Malakas pa rin ang ulan at nakatingin lang ako kay Sir Lazarus na tahimik na nakaupo. “H-Hindi ka pa po uuwi?” tanong ko. “Bakit mo naman pauuwiin eh gabing-gabi na at umuulan pa. Hijo, aba’y dito ka na lang matulog. Mahirap ang daan ngayon. Paniguradong umalpas na ang mga tubig sa kanal. Mahirap na ring daanan ang daan ngayon dahil madilim na masiyado,” sabat ni Inang na kalalabas lang ng kusina. Napakunot-noo naman ako. “Inang hindi puwede. Hindi sanay si Sir Lazarus sa—” “Sa ano?” sabat ni Sir Lazarus. Natigilan naman ako. Natawa pa si Inang. “Alam ko na ‘yan. Ilabas mo na ang pinakatago-tago nating mga bedsheet sige na. Gabing-gabi na eh. May trabaho pa bukas. Sige na, linisin mo na iyong kwarto mo,” utos ni Inang. Napakamot naman ako sa batok ko. Hindi ako masiyadong natutulo

