Sabi ni daddy, bukas daw ay makakauwi na kami. Ako na rin ang nagpumilit sa kanya dahil ayoko naman nang magtagal pa rito, gastos lang 'yon. Hindi sa nagtitipid pero kaya ko naman na, sa bahay na lang ako magpapahinga. "Puwede ba, tigilan mo na ang anak ko, hijo!" Natigil ako sa pagkain ko nang marinig ko ang boses ni daddy sa labas, nakaawang kasi nang bahagya ang pintuan ng hospital room ko kaya rinig ko ang boses niya. "Sinong kausap ni dad?" Bumaba ako sa hospital bed ko kahit masakit pa nang bahagya ang sprained ko. Pinilit kong makalakad para pumunta sa labas. When I opened the door, they both looked at me, Dad and Tyler. Kita ko pa ang pagsilay ng ngiti ni Tyler nang makita ako. At akma nang lalapitan niya ako nang mapansin ang galit na si daddy sa harapan niya kaya napahinto siy

