CHAPTER 16

2243 Words
Tagpo BEATRICE      NAPAUPO SIYA HABANG sapu-sapo ang mukha. Nasaktan niya si Charlene. Nagalit ito dahil sa kanya. Iyon ang unang beses na may nagalit sa kanya. Buong buhay niya ay nabuhay siya nang walang may hihinakit sa kanya. Pero ngayon ay nakokonsensya siya. Pero hindi naman niya alam kung anong gagawin niya.     Naramdaman niya ang pag-upo ng kuya niya sa kanyang likuran. Napahinga ito nang malalim bago siya hinawakan sa balikat.     “Tumayo ka na d’yan. Hindi mo kasalanan kung nalaman man niya. Una sa lahat, hindi ko siya mahal para sumbatan ka niya. At lalong hindi ko siya girlfriend para sabihan ka niya ng mang-aagaw,” paliwanag nito. Humarap siya rito na may bakas ng luha sa mga mata. Pinunasan nito iyon at hinawakan siya sa mukha. “Huwag kang mag-alala, kakausapin ko siya.” Napayakap siya rito dahil kahit papaano ay gumaan ang loob niya. Napahigpit ang yakap niya sa leeg nito nang buhatin siya nito. Pinulupot niya ang mga binti sa baywang nito habang nakahawak naman ito sa baywang niya. Sumandal siya sa balikat nito at pinikit ang mga mata.     “Kumain muna tayo, Babe.”     Umiling siya rito habang nakasandal pa rin ang ulo sa balikat. “Mamaya na lang, wala akong gana. Magpapahinga na lang muna ako,” walang gana niyang sabi rito.     Nagbuntong-hininga ito na tila wala nang magagawa. “Okay, Boss.”     Napangiti naman siya sa sinabi nito at hindi niya namalayang tinangay na siya ng antok habang bitbit siya nito papasok.                PIKIT ANG MGA matang pumaling siya sa kabilang side ng kama. Kinapa-kapa niya ang pwesto ng kuya niya ngunit wala siyang taong nakapa. Inaantok na dinilat niya ang mga mata. Mag-isa lamang siya sa kwarto. Wala roon ang kuya niya. Napatingin siya sa wall clock at nakita niyang pasado alas nuebe na ng gabi. Napasarap ang tulog niya kaya hindi siya nakabangon para kumain. Umalis siya sa kama at lulugo-lugong lumakad palabas. Nag-iinat pa siya at dahan-dahang naglakad dahil madilim. Nasaan kaya ito? Patay naman na ang buong ilaw sa buong kabahayan.     Nilibot niya na ang buong bahay. Mula sa sala, dining area, kitchen, bathroom, pati ang bar area nito ay pinuntahan niya. Naisipan niyang umakyat uli dahil baka nasa banyo sa kwarto lang pala ito. Pero tinungo muna niya ang guest room at pati entertaining room, ngunit wala pa rin doon ang kuya niya. Bumalik na lang siya sa kwarto. Binuksan niya ang ilaw at wala nga ang kuya niya. Tinungo niya ang banyo nila pero wala rin. Lumapit siya sa kama at naupo. Napaisip siya kung saan ba ito nagpunta.      ♫ All I want to do is make love to you One night of love was all we knew All want to do is make love to you I’ve got lovin’ arms to hold on to Oh, oooh, we made love— ♫              Kinuha niya ang cellphone nito na nakapatong sa side table. Namula siya sa klase ng ringtone nito. Umiling-iling siya at tiningnan na lang kung sino ang tumatawag, ang kaso ay namatay na agad ang tawag nito. Ayaw niya sanang pakialaman ang cellphone nito dahil pribado na iyon, pero baka importante iyon dahil tumawag pa uli.     Nakita niya ang isang unknown number. In-exit na nya iyon dahil wala rin naman palang pangalan. Ilalapag niya sana uli iyon nang mag-vibrate naman ito. Hudyat lang iyon na may nagpadala ng isang text message.     Binuksan niya ang text at iyong unknown number na naman. Nagdadalawang-isip pa siya kung bubuksan niya iyon, pero na-curious siya kung ano ba ang mensahe nito kaya binuksan niya ang text.      Unknown number.                Naguluhan siya kung bakit ganoon ang text. May meeting ba ang kuya niya kasama ang kung sino mang nag-text na ito? Baka kaya wala ang kuya niya ay doon ito nagpunta. Pero bakit sa hotel? At bakit parang hindi maganda ang kutob niya sa message nito? Parang may pagkamalandi pa ang emoticon nito.     Humugot siya nang malalim na hininga at tumayo. Nanginginig ang mga kamay niya at palakad-lakad siya. Pumikit siya at nagmadaling lumabas ng kwarto. Mabuti ay hindi pa siya nakapagpapalit ng damit. Hindi nga lang niya alam kung ano ang itsura niya.     Paglabas niya ay katahimikan ang sumalubong sa kanya. Tiyak na tulog na rin ang ibang tauhan ng kuya niya. Iniisip niya kung paano siya makapupunta sa hotel na nabasa niya sa text. Wala namang dumadaang sasakyan sa bahay nito.     “Miss, bakit gising pa kayo?” sabi ng isang tauhan ni Dimitri na halatang inaantok. Napalingon siya rito at nakilala niya ito. Ito iyong isang tauhan na laging kasama ng kuya niya. Pero bakit hindi ito kasama ng kuya niya sa hotel?     “Huh? Ano, alam mo ba kung saan nagpunta si Kuya? Wala kasi siya paggising ko,” tanong niya rito.     Napaisip naman ito. “Wala po si Boss? Nakapagtataka. Dapat ay nagpapasama siya sa amin tuwing may lakad siya, lalo na kapag may deal siya,” halos pabulong nitong sabi pero umabot pa rin sa pandinig niya. Napaisip siya sa sinabi nitong deal. Saan nga ba niya narinig iyon? Hanggang sa mag-pop sa isip niya iyong babaeng naabutan niya kanina na kausap ng kuya niya. Nakalimutan niyang tanungin kung sino iyon dahil kay Charlene. Hindi kaya nakipagkita ito sa babaeng iyon? Nilukuban siya agad ng kaba sa naisip.     Bumaling siya agad sa lalaki. “Kuya, dali po, samahan n’yo po ako sa Hotel Trias. Alam mo po ba ’yon?” nagmamadali niyang tanong.     “Alam ko ’yon, Miss. Pero bawal po kayong lumabas nang walang pahintulot ni Boss,” sagot nito.     Sinamaan niya ito ng tingin na kinalunok nito. “Pakiusap, Kuya. Hindi maganda ang kutob ko sa pag-alis na ginawa ng kuya ko,” pagdadahilan niya na may katotohanan naman talag. Tumango ito at tinungo ang kotseng nakaparada sa harap ng bahay. Pinagbuksan siya ng pinto nito kaya lumapit siya sa kotse at sumakay na. Nag-seatbelt siya at minanduhan ito na bilisan.     Hindi siya mapakali sa kinauupuan. Pinagpapawisan din ang palad niya. Hindi niya alam kung bakit iba ang kutob niya. Sana ay nagkakamali lamang siya. Naiinis siya dahil bakit parang napakatagal naman nilang makarating? Binalingan niya ang tauhan na naka-focus sa pagmamaneho.     “Malapit na po ba tayo? Bakit ang tagal nating makarating?” pangungulit niyang tanong.     “Yes, Miss. Actually nandito na tayo,” sabi nito at hininto ang sasakyan. Napatingin naman siya sa unahan at nakita niya ang isang malaking gusali na sa tingin niya ay ang hotel. Halatang mamahalin ang hotel dahil sa ganda nito.     Inalis niya ang seatbelt sa katawan at lumabas na siya ng kotse. Tinawag pa siya ng tauhan ng kuya niya pero hindi na siya nakapagpigil. Nilibot niya ang tingin sa malawak na lobby ng hotel. May ilang tao ring tila nagche-check-in sa hotel. Lumakad siya patungo sa elevator na nakita niya. Mabuti at hindi siya nasita ng mga nagtatrabaho sa hotel, kung hindi ay baka hindi siya papasukin. Pinindot niya ang third floor na sinabi ng nag-text.     Napahawak siya sa dibdib nang lumakas ang kabog ng dibdib niya habang tinitingnan ang numero ng elevator. Tumunog ang elevator hudyat na nakarating na siya sa third floor. Napahinga siya nang malalim at naglakad palabas. Dahan-dahan siyang lumakad at humarap sa unang numero ng number ng floor na iyon.     Tinaas niya ang kamay ngunit tila nanghihina ito dahil sa panginginig.     “Geez! Bakit ba ako kinakabahan? Wala naman akong dapat ikatakot,” natatawang sabi niya sa sarili. Pinakalma niya ang sarili at nilakasan ang loob at nag-door bell, ngunit walang nagbubukas ng pinto. Nag-try pa siya ng isa pero wala talaga.     Kaya naisipan na lang niyang umalis dahil baka wala namang tao roon. Pero hindi pa siya nakatatalikod nang mapansin niyang nakaawang pala nang kaunti ang pinto. Nagtataka siya kung bakit hinayaan lang na hindi ito nakasara. Hinawakan niya ang pinto at dahan-dahang binuksan. Sumilip muna siya at nakiramdam. Wala naman siyang narinig na tao sa loob. Tumingin muna siya sa paligid dahil baka may makakita sa kanya. Nang wala siyang nakitang tao ay tuluyan na siyang pumasok.     Madilim ang paligid pero may pagka-dim ang ilang bahagi ng kwarto dahil sa authomatic lights. Dahan-dahan siyang lumakad habang tinitingnan ang paligid. Infairness, malinis ang buong paligid. Maganda ang style ng bawat dingding. May narinig siyang ungol at parang ibang tunog. Lumakad pa siya at tumambad sa kanya ang pinakasala ng kwarto. Napadako ang tingin niya sa sofa na may nakatalikod na lalaking nakaupo. Umuungol ito pero hindi niya alam ang dahilan. Pero parang kilala niya ang buhok at likod nito.     Lumapit pa siya nang kaunti at napatakip siya ng mga mata at ng bibig nang makitang may babaeng nakaluhod sa harap nito habang may ginagawa sa p*********i nito. Hindi niya makita ang mukha ng babae dahil nakayuko ito at medyo nahaharangan ng buhok. Tumalikod siya dahil tila mali siya ng pinuntahan. Nakasaksi pa tuloy siya ng hindi niya dapat makita.     Oo, ilang beses na siyang nakipagtalik sa kuya niya. Pero hindi niya yata magagawa ang ganoon.     Ilang hakbang pa lang ang nagagawan niya nang marinig niya ang pag-ungol ng lalaki.     “Ohhh, B-Beatrice . . .” Para siyang naestatwa nang makilala niya ang boses nito. Nanginginig siyang humarap at nasalubong niya ang mga mata ng babae na nagpunta sa bahay ng kuya niya. Mapang-asar itong ngumisi habang nakahawak sa p*********i ng kuya niya habang siya ay hindi maproseso ang lahat. Ito ba ang sinasabi nitong deal? Kaya ba atat na atat na umuwi ang kuya niya sa bahay noong nasa ampunan sila ay dahil may manok na handa palang magpatuka?     “K-Kuya?” nauutal niyang sambit sa pangalan nito at bumagsak ang luha niya habang nakatingin sa mga ito. Nakita niya ang pagtulak ng kuya niya sa babae at pagtayo nito na tila latang-lata. Nakita niya ang p*********i nito dahil sa pagtayo nito. Sinuot nito ang pants at humarap sa kanya na gulat na gulat, tila kagigising lang base sa mukha nitong pipikit-pikit. Kahit nanlalata ito ay lumapit ito sa kanya. Umatras siya habang napaiiling at lumuluha.     “B-Babe, magpapaliwanag ako . . .” sabi nito habang lumalapit ito sa kanya. Pagkalapit nito ay sinampal niya ito sa kauna-unang pagkakataon. Pumaling ang pisngi nito dahil sa lakas ng sampal niya.     “You are such a devil. Nakakadiri ka,” sabi niya at nagmamadaling tumalikod. Pero napahinto siya nang yakapin siya nito nang mahigpit mula sa likod na kinainis niya.     “No . . . no. Please, let me explain. Mali ka ng iniisip,” nagsusumamong sabi nito. Kinalas niya ang kamay nito at humarap siya dito. Tinadyakan niya ito sa p*********i na kinaaray nito.     “Ayaw na kitang makita, Kuya!” madiin at galit niyang sabi rito. Tumakbo siya at binuksan ang pinto. Napahawak siya sa bibig at humahagulgol habang tumatakbo. Pagkarating sa elevator ay agad niyang pinindot ito para bumukas. Nagpasalamat siya at nakisama ito. Narinig niya ang pagtawag ng kuya niya pero hindi niya iyon pinansin, bagkus ay nagmadali siya sa pagpasok sa elevator. Kinabahan siya dahil hindi pa tuluyang nagsasara ang pinto nang makarating ang kuya niya sa harap niya. Pero napahinga siya nang maluwag nang magsara na ito bago pa ito makahakbang papasok.     Napasandal siya sa dingding ng elevator at doon ay malakas siyang umiyak. Pinalo niya ang dibdib dahil parang hindi siya makahinga. Bumabalik sa isipan niya ang tagpo kung paano paligayahin ng babaeng iyon ang kuya niya. Hindi pa ba ito naliligayahan sa kanya kaya naghanap ito ng iba na tiyak na mas magaling sa kanya? Sa ungol ng kuya niya ay nasasarapan ito. Kung hindi pa nito binanggit ang pangalan niya ay hindi pa niya matutuklasan iyon.     Napatawa siya nang peke habang nakatulalang lumuluha. “Wala pa nga pala akong masyadong alam sa ’yo, Kuya. Hindi ko alam na hindi ka pala nakukuntento sa isa,” sabi niya na parang kausap ang kuya niya.     Pagbukas ng pinto ng elevator ay tumakbo agad siya palabas. Nakita siya ng guard na tila nagtataka kung bakit siya umiiyak. Hindi niya ito pinansin at tumatakbo na siya palabas.     Nakita niya ang tauhan ng kuya niya na nagsama sa kanya rito. Nakatalikod ito na tila naninigarilyo kaya hindi siya nito nakitang lumabas. Tinakpan niya ng buhok ang kanyang mukha at sa kabilang dereksyon siya tumakbo. Hindi siya maaaring magpakita rito. Loyal ito sa kapatid niya kaya tiyak na ibabalik lang siya nito sa bahay, na hindi niya hahayaang mangyari. Kailanman ay hindi na siya babalik sa kuya niya. Kung dati ay hindi siya makatakas, ngayon ay chance na niya. Sayang, wala na sana siyang motibo na lumayo pa rito, dahil kahit hindi niya aminin ay nagkaroon na siya ng damdamin para sa kuya niya. Pero ngayon ay may dahilan na siya uli para iwan at takasan ito.     Tumawid siya sa kabilang kalsada na hindi pinapansin ang nasa paligid niya. Nasa kalagitnaan na siya ng kalsada nang may malakas na headlight ang tumama sa kanyang mukha. Napahinto siya at napatakip ng mata. Nakarinig siya ng paggasgas ng gulong, hudyat na nagpreno ito. Napahinto siya sa pag-iyak at napaupo dahil sa kaba. Nakatakip pa rin siya sa mata niya.     “Are you okay, hija?” tanong ng isang pamilyar na matandang boses. Tinanggal niya ang pagkakatakip sa mata at napaangat siya ng tingin. Nasisilaw pa siya sa ilaw kaya hindi niya makita ang mukha ng kaharap. Nang maka-adjust ang paningin niya ay nakita niya ang matandang lalaking may tungkod na hawak. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.      Copyrights 2016 © MinieMendz Book Version 2019
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD