"Umalis ka ritong hayop ka! Hindi ka kailangan ng anak ko rito, Tyler! Kaya umalis ka na bago pa ako tumawag ng police para ipadampot ka!" taboy sa akin ng ama ni Heaven. Nasa hospital na kami ngayon, idineretso ko agad si Heaven dito kanina para matignan agad siya ng doctor sa kalagayan niya. Hindi puwedeng tumunganga lamang ako at hintayin lamang siya na magising, sa lagay niyang 'yon ay hindi ako mapapakali kung hindi ko siya dadalhin dito. "S-sir, pakiusap, hayaan niyo po akong manatili rito. A-alam ko, marami akong pagkakamali, inaamin ko't naging masama ako sa anak niyo. Pero nakikiusap po ako, hindi po ako mapapalagay kung malayo ako sa kanya. Kaya kung galit po kayo, tatanggapin ko pero patawarin niyo po ako dahil hindi po ako aalis dito ano man ang mangyari," matapang kong sinab

