…" If I could freeze the moment in my mind Be the second that you touch your lips to mine I'd like to stop the clock make time stand still Coz baby this is just the way I always wanna feel Ntulala siya habang pinakikinggan ang nasabing mensahe. Ngayon lamang muli niya maririnig ang malamig na boses ni Dino, na musika sa kanyang buong pagkatao. "Dino, bakit lagi na lang ito ang sinasabi mo?" aniya nang maisip na halos pareho lang nito ang lamang ng text ni Dino kagabi. "Alam ko na mahal na mahal mo ako, mahal na mahal din kita… Hindi ko kayang mawala ka kaya sana magpakita ka na sa 'kin oh. Bumalik ka na bago pa ang 3rd monthsary natin. Please..." Hindi na niya napigilan ang pangungulila kay Dino kaya muli na namang tumulo ang kanyang mga luha. Umiyak siya nang umiyak habang yakap niyang muli ang kanyang teddy bear. -------------------------------------------------------------------------------------------- "REM, gising na malalate ka na sa practice nyo." Kababangon lang ng binatilyong si Remuel Soriano nang marinig niya ang pagkatok ng kanyang Ate Sasha sa pinto ng kanyang kuwarto. Siya ay isang matangkad na binatilyo, na medyo may konting babyfats. Alagang-alaga kasi siya ng kanyang ina dahil sa kanyang pagiging unico hijo. Maputi at may makapal at maiksing buhok, na nahahati sa gitna. May maamong mukha dahil sa kanyang mga mapupungay na mga mata at matangos na ilong. Idadag pa ang kanyang nakakaakit na mga ngiti. "'Ma, gising na si Bunso..." pabiro pang sabi ng kanyang ate nang makalabas siya. Hindi na lang niya pinansin pa ang pang-aasar nito dahil inaantok pa siya. Magdamag din niyang ginawa ang kanilang project sa T.L.E. Naabutan niyang naghahanda na ng kanilang almusal ang kanyang Ate Sasha habang ang kanyang ina nama'y nagtutupi ng kanilang mga damit. Wala sa sarili siyang naupo sa tabi ng kanyang ina. Maliligo na sana siya pero nananaig ang antok sa sistema niya kaya ipinatong na lang niya ang tuwalya sa kanyang balikat. Isang balita sa telebisyon ang pumukaw sa kanilang atensyon. "Mga kapamilya,…narito po ang ilang mahal sa buhay ng ating ilang kapamilya na nawawalay sa kanilang piling… "Si Dino Moral ay isang labing-anim na taong gulang na binatilyo mula sa Valenzuela City. Isang 4th year student sa Caloocan High School , na apat na araw ng nawawala." "Rem, pareho kayo ng eskwelahan o…" sabi ng kanyang ina. "Ayon sa mga magulang niya, mga bandang alas-onse ng gabi siya nawala. Kinabukasan na nila nalaman iyon, nang 'di na siya makita ng kanyang ina sa kwarto niya. Agad silang nagduda na baka naglayas siya..." "Anak, kung nasa'n ka man bumalik ka na," umiiiyak na pakiusap ng ina nitong si Lerma Moral. "Kawawa naman yung nanay niya. Aalang-alala sa kanya," sabi naman ng kanyang Ate Sasha. "Sa kinauukulan, ipagbigay-alam po lamang ninyo, mga kapamilya kung sakaling makita ninyo siya." Ipinokus sa screen ng telebisyon ang larawan ni Dino Moral. Sa ibaba naman nito ay ang ilang numero ng teleponong maaaring kontakin. Hanapin lamang ang mga taong ito sa numerong: 09184713249- Armando Moral 09284014440- Darius Moral "Ako po muli si Bernadette Sembrano para sa Nasaan Ka Man…" "Kaya ikaw Rem, 'wag na 'wag mong iisiping lumayas kundi ikakamatay ko," pabirong sabi ng kanyang ina sabay gulo sa kanyang mga buhok. "'Ma, 'di ko po 'yon gagawin," nakangiti niyang sagot. "Oo, alam ko naman 'yon," natatawa nitong sagot sa kanya, "Sige kumain ka na nga bago ka maligo…" utos pa nito. "Owwws…" Umiral na naman ang pang-aasar ng kanyang ate. "'Di nga, bunso?" "Ano'ng 'yang tukso-tukso mo r'yan, Sasha?" Hindi na niya pinansin pa ang kanyang ate. Agad siyang naupo sa kanilang lamesa upang mag-almusal na. "'Ma, baka isang araw magtanan na 'yang si Rem…" hirit pa nito. "Ano 'yon, ate?" nakasimangot niyang tanong sa kapatid habang nakatingin sa mga mata nito. "Tama na 'yan," saway ng kanilang ina. "Kunwari ka pa e', nakita ko 'yong mga picture ng magandang babae r'yan sa cellphone mo e," Pero itinuloy pa rin nito ang pang-aasar sa kanya. Binalingan pa nito ng tingin ang nasabing cellphone na nasa kanyang tabi, na isang Nokia 3650. Nagulat ang kanila ina dahil sa narinig kaya napatayo ito at dali-dali lumapit sa kanya. Pero hindi na siya nakapagsalita pa. Oo, may babae na siyang hinahangaan. Napakaganda niya lalo na ang kanyang mga mata. Matangkad siyang babae, na may tila kumikinang at mahabang buhok, na laging nakalugay. At higit sa lahat may matatamis siyang ngiti dulot ng kanyang dalawang dimples sa pisngi. "Oy, ano'ng iniisip mo r'yan, 'a?" Naputol ang kanyang pag-iimahinasyon dahil sa pagsita sa kanya ng kapatid. Hawak na pala nito ang kanyang cellphone at ipinapakita na ang larawan ng kanyang crush sa kanilang ina. "Maganda nga siya, anak," papuri ng kanyang ina rito. "Bagay kayo, Rem," nakangiti pang hirit pa nito sa kanya. "'Ma, ate, akin na 'yang cellphone ko," naiinis niyang pakiusap sa kanila dahil hiyang-hiya na siya ngayon sa kanyang sarili. "Rem, ano bang pangalan niya?" usisa pa ng kanyang Ate Sasha na ayaw talagang bitawan ang kanyang cellphone. Kaya hindi na siya agad nakasagot dahil sa pagkapahiya. "Sabihin mo na," pamimilit pa nito habang nakangiti ng nakakaloko. "E' 'di ko alam kung sino siya," diretsong sagot niya. Nagkatinginan ang kanyang ina at kapatid dahil sa mga sinabi niya. Oo nga naman, paanong mapupunta ang mga larawan ng babaeng iyon kung 'di niya kilala? "'Di mo kilala, Rem?" nagtatakang tanong pa ng kanilang ina matapos ang saglit na pag-iisip. "'Di ko nga po kilala 'yan?" ulit niya, "Hindi po ba nang makita natin 'tong cellphone ay 'di agad nabuksan kasi nga nahulo," pangangatwiran niya. "Nasira nga pala 'yan kaya ngayon lang lumabas 'yang mga pictures na 'yan," dagdag ng kanyang ina sa mga sinabi niya. "Kaya ikaw, Sasha, tigilan mo na 'yang kapatid mo," saway na nito sa kanyang makulit na kapatid. "'Eto na o'," sabi nito sabay abot ng kanyang cellphone "Binata ka na talaga kaya ayaw mong malaman naming may nagugustuhan ka na," pahabol pa nitong sabi. "Bata pa 'yang kapatid mo," sabad ng kanilang ina habang hinahaplos ang ulo niya. Napangiti na lamang siya dahil sa hiya. Parang ayaw na niyang tawagin siyang 'bata' pa dahil labing-anim na taong gulang na siya at nagbibinata na. Pero hindi niya maiaalis sa kanyang ina na ituring pa rin siyang bata dahil mahal na mahal siya nito. Itutuloy... Mysterious Eyes | Xerun Salmirro
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD