Kailangan kong balikan si Heaven! Kailangan ko siyang balikan! Hindi! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kanya! Damn it! Ano na naman bang ginawa ko? Ano na naman bang pumasok sa utak ko at nagawa ko na naman maging masama sa kanya? Naging malupit na naman ako! Kinamumuhihan ko ang sarili ko! Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, mabilis akong humakbang palayo sa kanila. Babalikan ko si Heaven! Ano man ang mangyari, babalikan ko siya! She needs me! She's waiting for me, pero pinaghintay ko siya sa wala! Napaka-gago ko! Napaka-tanga ko! Napaka-sama kong tao! Tama lahat ng sinabi nila, nakapaka-walanghiya ko! Babalikan ko siya! Kahit alam kong napaka-delikado nang bumalik dahil sa sama ng panahon, pero babalikan ko siya! Wala akong pakialam kung anurin ako ng dagat, ngu

