Ngumiti nang malapad si Surikong. "Isang mabuting desisyon iyan. Maghanda ka na at aalis tayo maya-maya." Masayang tumalikod si Celya at humakbang pabalik sa pinto. Pero huminto ito sa paghakbang nang mapadaan sa kaniya. Tumingin ang babae sa mukha niya at ngumisi na tila nanghahamon. Saka nito inirulyo ang mga mata at nagpatuloy sa paghakbang. Hindi na niya pinansin ang ginawa ng prinsesa at tumingin kay Surikong na nakangiting nakatingin din sa kaniya. Naging isang linya ang mga labi niya saka tumalikod at umalis sa silid. Narinig pa niya si Surikong sa likuran na nagsabing, "Maghanda ka rin, Alkan. Aalis tayo maya-maya." Kumuyom ang mga kamao ni Alkan. Hindi niya talaga gusto ang may taong nagdidikta sa gagawin niya. Gayunpaman ay nais niyang makaalis sa palasyong iyon kaya minab

