I love you
BEATRICE
NAKAUPO SI BEATRICE sa couch sa sala habang nanonood ng isang palabas sa TV. Pero hindi naman niya naiintindihan ang pinanonood dahil hindi rin siya makapag-concentrate. At dahil iyon sa dalawang taong naghahalakhakan sa dining area.
Nagmemeryenda ang kuya niya at ang ‘special friend’ nito habang nag-uusap. Inaya naman siya pero siya ang umayaw. Sinabi niyang busog pa siya at manonood na lamang ng palabas.
Gusto sana niyang pumanik na lang sa taas kaysa marinig ang tawanan ng mga ito. Pero wala rin naman siyang pagkakaabalahan sa kwarto kung magkukulong lang siya.
Inaamin niyang parang nanliliit siya. Para kasing ang dali lang para kay Charlene na pakisamahan ang kuya niya. Parang kabisadong-kabisado na nito ang ugali ng kuya niya. Parang ang tagal na nitong kakilala ang kanyang kapatid. Pero siya mismong kapatid ni Dimitri ay malayo ang loob sa lalaki.
Nagtataka rin siya kung bakit mabait ang kuya niya kay Charlene. Bakit siya ay sinasaktan ng kuya? Kung hindi pa siya nagkasakit ay baka hindi ito naging mabait at maluwag sa kanya. Siguro ay talagang may galit ito sa kanya. Siguro ay may plano ito kaya ito naging mabait sa kanya. Puro siguro na kinabahala niya.
Ang isa sa mga iniisip niya ay bakit nag-iiba ang pagtingin niya sa kapatid? Bakit kapag tuwing lalapit ito ay kumakabog ang dibdib niya? Iniisip na lang niyang baka dahil lagi siyang natatakot dito kaya ganoon ang nararamdaman niya.
Napahinga siya nang malalim at pumikit.
“Ang lalim, ah?” Agad siyang napadilat nang may magsalita. Napatingin siya kay Charlene na nasa gilid na pala niya. Hindi man lang niya naramdaman ang paglapit nito. Nakatayo ito at umupo rin naman agad sa kabilang couch. Biglang naging awkward ang atmosphere sa pagitan nilang dalawa. O mas tamang sabihing . . . sa kanya lang awkward.
“Hindi ba ikaw ’yong inampon ng daddy ni Sergio?” pagbasag nito sa katahimikan. Tumango siya at pasimpleng tumingin sa kusina para hanapin ang kuya niya.
“Edi magkapatid pala kayo ni Sergio? Grabe talaga ang isang ’yon, hindi man lang nagkukwento tungkol sa pamilya niya,” natatawa nitong ani habang napaiiling. Ngumiti siya nang tipid habang nakatingin lamang sa TV. Napatingin siya rito nang nilapit nito ang mukha habang nakatakip pa ang kamay sa bibig. “Alam mo ba kung bakit wala pang girlfriend ang kuya mo?” nakangiti nito bulong. Para naman siyang naitulos sa kinauupuan. Naalala niya bigla na pinakilala nga pala siyang girlfriend ng kuya niya kay Don Miguel. Napangiti ito at umayos ng upo. “Alam ko na kung bakit . . .” sabi nito habang abot-tainga ang ngiti habang nakatingin sa kanya. Napalunok siya sa klase ng tingin nito. Aapela sana siya dahil mali ang iniisip nito. Pero hindi pa niya naibubuka ang bibig ay nagpatuloy na ito sa sinasabi.
“Tingin ko ay hinihintay niya ako. Huwag mong sasabihin sa kuya mo na may gusto ako sa kanya, huh?” sabi nito habang nakangiti na kinatigil niya. Pilit siyang ngumiti at alanganing tumango. “Hihintayin kong ligawan niya ako o hindi kaya . . . kapag nagpakita na lang siya ng motibo saka ko siya sasagutin. Naku, kapag nagkataon, ako na ang pinakaswerteng babae na may boyfriend na isang Dimitri!” kinikilig nitong sabi sa kanya. Feeling niya ay may nagbara sa kanyang lalamunan. Gusto niyang talikuran ito, pero ayaw naman niyang maging bastos.
“Oh, tila nagkasundo na kayo?” pukaw sa kanila ng kuya niya na may bitbit ng tubig habang iniinom iyon. Nagsalubong ang tingin nila habang iniinom nito ang dalang tubig. Nag-iwas siya ng tingin at napatingin na lang sa TV para mawala ang nararamdaman niya. Dapat ay masaya siya dahil maaari nang mabaling kay Charlene ang tingin nito. Umayos siya ng upo at nakangiting bumaling sa dalawa.
“Alam n’yo . . . bagay kayong dalawa,” labas sa ilong na sabi niya sa mga ito. Nakita niya ang mangiti-ngiting si Charlene habang namumula ang mukha. Pinandilatan siya ng mga mata nito na tila pinahihiwatig na huwag niya itong ibuking. Ngumiti siya rito at napatingin naman siya sa kuya niya na matalim ang binibigay na tingin sa kanya. Sumeryoso ito at tila hindi nagustuhan ang kanyang sinabi.
“Ano ka ba, Bea? Nakakahiya sa kuya mo,” nahihiyang sabi ni Charlene. Ngumiti siya uli rito at tumingin uli sa TV para iwasan ang tingin ng kuya niya na masama pa ring nakatingin sa kanya.
“Let’s go, Charlene. Ihahatid kita sa magiging room mo,” malamig na sabi ng kuya niya kay Charlene na agad namang tumayo.
“Pwede bang tabi kami ni Bea? Gusto ko kasing makipaglapit sa kanya,” sabi nito sa kuya niya.
“No. May guest room kami, doon ka,” tanging sabi ng kuya niya at tumalikod na.
“Geez! Ang KJ talaga ng kuya mo,” inis na sabi nito sa kanya. “Sige, akyat lang ako. Pipilitin ko ang kuya mo. Gusto kasi kitang maka-bonding.”
“Sige,” sabi na lang niya at alanganing ngumiti. Tumalikod na ito at sumunod sa kuya niya.
Naiwan siyang nakatulala at saka napahawak sa dibdib. Napapikit siya at pinakalma ang sarili.
“Nakakapanibago namang may nagtapat sa akin na may nagkakagusto sa kuya ko,” sabi niya sa sarili. Napakagat siya ng labi dahil parang naging mapait ang sinasabi niya.
Dati, sinabi niya sariling siya ang unang matutuwa kapag nagkaroon ng girlfriend ang isa kina Dimitri at Xander. Na siya pa mismo ang gagawa ng paraan para magkalapit ang mga ito. Pero bakit ngayon ay parang ayaw na niya sa ideyang iyon? Bakit parang nahihirapan siyang isiping magkaka-girlfriend ang Kuya Dimitri niya? Lalong masakit dahil may nangyari na sa kanila at natatakot siyang malaman iyon ng iba.
Iniisip niyang kaya nagbago ang ugali ng kuya niya ay dahil kay Charlene. Ngayon niya lang napagtantong naging mabait lang ito sa kanya nang dumating si Charlene. Siguro, may pagtingin nga ang kuya niya sa babae. Pero bakit nito nagawang kunin ang puri niya? Dahil ba wala si Charlene? Dahil wala itong ibang choice at siya ang napiling pagbuhusan ng pagnanasa nito?
Umiling-iling siya at tumayo na. Naisipan niyang uminom muna ng tubig. Nababaliw na siya sa iniisip niya.
Pagdating niya sa kusina ay nakita niya ang pinagkain ng mga ito. Napahinga siya nang malalim at lumapit sa refrigerator. Nilabas niya ang pitsel at kumuha rin siya ng baso. Uminom siya ng maraming tubig dahil parang natuyo ang lalamunan niya. Nilagay niya sa lababo ang baso at binalik uli sa ref ang pitsel ng tubig.
Napahinga muna siya nang malalim habang nakatingin sa pinagkainan ng dalawa. Hindi niya alam kung paano huhugasan iyon dahil sanay siya na laging kasambahay ang gumagawa noon. Ngayon niya lang napagtantong hindi porke may aasahan ka ay hindi ka na magkukusang matuto man lang sa gawaing bahay. Katulad ngayon, wala namang kinuhang kasambahay ang kuya niya. Napaisip tuloy siya kung sino ang naghugas ng pinagkainan nila ng kuya niya noong mga nakaraan. Hindi kaya ito ang gumawa noon?
Nagkibit-balikat na lang siya at lumapit sa lamesa. Kinuha niya isa-isa ang plato at nilagay sa lababo. Sinunod niyang kunin ang pinaggamitang baso at platito.
Napatingin siya sa mga nakatambak na plato sa lababo. Hindi niya alam kung ano ang uunahin. Naisip na lang niyang unahin muna ang plato para hindi masikip. Napatingin siya sa sponge at dishwashing liquid. Kinuha niya ang mga iyon. Binuksan niya ang gripo at kinuha ang isang plato. Nahihirapan siyang hawakan ang plato dahil sa bigat at laki nito, tapos may sabon pa ang mga kamay niya.
Ang tagal bago niya natapos ang paghuhugas ng mga kasangkapan. Napangiti siya dahil nagawa niya iyon. Kaya pala niyang magawa ang isang bagay kahit walang nagtuturo sa kanya.
Naghugas siya ng mga kamay at pinatay na ang gripo. Napatingin siya sa damit niya nang mapansing nabasa ito. Hinawakan niya ang dulo para hindi mabasa ang balat niya. Tumalikod siya para lumabas pero napaatras siya nang bumunggo siya sa matigas na bagay.
Napahawak siya sa kanyang noo. Napaangat siya ng tingin at nagulat siya na kuya niya pala ang humarang sa daan. Hindi man lang niya naramdamang nandoon pala ito. Napaatras siya at gumilid para sana dumaan. Pero napabalik siya sa pwesto nang hatakin siya pabalik ng lalaki. Napatingin siya rito na seryoso lamang ang emosyon. Napalunok siya at umatras nang kaunti palayo.
“Bakit?” tanong niya rito. Mabuti hindi siya nabulol. Napaatras siya nang lumapit ito. Kinabahan siya nang mapasandal siya sa lababo. Napahawak siya sa dibdib nito para pigilang lumapit pa ito sa katawan niya. Nilagay nito ang dalawang kamay sa gilid niya kaya para siyang kinukulong nito. Malalim itong tumitig sa mga mata niya habang seryoso pa rin ang mukha. Nagbaba siya ng tingin dahil hindi niya makayanan ang tingin nito. Pero inangat nito ang baba niya kaya napatingin siya uli rito.
“Anong pinagsasabi mo kanina?” tanong nito sa baritonong tono habang gumagalaw ang panga nito na tila bumalik ang bagsik ng mukha.
“Huh? Bakit? Bagay naman talaga kayo ni Charlene,” sabi niya. Tumalim ang tingin nito sa kanya na lalo niyang kinakaba.
“f**k! Really? Who said that?!” mariin nitong sabi pero hindi yata nito napigilan ang pagtaasan siya ng boses.
“Totoo namang bagay kayo, ah? Ayaw mo ba noon? Tingin—”
“Damn it! Tumigil ka!” galit nitong sabi. Nabigla siya at biglang kinabahan na baka saktan siya nito. Napasinghap siya nang hapitin siya nito sa baywang. Mariin ang pagkakahawak nito sa kanya na tila hindi siya hinahayaang makatakas. Napakapit siya sa damit nito sa tapat ng malapad nitong dibdib nang bigla nitong sunggaban ang labi niya. Mariin itong humalik sa kanya na tila doon binubuhos ang galit sa kanya. Pinagpapalo niya ito sa dibdib para senyasang tumigil na ito. Napatingin siya sa pinto dahil baka merong makakita sa kanila, lalo na si Charlene. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Hindi lang dahil natatakot siyang baka may makakita sa kanila, kundi dahil din sa pagkakalapat ng labi nila. Para siyang nakukuryente at hindi makapag-isip nang tama.
Naging maingat na ang paghalik nito. Napakapit siya sa balikat nito nang lumakad ito palapit sa pinto ng ref. Sinandal siya nito roon habang patuloy na humahalik sa labi niya. Kinagat nito ang ibabang labi niya kaya napabuka siya ng bibig. Naramdaman niya ang dila nito na tila may gustong makuha sa kanyang bibig. Hindi niya napigilang tumugon sa halik nito nang sipsipin nito ang dila niya. Napahawak siya sa buhok nito nang buhatin siya nito at ipaikot ang mga binti sa baywang nito.
May naramdaman siyang matigas na bagay na tumutusok sa puson niya, at alam niya kung ano iyon. Napasabunot pa siya lalo sa buhok nito nang ipadama nito iyon sa kanya, at iyon ang lalong nagpainit sa pagitan nila.
“Sergio! Nasaan ka? Bea! Nasaan ba kayo?”
Napadilat siya at napatigil sa pagtugon sa halik. Hinawakan niya ang mukha ng kuya niya para patigilin ito.
“Sergio?” tawag uli ni Charlene na tila palapit na sa kusina.
Umalis siya sa pagpulupot sa baywang ng kuya niya. Inalis din niya ang kamay nito sa baywang niya. Lumayo siya at inayos ang sarili. Grabe ang kabog ng dibdib niya habang nagmamadali sa pag-aayos ng sarili. Nakita niya sa gilid ng mga mata niya ang paglapit ng kuya niya sa kanya. Lumakad siya paalis nang mapansin iyon. Nagulat pa siya nang biglang sumulpot si Charlene.
“Oh! Nandito ka pala, Beatrice. Anong nangyari sa ’yo at tila gulat na gulat ka?” sabi nito at tumingin sa likod niya kung nasaan ang kanyang kuya. “Nandito ka rin pala, Sergio. Hindi mo ba narinig ang pagtawag ko sa ’yo?”
“Hindi,” maikli nitong sabi. Napalunok siya at ngumiti kay Charlene.
“Nagmeryenda kasi ako tapos pumasok din si Kuya para uminom ng tubig. Sige, panik na ako sa taas,” sabi niya rito at nagpaalam agad. Tumango ito pero para itong naguguluhan sa kinikilos niya. Tumalikod na siya at nagmadaling nagmartsa paalis ng kusina.
Napapikit siya at napakagat ng labi. Sa tingin niya ay parang napaka-defensive niya. Napahawak siya sa dibdib niya at ramdam pa rin ang pagkabog ng kanyang dibdib. Para siyang may ginawang kasalanan at muntik nang mahuli. Pero talaga namang kasalanan ang ginawa niya. Kapatid niya ito! At dapat ay galit pa rin siya rito. Dapat hindi siya nagpapatangay rito. Naiinis siya sa sarili dahil nagawa pa niyang tumugon sa halik nito. Parang pinahihiwatig na rin niya rito na gusto niya ang nangyayari sa kanila.
“God, Beatrice! Ang tanga mo! Ang tanga-tanga mo!” pagalit niyang sabi sa sarili nang makapasok siya sa kwarto at napasandal sa pinto. Napaupo siya habang madiing pinahid ang labi niya na hinalikan ng kuya niya. Nararamdaman pa rin nya ang labi nito at maging ang lasa ng labi nito na tila hindi maalis sa sistema niya.
Tumayo siya at balak sanang mahiga na dahil sumasakit ang ulo niya sa dami ng iniisip. Pero nakalilimang hakbang pa lang siya nang bumukas bigla ang pinto kaya napalingon siya roon. Nakita niya ang kuya niya na seryoso ang binibigay na tingin sa kanya habang nila-lock nito ang pinto. Nilukuban siya ng takot ng inilang hakbang nito ang pagitan nila.
Nabigla siya nang hapitin siya nito sa baywang habang nakahawak sa likod ng ulo niya ang isang kamay nito. Hinalikan siya nito nang mabilis na tila hinahabol ng kung sino. Tinulak niya ito sa dibdib at mabuti ay nagtagumpay siya.
“Kuya, tumigil ka na, please!” pagsusumamo niya rito. Pero hindi ito nakinig at hinapit siya uli. “K-Kuya, tama na, mali ito. At masasaktan lamang si Charlene,” pigil niya rito habang umiiwas sa halik nito.
“No, I don’t care about her. Sorry, Babe. But I can’t take this anymore,” paos nitong sabi na tila hindi magpapaawat. Napatili siya nang bigla siyang buhatin nito pero agad siyang napatakip ng bibig na baka may makarinig sa kanya sa labas. Naupo ang kuya niya sa kama habang nakakandong siya paharap dito. Mahigpit nitong pinulupot ang braso sa baywang niya kaya hindi siya makaalis.
“I love you . . .” sabi nito na kinatigil niya sa pagkalas sa kamay nito. Kumabog ang dibdib niya at parang may paruparo na gumalaw sa tiyan niya.
Nabigla siya nang hiniga siya nito bigla sa kama habang nakaibabaw ito sa kanya.
“I love you. I love you. I love you,” paulit-ulit nitong sabi habang paulit-ulit siyang hinahalikan sa labi. Siya naman ay hindi maproseso ang lahat ng sinasabi nito.
Copyrights 2016 © MinieMendz
Book Version 2019