Punishment
BEATRICE
NAKATALI ANG DALAWANG kamay niya habang nakataas ito. Nakatali kasi ang mga iyon sa bintana na may bakal. Pilit niyang kinakalag ang mga iyon, pero napakahigpit ng pagkakatali nito sa kanya.
Pagdating kasi nila sa bahay nito ay kinaladkad siya papasok. Matagal pa silang naghilahan hanggang sa mapuno ito at buhatin siya nito na parang sako ng bigas. Pagdating sa kwarto ay dinala siya nito sa nag-iisang bintanang may bakal. Noong una ay naguguluhan siya sa gagawin nito, pero kalaunan ay nahulaan na niya ang nais nito, lalo na nang maglabas ito ng tali.
“K-Kuya, please, pakawalan mo na ako. Pangako, hindi na ako tatakas,” pakiusap niya kay Dimitri na nakaupo sa sofa na nakaharap sa kanya. May hawak itong alak at may hithit na sigarilyo. Malamig lamang ang reaksyong pinakikita nito sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay mas lalo siyang natakot sa awra nito.
“Hindi mo na ako mauuto, Babe. At dahil sa ginawa mong pagtakas, kailangan mong mabigyan ng leksyon,” mariin nitong wika. Nilapag nito ang baso ng alak sa lamesa at maging ang subo nitong sigarilyo ay binaba sa ashtray. Pagkaraan ay tumayo ito at nagsalita uli. “Tiyak kong masasarapan ka sa gagawin ko.” Lumapit ito sa kanya at hinawakan nang mariin ang baba niya, kaya nasalubong niya ang umaapoy nitong tingin. “At natitiyak ko ring mahihirapan ka,” nakangisi nitong sabi.
Umiling siya rito at umiwas ng tingin. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito na makikitaan ng masamang balak. Isabay pang pinangangatugan na siya ng tuhod sa sinabi nito, lalo at nakatayo lamang siya.
“Bakit mo ba ginagawa ito?! Wala naman akong kasalanan sa ’yo!” humikhikbi niyang sigaw rito. Humahalakhak ito habang hinahaplos ang mukha niya.
“Tama ka, wala ka ngang ginawang kasalanan. Pero kasalanan mo pa rin kung bakit ako nagkakaganito,” makahulugan nitong sabi. Naguluhan siya. “Huwag mo nang alamin, dahil wala ako sa mood na ipaliwanag sa ’yo.” Bumaba ang kamay nito sa baywang niya. Gusto man niyang umatras pero hindi niya magawa. Dingding at ang kamay niyang nakatali sa taas ang pumipigil sa kanyang paggalaw.
“Huwag! Please! Hindi na ako tatakas.” Ngumisi lang ito hanggang sa naramdaman niya ang pagbaba ng kanyang dress. Gusto niyang lamunin na siya ng lupa dahil tanging panty na lamang ang naiwan sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin dahil ayaw niyang makita ang ngiti nitong hindi niya gustong makita.
Napasinghap siya nang lumapat ang kamay nito sa baywang niya. Pababa at pataas ang ginagawa nito na tila may sinusukat. Napahagulgol siya habang pikit-matang tinatanggap ang parusa niya. Umakyat ang kamay nito paakyat sa dibdib niya. Napasinghap uli siyang nang hawakan nito ang pareho niyang dibdib.
“These are mine . . . my babies,” bulong nito na tila sinusukat pa ito sa mga kamay. Napaungol siya nang isubo na nito iyon. Napaaangat siya dahil sa pagsipsip nito sa n*****s niya, habang pinipiga ang isa niyang dibdib. Namimilipit ang mga daliri niya sa paa dahil sa ginagawa nito sa kanyang katawan. Hindi niya napigilang mapaungol sa pinadadama nitong sarap na ngayon lamang niya naranasan. Parang may paruparong gumagalaw sa tiyan niya kaya lalo siyang hindi mapakali sa kinatatayuan niya.
Bumaba ang labi nito sa tiyan niya habang nakahawak pa rin ito sa kanyang dibdib. Binibigyan nito ng halik ang pusod at baywang niya, tila minamarkahan ang bawat balat niya. Binitiwan na nito ang kanyang dibdib habang bumababa ang halik nito sa puson niya. Mahigpit itong nakahawak sa baywang niya para pigilin siya sa paggalaw. Binaba nito ang panty niya kaya malaya nitong nakikita ang p********e niya. Hiyang-hiya siya at gusto niyang magwala dahil wala na siyang takas sa sitwasyon niya. Napaatras siya nang maramdaman niya ang labi nito malapit sa p********e niya. Bumitiw ito sa kanyang baywang at sapilitang binuka ang mga binti niya. Pinatong nito ang isang hita niya sa balikat nito.
“Ahhh . . . huwag. Uhh . . .” ungol niya nang maramdaman niya ang labi nito na tila nakikipaghalikan sa p********e niya. Pinagpapawisan siya habang namimilipit sa kinatatayuan. Naramdaman niya ang dila nito na humahagod sa p********e niya. Napakagat siya ng labi nang mapalakas ang ungol niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang nangyayari sa kanya. Napakadali niyang bumigay. Nasasarapan siya sa ginagawa nito. Pero tuwing matatapos na ito ay tila doon siya matatauhan. Napaliyad siya nang sipsipin nito ang c******s niya.
“Please . . .” pakiusap niya. Hindi niya alam kung para saan ba iyon. Hindi na rin niya makilala ang sariling boses.
Napahinga siya nang malalim nang bumitiw na ito. Nanghihina siya habang sinasandal ang sarili sa pader. Tumayo naman ito mula sa pagkakaluhod sa kanya.
“Hindi pa ako tapos,” mapanukso nitong sabi at naramdaman naman niya ang daliri nito sa kanyang b****a. Nakatitig ito sa kanya na tila pinagmamasdan ang reaksyon niya. Napaungol siya at napakislot nang ipasok nito ang daliri. Nakangisi ito habang tinitingnan siya.
“Ohhh . . . ahhh!” Napaungol siya, lalo na ng dalawang daliri na nito ang ginamit. Napakabilis nito at gigil na gigil. Napapipikit siya sa tuwing sumasagad ang pagpasok nito at tila may kinakalikot sa loob niya. Sumasakit na ang puson niya at nararamdaman niyang tila lalabasan na siya.
“Boss, may bisita kayo!” tawag ng isang tauhan ng kuya niya sa labas ng kwarto kung nasaan sila ngayon. Pero hindi iyon pinansin ng kuya niya. Napakagat siya ng labi sa kahihiyan na baka narinig nito ang pag-ungol niya. Napaungol siya uli at lalong namilipit.
“Uhh . . . K-Kuya . . .” ungol niya. Tila batid nito na malapit na siya kaya binagalan nito ang paggalaw ng daliri na tila tinutukso siya.
“Kung may sarap, syempre meron ding hirap,” bulong nito habang nakangisi.
Bago pa siya labasan ay tinanggal na nito bigla ang daliri nito. Sinubo nito iyon sa sariling bibig na tila sarap na sarap, habang siya ay namimilipit sa pagkakabitin. Pinagdikit niya ang hita niya dahil para itong tumitibok. Para siyang nanghihina at may gustong abutin pero nabigo siya.
Pawis na pawis siya habang nakatungo. Nanggigigil na kinagat niya ang ibabang labi nang maramdaman niyang basa ang hita niya. Mas lalo lamang niyang pinagdikit ang mga hita, lalo na nang maramdaman ang sakit ng puson niya. Hindi siya mapakali at ngayon lamang din niya naramdam ang sakit ng kamay niya dahil sa pagkakatali.
“Damhin mo ang hirap ng parusa ko sa ’yo. Siguro naman magtatanda ka na?” sabi nito at inalis ang pagkakatali ng kamay niya. Napaupo siya sa sahig dahil sa panghihina. Binuhat siya nito at hiniga sa kama. “Subukan mo pa uling tumakas, hindi lang ’yan ang magiging parusa mo,” banta nito. Hindi niya pinansin iyon at napayakap siya sa unan. Ang sakit talaga ng puson niya, isabay pa ang gutom niya na ngayon niya lang naramdaman. Hindi pa nga pala siya nakakakain magmula kaninang nagpunta sila sa party.
Nakarinig siya ng pagbukas-sara ng pinto at maging ang pag-lock nito.
Napahawak siya sa tiyan niya nang sumakit iyon dahil sa pagkabitin. Ilang minuto rin siyang nagpagulong-gulong upang maibsan ang pagsakit ng puson niya, hanggang sa pumungay na ang mga mata niya at pumipikit-pikit na. Dahil sa pagod ay hindi niya namalayang nakatulog siya.
DIMITRI
BUMABA SIYA AT nabugaran si Oscar na naghihintay sa kanya.
“Sino ang bisitang sinasabi mo?” seryoso niyang tanong. Humarap ito at yumukod sa kanya.
“Boss, nand’yan na si Mr. Tenzui. Nandoon siya sa headquarters n’yo.”
“Gano’n ba?” sagot niya at tumingin sa taas bago uli bumaling kay Oscar. “Sabihan mo ang iba na magbantay rito. Huwag ’ka mo nilang hahayaang matakasan sila ni Beatrice, dahil sila ang malalagot oras na magpabaya sila.”
“Masusunod, Boss.”
Tumalikod na siya at lumabas na. Nakaabang na si Wallex sa kanya kaya sumakay na siya sa sasakyan niya. Malayo kasi ang headquarters na pinagawa niya dahil ayaw niyang malapit si Beatrice sa trabaho niya.
PAGBABA NIYA AY sumalubong sa kanya ang mga tauhan niyang may kargadang mga armas. Nagtanguan ito sa kanya bilang pagbati. Huminto siya sa harap ng mga ito at tinaas ang kamay hudyat na may sasabihin siya.
“Ready na ba ang mga baril?” maawtoridad niyang tanong.
“Yes, Boss. Malinis na malinis,” sagot ng isa na nagbabantay ng mga baril na import pa sa ibang bansa.
“Good. Dahil ayokong pumalpak tayo,” seryoso niyang sabi sa mga ito. Lumakad na siya at pumasok. Dumeretso siya sa basement kung nasaan daw si Tenzui. Nadatnan niya ang mga tauhan nitong nakapalibot dito. Napansin na siya ni Tenzui na nakade-kwatro habang nakaupo sa sofa. May suot ito sa buong katawan na mga alahas na gawa pa yata sa ginto. Pa-mohawk din ang style ng buhok nito.
“Nice place,” papuri nito habang nililibot ang tingin sa buong basement niya.
Naupo siya sa tapat nito at seryoso siyang humarap dito. Tinaas niya ang kamay at sinenyasan si Oscar, agad naman itong lumapit.
“Ipakita n’yo na,” utos niya. Tumango si Oscar at tinanguan ang kapwa nito kasamahan.
“Tulad ng gusto mo, maganda at swabeng gamitin ang mga baril na ito,” muestra niya sa mga nilalapag na baril sa harap nila.
“Bakit tila naman nagmamadali ka, Mr. Ford? Bakit? May naghihintay ba sa ’yo?” nakangisi nitong biro.
“Hindi kasama ang personal na bagay sa transaksyon na ito, Tenzui. Kung ano lang ang pinunta mo, ’yon lamang ang pakikialaman mo,” seryoso at malamig niyang sabi rito. Humalakhak ito at nagtaas ng kamay.
“Okay, okay. Chill, masyado ka namang hot,” sabi nito habang napapailing. Hindi na niya ito sinagot at tinuro pa ang ilang baril. May hinawakan itong baril at pinakatitigan ito. “Oh . . . this is perfect. What kind of gun is this?”
“Colt phyton, six-shot revolver,” maikli niyang paglalarawan sa baril na hawak nito. Sinenyasan niya si Oscar kaya lumapit ito. “Padalhan mo kami ng brandy.”
Tumango ito at sinabihan ang isang tauhan pa niya. Humarap siya uli kay Tenzui na kinikilatis ang baril na revolver. Tumingin ito sa kanya at tinaas ang baril.
“I want this,” nakangiti nitong sabi at tumingin sa ibang baril. “Kukunin ko na ito, pati ang iba.” Ngumisi siya at tumango.
“Good, dahil hindi ka naman magsisisi sa pinili mo. At malinis akong makipagnegosasyon, Tenzui. Sana gano’n ka rin.”
Humalakhak ito habang hinihimas ang baril. Pinalapit nito ang isa sa mga tauhan nito. May nilapag ang mga tauhan ni Tenzui na limang bag na itim. Binuksan ni Tenzui iyon at pinakita sa kanya ang laman. Tumango siya at sinenyasan si Oscar.
Nilapag ng tauhan niya ang brandy, baso, at yelo, pagkatapos ay nagsalin siya sa baso ng brandy at in-offer kay Tenzui.
“For the good deal,” wika niya. Ngumisi ito at kinuha ang baso na inaalok niya.
“Thanks.” Binangga nila ang baso ng isa’t isa at tinungga ang alak.
DON MIGUEL
NAKAUPO SI DON MIGUEL sa isang tumba-tumbang upuan habang nakatingin sa naglalaro niyang mga apo. Mga anak iyon ni Olive na bunso niyang anak. Nalulungkot siya habang iniisip ang kanyang apo na nawawala. Kung sana ay naging maluwag siya sa anak na panganay niya, baka nakasama pa niya ito at maging ang apo niya. Pinagsisisihan niya ang lahat ng kanyang nagawa.
“Papa, anong ibig sabihin nito? Kayo po ba ang may kagagawan kaya namatay si Paolo?” sabi ni Olive.
“At bakit ko naman gagawin ’yon?”
“Hindi ba kayo lang naman ang tutol sa pagmamahalan nina Cecil at Paolo? Kaya sabihin n’yo, kayo ba ang may kagagawan noon?!”
Tumalikod siya at napahinga nang malalim.
“Hindi ko siya pinapatay, pinabugbog ko lang siya. Ewan ko kung sino ang tunay na pumatay sa kanya,” pag-amin niya.
“Papa, bakit n’yo nagawa ’yon? Tiyak na magagalit si Cecil kapag nalaman niya ito!” galit na sabi ni Olive sa kanya.
“Napakasama n’yo!” Gulat siyang napaharap sa gawing pinto. Nandoon si Cecil na umiiyak habang bitbit ang anak nitong babae na sanggol pa lamang. “Kaya pala ang bait n’yo noong nakaraan kay Paolo. May plano pala kayo! Napakasama n’yo talaga! Kaya hindi ako magtataka kung bakit kayo iniwan ni Mama. Sana hindi ko na lang kayo naging ama!” galit na sigaw ni Cecil sa kanya at tumalikod na ito habang lumuluha. Susundan sana niya ang anak nang biglang manikip ang kanyang dibdib.
“’Pa! ’Pa! Ayos lang kayo? Tulong! Tulong!” natatarantang sigaw ni Olive.
Hinawakan niya ang kamay nito. “Please, sundan mo ang kapatid mo. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kanya. Please . . .” pagmamakaawa niya sa anak.
“Pero, Papa, kailangan ko kayong dalhin sa hospital. Inaatake—” sabi nito ngunit pinutol
niya.
“Wala lang ito. Mawawala rin ito. Please,
sundin mo na ako,” sabi niya rito. Nag-alangan pa ito pero tumango rin ito agad. Bago ito umalis ay inupo muna siya nito sa sofa.
“Papa . . .”
Agad siyang nagpahid ng luha nang marinig ang boses ni Olive. Lahat ng alaala ay bumabalik. Ang masakit pa ay kalungkutan at pagsisisi ang kanyang nararamdaman.
“Sinisisi n’yo pa rin ang sarili n’yo?” usisa nito.
“Olive, hangga’t hindi ko nakikita ang aking apo, maski ako ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Ayokong mawala sa mundong ito na wala man lang akong nagawa para kay Cecil.”
“Paano kung hindi na natin makita si Aurora? Paano kung namatay rin siya kasama ni Ate?”
Umiling siya sa sinabi nito.
“Buhay pa siya, Olive. Walang nakitang bangkay ng bata noong naaksidente si Cecil kaya alam kong buhay siya.” Tumayo siya habang nakahawak sa kanyang tungkod. Sumasakit na ang mga tuhod niya pero mabuti at paminsan-minsan na lang siya sinusumpong ng rayuma.
“Kapag napatunayan kong siya ang nawawala kong apo, baka mapatawad na ako ni Cecil.” Pumatak ang luha niya habang nakatingin sa madilim na kalangitan.
Copyrights 2016 © MinieMendz
Book Version 2019