CHAPTER 5

2071 Words
“I want to wear a gown at night when everyone’s sleep because I don’t want them to discriminate me according to my figure,”     Hindi ko na sinabi pa kay Marco ang totoong ako ang nasa likod ng bawat salitang nakapaloob sa binabasa niya. Masaya akong may natutulungang iba. Hinintay ko siya sa sala nila. Napakalaki talaga ng bahay pero naisip ko, hindi pa rin masaya kahit na may ganito kang mga kayamanan kung hindi naman buo ang pamilya. Nakita kong may mga album sa ilalim ng lamesa kaya kumuha ako ng isa. Ang saya ng bawat litrato nila ng kanyang ina. Amerikana ang kanyang ina at negosyanteng Pilipino naman ang ama. Nakuha ni Marco ang asul na mata at tangos ng ilong sa ina. Hindi ko rin maitatangging gwapo ang ama nito, ang kisig ng katawan ay namana talaga ng kanilang anak. “Tara na,” aya ni Marco noong matapos na magbihis. Nakita niyang tinitignan ko ang mga litrato at tumabi siya sa akin. “Lumaki ako sa U.S at noong malaman naming may sakit si mommy, mas pinili ni daddy na dito na kami magstay,” kuwento niya. Hindi na ako kumibo pa at pinakinggan ko na lang ang kuwento ng pamilya nito. “Tara na nga at baka ma-late tayo,” aya niya. Sumunod na rin ako at nagloading ng husto ang isip ko noong malamang siya pala ang gumagamit ng mga kotseng nandito. Uupo sana ako sa backseat pero mukha naman daw siyang driver ko kaya wala na rin akong nagawa kung hindi ang umupo sa tabi niya. Pagkadating naming ng school, wala nang estudyante ang na sa labas. Nagpark na siya ng sasakyan at sabay pumasok. Wala pa man kami sa bungad, ang daming mata ang nakatingin sa amin ngayon. “Sir Fabian, sorry we’re late,” Umugong na naman ang mga bulungan dahil sa sinabi ni Marco na “we”, ang ibig sabihin ay magkasama talaga kami at hindi aksidenteng nagkasabay lang. “Why don’t you attend your first class?” tanong ni Sir Fabian at tumingin din sa dereksiyon ko. Hindi ko alam ang sasabihin, mabuti na lang at si Marco na ang sumagot. “Some personal problem,” Tumaas naman ang kilay ni Sir at tinignan kami parehas. “Personal problem?” Biglang nangiti si Marco at kulang na lang ay isupalpal ko sa bibig niya yung tinapay na ipinabaon sa akin ni Tiya Marie dahil sa bibig niyang kung anu-anong sinasabi. “Pat having a menstruation. We decide to buy napkin but there’s no available near store,” palusot niya at nag-iinit na ang mukha ko sa kahihiyan. Nagtawanan ang mga kaklase ko kaya tinignan ko ng masama si Marco. “But…” habol pa niya kaya natahimik naman ang lahat. “Don’t you dare to laugh because every girl has a monthly menstruation,” seryoso niyang dagdag at tumikhim si Sir bago kami hayaang maupo na. Biglang napangisi si Marco at sinadya kong tapakan ang sapatos niya. - “Woy anong sinasabi mo kanina?” inis kong bulyaw kay Marco na ngayon ay hindi na makahinga sa kakatawa. “So- hahahaha sorry Pat, wala ako maisip,” habol hininga niyang sagot habang hawak ang tiyan. Bwiset talaga siya! Alam niyang galit ako at bilang panuyo, bumili siya ng mga snacks sa canteen. “Uy Pat sorry na,” pangungulit niya at kinukurot pa ang pisngi ko. “Nakakainis ka kasi,” pagtataray ko pa. Muling lumabas na naman ang nakakaloko niyang ngiti kaya yung kanina ko pang gusto sa kanyang isumpak na tinapay ay kinuha ko na sa bag at sinupalpal sa bunganga niya. “Hi Pat,” bati ni Akesha kasama ang ibang mga kaklase niya. “Pwede ba kami makiupo?” tanong niya. Wala na rin pa lang vacant seat kaya umusog ako para makaupo sila. “H-hi Marco, I am Akesha,” nilahad niya yung kamay bilang pagpapakilala. “Hi,” pormal naman na sagot nitong mokong na ito. Inirapan ko siya at natawa naman ulit ito kaya kumunot ang noo ni Akesha dahil sa hindi maintindihang nangyayari. “Sorry, I just think something funny memories happened to me,” palusot ng englisherong tukmol. Ang mga kasama ni Akesha ay grabe kiligin, kulang na lang talaga ay sila na magsubo ng pagkain kay Marco. Mukha namang masaya na ngayon si Akesha at wala nang problema sa buhay pag-ibig niya. Kahit papaano, nagpapasalamat ako sa kanila dahil nabawasan na ang bully sa school. Sila Thea ay tumigil na rin matapos ng aksidenteng sinira nila yung upuan ko. Medyo nakakapanibago pero masaya ako sa nangyayari ngayon. Pagkatapos kumain, pumunta na kami sa kanya-kanyang room. Hindi ko alam kung bakit tahimik lang si Akesha kaya pinauna niya ang lahat at sinabi niya sa akin ang dahilang si Marco ang ikukuwento niya sa aking matagal na niyang gusto. Nanlaki pa ang mga mata ko habang iniisip mabuti ang sinasabi niya. Akesha is fell in love with Marco?   *****   “Uyy narinig mo na ba ang balita?” tanong ng mga dakilang chismosa ng aming klase. “Yung sa may-ari ng school?” sagot naman ng isa pang mahilig ng mag-isyoso. “Oo, balita kasi ay may hinanap silang apo,” ani naman ng dakilang tagahatid ng balita ngayong taon. Masyado malakas ang bunganga nila kaya kahit sa kabilang room, siguradong rinig na rinig. “At nag-iisang tagapagmana ng pamilya nila,” dagdag pa niya. May mga pag-uusap pa silang hindi ko na lamang inintindi pa. Kinuha ko na ang libro ko para magkaroon ng maisagot sa susunod namin klase. Mahirap ang mag-aral sa mata ng lahat ngunit para sa akin, wala nang mas hihirap pa ang mapalayo sa pamilya. Tipong kailangan mo magtiis ng lungkot at madalas ay kailangan magkunwaring masaya para hindi sila mag-alala. Nakita ko na lang na tumutulo na pala ang luha ko. Agad ko itong pinunasan at napatingin naman sa direksyon ko si Marco, bakas sa mukha niya kaya’t ngumiti ako bago iwaksi ang aking isipan sa mga alaalang hindi na dapat pang isipin. Dumating na ang guro namin sa P.E na si Ma’am Jasmine at sinabing may outdoor activities kaya’t kailangan magpalit ng damit. Magkaiba ang bihisan ng babae at lalaki kaya hindi kami magkasama ni Marco. Pagkasarado pa lang ng pinto, humarang na sila Thea sa pinto. Tahasang tinignan ako at noong makita ang susi ay agad itong kinuha at binuksan ang locker ko. “Ibinigay niyo sa akin iyan,” pagmamakaawa ko sa kanila bagamat ngumiti lang sila at tinapakan ang damit kong pamalit. “Ay akala namin basahan,” pang-aasar ng isa sa mga alagad niya at lumabas. Kinuha ko na yung damit at wala akong magagawa kung hindi ang suotin dahil isang beses lang sa isang linggo ang aming P.E kaya hindi ako puwedeng hindi makisali sa kanila. Lumabas na ako at nakita silang mga nagtatawanan. Napatingin din si Marco sa diresyon ko at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Lalapit na sana siya ngunit dumating na ang captain ng basketball nila na isang guro rin. Si Marco ay exempted na sa P.E dahil kinuha siyang varsity ng school. Sa oras ng P.E, pupunta siya ng court upang magsanay. Binigyan ko na lang siya ng thumbs up para sabihing ayos lang ako. Noong makita kong paalis na sila, pumunta na akong pilahan para magsimulang saluhin ang mga bolang ihahagis nila sa akin. Volleyball ang isa sa paborito kong laro dahil sa probinsiya. Natuwa si Ma’am Jasmine sa akin kaya nag-offer siyang isali ako sa volleyball team para sa gaganaping sportfest at kulang na lang ay magtatalon ako sa sobrang katuwaan habang ang mga nandito ay masasama ang tingin. Wala naman akong pake kung mainggit sila. Nakatutuwa lang dahil magiging varsity na rin ako ng school at malaking tulong sa pag-aaral ko rito. Matapos ng dalawang oras na P.E ay uwian na kaya sa bahay na lang siguro ako magpapalit at hindi ko rin gusto pang makasabay ang mga kaklase kong magkasalubong pa rin ang mga kilay. Nauna na akong pumunta ng room at kinuha ang bag ko. Palabas pa lang ako ay sumisigaw na si Marco habang tinatawag ang pangalan ko. Nong makalapit ay agad tinignan ang itsura ko kung may ginawa na naman sila sa akin. “Ayos lang ako,” sagot ko sa masama niyang tingin. “Hintayin mo ako, sabay na tayo umuwi,” Hindi na ako nakasagot pa dahil agad siyang umalis at lumapit sa mga kasama niya. May kinuha itong plastic at lumapit sa akin. Nakita kong tinuro pa ako ng isa sa mga kasamahan niya at ngumiti pa ito sa akin. Karamihan sa kanila ay mg kolehiyo na sa kabilang departamento at mukhang mababait. Bumalik na rin si Marco at hinitak na ako papuntang parking lot. “Oo nga pala, kinuha ako ni Ma’am Jas para sa volleyball team,” sabi ko sa kanya at muntik na ako masubsob sa biglang preno niya. Humarap siya sa akin ng puno ng pagkagulat at parang hindi makapaniwala. Tinignan ko siya ng masama at agad naman itong tumawa. “Hindi na ako magtataka, magaling ka e,” pangbobola nito habang kinakamot ang batok. “Wews,” iyon na lamang ang naisagot ko hanggang sa makarating na ng bahay. Hindi ko pa man din sinasabing bumaba ay nauna na siya at pumasok na sa bahay. Gano’n ba siya ka-feel at home sa bahay nila Tiya Marie? Dapat na ba akong magselos kasi agad siyang sinalubong ni Tiya bago ako mapansin? “Oh Marco, dito kana muna at nagluluto akong sopas,” pag-anyaya ni Tiya Marie na sinang-ayunan naman ni Marco. Nagpalit na ako ng damit at itinago ang notebook na sinusulatan ko, baka kasi biglang makita ni Marco na ako talaga ang na sa likod ng kuwentong binabasa niya. Hindi ako sumusulat upang hangaan kung hindi ang magbigay ng inspirasyon sa bawat isa. Nagsuot ako ng puting t-shirt at short na hanggang tuhod. Ang sabi kasi ni nanay ay huwag ako magsusuot ng maiksi at nakakabastos. Lumabas na ako. Nakita kong masaya silang nagkekwentuhan sa kusina. May repolyo at carrots na hindi pa nahihiwa kaya kumuha na akong kutsilyo habang si Tiya ay inihahanda na ang palalambuting macaroni. Tumabi sa akin si Marco at parang humahanga siya sa ginagawa kong paghihiwa. Seryoso ba siya? Ano ang nakakahanga sa pagtatalop ng carrots? “Bakit?” naiilang kong tanong sa kanya. “Left handed ka pala,” wika naman niya. Nagtuloy na lang ako sa paghihiwa hanggang sa inihalo na ito ni Tiya sa pinakukuluan. Inaya ko na si Marco sa sala. Hindi nagtagal ay nagring ang cellphone niya at nagpaalam na sasagutin muna sa labas. Dumating si Tiya Marie na dala ang tatlong mangkok ng sopas. Bakit ang tagal naman bumalik ni Marco? Sa pag-iisip ay lumabas na ako para tawagin siya na saktong pabalik na rin pala. “Saan ka ba nagpunta? Naghain na si Tiya,” Ngumiti ito at sinabing tumawag lang ang papa niya para sabihing hindi ito makakauwi at may aasikasuhin pang negosyo. Hindi na ako nagtanong pa at sabay na kaming pumasok ng bahay. Napansin kong simula noong bumalik kami ay walang kibo si Marco, hindi tulad kanina na ang kulit sa kusina. Pakiramdam ko ay may hindi magandang nangyari o dahil wala lang siya kasama sa bahay. “Ahm Tiya, maraming Salamat po. Mauuna na rin ako” paalam niya matapos tignan ang oras. “Hindi ba wala ang papa mo? Dito kana muna para may kasama ka,” aya ni Tiya Marie at animo’y biglang nagliwanag ang mukha ni Marco. “H-hindi na po at nakakahiya,” Natawa naman ako. Halata naman kasing gusto niya, nahihiya lang talaga. “Dito kana at magreview tayo dahil malapit na rin ang exam,” sabat ko sa usapan nila. Hindi na rin nakipagpilitan pa at pinahiram sa kanya ni Tiya Marie ang damit na hindi na rin nagagamit ni Tiyo Joselito. “Pagpasensiyahan mo na at ito lang mayroon dito,” wika ni Tiya habang inaabot ang mga damit kay Marco. “Ako nga po dapat humingi ng pasensiya,” sagot naman niya. “Basta ang bahay namin ay bukas sa’yo, anak,” Teka… anak? Tumikhim ako para naman maisip nilang nandito rin ako. Natawa naman si Tiya Marie at niyakap ako. “Parehas ko na kayong anak na dalawa,” Lumabas na rin si Tiya at naghanda na akong lamesa namin gagamitin.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD