GULAT na napatitig si Zasha sa matandang si Nanay Belen. Doon niya nalamang matalik na kaibigan pala ito ng kanyang ina.
Hanggang sa hawakan nito ang kanyang kamay.
"Habang binabasa ko ang sulat ng iyong ina, hindi ko maiwasang mapaiyak, hija. Hindi ko matanggap na ang pinaka-matalik kong kaibigan, maagang magpapaalam sa mundong ito. Lagi akong umaasa, na isang araw makikita ko siya, ngunit.." bigla itong umiling. "Taon na ang lumipas, hindi ko man lang siya nakita. Labis akong nag-alala sa iyong ina, hija. Lagi kong hinihiling na sana, nasa maayos siyang kalagayan lalo na't buntis siya ng umalis sa bahay ng mga Del Fio. Hindi ko akalaing sa ganitong paraan.." Nang mapaluha ito. "Kapatid na ang turing ko sa inay mo, hija. At masakit para sa akin na sa ganitong paraan siya nagpaalam. Sa pamamagitan lamang ng isang sulat. Ni 'di ko man lang siya nakita."
Biglang namuo ang luha sa mga mata ni Zasha. Ramdam niya ang pagmamahal nito para sa kanyang ina.
Labis ang pasasalamat niya na ang taong ipinadala ng kanyang itay, ay ang matalik na kaibigan ng kaniyang ina.
Sa luhaan nitong mga mata, tumitig ito sa kanya. "Tumanda na ako sa pamilyang Del Fio, hija. At masaya ako na maaalagaan kita. Inihabilin ka rin sa akin ng iyong ina. At kahit hindi niya iyon gawin, hindi kita pababayaan." Marahan itong ngumiti ngunit nasa mukha pa rin nito ang kalungkutan.
Nahirapan naman siyang lumunok. Hindi niya inaasahang may taong magpaparamdam sa kanya ng pagmamahal maliban sa kanyang ina.
Pakiramdam niya tuloy, hindi nawala ang kanyang ina dahil sa kanyang Nanay Belen.
"M-maraming salamat, Nanay Belen.."
Niyakap naman siya nito at hinaplos-haplos sa likuran. "P'wede mo akong ituring na parang isang tunay na ina, hija. Tutal, wala naman akong anak. Lagi lang akong nandito para sa'yo."
Kaagad bumagsak ang luha sa mga mata ni Zasha.
Kaya ba iniwan mo na ako, inay dahil alam mong may ibang taong magpaparamdam sa akin na parang isang tunay na anak?
Mariing nakagat ni Zasha ang ibabang labi upang itago ang mahinang paghikbi niya. Masaya ang puso niya na may taong mapagkakatiwalaan niya oras na tumira na siya sa bahay ng kanyang itay.
Ngunit 'di mawawala ang pangungulila niya sa kanyang ina. Natitiyak niyang hahanap-hanapin niya ito parati. Mabagal siyang kumalas sa pagkakayakap nito.
"Totoo po bang may asawa't anak --"
Nang kaagad nitong pinutol ang sasabihin ko.
"Totoong may asawa ang iyong itay, hija. Ngunit ang tatlong anak ni Donya Felistia, ay hindi totoong anak ng iyong itay. Ikaw lang ang nag-iisang anak ng iyong itay. Ang tunay na Del Fio."
Biglang napalunok si Zasha.
"Alam na po ba nila na may anak si itay sa ibang babae? At alam na rin kaya nila na titira ako sa bahay nila?" kabadong tanong ko.
Nang hawakan nito ang kanyang kamay.
"Marahil, alam na nila. Natitiyak kong 'agad ipapaalam ni Don Abier ang tungkol sa'yo. Lalo na't ikaw ang nag-iisang anak niya. 'Di ka niya itatago sa mga ito."
Bigla siyang napayuko. Naramdaman naman niya ang pagpisil nito sa kanyang kamay.
"Huwag kang mag-alala. Hindi ka nila sasaktan. Takot ang mga ito sa iyong ama."
Kahit papaano, nakaramdam ng ginhawa si Zasha sa sinabi nito. Naisip niya tuloy na marahil mabait naman ang tatlong kapatid niya.
Ngunit hindi niya maiwasang mabahala sa asawa ng kanyang itay? Lalo na't naalala niyang umalis ang kanyang inay noon dahil sa pagbabanta nito?
Paano kung gawin iyon sa kanya?
Biglang bumalatay ang takot sa kanyang mukha na 'di nakaligtas sa kanyang Nanay Belen.
"Bakit, hija?"
"Iniisip ko lang po iyong asawa ni itay? Baka hindi niya ako matanggap lalo na't anak ako sa labas?"
Nang kumunot ang noo nito.
"Hindi ka anak sa labas, hija. Lalo na't walang anak si Don Abier sa kanyang asawa. Ikaw lang ang nag-iisang anak ng iyong itay. Ang tunay na Del Fio. Kaya hindi ka maaaring ituring o tawaging anak sa labas."
Ngunit hindi pa rin nawala ang pagkabahala sa kanyang pakiramdam.
"Hinding-hindi papayag ang iyong itay na tawaging kang anak sa labas dahil ikaw lang naman ang kaisa-isahan niyang tunay na anak. At hindi ang tatlong anak ni Donya Felistia. At 'wag mong alalahanin ang asawa ng iyong itay, wala rin siyang magagawa sa magiging desisyon ng iyong itay."
Sandaling katahimikan ang namayani.
"Pero baka.."
"Baka?" sambit nito habang nakatitig sa kanyang mga mata. Na para bang lagi lang itong nandiyan para sa kanya.
"Baka pagbantaan niya ako kagaya ng ginawa niya sa aking inay," sabay yuko ng ulo.
Nang hawakan nito ang kanyang mukha.
"Magkaiba noon, hija. Nagawa lang niyang pagbantaan ang iyong ina dahil katulong no'n ang iyong ina sa pamamahay nila. At wala siyang habol kay Don Abier dahil kasal ito kay Donya Felistia. Pero ikaw.." Pinakatitigan siya nito. "Mayroon. Dahil pagbalik-baliktarin man ang mundo, anak ka ni Don Abier. At kung may higit na may karapatan, ikaw iyon kaysa sa tatlong anak niya."
Hindi siya kumibo.
"Kung sakaling gawin nga iyon sa'yo, huwag kang mag-aalinlangan na sabihin sa akin o sa iyong itay. Dahil natitiyak kong hindi niya kukunsintihin ang babaeng iyon. Nakita ng mga mata ko kung gaano kasaya ang iyong itay ng matagpuan ka niya. At alam kong 'di ka niya pababayaan kahit anong mangyari."
Walang nagawa si Zasha kun'di ang mapabuntong-hininga. Kahit anong sabihin ng kanyang Nanay Belen, naroon pa rin talaga ang pag-aalala niya.
"Hindi ka nila sasaktan, hija. Dahil oras na gawin nila iyon, natitiyak kong mapapalayas sila ng iyong itay. Ikaw ang mas matimbang sa kanila, hija. Tinitiyak ko 'yan sa iyo."
Sana nga..
LUMIPAS ang mga araw.
Nalaman niyang hindi kaagad nakabalik ang kanyang itay dahil may emergency itong inasikaso sa ibang bansa.
Ayaw naman niyang pumunta sa mansion ng hindi ito kasama. Hindi niya maikakaila sa sarili na may takot siyang nararamdaman na makaharap ang tatlong kapatid lalo na ang asawa nito.
Kung siya lang ang masusunod, hindi niya nais umalis sa pamamahay nila. Ngunit alam niyang ang kanyang itay na lang ang natitirang pamilya niya. Kaya kahit may takot at pag-aalala siyang nararamdaman, gusto niya pa rin itong makasama.
Kahit papaano, naiibsan ang kalungkutan at pangungulila niya sa kanyang inay dahil sa kanyang Nanay Belen.
Lagi itong nagkukuwento at halata rito na gusto lang siya nitong pasayahin. Mukhang tinutupad nito ang pangako nito na 'di siya nito pababayaan.
Ito na halos ang gumagawa sa loob ng bahay. Doon nga niya naranasan ang buhay mala-prinsesa?
Pagkagising niya o pag-uwi man ng bahay, may nakahanda na itong pagkain, nakahanda na rin ang kanyang damit na isusuot.
Napaisip nga siya, paano pa kaya sa mansion ng kanyang itay? Lalo na't nabanggit nito na maraming kasambahay doon?
Hindi naman niya gugustuhin na wala na siyang gagawin? Hindi siya sanay sa ganoon. Mas gusto niyang kumikilos at nababanat ang kaniyang pangangatawan.
"Hija.."
Biglang napapitlag si Zasha. Nakangiti naman ang kanyang Nanay Belen.
"Natulala ka na. Masyado ba akong maganda?" Na siyang ikinangiti ko at bukod sa pala-kuwento ito, palabiro din ito.
Pero totoo namang maganda si Nanay Belen. Sayang nga at hindi ito nag-asawa.
Akmang magsasalita si Zasha ng hawakan nito ang kanyang kamay. "Tara na at nang makauwi tayo kaagad." Napangiti na lang si Zasha.
HINDI niya maiwasang mapatingin sa kabuuan ng supermarket. Buong buhay ni Zasha ngayon lang siya nakapunta rito.
Palibhasa wala silang sapat na pera ng kanyang ina para makabili sa ganitong klasing lugar. Ang mamahal ba naman kasi ng bilihin dito?
Bigla siyang nakaramdam ng kalungkutan. Kung sana kasa-kasama niya ngayon ang kanyang ina.
Isang malalim at mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ni Zasha. Pagpihit niya upang tumungo sa prutasan ng bigla siyang mapaigik ng bumangga siya sa malaking pangangatawan.
Muntik na siyang matumba kung hindi nito nahawakan ang kanyang maliit na balingkinitan. Nagmamadali siyang lumayo rito.
Kaagad siyang yumuko.
"Pasensya na po.." halos pabulong na bigkas niya sa lalaking kaharap. Napansin niya ang makintab nitong sapatos.
Nagtaka siya ng walang salitang lumabas sa lalaking kaharap. Instead, bigla lang siya nitong nilagpasan. Doon niya rin napansin na may mga kasamahan ito.
Wala sa sariling natitigan ni Zasha ang papalayong lalake. Pakiramdam nga niya, para bang nakita na niya ito minsan? Hindi nga lang niya matandaan kung saan?
Kumibot ang kanyang labi. Nagtataka siya kung bakit lahat yata naka-itim ang mga ito? At talagang lahat nakasuot ng itim na mask?
"Hija.."
"Ay kabayo!" Namumulang natutop niya ang sariling bibig. "Kanina ka pa, nakatulala riyan, may problema ba?" tanong ni Nanay Belen.
Kaagad naman siyang napailing.
"Wala po, Nanay Belen. May tiningnan lang po kasi ako."
Tumango naman ang matanda.
Isang malalim na buntong-hininga naman ang pinakawalan ni Zasha. Wala sa sariling muli niyang nilingon ang dinaanan ng mga kalalakihan.