(MEET HER MOTHER)
Third Person Pov.
Tulala si natasha sa kanyang pwesto. Maraming sumasagi sa kanyang isip habang nakatitig lamang sa kanyang tasa na may mainit na kape.
Hindi mawala sa isip nito ang nangyari kagabi, ang mukha ng kanyang ina at ang mata nitong nakatingin sa kanya.
Napabuntong hininga ito. hindi sila nag-usap, hindi ito nagkaroon ng pagkakataong makaharap ang kanyang ina. Naguguluhan ito kung anong malas ang meron siya, bakit hindi siya magawang lapitan ng babaeng nagsilang sa kanya.
Wala ba siyang halaga para sa kanyang sariling ina? Hindi niya maiwasang isipin iyon. Hindi nito masuway ang sariling magalit sa kanyang ina, nasasaktan si natasha dahil tinalikuran lamang siya ng taong kay tagal niyang hinahanap.
Pumikit ito bago humugot ng malalim na paghinga. Nasa loob na ito ng shop, nag-iisa lamang siya dahil umuwi na muna sandali si noah.
Tahimik ang buong paligid, walang studyante ngayon dahil bakasyon nila. Kakatapos lamang ng pasko ngunit heto siya at muling nag-iisa.
Tumayo siya sa kanyang kinauupuan, balak sana niyang pumanhik sa taas ng biglang tumunog ang wind charm ng pinto.
Nilingon niya iyon, nagtaka siya ng makita kung sino ang lalakeng pumasok sa kanyang shop.
Ilang linggo niya rin itong hindi nakita. Wala siyang balita kung saan ito tumutuloy at kung may trabaho ba siya upang tustusan ang kanyang pangangailangan.
"Brandon." Naibigkas nito ang pangalan ng kanyang kapatid. Hindi nagbigay imik si brandon bagkus nakatitig lamang siya ng blanko kay natasha. "Napadalaw ka."
"Hindi ko kailangan ng pera kung iyon ang naiisip mo."
Naisara ni natasha ang bibig. "Hindi iyon ang iniisip ko, Brandon. Natutuwa akong nagpakita ka na."
Sarkasmong natawa si brandon. "Talaga bang natutuwa kang makita ako o baka naman dismayado ka dahil buhay pa ako."
"Ano bang sinasabi mo? Walang Kapatid na ganon mag-isip, brandon."
"Tsk, huwag ka ng magmalinis, Natasha. alam kong hindi mo ako nais maging kapatid dahil pangalawang asawa lamang si inang."
Natawa si natasha bago umiling. "Hindi kailanman sumagi sa isip ko iyon, brandon. Kahit magkapatid lamang tayo sa ama tinuring na kitang pamilya, ano ba ang nangyayari sa'yo?"
"Lahat ng ito ay kasalanan ng mga salvador. kabilang na dito ang totoo 'mong ina." Hindi agad nakaimik si natasha sa sinabing iyon ni brandon. "Hindi mo ba alam o baka ngayon mo lang napagdugtong ang sinabi sa'yo ni amang noon."
Nagulat si natasha dahil sa nalalaman ni brandon. Tiyak na nakinig ito noon sa usapan nilang mag-ama.
"Paano nadamay ang mga salvador sa ugali mo?"
"Huwag ka ng umaktong walang nalalaman, alam mo kung gaano ko pinahahalagahan si doreen. At ang magiging anak namin sana."
Napatitig si natasha sa kanyang kapatid. Puno ng puot at kasuklaman ang kanyang mata habang sinasabi iyon. Hindi niya maiwasang maawa kaya't nag-iwas na lamang siya ng tingin.
"Hindi natin maipaglalaban ang pagmamahalan niyo kung mismong pamilya ni doreen ay ayaw sa'yo. Ngunit isipin muna lang ang bata, ang kinabukasan niya."
Nag-iwas ng tingin si brandon bago matawa. "Wala na ang bata, natasha. Pinatay na siya ng nanay mo." Hindi nakakilos si natasha dahil sa narinig, tila maging siya ay nawalan ng lakas sa sinabing iyon ni brandon.
Hindi siya makapaniwala.
Ngunit may gumugulo sa isip nitong hindi magagawa ng isang ina ang maglaglag ng sanggol.
"Gaano ka nakakasigurong wala na nga ang bata?"
"Sinabi sa akin iyon ni hector, Ang ama ni doreen. Sinalaysay nito sa akin na nais ipalaglag ng asawa niya ang bata, ng nanay mo!"
Napalunok siya. Ngunit hindi ito kumbinsido kung walang ebidensyang nilaglag nga ang bata. Ramdam nitong sinabi lamang iyon ni hector upang tuluyan ng tigilan ni brandon ang anak niyang si doreen
"Hindi ako naniniwalang patay na ang bata. Ilang buwan na ang tiyan ni doreen noong kinuha siya sa bahay, alam kong hindi rin ito papayag na patayin ang sarili niyang anak."
Ngumisi si brandon. "Masyado naman yatang malakas ang kumpyansa mo sa kutob mo, natasha."
"Dahil babae din ako. Hindi pa man ako nagkaka-anak alam ko na ang pakiramdam na iwawalay sa akin ang anak ko." Hindi nakasagot si brandon. Nag-iwas siya ng tingin dahil sa sakit na bumaon bigla sa kanyang dibdib. Kung sana'y mayaman lamang siya ay makakaya nilang maging masaya ni doreen at mapalaki ang kanilang anak.
Ngunit nabibilang lamang siya sa mahirap na pamilya. Kung hindi ito kakayod ay wala siyang maitatapal sa kumakalam niyang sikmura.
"Hayaan mo akong alamin ang katotohanan, Brandon. Papatunayan kong nasa sinapupunan pa rin ni doreen ang anak niyo."
Nangunot ang noo ni brandon. "Paano mo iyon gagawin?"
"Pupunta ako sa mansyon ng mga salvador." Natawa si brandon sa sinabing iyon ni natasha.
"Noong huling dalaw ko doon, muntik ko ng ikamatay iyon, Natasha. Wala kang ideya kung gaano karami ang mga tao ng Salvador, baka nasa bungad ka pa lang binaril ka na." Napalunok si natasha sa sinabing iyon ni brandon. Ngunit buo na ang kanyang pasya, desedido itong tumungo sa mansyon ng mga salvador ngayong gabi
"Handa akong itaya ang buhay ko mapatunayan lamang na pinahahalagahan kita bilang kapatid, pamangkin ko rin ang dinadala ni doreen, kaya't gagawin ko ito hindi para sakin. Kundi para sa ikapapanatag mo."
Hindi nakasagot si brandon. Nakatitig lamang siya kay natasha na halatang seseryosohin niya ang kanyang sinabi.
"Maaari kang maghintay dito upang malaman ang impormasyon sa oras na makabalik ako."
"Kung makakabalik ka pa, natasha. Kung ako sa'yo huwag mong aksayahin ang buhay mo lalo na't umaasa lamang sa'yo ang pamilya mo." Tumalikod na si brandon matapos nitong sabihin iyon. Alam ni natasha na may pag-aalala pa sa kanya ang kapatid nito, ganun man ang ugali niya ay ramdam nitong may pag-aalala pa rin na namumutawi sa kanyang sistema
Ngunit walang pag-aalinlangan na pumapasok sa isip ni natasha. Buo na ang kanyang pasya na tumungo sa mansyon ng mga salvador.
PINAGHANDAAN iyon ni natasha buong araw. Maraming siyang iniisip na pwedeng mangyari ngunit ni isa doon ay walang makakapag-pigil sa nais niyang makausap ang kanyang ina na si kriselda.
Nais niyang malaman ang totoo, gusto nitong patunayan na hindi nila inilaglag ang bata. Alam niya sa sariling malakas ang kanyang kutob, imposibleng gawin iyon ng isang ina sa kanyang sariling apo.
Alas siete ng gabi napag-pasyahan ni natasha isara ang shop. Naglakad-lakad siya sa daan upang maghanap ng masasakyan, mabuti na lamang at may nakita siyang taxi na agad nitong pinara.
She asked the taxi driver if he know's the salvador residence. The taxi driver nodded because salvador family is famous rich. Kilala na sila dito sa manila bilang maimpluwensyang angkan, ni isa ay walang kumakalaban sa kanila dahil na rin sa takot na ikamatay lamang nila iyon.
Halos kalahating oras bago nila marating ang lugar ng mga salvador. Hindi tuluyang huminto ang taxi driver sa gate ng mga salvador dahil alam nitong maraming tao at cctv ang nakapalibot doon. Nag-abot ng bayad si natasha habang mataman kung tumingin sa kanya ang taxi driver.
"Anong pakay mo dito hija?" isinara ni natasha ang bag bago sumagot.
"May kakausapin lamang po ako sa loob."
"Talaga? Kilala mo ba ang mga tao dito?" hindi nakasagot si natasha dahil hindi niya nais iyon sabihin pa. Kilala niya ang ina nito ngunit hindi siya sigurado kung kilala ba siya ng sarili niyang ina. "Huwag ka ng tumuloy kung may iba kang pakay, walang nakakalabas ng buhay diyan sa loob oras na pumasok ka." napalunok si natasha, the dread on her mind was unrelenting. but she was determined to enter that place even though she knew it was dangerous.
"Salamat po sa pag-aalala. Mauuna na po ako." Natasha got out of the taxi while looking around. There a lot of many trees on the side as it overlooks the big gate.
That must be the mansion of the Salvador's. There is no doubting the luxury of their lifestyle. You can say that the house is already in order and it screams wealth.
She stepped while partially hiding in the trees. She wanted to make sure that no one could see her.
The taxi left as soon as natasha walked away. There was no guard at the gate but there was a red camera there which she thought was a cctv.
The gate was slightly open when he approached.
She hurriedly entered when she saw a three men coming to her place.
Natasha hide in a large plant while peering at men with large bodies and guns in their pants. She swallowed and her knees went limp.
"Nasaan kaya si boss ngayon?" a man holding a cup speak. The two just looked at each other before shrugging.
"Baka may raket na naman, tuwing matatapos ang kapaskuhan. Maraming parokyano si boss. Tibang tiba na naman ang anak niyang si roiland."
"Tsk. Pinaparusahan iyon dahil sa kalat na nagawa niya, hindi iyon makakakuha ng pera lalo na't tumakas ang isang kanang kamay ni boss." walang maintindihan si natasha kung ano ang kanilang pinag-uusapan.
She took the opportunity while the three boys were busy talking. She sneak away from that place. She walked fast to finally see the front door entering the mansion.
She was overwhelmed by the size of the house while looking up at it. but she was also run to hide again because of the sight of two men walking on her place.
Nagtago siya sa gilid ng kotse habang pinakikiramdaman ang dalawang lalakeng naglalakad palayo sa pwesto niya.
Sinipat niya pa ang mga ito bago niya makita ang ilang lalakeng nasa di kalayuan. Doon niya napatunayan kung gaano karami ang bantay sa lugar na'to. Ano bang meron dito? May ginto ba? O baka, sandamakmak na droga lamang ang nasa loob dahil nga si hector ang namumuno sa bagay na' yon.
Payuko siyang lumakad upang umikot sa malaking mansyon. Hindi siya makakadaan sa mismong harapan dahil may nakita itong dalawang lalakeng naroon.
Napadpad siya sa madilim na bahagi. Maraming nagkalat na basura habang may isang babae doon na naglilinis.
Nakita siya ng babae dahilan upang mapasigaw iyon. "Magnanakaw! Magnanakaw!" namilog ang mata ni natasha dahil sa ginawa niyang iyon. Doon naalarma ang mga kalalakihan dahilan upang tumakbo sila sa kinaroroonan ni natasha.
Nagmadaling umalis si natasha doon. Lumiko ito sa gilid kung saan papasok iyon sa kusina ng bahay. Nagmamadali itong tunguin ang pasilyo upang tuluyan ng makapasok sa loob. Ngunit gaya sa labas ay may mga lalake din na nakabantay doon.
"Sigurado ka bang may nakapasok dito?"
"Oo, nakita ko siya. Hindi ako sigurado kung babae ito o lalake." nagtago si natasha sa gilid ng ref. Naririnig niya ang mga boses sa labas ng kusina habang humihinga siya ng malalim.
Isang longsleeve kasi ang kanyang suot. Nakapantalon ito at nakapusod ang kanyang buhok. May facemask rin ito upang hindi tuluyang makita ang kanyang mukha.
"Paano iyon makakapasok dito kung maraming bantay sa labas. Baka nakakita ka lamang ng multo dahil iyon naman madalas ang mangyari sa'yo."
"Hindi, totoo iyon! Nakita ko siya, tumakbo ito papasok dito!"
"Kung ganon, hindi siya makakalabas ng buhay dito. Mas mainam kung babae ito at ng may pampalipas oras kami."
Napalunok muli si natasha habang todo siksik siya sa ref na nasa gilid niya. Tuluyan ng nawala ang mga nag-uusap doon ng marinig nito ang mga yapak nila papaalis.
Natatakot siya sa pwedeng mangyari sa kanya ngayon. Ngunit hindi na siya maaaring umatras pa dahil napasok na nito mismo ang loob ng mansyon, kailangan na lamang niyang mag-ingat para sa kanyang seguridad.
Sumilip siya sa pinto ng lumabas ito sa kanyang pinag-tataguan. Nawala na rin ang dalawang lalake na nakita niyang nakatayo malapit sa isang pinto.
Tumuloy siya sa paglalakad na may banayad na yapak. Diretso ang tingin niya dahil sa mga pintong nadaraanan nito. Hindi siya pamilyar sa lugar kaya't mahihirapan siyang tukuyin kung saan ba mismo naroon si kriselda.
Nasa ilalim pa lang siya ng mansyon ngunit heto siya't nalilito na. Siguradong nasa itaas ang mga kwarto nila. Ngunit paano siya makakaakyat mismo doon kung dito pa lang ay sandamakmak na ang bantay.
Sa paglalakad nito ay may kamay na biglang humawak sa kanya. Agad tinakpan ng taong iyon ang bibig ni natasha upang hindi makagawa ng ingay. Ipinasok niya ito sa madilim na kwarto habang nagpupumiglas si natasha upang kumawala.
"Don't shout." bulong iyon ng lalakeng nasa likuran niya. Sinunod niya iyon dahil nabobosesan nito ang lalake na ngayo'y tuluyan na siyang pinakawalan.
Binuksan ng binata ang ilaw na nagbigay liwanag sa silid. Nasa iisang kwarto sila na naglalaman ng mga kasangkapan.
Napamaang si natasha ng makitang si stanlee ang lalakeng humila sa kanya papasok dito.
Hinubad nito ang facemask habang hinihingal siyang nakatitig sa binata.
"What are you doing here?" stanlee asked her coldly. Malamig ang tinig nito habang may titig na talagang sisindakin ka. Walang duda, isa nga siyang anak ng salvador.
Hindi nakapagsalita si natasha dahil sa pakay niya kung bakit ito tumungo sa kanilang mansyon.
"Your not supposed to be here, natasha."
Muling namutawi ang katahimikan sa dalaga. Nais niyang ipagtapat kay stanlee kung bakit siya narito ngunit nagdadalawang isip siya.
"Are you here because of kriselda?" napatitig si natasha kay stanlee. "Why don't you answer me?"
Dahan dahan ang naging pagtango ng dalaga. "O-oo."
"You are here because you need something from kriselda."
"I want to talk with her." malamig na nakatitig sa kanya si stanlee. Hindi niya mabasa kung anong nasa isip niya dahil blanko ang kanyang emosyon. "If you let me to talk to your step mom."
"Your mother." Natasha was momentarily stunned as she stared at Stanlee. She thinks about how she found out that kriselda is her mother.
"P-paano mo n-nalaman?"
"I only discovered that when we were talking in hotel one month passed. You're too affected to be noticed. I also checked your background and i found out that your father is Reynaldo Abuelo. My step mother's ex-husband."
Naging pipi si natasha sa inihayag ni stanlee. Walang makakalagpas sa isang salvador kahit maliit na impormasyon mo sa buhay. Isa nga silang angkan na hindi lang basta basta.
"What is your real motive for entering here alone?"
"I just really want to talk to kriselda."
"Can't you call her mother?" Stanlee laughed sarcastically. "Kung sabagay, sino nga naman siya upang tawagin mong ina?"
"Can you help me?"
"I don't think so. I can't help you when it comes to kriselda."
"Nagagalit ka rin ba sakin dahil anak ako ng step mother mo?" muli ay mariin ang naging pagtitig ni stanlee. Hindi pa rin nagbabago ang malamig niyang emosyon na binabalutan ng madilim na aura.
"No, you're out of this family's issue."
"Kung ganon nasaan si kriselda."
"She is resting in her room." naging kampante si natasha ng marinig na narito pala ang kanyang ina. Magkakaroon na ito ng pagkakataon upang makausap ito.
"Can you help me. I just need to ask him something, it's important." tumaas ang kilay ni stanlee.
"Is that really that important for you to put your life in danger?" walang naging sagot si natasha. Hindi mahalaga ang kaligtasan nito basta't malaman lamang niya ang totoo. "Ang pagpasok mo dito ay sampung pursyento lamang na siguradong makakalabas ka ng buhay. Sa oras na pumasok ka sa bahay nito, parang isinusuko mo na ang buhay mo."
"Gusto ko lang malaman kung maayos ba si doreen."
Nangunot ang noo ni stanlee. "Your brother's girlfriend?"
"Oo, nandito ba siya? Kumusta siya?"
"Doreen is not here. I don't have idea if where is she." nagpanic si natasha sa sinabing iyon ni stanlee.
"Are you serious?"
Stanlee sighed before looked away. "So, your here because you want to know if that doreen is safe?"
"Oo, kaya't please lang. Samahan mo ako upang makausap si kriselda, gusto 'kong malaman kung dinadala pa ba ni doreen ang pamangkin ko."
Tumango si stanlee. "Alright. But you can't walk outside with that outfit. You need to change."
"Basta't makausap ko lang si kriselda, ayos na. Kahit sa anong paraan pa iyan." bumuntong hininga si stanlee.
"Okay. Wait me here." lumabas si stanlee ng hindi na hinihintay ang sagot ni natasha. Tumungo ito sa isang kwarto upang kumuha ng damit na maisusuot ni natasha.
Dala niya iyon ng muling pumasok sa silid kung nasaan si natasha. Inilahad niya iyon sa dalaga na agad naman niyang kinuha.
"Dress up, I'll wait you outside." tumango si natasha. Isa iyong maid's uniform na talagang magandang ideya na naisip ni stanlee. Nagmadali siyang magbihis upang makausap na nito ang kanyang ina. Mabilis ang kanyang pagkilos bago nito itabi ang damit na pinaghubaran niya sa gilid. Binuksan niya ang pinto ngunit naisara niya rin iyon ng may makitang babae na kausap si stanlee.
"Hindi ko alam na dadating ka kuya." isa iyong dalaga na may mahahabang pilik mata. Mapupula ang labi at matangos na ilong, Sa madaling salita. Magandang dalaga.
"Who told you that you can call me kuya?"
Napatitig ang dalaga sa sinabing iyon ni stanlee. "Get out of my sight and don't you ever dare talk to me." napapahiyang yumuko ang dalaga. Gaya ng sabi ni stanlee ay lumisan nga ito sa kanyang harapan na parang maiiyak sa ginawa nito.
Lumabas si natasha bago lapitan si stanlee na ngayo'y lumingon sa kanya. "Sino iyon? Bakit ganon mo siya kausapin?"
"She's nothing."
"He called you kuya, is that your little sister?"
Stanlee sighed. "She's Nicole Merciales. Your half sister."
Napakurap si natasha. Iba ang mukha ni nicole sa kanyang ina. Hindi rin naman ito nahahawig kay hector kaya't hindi niya inakalang kapatid niya iyon sa ina.
"Your already ready. Don't waste your time because daddy can go home anytime."
"W-wala dito ang ama mo?"
"He have a small meeting about his trash bussiness."
Lumihis ang tingin ni stanlee habang kunot ang noo. "Let's go. Follow me." Naunang lumakad si stanlee habang nakasunod ito. Malaya siyang nakadaan sa mga bantay na mabilis na napapayuko pag dumadaan si stanlee. Nagawa nilang umakyat ng hagdan na walang pumapansin sa kanya, doon lang din siya nilingon ni stanlee habang nasa pasilyo na sila kung nasaan nakahilera ang maraming pinto.
"That double door is her room. Just make it quick and don't make a scene here."
Tumango si natasha. Mabilis ang kanyang lakad upang marating ang pintuan ng kwarto kung nasaan si kriselda. Dahan-dahan niya iyong binuksan dahil sa panginginig ng kanyang kamay. Hindi niya man nais gumawa ng paraan upang mag-usap sila ngunit kailangan niyang malaman ang totoo tungkol sa pagbubuntis ni doreen.
"I don't need anything. Get out." iyon ang tinig ni kriselda habang nakaupo sa harapan ng salamin. Bihis na ito pantulog habang sinusuklayan ang makintab niyang buhok.
"Ako 'to." panandalian ang pagkakatigil ni kriselda sa pagsusuklay. Nag-angat siya ng tingin sa salamin kung saan nagtama ang mata nilang mag-ina.
Kitang kita sa ekspresyon ni kriselda ang gulat na naitamo niya dahil sa nasaksihan. Nagawa nitong tumayo upang tuluyang humarap sa anak.
"N-natasha..." hindi malaman ni natasha kung bakit may bumubukol sa kanyang lalamunan. Naninikip ang kanyang dibdib ng sandaling bigkasin nito ang kanyang pangalan.
"A-anong g-ginagawa mo d-dito?"
"Kung ganon kilala mo ako?" mapait ang naging titig ni natasha. Marami siyang nais usambat ngunit mas nangingibabaw ang pagtitimpi nito dahil mas may importante pa siyang bagay na dapat malaman.
"H-hindi ka dapat p-pumasok dito, n-natasha."
"Stop calling me, natasha. Gusto ko lang malaman kung totoo bang pinalaglag mo ang anak nila brandon at doreen."
Naisara ng ginang ang bibig sa tanong na iyon ni natasha. Ngunit hindi siya maaaring magsalita upang sa kaligtasan ng dalagang si doreen.
"H-hindi mo na dapat iniisip pa iyon, huwag mong panghimasukan ang problemang ito."
Natawa si natasha. "Ganyan ka ba talaga ka iresponsable?" natigilan si kriselda sa masakit na salitang binitawan ng anak..
"Ni hindi ka naging ina sa akin, Hindi ko iyon naranasan. Ngunit sana lang naman, maging lola ka. Iparanas mo naman sana sa bata ang magkaroon ng buong pamilya, huwag kang maging makasarili."
"Hindi ako makasarili, anak. Ginagawa ko ito dahil sa kapakanan niyong lahat. Nitong nakaraang buwan lamang bumalik ang alaala ko, kung alam ko lang ang lahat. Hindi ako magpapakasal kay hector."
Nag-iwas ng tingin si natasha. Hindi nais pakinggan kung anong sinabi ng ina dahil ang kapakanan ng bata ang kanyang iniisip.
"Isang tanong na lang, nasaan si doreen?"
Bumuntong hininga si kriselda. "Hindi ko iyan maisasagot. Sa oras na ipaalam ko iyon sa inyo, baka mapahamak lamang si doreen."
Nagtangis ang bagang ni natasha sa galit. Kumuyom ang kamao nito at nais sigawan ang kanyang ina. Ngunit hindi niya iyon magagawa dahil nauubusan na siya ng oras.
"Mas pinatunayan mo lang sa akin na wala ka talagang kwentang ina, Nagkamali ako. Hindi pala ikaw ang babaeng inaakala kong sasagot sa lahat ng katanungan ko."
Tumalikod si natasha ngunit huminto rin ng magsalita ang kanyang ina.
"Huwag mo na sana akong husgahan, anak. May dahilan ako. Ngunit hindi ko pa maaaring sabihin sa'yo dahil wala pa sa tamang panahon, kailangan ikaw ang makakuha ng bagay na iyon at hindi si hector." hindi maintindihan ni natasha ang sinasabi nito.
Nilingon niya ang ina na may naguguluhang tingin. "Tungkol saan ang sinasabi mo?"
"Huwag ka lang magpakitang bumibisita ka sa bahay ni reynaldo. Hinahanap ka nila, hinahanap nila ang totoo kong anak."
"Hindi kita maintindihan."
"Ikaw lang ang anak ko, hindi ko sila anak ngunit napamahal na sila sa akin. Mahabang kwento, kailangan mo munang umiwas kay reynaldo."
"Ngunit alam nilang anak ako ni helda."
"Oo. Ngunit wala silang ideya na ako ang totoo mong ina, ang hinala nila ay ang iyong kapatid na babaeng si chloe."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Aalukin nila ito ng pera upang pumayag sa DNA test. Kung sakaling makausap mo ito, sabihin mong pumayag siya at ng hindi maging delikado ang buhay niya."
Naguguluhan si natasha dahil sa mga pinagsasabi ni kriselda. Maraming pumapasok sa isip nito ngunit binuksan na ni stanlee ang pinto upang tawagin at bigyan ng babala si natasha.
"You need to leave this place, natasha. Your not safe here."
"Tama si stanlee." sumabat si kriselda. "Umalis ka na dito habang hindi pa nakakauwi si hector."
Hindi na nito pinansin ang kanyang ina. Lumakad na siya palabas at agad nagmadaling sumunod kay stanlee na pababa ng hagdan.
Muli silang pumasok sa silid upang makapagpalit na ito ng damit. Nagmamadali siyang lumabas habang kinakausap ni stanlee ang mga bantay upang hindi nila mapansin ang paglalakad ni natasha.
Ngunit sa bungad pa lang ng pinto ay natigilan na sa paglalakad si natasha.
Isang matipunong lalake ang siyang nasalubong nito na may dalang attached case na naglalaman ng pera.
Nagbaba siya ng tingin sa dalaga na ngayo'y may namimilog na mata sa ginoong salvador.
"I didn't know that i have a visitor's here." hector salvador speak while looking at natasha with a smirked on his lips.
*******
to be continued.
Finally, nakapag-update din. Hindi makatulog dahil nagising lang ako bigla, naputol na ang antok ko kaya't nagsulat na lang. Hope you enjoy this chapter dahil pinagpuyatan ko, charot lang. ?❤️