Nagpalipat-lipat ang tingin nito mula kay Alkan tungo kay Ambong. Makalipas ang ilang segundo ay ngimiti ito sa kaniya. "Mga bagong mukha sa palasyo. Sino kayo at paano kayo nakapasok?" Akmang sasagot si Alkan pero hinila siya ni Ambong palampas sa babaeng bampira. Narinig na lang niya ang mahinhin nitong pagtawa. Taka naman niyang tiningnan si Ambong na magkasalubong ang dalawang kilay. "Sino 'yon?" tanong niya. Ngumiwi siya nang humigpit ang hawak nito sa bisig niya. Mabilis niyang binawi ang bisig at hinayaan lang naman siya ng lalaki. "Si Celya. Prinsesa ng mga bampira." Mas lalong lumalim ang kunot sa noo nito. "Wag mong pansinin ang babaeng 'yon kung ayaw mong makulong habambuhay dito sa palasyo." "Bakit?" "May kapangyarihan iyong mang-akit ng lalaki. Kung masyadong mahina an

