Ikatlong Patak - Panyo

1487 Words
Alas-sais na nang umaga ngunit mahimbing pa ring natutulog si May. Kaya hindi niya namalayan ang pagpasok ng kanyang ina sa kwarto niya. "May, wake up!" Naalimpungatan siya dahil sa sigaw nito. "Bakit po, Mommy?" "Totoo bang may boyfriend ka na?" Tinitigan pa siya nito habang tinatanong kaya alam niyang napansin nitong nagulat siya sa kanyang narinig. "Wala po," diretso niyang sagot pero nanaig pa rin ang kaba sa kanyang boses. Kahit pa nagkunwari siya na inaayos na ang kanyang kama. Nanlaki ang mata ng kanyang ina dahil sa hindi niya pag-amin ng totoo. Hindi talaga niya kayang aminin ang relasyon nila ni Dino. Dahil alam niyang hindi nito magugustuhan ng ang lalaking kanyang iniibig. Noon pa lamang ay lagi na nitong ipinapaalala na itigil na niya ang pagkakaibigan kay Dino pero sinuway niya ang gusto ng kanyang ina nang ibigin pa niya ito. "Don't lie to me, May---" seryosong sabi ng kanyang ina, "'Wag mo nang itago pa ang relasyon n'yo ng Dino Moral na 'yon." Natahimik na lang siya nang makita niyang gigil na gigil na nakatingin ang kanyang ina. Wala na siyang magagawa kundi makinig sa mga sermon nito. "'Di ba sinabi ko na sa 'yo before na kung magkaka-boyfriend ka man dapat mayaman. Mayaman, May!" Habang nagsasalita ay tinuturo-turo pa siya ng kanyang ina. "Ano'ng ipapakain niya sa 'yo? Kaning-baboy?" panpalalait pa nito sa kalagayan ni Dino sa buhay. "I love him, Mommy...and he loves me too," pangangatwiran niya. "Makakain mo ba ang pag-ibig na 'yon kung kumakalam na ang sikmura mo 'a?" pangungutya pa nito sa kanilang nararamdaman. "Kaya itigil mo na 'yang kabaliwang pag-ibig na 'yan!" "Stop it, Mom!" Napasigaw siya nang hindi na makayanang pigilin ang kanyang galit dahil sa mga panlalait nito kay Dino. "What?!" sigaw din ng kanyang ina. Galit na galit pa siyang sinugod at biglang hinila ang mahaba niyang buhok. "Mom, stop it please. Nasasaktan po ako," pagmamakaawa niya ngunit ayaw talaga siyang binatawan nito. "Sinasagot-sagot mo na 'ko dahil sa hampas-lupang 'yon?!" pangaral sa kanya nito, "Kaya simula ngayon, hinding-hindi na kayo magkikita o magkakausap pa!" Gigil nitong hinablot ang cellphone niyang nakapatong sa kanyang cabinet. Nang maipasok na nito sa bulsa ang kanyang cellphone ay saka lang nito binitiwan ang gulong-gulo niyang mga buhok at itinulak pa siya sa kama. "Ibalik n'yo po 'yan sa 'kin." Pilit niyang inagaw ang kanyang cellphone kaya bahagya niyang naitulak ang kanyang ina. "S-sor---" "At sinaktan mo pa 'ko 'a!" Isang malakas na sampal ang tumama sa kanyang kaliwang pisngi. Agad iyong namula ngunit ininda na lamang niya ang sakit 'pagkat pilit pa rin niyang kinukuha ang kanyang cellphone. Tinangka siyang muling sampalin ng kanyang ina nang maubos na ang pasensya nito sa kanya. Pero hindi na nito nagawa pa dahil sa biglang pagbagsak nang malaking painting sa likuran nito na muntik ng tumama rito. "Who did that?!" sigaw ng kanyang ina paglabas ng kwarto niya. Inakala kasi nitong may kung sino na sinadyang ihulog ang nasabing painting. Naiwan siyang nakatulala habang nakaupo sa kanyang kama. Hindi rin niya lubos maisip na nagawa siyang saktan ng kanyang ina. Paano nga pala nahulog ang painting na iyon kung matibay iyong nakasabit sa dingding ng kanyang kuwarto? "Pa 'no na ang cellphone ko..." Kusang tumulo ang kanyang mga luha nang maisip niya kung paano pa niya makokontak si Dino kung wala na siyang cellphone. Gusto pa sana niyang habulin ang kanyang ina upang makiusap na ibalik iyon sa kanya ngunit tiyak niyang hindi iyon papayag dahil sa tindi ng galit nito sa kanya ngayon. Hindi na rin naman siya makakapagpost ng message sa kanyang f*******: account dahil alam niyang kukumpiskahin na rin nito ang kanyang laptop. ------------------------------------------------------------------------------------------ "'MA, impakta pala 'yong nanay ng May na 'yon e'." Napabulalas ang labing-siyam na taong gulang na dalagang si Dahlia matapos ilahad ni Lerma ang mga nangyari sa kanya kahapon sa bahay ng mga Del Rosario. Hindi na nito napigilan ang kanyang sarili dahil sa inis sa ginawa ni Donya Kate, kahit pa nasa harap sila ng hapag-kainan. "Hoy, tama na nga 'yan," saway sa kanya ng kanyang Kuya Darius. Nakita kasi niyang natahimik ang kanilang ina. Mukhang napakalalim ng iniisip nito. Namumugto na nga ang mga mata sa puyat pero hindi man lang nagagalaw ang kanyang pagkain. Napansin din iyon ni Mando kaya tinawag niya ang asawa ngunit tinanguan lang siya nito. "Uminom ka muna," aniya sabay abot ng isang maliit na tasa ng kape. "Mama, 'eto po o'," Isang tinapay naman ang iniabot ang anim na taong gulang nilang anak na si Dian. "Salamat, bunso," mahinang sagot ni Lerma. Hinalikan pa niya ng marahan ang noo ng anak kaya niyakap naman siya nito. "Ano na po ang gagawin natin ngayon, 'Ma? Maghihinatay na lang ba tayo sa balita ng mga pulis?" tanong bigla ni Darius, na ayaw iasa sa mga kinauukulan ang paghahanap sa kanyang kapatid. "Darius," saway ni Mando sa anak. "Kakausapin ko pa rin si May, anak," sagot ni Lerma na mahina ang tinig ngunit halatang desidido siya, "Posibleng makatulong ang mga sasabihin niya sa paghahanap natin kay Dino," dagdag pa niya. Nagkatinginan ang mag-amang Darius at Mando dahil sa sinabi niya. Sa ganitong kalagayan ni Lerma, na hindi na halos nakakatulog at kumakain, maaaring hindi niya kayanin ang araw-araw na paghahanap. "Sasama rin ako sa mga pulis para malaman ko agad kung nasa'n si Dino," dagdag pa ni Lerma na humigop na rin ng kape. "Sasamahan kita," ani ni Mando, "Magli-leave muna ako sa trabaho." "P-pero Mando..." pagtutol ni Lerma. Sa isip niya kailangan ang kanyang asawa sa trabaho nito. Kung mabakante ito nang ilang linggo o buwan, ano'ng gagastusin nila? Malapit na rin ang katapusan kaya bayaran na naman ng upa sa bahay, kuryente at tubig. Malaking pera iyon, idagdag pa ang matrikula at iba pang gastusin ni Dahlia na magtatapos na sa susunod na buwan sa kursong Mass Communications. "Ako na lang po 'Pa ang sasama kay Mama," mungkahi ni Darius. Siya na ang umako sa pagtulong sa ina dahil naisip rin niya ang kanilang mga gagastusin. "Sige," pumayag na rin si Mando kahit labag iyon sa kanyang kalooban. Gusto niyang tumulong sa paghahanap kay Dino. Pero kailangan pa rin niyang kumit kaya ipapadama na lang niya kay Lerma at sa kanilang mga anak, na nasa tabi siya ng mga ito upang dumamay. "Aalis na tayo ngayon, anak," pagpapaalam ni Lerma sa lakad nila. Tumango naman si Darius bilang sagot at nagpatuloy siya sa pagkain. Hindi pa rin maiwasang mag-alala ni Lerma sa tuwing nakikita ang kanyang mga anak. Hindi sila buo ngayon na sabay-sabay na nag-aagahan. Kahit kaunti lamanng ang kanilang pagkain ay masayang-masaya pa rin sila. Inaalala rin niya kung nakakain na ba si Dino o may kinakain ba siya ngayon, kaya muling napatulo ang kanyang mga luha. -------------------------------------------------------------------------------------------- MAAGANG pumasok sa paaralan si May kahit pa ala-una pa ng hapon ang pasok niya. Iniwasan na lang niya ang galit ng kanyang ina dahil ayaw na niyang lumala pa ang kanilang away. Kaya nagpalipas muna siya ng sama ng loob habang nag-aaral ng kanilang mga leksyon noong nakaraang araw bago siya lumiban sa klase. Gaya niya ay may mga estudyante ring nakaupo sa waiting shed na kinaroroonan niya upang hintayin ang oras ng kanilang pasukan. Ilang hakbang mula rito ay makikita mo na ang mahabang daan patungo sa iba't ibang gusali sa Caloocan High School. Ilang minuto na lamang ay sasapit na ang ala-una ng hapon. Naglalabasan na ang mga estudyanteng pang-umaga ang klase. Marami na ang naglalakad papasok, na nasasalubong naman ang mga palabas. May nagkukwentuhan, nagtatawanan at naghahabulan sa paligid. Maingay na sa paligid ni May ngunit hindi siya naaapektuhan nito. Tahimik siyang nagbabasa ng tulang ginawa ni Dino para sa kanya. Ang tulang ginamit nito para ihayag ang pag-ibig sa kanya. Ewan ba niya pero naisip lang niyang dalhin iyon ngayon dahil na rin siguro sa napanaginipan niya kagabi. Kasalukuyan na siyang nasa kalagitnaan ng pagbabasa nang may napansin siyang lumapit sa kanyang likuran. "Ikaw ba 'yan, Cess?" aniya sa pag-aakalang si Princess iyon. "Miss nahulog mo o," sabi ng isang matangkad na lalaking estudyante habang iniaabot ang kanyang pulang panyo. "Ay, thank you a..." nahihiya pa siyang nagpasalamat. Hindi siguro niya napansing nahulog ang kanyang panyo dahil sa pagbabasa. "Okay lang," tugon nito, na gaya niya ay nasa ikaapat na taon din. Ayon naman sa kulay ng ID nitong brown ay pareho rin silang nasa Class A. Nginitian pa siya nito bago tuluyang umalis pabalik sa kinauupuan nitong waiting shed, hindi kalayuan sa kanya. Nagbalik siya sa pagbabasa habang hinihintay si Princess. Ngunit tila may naramdaman siyang kakaiba simula nang umalis ang estudyanteng iyon. Tila may mga matang nakamasid sa kanya kanina pa. Kinabahan siya kaya agad siyang tumayo upang umalis na. Nagpasya siyang mauna na lamang sa kanilang silid-aralan. Siguro naman ay may mag kamag-aral na siya roon, ani pa niya sa sarili.. Itutuloy... ©Mysterious Eyes | Xerun Salmirro
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD