CHAPTER 12

2545 Words
Special Friend BEATRICE      NANGHIHINANG BUMANGON SI Beatrice sa kama habang nakahawak sa sumasakit niyang tiyan. Kahit na nakahubad ay hindi niya ininda iyon. Napahawak siya sa bibig nang makaramdam ng pagsusuka.     Kahit nanlalata ay nagmamadali siya sa pagtungo sa banyo. Tumapat siya sa toilet at doon nagsuka. Pero wala namang lumabas kundi puro tubig. Napahawak siya sa tiyan habang nakaupo sa gilid. Nanginginig siya sa lamig at mas lalong sumakit ang tiyan niya.     Sinubukan niyang gumapang palabas para manghingi ng tulong sa kuya niya. Para siyang mahihimatay sa sobrang sakit at panghihina. Para siyang magsusuka nang paulit-ulit, pero halos tubig ang lumalabas sa bibig niya.     Kumatok siya sa pinto nang makarating siya roon. Kahit nanghihina ay sinubukan niyang sumigaw.     “K-Kuya, tulong! K-Kuya!”     Hindi niya alam kung anong oras na, pero wala ang kuya niya sa kwarto. Sana ay marinig siya nito, dahil nahihirapan na siyang huminga.     “Ackkkhh . . .” Napahawak siya uli sa bibig nang makaramdam ng pagsusuka. Napahiga siya sa sahig nang hindi na niya nakayanan.           DIMITRI      BUMABA NA SIYA ng kotse nang makarating na siya sa bahay niya. Napasarap ang usapan nila ni Tenzui kaya hindi niya namalayan ang oras. Inabot na sila ng madaling araw sa pagkukwentuhan.     Tinamaan na rin siya ng alak sa dami ng kanyang nainom. Humarap muna siya sa mga tauhan niya bago tuluyang pumasok sa bahay.     “Ipasok n’yo sa bangko ang pera. Ang isang bag, paghatian n’yo bilang bonus.”     “Sige, Boss, salamat!” tuwang-tuwang tugon ni Oscar at inaya na ang mga kasama. Napailing siya at ngumisi. Minsan lang siya tinatamaan ng kabaitan kaya samantalahin na nila.     Hinagod niya ang buhok habang nakasandal ang kamay sa pinto. Nagtagal muna siya sandali sa pagtayo roon dahil bigla siyang nakaramdam ng hilo. Pumasok na siya sa loob nang maramdamang ayos na siya. Katahimikan ang sumalubong sa kanya. Napatingin siya sa taas at napangiti. Ang sarap pala sa pakiramdam na meron siyang uuwian.     “I think she’s still sleeping. What a sleepyhead,” parang tangang sabi niya sa sarili.     Umakyat siya sa taas kung saan niya iniwan si Beatrice. Nakangiti pa siya habang binubuksan ang pinto, pero napawi iyon nang bumungad ang nakalumpasay, nakahubad, at tila walang malay na si Beatrice. Tila natanggal ang pagkakalasing niya at dali-daling dinaluyan ang dalaga. Sobra ang pagkabog ng dibdib niya, lalo na nang makita ang maputlang itsura ng dalaga. Hindi niya alam kung ano ang unang gagawin.     Dali-dali niyang pinangko si Beatrice at hiniga sa kama at kinumutan. Pabalik-balik siya sa paglalakad habang nakasabunot sa buhok niya. Kinapa niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang kilalang doktor na si Dylan na naging kaibigan niya.     “Hey, dude. Ang aga mo namang nambulabog,” bakas sa boses nito ang antok.     “Damn it! Come here, I need your help,” apurado niyang sabi rito.     “Anong nangyari? May ginawa ka na naman?”     “No, it’s not that. f**k! Just come here!” naiinis niyang sabi.     “f**k you, too, dude! Nasaan ka ba? Apurado ka, hindi ko naman alam kung saan ka ba nagsususuot.” Halata rin sa boses nito ang inis.     “Isla Mariveles. Bilisan mo, mapapatay talaga kita!” pasigaw niyang utos.     “Gago! Oo na! Sige, see you soon, asshole!” sabi nito at binabaan na siya ng tawag. Binulsa niya uli ang cellphone at lumapit kay Beatrice. Hinawakan niya ito sa kamay nang mahigpit at hinalikan.     “Please, wake up, Babe. I’m sorry. I’m sorry,” paos niyang sabi sa tulog na dalaga habang patuloy na hinahalikan ang kamay nito na malamig. f**k him! Kung maaga sana siyang umuwi, baka hindi ganito ang nangyari. He will not forgive himself if something bad happened to her. He is an asshole, a jerk, but not definitely a demon.     Tumayo siya at naisipan na damitan si Beatrice bago pa dumating si Dylan. Ayaw niyang makita nito ang sa kanya lamang.     Mataas na ang araw bago siya napatingin sa humahangos na si Dylan. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama na pinaghihigaan ni Beatrice. Matalim ang tingin na binigay niya rito dahil naiinis siya sa tagal nitong dumating.     “Damn you! Ang tagal mo!” sigaw niya rito.     Peste ang loko, nginisihan lang siya at lumapit agad kay Beatrice. Sinuri ito ni Dylan at hinahawak-hawakan para makita ang mali. Hanggang sa hawakan nito ang tiyan ng dalaga.     “Hey! Hey! Bakit mo hinahawakan sa tiyan si Beatrice, ha?!” galit niyang sabi rito nang itaas nito ang damit ng dalaga.     “Stop talking, Ford! Hindi ako makapag-concentrate. Mabuti pa, lumabas ka na lang,” sabi nito habang nilalabas ang mga gamit nito.     “Dito lang ako. Baka kung ano pang gawin mo sa kanya,” seryoso niyang sabi at lumapit sa gilid ni Beatrice.     “Anong ako? Sino ba ang may kasalanan bakit walang malay si Miss Ganda? May ginawa ka siguro,” paninisi nito. Natahimik siya at napahinga nang malalim.     “Tiningnan ko ang tiyan niya dahil doon siya nagkaproblema. Malamig ang sikmura niya at tila nahihirapan siyang huminga. Base sa bakas ng tubig sa bibig niya, nagsuka siya ngunit puro tubig ang lumabas,” paliwanag nito. Tumayo ito at humarap sa kanya matapos tingnan si Beatrice. “Nalipasan siya ng gutom kaya sumakit ang tiyan niya,” seryoso nitong sabi. Napamaang siya at gusto niyang saktan ang sarili sa nalaman. Nakalimutan niyang hindi pa nga pala ito kumakain at bawal dito ang nalilipasan ng gutom. f**k! Why on earth did he forget that?     “God. Bakit ko nakalimutan ’yon?” sisi niya sa sarili.     Lumapit si Dylan sa kanya at tinapik ang balikat niya. “Dude, don’t be hard on her. She’s just a girl, and your sister,” payo nito na hindi niya nagustuhan.     “She not my sister, asshole,” galit niyang sabi rito.     “Oh, come on. Kahit pagbalik-baliktarin ang mundo, nakasaad sa papel na inampon na siya ng parents mo. Kaya sa papel, magkapatid pa rin kayo. Bakit kasi hindi ka na lang maghanap ng iba? Mahihirapan kayo sa sitwasyon n’yo. Lalo na siya.”     Masama niya itong tiningnan pero nagpatuloy pa rin ito sa sinasabi.     “Oh, by the way, matanong ko lang sa ’yo, alam na ba niya ang tunay mong trabaho? Tingin mo matatanggap ka niya kapag nalaman niyang isa kang sindikato na may hawak ng mga delikadong organisasyon? Anong mangyayari sa kanya kapag napahamak siya? Paano kung hindi mo siya maprotektahan?”     “Kaya ko siyang protektahan, kaya huwag mo akong pangunahan. Saka, bakit ka ba tumututol?” giit niya at masamang tumingin dito. Umiling ito at napahinga nang malalim.     “I advice you, dude, set her free. Give her back to your family. I think she really missed your parents. She doesn’t belong to you, Dimitri,” sabi nito at lumabas na ng kwarto.     Para naman siyang natuod habang nakatitig kay Beatrice. Hindi niya alam kung bakit siya tinamaan sa mga sinabi ni Dylan. Ang gusto lamang niya ay ang makasama ito. Pero may point si Dylan. Paano kung isang araw, hindi niya nakayanang proteksyunan ang babae? Lalo na sa mga magiging kalaban niya? Ngayon pa lamang ay napahamak na ito pero wala man lang siyang nagawa.      BEATRICE      NAKAUPO SIYA SA kama habang nakatulala. Naninibago siya sa nangyayari sa paligid niya. Paggising niya ay tila nag-iba ang ihip ng hangin, tulad ngayon.     Bumukas ang pinto at pumasok doon ang kuya niyang may bitbit na pagkain. Nakangiti ito na madalang nitong gawin noon.     “Mabuti at gising ka na. Pinagluto kita ng favorite mong adobo. Hindi pa ako masyadong bihasa, pero sa tingin ko ay pwede naman na,” natatawa nitong sabi.     Nilapag nito ang bitbit na tray sa side table nang hindi niya ito inimikan. Ganoon ang nangyari noong pagkagising niya. Hindi niya ito iniimik at tila batid naman nito iyon.     Napabuntong-hininga ito habang nakatayo sa gilid ng kama. Pagkaraan ay naupo ito paharap sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin at nanatili lamang na nakatingin sa bintana, kung saan siya nito tinali noong nakaraang gabi.     “Bea, I’m sorry. Alam kong naging malupit ako sa ’yo,” sabi nito. Gusto niyang barahin ang lalaki, pero nanatili siyang tahimik. “Pero pangako, susubukan kong baguhin ang sarili ko,” nagsusumamo nitong sabi. Gusto niyang lingunin ang kuya niya pero tila natuod siya sa sinabi nito. Totoo kaya iyon? Dapat ba siyang maniwala?     Nang hindi siya tumugon ay tumayo ito at lumanghap uli ng hangin na tila nahihirapan.     “Ubusin mo ang pagkaing hinanda ko. Pagkatapos mo d’yan ay tingnan mo ang iniwan kong envelope,” sabi nito. Akala niya ay aalis na ito pero tila may sasabihin pa. “Sana . . . mapasaya kita. Ipinapangako kong hindi na ako magiging mahigpit, pero huwag mong hilingin na ibalik kita kina Daddy dahil hindi mangyayari ’yon.” Pagkasabi nito ay tumalikod na ito. Naramdaman niya ang paglingon uli nito bago isara ang pinto.     Napabuga siya ng hangin nang makalabas ito. Tila nasanay na ang katawan niya na laging kinakabahan kapag lumalapit ito. Napaisip naman siya sa mga sinabi ng kuya niya. Pakiramdam niya ay bukal talaga sa loob nito ang sinabi. Pero hindi muna siya masyadong aasa, dahil baka bigla itong bumalik sa pagiging mahigpit sa kanya.     Napagdesisyunan niyang kainin ang hinanda nito. Natatakam siya sa amoy ng adobo. Babawi siya ng kain dahil parang wala man lang laman ang tiyan niya. Dulot siguro ng pagkakasakit niya.     Nang matapos siyang kumain ay napagawi ang tingin niya sa sinasabi nitong envelope. Napatungan iyon ng tray kaya hindi niya agad nakita. Nagpunas muna siya ng bibig gamit ang tissue bago niya iyon kinuha.     Parang sa mga pelikula . . . dahan-dahan pa ang pagbukas na ginawa niya. Para siyang kinakabahan sa makikita niya. Lumunok siya at tuluyang kinuha ang laman nito. Isang puting papel? Binasa niya ang mga nakasulat doon, at napamaang siya sa kanyang nabasa.     Napatingin siya sa pinto, pagkatapos ay agad niyang binalik sa envelope ang papel. Tumayo siya at dahan-dahang lumakad palapit sa pinto. Hinawakan niya ang doorknob at pinihit. Nagulat pa siya nang bumukas iyon. Himala at hindi iyon ni-lock ng kuya niya.     Sumilip muna siya at nang wala siyang makitang maski isang tao ay lumabas siya. Nilibot niya ang tingin, dahil sa totoo lang ay ngayon lang niya mapagmamasdan nang matagal ang lugar na kinaroroonan. Lagi kasi siyang nasa maling sitwasyon kapag pumapasok na siya sa bahay nito.     Dahan-dahan siyang bumaba sa hagdanan. Nag-aalangan pa siya, lalo na nang makita ang mga tauhan nito na naglisawan.     “Magandang araw, Miss,” bati ng isang tauhan ni Dimitri nang makita siya nito. Tumango siya at alanganing ngumiti. Aalis na sana ito nang pigilan niya.     “Sandali!” Huminto ito at hinintay ang sasabihin niya. “Nasaan si Kuya?”     “Nasa shooting area, Miss,” sagot nito. Naguluhan siya kung anong ‘shooting area’ ang tinutukoy nito, pero hindi na siya nag-usisa pa.     “Pwede mo ba akong samahan doon?” Tumango ito at pinasunod siya. Ngayon niya lang napagtantong napakarami palang tauhan ng kuya niya. Hindi niya alam kung ano ba ang trabaho nito para magkaroon ito ng napakaraming bodyguard.     Napansin niya ang isang tila napakalaking gate na bakal na may halong stainless na pinakabakod nito. Pumasok sa maliit na pinto ang lalaki kaya sumunod siya. Medyo madilim sa loob pero may liwanag pa rin naman kahit papaano kaya nakikita niya pa rin ang nilalakaran. Nakarinig siya ng putukan kaya halos mapatalon siya sa gulat. Napatakip siya sa tainga dahil hindi niya makayanan ang lakas ng tunog.     “Miss, ayos lang kayo?” pukaw ng tauhan ng kuya niya na nagsama sa kanya sa loob. Tumango siya rito at tiniis ang ingay.     Dumeretso sila papasok. Halos mamangha siya sa ganda ng loob. Para siyang nasa gubat kung saan maraming gulong na kinulayan ng berde at mga balde na katabi ng gulong na may nakapinturang ekis.     “Miss, dumito muna kayo. Hintayin muna nating matapos sila Boss sa training,” bilin ng lalaki. Tumango siya rito at naupo sa gilid kung saan may upuan. Kinabitan siya ng headphone upang hindi marinig ang tunog ng baril.     Tumagal nang halos kalahating minuto bago niya nakita ang kuya niya na palapit sa gawi niya. Nakasuot ito ng sandong itim, kasalukuyan nitong tinatanggal ang tila protection coat na suot nito. Inaamin niyang ang astig ng porma nito. Bumagay sa katawan nitong may pagkaadonis at pati ang hubog ng dibdib nito ay bumakat na dahil sa pawis.     Tinanggal niya ang headphone at nagbaba ng tingin nang mapansin ang pag-angat ng tingin nito. Bigla siyang kinabahan at hindi mapakali. Nagkunwari na lang siyang busy sa pagtingin sa envelope.     “What are you doing here?” bungad nito. Napalunok muna siya at nag-angat ng tingin. Nagpupunas ito ng pawis kaya lalong gumalaw ang muscle nito sa braso. Tumikim muna siya at umayos ng upo.     “A-ano kasi . . .” Nabablangko siya dahil nasa harap niya ito, pero hindi siya nagpahalata. “Tungkol nga pala rito sa inabot mo. Totoo ba ito? I mean . . . pinapayagan mo ako?” tanong niya sabay taas ng envelope. Binaba niya ang envelope nang maupo ito sa tabi niya. Tinaas nito ang army style na pantalon hanggang sa tuhod. Napahinga muna ito nang malalim habang nakahawak sa makabilang tuhod.     “Yeah. Ayaw mo ba?” natatawa pa nitong tugon at tanong. “Sabihin mo lang kung ano ang kailangan mo, bibilhin natin agad.”     Tiningnan niya ito na para bang ibang tao ang kausap niya. Ano kayang nakain nito at tila lumuwag na ito sa kanya? Hindi naman sa ayaw niya, pero naninibago siya sa pakikitungo nito. Mula pa noong simula ay lagi itong nakasigaw at galit sa lahat ng ginagawa niya. Hindi niya alam kung nakaganda ba ang pagkakasakit niya. Bumuka ang bibig niya at magsasalita sana nang may pumukaw sa kanila.     “Hey, Sergio. Tara! Isa pa. Ang daya—”  Nahinto ito sa pagsasalita nang makita siya nito. Hindi niya kilala kung sino ito pero base sa pakikipag-usap nito sa kuya niya ay parang close ang mga ito, lalo na nang marinig niyang tinawag ng babae ang kanyang kapatid sa pangalawang pangalan nito. Maganda, maputi, sexy, at astig tingnan ang babae. Maikli ang buhok na hanggang balikat. Gaya ng suot ng kuya niya ang suot nito.     “Oh, sorry. Naistorbo ko yata kayo?” natatawa pa nitong sabi.     “Tss. Mabuti alam mo,” pagsusungit ng kuya niya at napailing pa. “By the way, Bea, siya si Charlene. Isa sa mga tauhan ko. Kararating lang niya sa isla,” pakilala ng kuya niya rito. Nabigla siya nang batuhin ni Charlene ang kuya niya ng sapatos.     “Asshole! Anong tauhan? Special friend mo kaya ako,” banas nitong sabi. Natawa lang ang kuya niya na umilag sa pagbato ng sapatos. Para naman siyang out of place. Hindi niya alam kung bakit nainis siya bigla. Parang naninikip din ang dibdib niya at nahihirapang panoorin ang biruan ng dalawa.     Tumayo siya kaya natigil ang mga ito. Ngumiti siya pero mukhang naging ngiwi ang kinalabasan.     “Ah, sige, maiwan ko muna kayo.” Dumaan siya sa harap ng dalawa at tinalikuran ang mga ito.     Paglabas niya ay napabuga siya ng hangin at napatingin sa envelope na nalukot na. Hindi niya namalayang napadiin na pala ang pagkakahawak niya roon. Pinakalma niya ang sarili at natawa.     “Tsk. Special friend daw,” sabi niya at nagmartsa na palayo doon. Copyrights 2016 © MinieMendz Book Version 2019
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD