“MOMMY…” dinig ko mula sa kung saan.
“Shhh, baby. Mommy’s still asleep,” rumehistro ang mahinang boses ni Ali mula sa gilid ng kama kay napatihaya ako at unti-unting minulat ang mga mata.
“Wawa Mommy, so tired…” ang mga maliliit na kamay ni Liliana ay pinaglalaruan ang nakalugay kong buhok, at ramdam kong nakapuwesto ito sa aking ulunan.
Nagtama naman ang mga mata namin ni Alexan at ginawaran ako nito ng ngiti.
“There she is, Lilypad,” lumapit ang lalaki sa akin at ginawaran ako ng masuyong halik sa labi. “Good morning, sleepyhead,” bati nito at tinulungan akong makabangon mula sa pagkakahiga. I smile at him and greeted him a ‘good morning’ too.
“Mommy, g’mowning,” I turn to the baby girl who’s extending her arms towards me. I chuckled at her cuteness and scooped Liliana in my arms.
“Good morning, baby girl,” piugpog ko ito ng halik sa mukha nito at natatawang inilalayo ang mukha sa akin.
“Daddy! Save me pwease…” natawa ako sa paghingi nito ng tulong kaya ginawaran ko muna ito ng matunog na halik sa pisngi niya bago pinakawalan.
Agad namang lumayo si Liliana sa akin at tumakbo patungo sa naghihintay na mga bisig ng ama, “Daddy, food,” sambit ng bata gamit ang cute nitong boses upang ayain ang ama nitong mag-almusal.
“Mauna na kayo sa baba, maghahanda lang din ako para mamaya,” I suggested with a smile to Alexan. He nodded at my direction and stood up while carrying Liliana in his arms.
But before he left the room, Ali bent down to level with my face, “check the bathroom on your room. I got a gift for you,” masuyo nitong sambit at dinampian ng halik ang gilid ng aking labi bago ito tuluyang umalis.
Napangiti ako sa hangin dahil sa mga nangyayari. Isang linggo na ang nakalipas noong unang may nangyari sa amin ni Alexan. At kahit marami pa ring bumabagabag sa aking isipan ay pinili ko pa ring sundin ang bugso ng damdamin ko’t nagpatangay na sa kakaibang saying dulot ng pagsasama namin ng lalaki.
Mahigit isang linggo na rin akong natutulog sa kuwarto ni Alexan. Noong una ay hindi pa ako naging kumportable na tumabi sa kaniya dahil ang nasa isip ko ay kama nila ito ng asawa niya, at wala nga ang Giselle na iyon dito… nananatili pa rin ang katotohanang kasal pa rin ang lalaki.
Napabuntung hininga na lamang ako’t bumangon na mula sa kama. Inayos ko muna ang kobre kama at ang mga unan bago nagtungo sa closet upang ipaghanda si Alexan sa isusuot nito.
At first, the man was a bit hesitant about the idea that I would be the one to choose his outfit. But after the first try and it turned out that he liked what I picked, he just shrugged and agreed with the thought.
Napapangiti na rin ako sa ginagawa para sa lalaki. Ibang level na kasi itong ginagawa ko, ginagampanan ko na ng mabuti ang pagiging asawa kay Alexan. Masayang masaya rin naman siya sa mga effort ko para sa kaniya— marahil ay dulot iyon ng paggawa ko ng mga bagay na dapat ay si Giselle ang gumagawa noon.
Ngunit umalis ito, nang wala man lang dahilan.
At heto ako ngayon, filling up her role, up to the brim.
Naalala ko naman ang napag-usapan namin nina Ma at Alicia noong bumisita kami sa facility, habang inilalapag ko ang mga susuotin ni Alexan sa kama.
Kinakabahan man kami noong ibinalita kay Ma ang tungkol sa pagbubuntis ni Alicia, ay malugod naman nitong tinanggap ang sitwasyon ng aking kapatid. Biro pa ng aming ina na bakit daw kami natagalan sa pagbibigay ng apo sa kaniya, na siyang tinawanan naming magkapatid.
Nang magawi naman ang pag-uusap kay Ma ay kinuwento ko na rin sa kaniya ang lahat ng tungkol sa amin ni Alexan. Malugod din nitong tinanggap ang mga napagdesisyunan kong gawin, pati na ang namumuong relasyon namin ni Alexan.
Nang matanong ko si Ma tungkol kay Giselle… kunut-noo pa itong nakatitig sa akin habang itinatanong ko kung nagkaroon ba ako ng kambal, dahil iyon lang ang isang posibilidad na nagme-make sense sa akin. Ngunit lalo pa akong naguluhan dahil sa isinagot ni Ma noon.
“Ano ka ba naman. Imposibleng magkaroon ka ng kambal, ano. Nandun nga sa photo album natin ang picture ng ultrasound ko diba? Mag-isa ka lang sa tiyan ko noon, Rachelle.”
Ngayon ay hindi ko na alam kung ano pa ang iisipin kung bakit nga kami magkamukha ng asawa ni Alexan. Tama rin kasi si Ma, nandoon kasi sa probinsya ang lahat ng litrato ng ultrasound scans nito noong pinagbubuntis niya pa ako. Siguro nga ay coincidence lang ang lahat.
Napabuntung hininga na lang ako ulit at umalis na ng kwarto ni Alexan upang makapaghanda para sa panibagong araw. Sabado kasi ngayon at nag-aya si Liliana na pumunta kami ng amusement park. Pareho rin naman kaming walang trabaho ni Alexan kaya pumayag na rin ako.
Nang makapasok ako sa bathroom na naka-konekta sa aking silid ay nangunot ang aking noo nang makakita ng isang puting kahon na may katamtaman ang laki, at nakapatong ito sa counter ng sink. Nilapitan ko ito at dahan dahang tinanggal ang ribbon sa itaas ng kahon.
Ngunit ang kaninang pangungunot ng aking noo ay napalitan ng pamumula ng aking mga pisngi nang mabuksan ko ang kahon at na-eksamina ang laman nito.
Sa loob ay mayroong magkakapares na mga underwear—lingerie—na puro itim ang kulay. Maninipis ang tela nito ngunit napakalambot naman. Mas lalong namula ang aking mga pisngi nang mabasa ang maliit na card na nakalagay sa loob ng kahon.
For ruining your underwear.
But I’d love to ruin these too.
Wear them tonight, please?
Agad kong binalik ang lahat ng laman ng kahon sa loob nito at dinala sa aking kwarto upang maitago sa closet.
Nagmamadaling naghanda ako upang makaligo na dahil sa init na nadarama kong tila ay nagmula sa aking pisngi at dumausdos pababa sa aking katawan.
Ang halay talaga ng Alexan na ‘yon!
“MOMMY, walk faster Mommy. We’ll go to that, Mommy oh!”
I smiled and did what Liliana asked me to do; I caught up to her and Alexan while she was pointing at one of the rides here at the amusement park.
Tumatawa pa ang munting paslit at halatang tuwang-tuwa dahil first time raw nitong makapunta sa isang amusement park. Ang sabi rin ni Alexan ay ngayon lang din niya naisipang dalhin ang bata sa ganitong lugar ay dahil sa ayaw niyang maranasan ni Liliana na makapunta ng amusement park nang hindi kumpleto ang pamilya niya.
I drew a long breath at the thought. Lalo pa at pahirap na ng pahirap ang pagpapanggap na ginagawa namin ng lalaki, at ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang masaktan ang damdamin ng bata kung magtatagal pa ang sitwasyong ito.
Napabuntung-hininga na lamang ako at humabol sa mag-amang nasa tapat na ng isang carousel ride at naghihintay na makasakay doon.
Nakapaskil lang lagi ang ngiti sa aking mga labi habang pinagmamasdan si Alexan at si Liliana na nakalulan na ngayon sa isa sa mga kabayo sa carousel. Nagmukha namang matanda na ang lalaki dahil napapaligiran ito ng napakaraming bata habang nakalapat ang kamay sa bata upang hindi ito mahulog.
“Mommy, I’m riding a horse!” Napangiti akong lalo nang tawagin ako ni Liliana, kaya kumaway ako sa gawi nila. Maging si Alexan din ay malawak ang ngiti dahil tulad ko ay nahahawa rin ito ng ngiti at tawa ng bata.
He really looked good with kids, especially with him taking care of his daughter. Sayang lang at hindi man lang nanatili ang asawa nito sa tabi niya upang makita kung paano alagaan ni Alexan ang anak nila.
And now here I am, filling up her role.
Matapos ang dalawang rounds ng carousel ride ay bumaba na rin ang mag-ama at dinaluhan ako sa malapit na upuan. Masayang inabot naman mula sa akin ni Liliana ang naghihintay na cotton candy sa aking kamay, pumisil doon at nagsimulang kumain.
“Mommy, it’s so sweet,” may ngiti sa mukhang reklamo ni Liliana. Aabutin ko na sana ang tubig na dala-dala ko kanina nang agawin ito ni Alexan at siya na mismo ang nagpa-inom sa bata mula sa bote. “Thanks, Daddy!” Nakangiting saad ni Liliana at bumalik na sa pagkain ng cotton candy.
“Is there something wrong?” Untag ni Alexan kaya napalingon ako sa gawi nito. Kinuha nito ang bakanteng espasyo sa aking gilid at binuhat si Liliana papunta sa kandungan nito. Mayroong halong pag-aalala sa boses nito kaya binigyan ko ito ng ngiti at umiling.
“Wala naman,” kinuha ko naman ang bote ng tubig at inilagay ito sa bag na aking dala. “Naisip ko lang, paano tatanggapin ng bata kung matatapos na ang lahat ng ito,” I said with a sigh.
Sabay pa kaming nagtungo ang mga paningin sa batang walang malay na pinag-uusapan na pala namin, at dinig ko ang bunting-hininga ni Alexan. Alam kong mahirap din ang sitwasyong ito para sa lalaki, at kahit ako ay nahihirapan na ring makahanap ng paraan upang makaalis sa sitwasyong ito na hindi masasaktan ang bata.
“Giselle wasn’t there for her from the start, and she left her without a word,” sambit ng lalaki at hinagod ang hinahangin na buhok ni Liliana, “so there’s only two reasons that I could think on why she chose to leave… either she’s appalled with me, or she’s appalled with her own daughter.”
Pinili ko na lang na manahimik. Kahit sa dalawang posibilidad na iyon ay alam kong masakit iyong tanggapin para kay Alexan. Taimtim kong pinagmasdan ang gilid ng mukha ni Liliana at napangiti sa lalaki.
“Mabuti kang ama, Alexan. Tandaan mo ‘yan,” mahinang sabi ko sa kaniya. Sumilay naman ang ngiti sa mukha nito at napalingon sa aking gawi.
Ang napansin ko agad sa maamong mukha ni Alexan, ay nawawala na ang mga pader sa likod ng ekspresyon nito. Madali na itong ngumiti ngayon, at mas lalo na itong naging expressive sa lahat ng nais niyang ibahagi sa akin, sa anak niya at maging sa tao sa paligid niya.
Masaya akong nasilayan ko ang pagbabagong iyon, at sana ay kung dumating man ang oras na kailangan nang matapos ang kasunduan namin, ay mananatili ang mga ngiti sa labi ng lalaki.
“Daddy, let’s go there oh. Tea cups, so big!”
Hindi ko namalayang nawala na pala ang bata sa kandungan ni Alexan at mukhang ngayon lang rin ito natauhan kaya agad na napatayo ang lalaki at hinabol ang batang mabilis na tumatakbo patungo sa kung saan. Naabutan naman ni Alexan ang bata at nabuhat ito.
Maaabutan ko na rin sana ang mag-ama ngunit bigla akong napagilid sa daan dahil sa isang batang nakabunggo sa akin. Hindi man ako nawalan ng balanse ay natapunan naman ang suot kong pantalon ng kung anong palamig na nasa basong dala-dala nung bata.
“So-sorry po,” mangiyak-ngiyak na sabi ng bata. Agad naman akong yumuko at lumebel sa paningin ng bata at nginitian ito.
“Okay lang, ‘wag ka mag-sorry. Alam ko namang hindi mo sinasadya,” pagsisiguro ko sa batang lalaki sa aking harap. Agad din itong umalis matapos itong mag-‘thank you’ kaya umayos na rin ng tayo.
“Are you okay, Mommy?”
Napalingon naman ako sa pinanggalingan ng boses at nakita si Alexan at Liliana na nasa tapat ko na pala ngayon. Binigyan ko naman sila ng tipid ng ngiti at inayos ang bag sa aking balikat.
“Oo, okay lang ako. Maghahanap lang ako ng CR para maalis man lang ang amoy nung natapon na juice sa akin,” saad ko sa mag-ama.
“Okay. There’s a restroom near the entrance area. We can go there together, uuwi na rin tayo kasi mukhang uulan,” sabi ni Alexan habang pahirapang pinapahiran ng panyo ang kamay ni Liliana. Tumango na rin ako at sumunod sa kanila nang magsimulang maglakad ang lalaki.
“Mommy, Daddy, let’s go here ulit ha. I wanna ride the Tea Cups, eh,” pagpapa-cute na sabi ni Liliana.
“Okay, baby. Let’s go back here with Mommy soon,” pinatakan ni Alexan ng halik ang pisngi ng bata at inabot sa akin ang panyong ginamit nito sa bata, “you can use this then you can throw it away. Marumi na rin kasi ‘yan because of the stickiness of the cotton candy on Liliana’s hands.”
“Okay,” tinaggap ko naman ang panyo at kinuha ito mula sa kamay ni Alexan. “Pwede na kayong mauna sa sasakyan, alam ko naman kung saan ka nag-park. Para makapagpahinga na rin si Liliana.”
Sumang-ayon naman si Alexan at lumingon ng sandali sa akin upang halikan ako sa noo at naglakad na rin paalis nang magawi na kami sa tapat ng restroom. Saglit pa akong natigagal dahil sa ginawa ng lalaki at napahawak sa parte ng noo kong hinalikan ng lalaki. Nang makahuma ay pumasok na sa restroom at naghanap ng bakanteng cubicle upang maka-ihi na rin.
Nang makalabas ng cubicle ay nilabas ko ang panyo ni Alexan sa aking bulsa at tinapat ito sa binuksan kong faucet. Sinarado ko naman ang faucet at piniga ang panyo bago ito ipinahid sa pantalon kong nangangamoy juice na.
Buti na lang talaga at naka-maong ako. Kung hindi ay baka mahirapan akong labhan ang mantsang mamumuo kung ang napili kong suotin kanina ay mas light ang kulay kaysa sa pantalong navy blue na ito. Binasa ko pang muli ang panyo at pinahid ulit ito sa parte ng aking pantalon upang mawala ang amoy.
Nang makuntento ako ay umayos na ako ng tayo at nag-ambang itapon ang panyo ni Alexan. Ngunit hindi ko naman iyon magawa dahil sa sayang naman kasi kung itatapon ko ito, kahit na ay maliit na bagay lang ito para sa lalaki. Kaya binalot ko na lamang ito sa plastic na nasa loob ng aking bag at lumingon sa salamin sa aking harap upang ayusin ang aking hitsura.
But what I saw at the mirror was not just a reflection of my own. I saw a complete replica of it at few feet away from me.
Hindi ko magawang ikilos ang aking katawan dahil sa takot. Ramdam ko ang presensya nito sa aking gilid ngunit tila ay nawalan ako ng lakas upang lumingon sa gawi nito. Nakatulos lang ang aking paningin sa salamin, habang tanaw ang dalawang babaeng magkamukhang magkamukha, at ang isang babae ay unti-unting kumukurba ang bibig sa isang ngiti.
“Hi, Rachelle. I guess you know who I am?”
I closed my eyes tight and placed both of my hands on my ears. I don’t even have the strength to identify that the noise filling up the restroom was my own voice screaming.
~