15. Familia

2130 Words
KAKA-PUNCH ko lang ng aking time-in sa DTR nang marinig ko ang impit na tiling nagmumula sa loob n gaming department, at walang ibang taong gagawa noon habang parang kiti-kiting lumalapit sa akin kung hindi si Gracie.  “Huy, Gracie. Ano ba’ng nangyayari sa ‘yo at parang ang hyper mo ha? Ilang mug na ba ng kape ang nalagok mo?” Natatawa kong tanong nang makaharap ang babae. “Naku, liban sa healthy kong s*x life na ayaw kong i-share sa iyo dito sa hallway,” pinaypay pa nito ang mukha at tila ay naghihisterikal na siyang lalong nakapagpatawa sa akin. “Tell me about your stay at Big Boss’s house! Ano, maganda ba ang casa ng mga Del Valle?” Muntikan ko nang masampal ang babae dahil sa tinis ng boses nito, “teka nga, iyang boses mo! Baka may makarinig sa atin! Doon nga tayo sa loob, delikado buhay ko sa ‘yo eh.” Agad namang sumunod si Gracie papunta sa aking cubicle. Kumuha ito ng bakanteng stool at parang batang sabik na sabik na makarinig ng kwento mula kay Lola Basyang. Natatawang napaupo ako sa aking swivel chair at inilagay ang aking bag sa mesa at hinarap ang babae. Kinuwento ko naman sa kaniya kung gaano kalawak ang bahay nito, kung paano ako halos mawala sa aking dinaraanan kahapon nang hindi ko maalala ang daan papunta sa swimming pool, kung gaano kaganda ang backyard, at ang napaka-cute na anak ni Alexan. “Pansin ko kanina, hindi mo kasabay si Big Boss sa elevator noong makapasok ka,” umakto itong nag-iisip ng malalim at sinusundut-sundot pa ang sariling noo. “Ayaw ko naman kasing may makahalata rito sa opisina kaya nauna akong lumabas ng sasakyan niya,” sagot ko sa tanong nito. Muntik na akong mapatalon nang mag-iba ang mukha ni Gracie. Lumawak ang ngiti ng babae at halatang ini-imagine na ang bawat paglalarawan ko sa bahay – sa mansyon – ng lalaki. “Eh ‘yung room arrangement, magkasama ba kayo ng Big Boss sa iisang kuwarto?” Nanunuya nitong tanong. Natampal ko nga ang hita nito at namula sa sinabi ng babae.  “Kasi kung ako ang papipiliin, aba lulubus-lubusin ko na ang pagpapanggap namin ni Big Boss, no! Baka hindi na ako lumabas ng kuwarto habang-buhay kung kasama ko naman ang isang napaka-gwapong nilalang na gaya niya!” Tila ay nangisay pa si Gracie sa sariling makamundo nitong pagi-imagine. “Ano ka ba, hinaan mo nga ang boses mo,” napatakip naman ako ng kamay sa isang pisngi dahil sa hindi ko na makayanan ang pag-iinit nito, “at saka  hindi kami magkasama sa iisang kwarto ni Alexan. May asawa ‘yun, tandaan mo!” mahinang kong untag sa babae upang matigil nito ang pagpapantasya sa mga bagay ng hindi maaaring mangyari. “Pero magkatapat ang mga kwarto namin,” mahina kong sabi ngunit rumehistro pala ito sa tainga ni Gracie kaya ayun, nangisay na naman sa kilig ang gaga. “Oh andun na nga ang improvement sa pagtawag mo ng ‘Alexan’ sa kaniya, first name basis na kayo eh. Naku, doon na rin papunta ‘yan… kasi technically asawa ka niya,” umakto naman itong nagbibilang sa mga daliri. “Una, magkatapat lang ng kwarto, ta’s magkakasabay na magbukas ng pinto. Tapos sa susunod, maaaring doon na kayo sa kwarto niya o sa kwarto mo. Pagkatapos nun, wala nang labasan ng kwarto ng kahit isa sa inyo!” Sinabayan ko na rin sa pagtawa ang babae dahil sa kahibangang naiisip nito. “Magtigil ka nga, Gracie!” tinampal ko ang mga kamay nito na mapaglarong tinuturo ang aking mukha. “Akala ko ba healthy ang s*x life mo, ha? Bakit nagpapantasya ka diyan na parang tigang na tigang ka?” Untag ko at lihim na hinihiling na maiba na ang topic namin. Ngunit sabay kaming napagawi ang tingin sa papalapit na si ma’am May kaya nagmamadaling umalis na si Gracie sa aking harapan at bumalik sa sarili nitong cubicle. Nangingiti ko namang sinalubong ang nakataas na kilay nito, at laking pasalamat ko nang nilagpasan laman ako sa aking puwesto at nagtungo sa kung saan. Nagkatinginan pa kami ni Gracie at kinimkim ang tawa sa aming sarili bago itinuon ang sariling atensyon sa mga gawain. Totoo nga siguro ang sabi ng iilan – na kung sino pa iyong mga walang experience, ay iyon pa ang matindi ang ini-imagine, namumula kong naisip habang rumerehistro sa aking utak ang bawat makamundong tutya ng babae, at mga bagay na hindi pwedeng mangyari, ngunit lihim kong naiisip. Mahinang natampal ko ang nag-iinit na mga pisngi at pinilit na maintindihan ang kung ano ang mga nakasulat sa mga papeles na hawak habang pilit na tinatanggal sa aking utak ang mga sinabi ni Gracie. ALAS singko y media ng hapon nang magawi na naman si Gracie sa aking cubicle at nakipag-kuwentuhan tungkol sa buhay nito. Hindi man nito pinapahalata, ngunit alam kong sinasadya nitong makipag-usap tungkol sa pinagmamalaking s*x life ng babae dahil sa naging topic of conversation namin kaninang umaga. “Ano ka ba namang gaga ka, twenty-five years old ka na. Dapat hindi ka na namumula na parang inosente ‘pag ganito ang topic no,” mataray na sabi nito matapos lumagok ng kape sa tasa niya. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi pa ito tinutubuan ng nerbyos sa katawan sa hilig nitong mag-kape. Ngunit mas kinapulahan ng aking pisngi ang tinuran nito dahil hindi naman nito alam na wala rin naman talaga akong alam tungkol sa mga bagay na pinagsasabi niya. “Bakit, masama ba’ng maging virgin kahit twenty-five years old na?” Mahinang sabi ko sa babae habang tinatakpan ang mukha dahil sa hiya. Sa mga nakaawang kong daliri ay nakita ko ang paglaki ng mga mata nito, “eh hindi pala ako ang tigang sa atin eh!” mahina itong humalakhak kaya ay tinampal ko ang braso na mabilis naman nitong iniwas dahil may dala itong tasa. “Sabagay, laking probinsya ka naman kaya malamang ay wala kang experience dun. Baka nga wala ka pang nagiging boyfriend,” pangungutya ni Gracie. “Oy, nagka-nobyo naman ako doon ah,” mabilis kong pagsagot sa kaniya. “First boyfriend ko si Ethan, pero naghiwalay din. Conflict of interest eh,” nag-mistulang walang gusto ang babae sa aking sinabi at umaktong hindi nakikinig. “Conflict of interest, my ass,” umirap pa ito at sumimsim sa kape niya at nilapag sa aking mesa ang wala nang lamang tasa, “hindi lang talaga kayo compatible. Alam mo kung kanino ka compatible?” Nagtatakang tiningnan ang babae nang hindi nito itinuloy ang sasabihin niya. “Kanino?” Hindi ko na narinig ang sagot nito nang tumunog ang aking ringtone mula sa aking bag. Agad ko itong kinuha mula sa loob at tiningnan kung sino ang tumatawag. Alexan calling… “Based from the blush on your cheeks and the surprise in your eyes,” sambit ni Gracie, “I know that you know who I’m talking about,” kumindat pa ang babae bago ito tumayo, kinuha ang tasa at umalis. Binalik ko ang paningin sa aking cellphone at napalunok bago sinagot ang tawag. “Hello?” “Mommy!” Masiglang boses ni Liliana ang sumagot mula sa kabilang linya. Napangiti ako sa kawalan at hinigpitan ang hawak sa aking cellphone “Hello, baby. Kumusta?” Mahina kong bati dahil sa takot na baka mayroong makarinig sa akin. “Mommy labas outside, Mommy!” Narinig ko ang papalayong boses nito na tila ay may kumuha sa hawak nitong telepono. Hindi ko pa naman maintindihan ang sinabi nito kaya hindi ko alam kung ano ang isasagot sa bata. “Liliana wants to see her mom.” Kusang umakyat ang dugo sa aking pisngi nang marinig ang malalim na boses ni Alexan. Nailapat ko ang palad sa aking dibdib at naramdaman ang bilis ng t***k ng aking puso. Iba na talaga ang epekto ng presensya ng lalaki sa akin, na kahit hindi ko ito nakikita at boses lang nito ang naririnig ko ngunit naghuhurumentado na ang aking sistema. “A-ano po?” Narinig kong may sinabi si Alexan sa anak niya at tila ay pinapakalma ito. Napangiti ako sa aking sarili nang marinig kung gaano nito pinalambot ang boses upang sumunod ang anak sa kaniya.  “I just got Liliana from her school, and she wants to come home with the both of us,” bumalik ang malalim na boses nito na mas nagpabilis ng kalabog ng aking dibdib, “come down here. Take the rest of the day off, and don’t worry, I won’t deduct your pay.” Nais ko mang tumanggi ngunit alam ko namang hindi ko na mapipigilan ang sumunod sa utos nito, lalo pa at para ito sa anak ng lalaki. Sinagot ko ito na magliligpit muna ako ng mga gamit at bababa pagkatapos, saka ko pinutol ang tawag. Madalian ko namang in-arrange ang nagkalat na papel sa aking mesa at pinatay ang computer bago tumayo at nilagay ang cellphone sa aking bag at nagsimulang maglakad paalis.  Nang magawi ako sa puwesto ni Gracie ay mapanuya itong nakatingin sa akin habang ine-eksamina ang aking hitsura. “Family day?” Sambit niya tapos ay napahalakhak. I just rolled my eyes at her statement at naiilang na nagpaalam na mauuna akong umuwi. Hindi ko na inintay na makasagot ang babae dahil alam kong uulanin na naman ako ng pang-aasar niya. Nagmadali akong naglakad patungo sa elevator at sumukay doon pababa ng ground floor. Nakaramdam ako ng biglaang pagka self-concious kaya napatingin naman ako sa damit na suot. Simpleng puting ruffled sleeve blouse lang ito na nakasukbit ang laylayan sa itim na pantalon na abot hanggang sa straps ng itim na heels na bigay ni Alexan. Sinuklay ko ang nakalugay buhok at saktong bumukas na ang elevator kaya naglakad ako palabas ng building. Kita ko naman agad ang itim na sedan ng lalaki kaya agad akong lumapit doon. Hindi na ako nag-intay na pagbuksan ng pinto nito at pumasok na ng sasakyan. Ngunit hindi pa ako nakakaupo ng tuluyan nang sinalubong ako ng yakap ng bata nang pagkahigpit-higpit. Napatawa naman ako dahil sa reaksyon ng bata, na tila ay hindi naging sapat ang pakikipaglaro ko rito ng buong araw kahapon.  “Mommy, I miss you,” napatawa na rin ako nang pugpugin ako ng halik ni Liliana sa mukha. “I miss you too, baby girl,” sagot ko sa kaniya at walang-kamalayang naamoy ang mabangong buhok ng bata. Kumalas din naman ito sa pagkakayapos sa akin at bumalik sa backseat kaya ay napaayos na rin ako ng upo. “Daddy, you didn’t miss Mommy?” Nanlaki ang aking mata sa tanong ng bata kahit hindi naka-address ang tanong nito sa akin. Agad na lumipad aking paningin sa lalaking nakaupo sa driver’s seat, ngunit agad akong napaiwas ng tingin dahil sumalubong sa akin ang malalim na titig ni Alexan.  Hindi ko naramdaman ang mga titig nito kanina dahil ang atensyon ko ay na kay Liliana lamang, ngunit sa puntong ito ay pilit kong pinipigilan ang sariling mag-init ang mga pisngi at binubulong sa hangin na sana ay hindi marinig ng lalaki ang lakas ng t***k ng aking puso. “Of course, I missed her.” Nagulat ako nang marinig ang sagot ni Alexan at agad itong binalingan ng tingin. Ngunit ang mga mata nito ay hindi na nakatuon sa akin kung hindi ay nasa kamay na nitong ini-start ang makina ng sasakyan at sinimulan ang pagmamaneho palayo sa publishing company. Hindi ko mawari kung ang nais bang ipahiwatig ng lalaki ay ako, na nagpapanggap na asawa niyang si Giselle, o ang ibig sabihin niya ay nami-miss na ni Alexan ang totoong asawa niyang hanggang sa ngayon ay hindi nya pa rin kasama. I know it’s sinful, and highly inappropriate. But I wish that it’s me he’s talking about. Binalewala ko na lang ang sinabi ng lalaki, pati ang disappointment na unti-unting humahalili sa mabilis na pintig ng aking puso, at kinabit ang seatbelt habang nakatingin lang ng diretso sa daan hanggang sa makarating na kami sa bahay nila. Wala naman akong narinig mula kay Liliana, at mukhang busy ito sa paglalaro at panonood ng kung ano sa hawak hawak na tablet. Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay ay agad na lumabas si Alexan at binuhat ang bata palabas ng kotse. Tahimik na rin akong lumabas ng sasakyan at pumanhik sa hagdanan at naglakad patungo sa aking kwarto. Habang nagbibihis ng isang manipis na bestidang puti, na abot hanggang sa aking binti ang laylayan, ay hindi ko maiwasang isipin ang nangyari sa sasakyan kanina. Hindi naman kasi ako dapat makaramdam ng kahit na ano kay Alexan – may nagmamay-ari pa rin kasi sa lalaki kahit na wala ito ngayon. Wala naman kasing nagawang mali ang lalaki. Alam ko namang nagpapanggap din ito kagaya ko, kaya hindi ko dapat lagyan ng malisya ang kahit anong lalabas mula sa bibig niya. Napabuntung hininga ako at naiiling na sinarhan ang pinto ng closet. Maglalakad na sana ako papunta sa veranda upang makapagmuni-muni nang makarinig ng katok mula sa labas. Agad ko itong nilapitan at pinihit ang door knob, at laking gulat ko nang makita ang maamong mukha ni Alexan na nakasandal sa hambal ng pinto at may hawak na bote ng alak sa isang kamay. Saglit na pinasadahan nito ng tingin ang aking katawan bago bumalik ang mga titig sa aking mukha. “Do you drink?” aya ng lalaki.    ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD