Kabanata 34: Pag-alis sa Palasyo

1160 Words

Binuksan ni Alkan ang pinto at dalawang lalaking bampira ang bumungad sa kaniya. Tumaas ang kilay niya nang makita ang mga ito. "May kailangan kayo?" tanong niya. Nagsalita ang bampira sa kaliwa. "Pinapatawag ka ng hari. Nandito ang hari ng mga mangkukulam." Natigilan si Alkan sa sinabi nito. Ilang segundo pa ay lumingon siya sa likuran kung saan nakita niya si Ambong na madilim ang ekspresyon. Wala namang magagawa si Alkan kung hindi sumunod sa dalawang lalaki. Kasabay niya si Ambong na kanina pa tahimik. Hindi nito tinaas ang tingin at nanatili lang nakatingin sa daan. Hindi nagtagal ay narating nila ang silid ng trono ng hari. At tama nga ang sinabi ng dalawang lalaki. Nakita niya si Surikong na nakaupo sa unang upuang isang baitang ang agwat paibaba mula sa hari ng mga bampira.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD