Episode 6

1690 Words
NAPALUNOK si Zasha ng matanaw ang magandang bahay na talaga namang matatawag na mansion. Sobrang ganda sa labas at napakalawak ng hardin. Maraming halaman na labis niyang nagustuhan. "Nandito na tayo, anak.." Bigla siyang napakagat-labi. Kanina pa siya kinakabahan. Nang mapalingon siya sa kanyang ama. Hinawakan nito ang kanyang kamay. "Ayos ka lang? Bakit nanlalamig ang kamay mo?" Gumuhit ang pag-aalala sa mukha nito. Kaagad naman siyang napangiti ngunit isang hilaw na ngiti. "Kinakabahan lang po ako, itay." Buong pag-amin niya sa kanyang ama. Nang titigan siya nito. Hinarap din siya nito ng husto. "Wala kang dapat ikatakot, anak. Kung inaalala mo ang asawa ko, huwag kang mag-alala at excited pa nga siyang makilala ka niya. Ganoon din ang tatlong kapatid mo." Nasa mukha nito ang kasiyahan. Hindi naman siya makapaniwala sa mga sinabi nito. "Talaga po, itay?" Marahan itong tumango. "Yes, anak. Kahapon ka pa nga nila hinihintay. Hindi na sila makapaghintay na makita ka at makilala." Lihim naman siyang nakahinga ng maluwag. Hanggang sa marahan siyang ngumiti sa kanyang ama. Inalalayan naman siya nitong makalabas ng sasakyan. Nang matigilan siya mula sa paghakbang. Napahinto naman ang kanyang ama. "Yes, Princess?" Bigla siyang napalunok. "Tanggap po nila ako kahit na anak niyo po ako sa ibang --" Nang kaagad nitong pinutol ang sasabihin ko. "Yes, anak. Tanggap ka nang asawa ko. Kaya wala kang dapat ikabahala. Lalo na't alam naman niyang namatay ang iyong ina." Pansin ni Zasha ang pagguhit ng kalungkutan sa mukha nito. Napapansin niya iyon sa tuwing nababanggit nito ang kanyang ina. Gusto niya tuloy isipin na may pagtingin pa rin ito sa kanyang ina. Lihim siyang nagpakawala ng buntonghininga. Tanging hiling niya ay maging maayos ang pagtira niya sa bahay ng kanyang ama. Na wala siyang maging problema sa asawa nito at sa tatlong anak nito. Hinawakan nito ang kanyang kamay. Nasa mukha nito ang kasiyahan. Lihim pang namangha si Zasha pagkabungad sa malaking pintuan. Kitang-kita niya kaagad ang mataas na hagdan. Sobrang nagniningning sa paningin niya ang buong paligid. Napakaganda at hindi masakit sa mata ang kulay ng bahay. Ang kinang din ng sahig na pakiramdam niya, madudulas siya kapag nagkamali dahil sa kintab nito na mukhang araw-araw nilalampaso? "Honey!" Biglang napatingala si Zasha mula sa mataas na hagdan. Ganoon na lang ang paglunok niya nang makita ang isang maganda at sophisticated na babae na mukhang ito ang asawa ng kanyang ama? "Hon!" bigkas naman ng kanyang ama. Sandali siya nitong binitiwan at sinalubong ang asawa nito. Bigla naman siyang napayuko at pakiramdam niya may mga matang nakamasid sa kanya. Hindi siya mapalagay sa kanyang kinatatayuan. Wala pa naman si Nanay Belen at dumiritso na rin ito sa loob ng kusina. "Anak.." Doon siya napaangat ng tingin. Palapit ang mga ito sa kanya. Hindi niya magawang tumingin sa mga mata ng asawa ng kanyang ama. Para siyang natatakot sa 'di maipaliwanag na dahilan? "Siya na ba ang anak mo, honey?" tanong ng ginang. Nang tumabi sa kanya ang kanyang ama. "Oo, hon. Si Zasha Del Fio." Lihim siyang napalunok dahil ginamit nito ang apelyido nito sa kanya. Pag-angat niya ng tingin, muntik na siyang mapalunok. Masungit ang expression ng mukha nito, ngunit nabawasan ang pagkabahala niya ng bigla itong ngumiti sa kanya. "Welcome, hija!" Sabay yakap nito sa kanya na siyang hindi inaasahan ni Zasha. Sandali pa nga siyang natulala at 'di nakagalaw sa kinatatayuan. Nang titigan siya nito. Ramdam din niyang nakatitig sa kanila ang kanyang ama. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang matamis na ngiti ng kanyang ama habang nakatingin sa amin. "Huwag kang mag-aalangan dito, hija ha? Mula ngayon, ituring mo akong isang tunay na ina." Nakapaskil pa rin ang ngiti sa mga labi nito. "Maraming salamat po.." bahagya siyang yumukod bilang paggalang. Nang maramdaman niya ang bahagyang pagpisil nito sa kanyang magkabilaang balikat. "Don't be shy. Tawagin mo akong Mommy Felistia. Huwag kang mahihiya, maya-maya makikilala mo ang mga kapatid mo." Nang haplusin nito ang kanyang mahabang buhok. "Kamukhang-kamukha mo ang iyong ina." Na siyang ikinakabog ng dibdib niya. Ngunit hindi naman nakikitaan ni Zasha na may ibig ipagkahulugan sa sinabi nito. Nasa mga labi pa rin nito ang matamis na ngiti. Ang hindi maintindihan ni Zasha, sa kabila ng kabaitan na ipinapakita nito, hindi nawawala ang kaba sa kanyang dibdib? Na para bang may hindi totoo sa nakikita niya? Isang tikhim ng kanyang ama ang nagpabaling sa kanya. Nginitian siya nito. "Mula ngayon, ito na ang bahay mo, anak. Lahat ng gusto mo, sabihin mo lang at ibibigay ko. Makakapag-aral ka na rin sa magandang paaralan. Makakasama mo ang dalawang kapatid mong babae." Walang kaalam-alam ang mag-ama kung paano umasim ang mukha ni Donya Felistia. Lihim itong nanggagalaiti sa dalagang si Zasha. Naninikip ang dibdib nito sa galit at labis ang pagtitimpi nito dahil wala itong magagawa sa anomang desisyon ng kanyang asawa. Lalo na't tunay na anak nito ang dalagang si Zasha. Walang salitang lumabas sa bibig ni Zasha. Sa ngayon, hindi iyon ang iniisip niya. Iniisip niya ang mga kapatid. Kung ganoon din ba sila kabait? Gaya ng ipinapakita sa kanya ni Donya Felistia? Nang sabay-sabay silang napalingon ng marinig nila ang tunog ng heels. Napalunok si Zasha ng makita ang dalawang babae na napaka-elegante ng mga suot. Punong-puno rin ng alahas ang katawan ng mga ito. "Daddy!" sabay pa ng dalawa. Paglingon niya sa kanyang ama, nakangiti ito sa dalawa. Hindi maintindihan ni Zasha ngunit nakaramdam siya ng selos? Na dapat hindi niya nararamdaman lalo na't ito ang kasa-kasama ng kanyang ama. "Mga anak!" Napayuko si Zasha ng pakiramdam niya, matalim ang tingin sa kanya ng dalawang kapatid? O sadyang namalikmata lamang siya? "Anak, sila ang mga kapatid mo." Napaangat naman si Zasha ng tingin. "Siya si Jessa at ito naman si Jane. Mga anak, siya si Zasha, ang kapatid niyo." Akmang magsasalita siya ng maunahan siya ng dalawa. Nagulat pa si Zasha ng sabay siya nitong yakapin. "Welcome, sis! Sa wakas, nagkaroon na rin kami ng bunsong kapatid!" bulalas ni Jessa. "Feel at home, Sis Zasha. Huwag kang mahihiya, hmm?" wika naman ni Jane na mukhang tabingi ang ngiti sa mga labi nito. O baka sadyang ganoon lang ang paraan ng ngiti nito? "Maraming salamat." Nagulat si Zasha ng bahagya siyang hampasin ni Jessa. "Ano, ka ba? Huwag ka nang mahihiya sa amin. Magkakapatid tayo dito oh?" Natawa naman si Jane. "Oo nga!" Pilit namang ngumiti si Zasha. Baka isipin ng mga ito, siya pa ang aarte-arte. Siya na nga lang ang nakikitira sa bahay ng mga ito. "Hayaan niyo na ang kapatid niyo, nahihiya lang 'yan sa ngayon. Nasaan nga pala si Judas?" biglang singit ni Donya Felistia. 'Di nga maintindihan ni Zasha at parang 'di niya ito matawag-tawag na Mommy Felistia? "I'm here!" Sabay-sabay naman kaming napalingon mula sa pintuan kung saan ito lumabas. Hindi maiwasang mapakunot-noo ni Zasha at gulo-gulo ang buhok nito na para bang bagong gising ngunit nakasuot ito pang-alis? "Saan ka na naman nanggaling, Judas? At mukha ka na namang ginahasa ng sampong babae sa kalye?" iritableng anas ni Donya Felistia. Napayuko si Zasha ng maramdaman niyang tumingin ito sa kanya. "Nakitulog lang ako kila Edgar. Nagmamadali akong umuwi nang maalala kong ngayon ko pala makikilala ang bagong kapatid ko." Lihim na napalunok si Zasha. Sa gilid ng kanyang mga mata, humalik ito sa pisngi ng ina nito. Isang tapik naman sa balikat nito ang ginawa ng kanyang ama. Labis ngang namangha si Zasha at ganoon kabait ang kanyang ama sa mga anak nito? Halatang spoiled ang mga ito? Ganoon kabuti ang kanyang ama? Na kahit 'di nito tunay na mga anak, ganito nito ini-spoiled? Paano na lang siya na tunay nitong anak? Lihim na napailing-iling si Zasha. Hindi niya aabusuhin ang kabaitan o kabutihan ng kanyang ama. Hindi niya pinangarap na mabalutan ng mga alahas sa katawan. Hindi niya rin pinangarap na manamit ng mga maiiksing damit gaya na lamang ng suot-suot ngayon ng kanyang mga kapatid. "Siya na ba ang kapatid namin, dad?" anas nito na sa kanya nakatingin. "Mukhang mahiyain siya." Biglang napalunok si Zasha. Tumikhim naman ang kanyang ama. "Siya si Zasha. Ang bunsong kapatid niyo." Nang mapakurap-kurap si Zasha ng ilahad ni Judas ang kamay nito sa kanya. 'Di man niya nais na tanggapin iyon, wala rin siyang magagawa. "Hello, my beautiful sister. Ako ang Kuya Judas mo." Pag-angat ko ng tingin, mukhang nakaangat ang sulok ng labi nito. Hindi iyon pansin ng kanyang ama. Bigla na lang siyang kinakabahan sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ngunit kinuha niya pa rin ang kamay nito na nakalahad pa rin sa kanyang harapan. "H-hello, Kuya Judas.." Muntik na siyang mapaigtad at parang kiniskis nito ang isang daliri sa loob ng palad niya. Wala sa sariling nagtayuan ang balahibo sa kanyang katawan. Kaagad-agad niyang binitiwan ang kamay nito. At talagang napaawang ang labi ni Zasha ng ngumisi ito sa kanyang harapan at kinindatan siya nito?! Nanginig din ang kanyang katawan ng pasimple siya nitong tinitigan mula ulo hanggang paa! Daig pa nitong nagnanasa sa paraan ng tingin nito?! Isang hampas sa balikat ang nagpahiyaw dito. "What's wrong with you?" sita nito sa kapatid na si Jessa. Nagsalubong din ang makapal nitong kilay. "Huwag mong masyadong tinitingnan ang bunsong kapatid natin at mukha ka pa namang nakakatakot ngayon! Maligo ka na nga! Ang baho mo!" singhal nito sa kapatid. "What?!" Isang nakakalukong tawa naman ang pinakawalan ni Jane. Ngunit nang mapasulyap sa akin para bang pumailalim ang tingin nito? O napapraning lang ako ng mga oras na iyon? Dahil sa kung ano-ano ang iniisip ko? "Tama na 'yan. Kumain na muna tayo," wika ni itay. Nagsitahimik naman ang tatlo. Hanggang sa isabit ni Donya Felistia ang kamay nito sa braso ni itay at nagpatiuna na ang mga ito. Kaagad naman siyang sumunod. Ramdam niya ang mga matang nakatitig sa bawat hakbang niya. Hindi niya maintindihan ngunit 'di talaga siya komportable ng mga oras na iyon! Lihim siyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga at pilit pinapakalma ang sarili. Kailangan niyang masanay ngayon lalo na't dito na siya titira. Kailangan niyang pakisamahan ang mga ito lalo na ang kapatid niyang si Judas na mukhang hindi maganda kung makatingin. Mukha itong adik!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD