Tyler's POV Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan nang makarating na ako pabalik ng resort. Bumaba ako ng Jet ski at nagmadaling maglakad. Tanaw ko ang mga empleyado mula sa malayo, ang iba ay sinalubong ako dala ang payong. "S-sir, s-si Heaven po?" si Reign na tingin nang tingin sa likuran ko, animong inaasahan na kasama ko ang tinutukoy niya. "Hindi ko alam. Hindi ko siya nakita." sagot ko at naglakad nang muli para pumasok na sa hotel. Nakasunod pa rin siya sa akin. "Sir, 'yong papa po ni Heaven, kanina ka pa po hinahanap at hinihintay sa lobby." "Ano raw kailangan niya?" tanong ko. "Hindi ko po alam, eh. Pero, sir, galit na galit nang iniwan ko ro'n kanina." Napahinto ako sandali sa paglalakad, tinignan siya bago humugot ng buntong hininga. Sigurado, nag-aalala 'yon sa anak niya.

