Lumabas na muna ako sa kuwarto niya at bumalik sa painting kanina sa hallway. Hindi ko alam pero para akong nae-engkantoroon. “Who are you?” Kaagad na napalingon ako nang makita ang pinakamagandangbabaeng nakita ko sa tanang buhay ko. “Ahm...” Hindi ko mahanap ang tamang salita para isagot sa kaniya. “A-Ako nga pala si Carmilla. B-Boss ko si Sir Lazarus,” saadko. Tumikwas ang kilay niya at nilapitan ako. T’saka siyatumingin sa painting. “May balak ka bang nakawin ‘to? Huwag mong susubukan. Alam mo bang hindi mo kayang i-afford ang painting na ‘to kahit pa magtrabaho ka hanggang tumanda ka?” wika niya. “W-Wala po akong balak na nakawin niyan at higit na hindi po ako magnanakaw,” sagot ko. “So ano ang tinitingin-tingin mo riyan?” tanong niya. Magandanga suplada naman. “N-Na

