CHAPTER 15

2231 Words
Mang-aagaw BEATRICE      NAPAHINGA SIYA NANG malalim habang pinagsiklop ang kamay na nanlalamig. Hindi niya alam kung kaya ba niya. High school pa lang ang natapos niya tapos homeschooled pa siya. Pangarap niya kasing maging guro, at gusto rin niya ang mga bata. Natutuwa nga siya nang malamang pinapayagan siya ng kuya niya na lumabas at bonus pa dahil may chance na magturo siya sa mga batang ulila at hindi masyadong nakapag-aaral.     Napatingin siya rito nang pagsiklopin nito ang kamay nila. Agad naman siyang napatingin kay Charlene na sumama sa kanila. May katawagan ito sa cellphone kaya hindi nito nakikita ang pagsiklop ng mga kamay nila. Agad siyang bumitiw sa pagkakahawak ng kuya niya dahil bigla siyang kinabahang baka makita ni Charlene iyon. Kukunin sana uli ng kuya niya ang kanyang kamay nang lumabas ang madre.     “Magandang araw sa inyo, hijo, hija. Tama ba ang nakarating sa amin na gusto n’yong mag-volunteer na turuan ang mga bata?” nakangiting tanong ng madre. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at malugod na ngumiti sa madre.     “Opo, Sister. Pangarap ko po kasing ma-experience na magturo ng arts sa mga bata. High school pa lang po ang natapos ko, pero tingin ko naman po ay sapat na rin ang hilig ko para turuan sila,” sabi niya rito. Naramdaman niya ang pagtayo ng kuya niya at paglapat ng kamay nito sa kanyang baywang. Napalunok siya nang mapadako ang tingin sa madre.     “Naku! Napakabuti n’yong mga kabataan. Maraming salamat at kami ang napili n’yo. Oo nga pala. Ako si Sister Mercy,” pakilala nito. Ngumiti siya at nagmano.     “Ako po si Beatrice, Sister,” pakilala niya sa sarili. Ngumiti ang madre at napatingin sa kuya niya. Siniko niya ito na kinatingin nito. Nakatungo lang kasi ito habang nasa tabi niya. Nag-angat ito ng tingin kaya pinandilatan niya ito, pagkaraan ay humarap siya kay Sister Mercy na nangingiti.     “Dimitri Sergio Ford, Sister,” pakilala ng kuya niya.     “Nakakatuwa naman kayo. Mag-boyfriend at girlfriend ba kayo?” sabi nito na kinawala ng ngiti niya. Napatingin siya sa kuya niyang nakatitig pala sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya.     “Naku, Sister, magkapatid po sila,” biglang singit ni Charlene at gumitna sa kanila kaya nawala ang distansya nila.     “Gano’n ba? Nakakatuwa naman at talagang close kayong magkapatid.” Ngumiti na lang siya rito. “Halika na kayo. Tiyak na naghihintay na ang mga bata,” aya ng madre.     Tumango siya at kinuha ang bag sa upuan, maging ang gamit niyang mga papel. Naunang naglakad ang madre habang kasunod siya. Nakita niya ang mga tauhan ng kuya niya na pinapasok ang mga kahon-kahong coloring book at iba pang pangkulay at papel sa loob. Napatingin siya uli sa kuya niya na inagaw ang bitbit niyang papel at ito na ang nagdala nito.     Hindi na siya nagreklamo at hinayaan na lang ito. Naramdaman niya ang pagsunod sa kanila ni Charlene. Hindi niya nga alam kung bakit ito sumama. Nang malaman nitong kasama ang kuya niya ay sumama na rin ito. Talagang malalim ang pagtingin nito sa kuya niya.     Nakita niya si Sister Mercy na pumasok sa isang room. Nilukuban siya uli ng kaba dahil hindi niya alam kung makakaya niyang i-handle ang mga bata, pero susubukan pa rin niya. Hindi siya susuko.     “Mga bata, may ipakikilala ako sa inyo,” sabi nito sa mga batang nakaupo sa mga plastic armchair. May mga sariling mundo ang mga ito nang pumasok sila. “Siya si Teacher Beatrice. Alam n’yo bang may suprise siya sa inyo?” nakangiting sabi ni Sister Mercy. Nagtatalon sa tuwa ang mga bata kaya napangiti siya.     “Talaga po, Sister? Yehey! Gusto ko po ng surprise!” sabi ng isang batang babae na may kaiklian ang buhok. Ang cute nito lalo na at may dimples ito na napakalalim.     “Ano po ba ang suprise n’yo sa amin, Teacher Ganda?” sabi naman ng batang lalaki na sa tingin niya ay gwapo kapag lumaki. Lumapit ito sa kanya at hinatak nito ang dulo ng dress niya. Hinarap niya ito at naupo siya para magpantay sila.     “Sa ngayon, tuturuan ko kayong magkulay. May gift din ako para sa inyong lahat. Pero basta, behave kayo kapag nagtuturo na ako, ha?” nakangiti niyang sabi sa mga ito. Ngumiti ito kaya lumabas ang ngipin nito na bungi ang harap.     “Opo. Promise po magbe-behave ako. Ang ganda n’yo po kasi. Pwede ko po ba kayong maging girlfriend?” sabi nito. Napangiti siya at pinisil ang magkabilang pisngi nito. Ang cute kasi nito. Ngayon lamang siya nakisalamuha sa mga bata. Pero ewan niya kung bakit siya naging mahilig sa mga bata.     “Hey, Bansot! Hindi mo siya pwedeng maging girlfriend. Ang liit-liit mo pa, ’yan agad ang nasa isip mo,” singit ng kuya niyang nasa pinto. Tumingin siya rito at sinamaan ito ng tingin na kinangisi lang nito. Humarap naman ang batang lalaki at lumapit sa kuya niya.     “Hindi ako bansot! Malaki na raw ako sabi ni Sister kaya pwede ko nang ligawan si Teacher Ganda,” inis na sabi nito at sinipa ang hita ng kuya niya. Lihim syang napahalakhak dahil nagsalubong na rin ang kilay ng kuya niya.     “Hindi ka pa nga tuli tapos manliligaw ka na? In your dreams, batang bansot,” pang-aasar nito.     Lumapit naman sa kanya ang batang lalaki at nagulat siya nang halikan siya nito sa labi. Humarap ito sa kuya niya at binelatan. Akmang papatulan na ng kuya niya ito nang samaan niya ito ng tingin. Tumayo siya at bigla siyang napatingin kay Charlene na nasa likod pala ng kuya niya. Nakatingin ito sa kanya nang seryoso na tila binabasa ang nasa isip niya. Nag-iwas siya ng tingin at tumikhim.     “Tama na,” sabi niya sa dalawa. Humarap siya kay Sister na nakangiti silang pinanonood. “Sister, mag-uumpisa na po ako. Pwede po bang manghingi ng guide sa inyo?” baling niya kay Sister Mercy. Ngumiti ito at tumango.     “Okay! Mga bata, tayo ay magdasal muna para sa pag-uumpisa ng inyong pag-aaral. Ipikit ang mga mata at paglapatin ang mga kamay para damhin ang aking dasal,” sabi nito sa mga bata. Natuwa siya nang makita ang pagsunod ng mga ito. Pinikit niya rin ang mga mata at nagdasal.     Pagkatapos ay nagsimula na siya sa pagtuturo niya. Busy ang mga bata sa kanilang pagkukulay habang siya ay lumalakad para panoorin ang mga ito. Napatingin siya sa dulo ng upuan kung saan nakaupo ang kuya niya. Nakahalukipkip ang mga braso nito habang nakasandal sa dingding at nakatitig sa kanya. Kumindat ito na kinairap niya. Tumalikod siya agad upang hindi nito makita ang pagngiti at pagba-blush niya. Umalis muna saglit si Sister Mercy upang ihanda raw ang meryenda ng mga bata. Umalis din si Charlene pero hindi niya alam kung saan ito nagpunta. Nakita na lang niya itong lumabas.     Napatingin siya sa isang batang babaeng nakatungo lang habang nakatingin sa papel. Malungkot ito base sa pinakikita nitong emosyon. Lumapit siya at naupo sa bakanteng upuan na katabi nito. Maingat niyang hinawakan ang likod nito upang haplusin.     “Oh, bakit hindi ka pa gumagawa ng drawing mo? Pati ang pagkukulay?” malambing niyang tanong sa bata.     “Kasi po, hindi po ako marunong magkulay at mag-drawing,” sagot nito. Napangiti naman siya at umayos ng upo.     “’Yon lang pala, e. Huwag ka nang malungkot. Tutulungan kita, gusto mo ba?”     Napaharap ito sa kanya at napangiti. “Opo. Gusto ko pong turuan n’yo ako para marunong na po akong magkulay,” sagot nito habang nakangiti.     Ngumiti siya rito at hinaplos ang buhok nito. Iniisip niyang kapareho lang niya ang mga ito. Ngunit siya ay maswerte dahil mababait ang mga kumupkop sa kanya. Iniisip niya kung bakit kaya nagawang iwan ang mga batang ito ng kanilang mga magulang? Dahil sa pagiging mapusok ng mga magulang, ang mga batang ito ang nagsasakripisyo.     Tinuruan niya ang bata na magkulay at mag-drawing. Kahit na paling at hindi kagandahan ang drawing nito ay okay lang. Lahat naman ng bagay ay napagpapraktisan, basta magtiyaga lang.     “f**k!”     Napalingon siya sa kuya niya nang bigla itong nagmura. Nagmamadali itong tumayo at lumapit sa kanya.     “Babe, aalis lang ako saglit, babalikan kita agad,” nagmamadali nitong sabi. Tumayo siya at naguguluhan siya kung bakit parang hindi ito mapakali.     “Bakit? May problema ba?”     Umiling ito. “May titingnan lang ako. May nakapasok yata sa bahay,” tiim-bagang nitong sagot.     Tumango siya rito na may pag-aalala. “Baka magnanakaw ’yon. Dapat pala hindi mo na lang ako sinamahan, baka nanakawan ka pa.”     Humalik ito sa labi niya na kinasinghap niya sa gulat. Ngumiti ito habang dinidilaan ang labi. “Wala akong pakialam kung magnakaw sila. Huwag lang ikaw ang nanakawin nila,” sabi nito na kinainit ng mukha niya. Nag-iwas siya ng tingin at tumingin sa paligid kung may nakakita ba. Thank, God, dahil mukhang wala naman.     “Sige na, umalis ka na. Hihintayin na lang kita rito.”     “Okay, I’ll be back.” Ngumiti siya at tumingin  dito na tumalikod na. Nakaabang sa pinto ang isa nitong tauhan at umalis na sila. Napahinga siya nang malalim at tumingin sa mga bata. Nakatutok ang mga ito sa kanilang ginagawa, kaya pinagpatuloy niya na ang pagtuturo sa batang babae.                NAPATINGIN SIYA SA relo niya at napansing dalawang oras na palang wala ang kuya niya. Tapos na ang teaching lesson niya at napakain na nila ang mga bata, pero hindi pa rin dumadating ang kuya niya.     Napatingin siya kay Sister Mercy na kausap ang kapwa nito madre.     “Excuse me po, Sister, magpapaalam na ho sana ako. Tingin ko ay natagalan ang kasama ko kaya uuwi na lang po akong mag-isa.”     “Gano’n ba, hija? Sige, mag-iingat ka. Maraming salamat at napasaya n’yo ang mga bata,” sabi nito habang nakahawak sa mga kamay niya.     Ngumiti siya rito. “Walang anuman po. Babalik din po ako bukas, wala naman po akong gagawin sa bahay.”     “Naku, tiyak na matutuwa ang mga bata sa sinabi mo,” nakangiting sabi nito at binalingan ng tingin ang mga batang naglalaro sa playground. Bumaling uli sa kanya ang madre. “Nawa ay palarin ka sa ’yong kabutihan, hija.”     “Sana nga ho.” Humarap siya uli sa mga bata. “Bye, kids!”     “Ba-bye, Teacher Beatrice!” Kumaway siya at tumalikod na bitbit ang mga papel na pinaghirapan ng mga bata.     Nakita niyang may naiwan pa palang tauhan ng kuya niya. Akala niya ay sumama ang mga ito.     “Bakit wala pa si Kuya?” tanong niya sa dalawang naiwan.     Umiling ang mga ito. “Hindi namin alam, Miss. Binilinan lang kami na magbantay rito.”     “Kung gano’n ay halika na po. Baka nagkaproblema talaga sa bahay kaya natagalan siya,” sabi niya sa mga ito. Pinagbuksan siya ng pinto sa backseat kaya sumakay na siya.     Nakatingin lamang siya sa bintana habang tinitingnan ang mga dagat na kanilang nadadaanan. Ngayon niya lang nalamang nasa isang isla sila. Sinabi iyon ng kuya niya pero hindi sinabi kung anong isla.     Huminto ang sasakyan kaya napalingon siya sa harap. Nakarating na pala sila nang hindi niya namamalayan. Masyado kasi siyang naka-focus sa paligid. Bumaba na siya at napatingin sa sasakyang pula na nakaparada. Sino kaya ang dumating? Bakit may sasakyan sa tapat ng bahay? Sa pagkakaalam niya ay hindi ito sa kuya niya. Nagkibit-balikat na lang siya at nagsimula nang maglakad.     Napatingin siya sa pinto nang bumukas iyon at nakita niya ang paglabas ng kuya niya at ng isang babae na halos lumuha ang dibdib dahil sa suot nitong fit na fit na black dress. Maganda, sexy, elegante, at may kakaiba siyang nararamdaman dito na hindi niya gusto. Napatingin ang kuya niya sa kanya na tila gulat na gulat nang makita siya.     Napatingin siya sa babae nang ngumisi ito sa kanya. Tiningnan siya nito mulo ulo hanggang paa. Masasabi niyang mas matangkad ito kaysa sa kanya kaya parang nanliit siya. Ngumiti siya rito pero ngumisi lang ito.     “Sino siya, Mr. Ford?” mapanuksong tanong nito. Napatingin siya sa kuya niyang seryoso lamang ang pinakikitang reaksyon. Nakatingin ito sa kanya ngunit hindi niya mabasa ang tingin at iniisip nito.     “She’s my girlfriend,” sagot nito na kinaawang ng bibig niya. Nag-iwas siya ng tingin nang biglang humalakhak ang babae.     “Oh, I see,” natutuwa nitong sabi at bumaling sa kuya niya. “Sige, mauuna na ako. ’Yong deal natin huwag mong kalilimutan,” sabi nito at nilapit ang labi sa tainga ng kuya niya na tila may binulong. Pagkaraan ay humarap ito sa kanya na may ngiting pang-iinsulto bago ito umalis sa harap nila.     Nakatingin siya sa sasakyan nitong pula na palayo na sa bahay. Napaigtad siya nang may naramdaman siyang mainit na yumapos sa baywang niya. Yumakap ang kuya niya sa likod niya habang humahalik sa kanyang pisngi.     “So, may relasyon nga talaga kayo?” tanong ng isang pamilyar na tinig.     Inalis niya ang kamay ng kuya niya sa baywang at lumayo. Napatingin siya kay Charlene na tila kararating lang. Hindi man lang niya napansin ang pagdating nito.     Pagkagulat ang mababakas sa mukha nito, tila hindi makapaniwala sa nalaman tungkol sa kanila. Habang siya ay napalunok at kinabahan dahil nabuking na sila. Bumuka ang bibig niya pero hindi niya malaman kung ano ang sasabihin.     “Mang-aagaw ka, Beatrice!” galit na sabi nito at tumalikod na paalis. Nakita niya ang luha nito bago ito tumalikod, habang siya ay parang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi nito.     Copyrights 2016 © MinieMendz Book Version 2019
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD