"MOMMY, anong gagawin natin? Tiyak na mawawala ang atensyon ni daddy ngayong may tunay siyang anak!" mangiyak-ngiyak na wika ni Jane. "Siguradong mapupunta sa kanya ang lahat ng kayamanan!" Na siyang ikinalingon ni Felistia.
"Hindi ko hahayaang mangyari 'yan. Ako ang asawa ni Abier at hindi niya magagawa ang bagay na 'yan sa atin!" mariing bigkas ni Felistia sa anak niya. Ngunit ramdam niya ang mabigat niyang paghinga.
Nang lumapit naman ang kanyang anak na si Jane.
"Bakit kasi hinayaan mo si daddy na dalhin ang babaeng --" Napahinto ito nang marahas itong lingunin ni Felistia. "Bulag ka ba? Nakita mong siya ang kaisa-isahang anak ni Abier. Hindi niya hahayaang tumira sa bahay-kubo ang tunay niyang anak!" asik ni Felistia.
Nagtaas-baba ang paghinga ni Felistia. Inis namang pabagsak na umupo sa single sofa si Jane.
"Siguradong mapupunta sa babaeng iyon ang buong atensyon ni daddy. At baka lahat ng ari-arian nito ay ibigay sa hampas-lupa na iyon!" nanggigigil na wika ni Jessa. Galit na galit ang itsura nito.
"Oo nga! Hindi ako makakapayag! Gagawa tayo ng paraan para siya ang kusang umalis--" Nang mapahinto ito ng kaagad sumingit si Felistia. "Huwag niyo siyang pakikialam sa ngayon. Hayaan muna natin siya."
"What?" sabay pa nila Jessa at Jane sa kanilang ina. Tiningnan naman sila ni Felistia. "Ako ang nakakaalam ng tamang panahon para sa babaeng iyon. Sa ngayon, kailangan nating magpanggap na tanggap nga natin siya. Kapag umalis si Abier, doon natin siya pahihirapan at gagawa tayo nang kuwento na siya mismo ang umalis ng bahay." Nagkatinginan naman ang magkapatid. At parang mga kontrabida sa pelikula na biglang nagsingisihan na parang aso.
Nang may maisip si Jane.
"Paano kung hanapin siya ni daddy? At magsumbong ang babaeng iyon? Tayo ang malalagot?"
Bumalatay naman ang pag-aalala sa mukha ni Jessa. Kilala kasi nilang mahigpit ang kanilang ama kapag mali na ang ginagawa.
Oo nga, lahat ibinibigay nito, ngunit kapag hindi na tama ang ginagawa, hindi nito iyon kinukunsinti.
Wala nga itong kaalam-alam na sila ang bully sa loob ng campus. Kung saan pag-aari pa nito ang University. Kaya lalo silang nanggagalaiti sa Zasha na iyon ay mapapasakanya ang lahat ng kayamanan ng ama nito.
Tiyak na wala silang makukuha dahil hindi naman sila mga tunay na anak nito. Kung sakali mang mayroon, napakakunti lang. At iyon ang hindi nila matatanggap!
Para sa kanila, isang sampid lang sa bahay nila ang hampas-lupang Zasha na iyon! 'Di nga sila naniniwalang anak ito ng kanilang ama-amahan!
Mas kamukha pa ito ng kaniyang ina! Ang kanilang kasambahay noon na lumandi sa kanilang ama-amahan!
Kaya hindi sila makapaghintay na masaktan ang babaeng iyon nang lumayas ito at h'wag nang magpapakita pa!
Sandaling natigilan si Felistia sa tanong ng kanyang anak. Hanggang sa tumigas ang kanyang awra.
"Bago man niya mahanap ang babaeng iyon, tinitiyak kong malamig pa ito sa isang bangkay!"
Biglang nagkatinginan ang magkapatid.
"Papatayin mo siya, mommy?" Nangilabot ang itsura ni Jessa ganoon din ang mukha ni Jane.
Natigilan naman si Felistia.
"Wala tayong mapagpipilian kung tayo ang malalagay sa kapahamakan." Ngunit nanatili pa ring tahimik ang kanyang mga anak.
Nilapitan ni Felistia ang mga ito.
"Huwag kayong mag-alala. Naisip ko lang ang bagay na iyon, ngunit hindi talaga iyon ang totoong intensyon ko sa babaeng iyon."
Nakahinga naman ang dalawang babae. Ngunit lihim na nanggagalaiti si Felistia dahil para sa kanya, isang malaking hadlang ang dalagang si Zasha!
Dahil natitiyak niyang mas higit ang kayamanang ipapamana ng kanyang asawa sa nag-iisang anak nito. At hindi niya iyon matatanggap!
Siya ang tunay nitong asawa! Siya ang dapat kumimkim ng mga kayamanan at ari-arian nito! Hindi ang anak nito sa labas!
Siya ang laging nasa tabi nito! Kaya siya ang may karapatan sa lahat ng kayamanan nito!
Oras na malaman niyang mas higit ang pamana nito sa anak nito, mapipilitan siyang gawin ang kanyang binabalak para sa tunay nitong anak!
Kung alam lang niyang matatagpuan nito ang malanding kasambahay na iyon, sana pala ipinapatay na lang niya ito noon! Kung bakit hinayaan niyang makaalis ito ng malaya! Ngayon, nag-iwan pa ng mantsa ng kalandian nito!
"Sana bumalik 'agad sa Singapore si daddy para mapahirapan na namin ang babaeng iyon! Hindi talaga ako natutuwa na makita ang pagmumukha niya! Ang sarap niyang sampalin ng kaliwa't kanan!" asik ni Jessa.
"Pahihirapan natin siya!" wika naman ni Jane. "Pagsisisihan niyang sumama pa siya kay daddy! Hindi siya nababagay dito dahil isa lamang siyang anak ng isang katulong!"
Natahimik ang mga ito ng makarinig sila ng mga yabag. Kaagad naman silang sinenyasan ni Felistia na tumahik sila. Nang biglang sumungaw ang nakakalukong pagmumukha ni Judas.
Nakangising aso ito na para bang laging nakakakita ng masisilo! Isang hampas sa braso ang tinamo nito sa sariling ina.
"Ouch!"
"Lintik ka talaga! Akala ko kung sino nang nakikinig sa usapan namin!" wika ni Felistia sa sariling anak.
At talagang ngumisi pa ang kanyang anak na si Judas. "Bakit, mom? Pinagpaplanuhan niyo na ba kaagad kung paano mawawala ang anak ni daddy?" nakakalukong bigkas nito.
Natahimik naman ang mag-iina. Isang ngisi ang pinakawalan ni Judas. "Relax lang kayo, okay? Type ko pa naman ang babaeng iyon."
"Huwag mong sabihing kakampihan mo siya?" asik ni Jane sa kapatid. "Hindi ka maaaring makasira sa mga plano namin kuya! Hindi natin siya maaaring tanggapin dahil siya ang tunay na anak ni daddy!" asik nito.
Isang marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Judas at kumibot-kibot pa ang labi nito.
"Dahil ba natatakot kayong mapunta sa kanya ang lahat ng kayamanan ni daddy?"
"Exactly!" singit naman ni Felistia sa mga anak. "Papayag ka bang mapunta sa kanya ang mga bagay na dapat nasa inyong magkakapatid?" tanong ni Felistia sa anak nitong si Judas.
Natahimik naman ang binata. Malalim itong nag-isip. Hanggang sa balingan niya ang kanyang ina at mga kapatid. Nagpakawala rin siya ng malalim na buntong-hininga.
"Bakit ba 'yan kaagad ang nasa isip niyo? Kakarating lang ng Zasha na iyon? Relax lang kayo, okay? Masyado pang malakas si daddy."
Kumunot naman ang noo ni Felistia. Isang ngisi naman ang pinakawalan ni Judas.
"Marami pang p'wedeng mangyari. At saka, may plano pa ako sa babaeng iyon. Hayaan niyo muna ako. H'wag niyo muna siyang pagplanuhan. Masyado pang maaga para sa ganiyang mga bagay."
Bigla itong humikab.
"Anong plano ang binabalak mo, Judas?" tanong ni Felistia sa sariling anak. Napakamot naman sa ulo ang anak nitong si Judas.
"Sa akin na muna iyon, mom." At saka ito muling humikab. "Gusto ko nang matulog." At kaagad itong tumalikod. Naiwan naman ang mag-iina na nag-iisip.
"Nakakainis talaga si kuya! Baka maging hadlang pa siya e! Baka magustuhan niya ang babaeng iyon!" naiinis na wika ni Jessa.
Nagpalakad-lakad naman si Felistia.
"Sa ngayon, 'wag muna nating pakialaman ang anak ni Abier. Tulad ng sinabi ko, hintayin nating umalis ang daddy niyo bago kayo gumawa ng ikakapaghirap ng babaeng iyon."
Tumango naman ang dalawang magkapatid. Hanggang sa nagpaalam ang mga itong lalabas muna.
Naiwan naman ang matandang si Felistia na malalim na nag-iisip. Matagal na siyang naghihintay. Ang mapasakanya ang ari-arian ng kanyang asawang si Abier Del Fio.
Walang kaalam-alam ang asawa niya na palihim niya itong iniiputan sa ulo! Wala itong kaalam-alam na may lihim pa rin siyang relasyon sa dati niyang kasintahan.
Ang ama ng tatlong anak niya.
Kaya lang naman siya nagtitiis dito dahil sa kayamanan nito. Iyon ang dahilan kung bakit pinipili niyang manatili sa tabi nito. At wala itong kaalam-alam na nakikipagtalik siya sa ama ng tatlong anak niya.
Paano nga naman siya gaganahan sa kanyang asawa, wala na itong inatupag kun'di ang trabaho nito! Halos hindi na tumatayo ang alaga nito dahil pagod ito sa trabaho!
Kaya nang minsang magkita sila ng dating kanobyo niya, natukso siyang makipagtalik ulit dito. Hanggang sa naulit iyon ng ilang beses!
Dahil sa galing nitong makipagtalik, hindi na niya ito nabitiwan pa! Kaya lihim siyang nakikipagrelasyon sa dating karelasyon.
Kung tutuusin kaya lang naman niya iniwan ang dating nobyo dahil mahirap lang ito at hindi nito maibigay sa kanya ang gusto niya. Pero kung pag-uusapan ang galing sa kama, talagang magaling ito.
Pinatulan niya ang asawang si Abier dahil sa kayamanan nito. Ang ipinagtataka ni Felistia, dati naman na magaling ito sa kama, ngunit simula ng dumating ang ina ng Zasha na iyon, bigla itong nanlamig sa kanya!
Kaya marahil ayaw ng tumayo ng alaga nito dahil mahal nito ang ina ng Zasha na iyon at hindi na siya!
BIGLANG kumuyom ang kamao ni Felistia.
"Patas lang tayo, honey. Nagawa mo akong lukuhin at talagang sa isang kasambahay ka pa pumatol! P'wes, wala kang kaalam-alam na hanggang ngayon, niluluko kita at tanging kayamanan na lang ang habol ko sa'yo!" bulong ni Felistia habang nanggigigil ito.
"Hindi ako makakapayag na ang anak mo ang magiging hadlang sa mga plano ko! Sa ngayon, hahayaan ko muna siya. Kailangan kitang mapaniwala na talagang tinatanggap ko ang anak mo sa hampas lupa na katulong na iyon!" Nagtaas-baba ang paghinga ni Felistia.
Kumukulo ang dugo niya sa tuwing nakikita ang mukha ni Zasha. Dahil naaalala lang niya kung paano siya pinagtaksilan ng kanyang asawa! Wala siyang kaalam-alam na habang mahimbing pala siyang natutulog, nagtatalik ang mga ito sa ilalim ng basement!
Kaya dapat lang ito sayo! Ang maghiganti at pagtaksilan!
Napabuga ng hangin si Felistia upang pawiin ang bigat ng kanyang nararamdaman. Simula sa araw na ito, kailangan niyang magpanggap sa harapan ng mag-amang iyon!
Kailangan niya ng matinding pagtitimpi! At kailangan niyang pag-aralan ang ngumiti ng hindi mahahalata ng Zasha na iyon na hindi totoo ang ipinapakita niya rito.
Masyadong tahimik ang dalaga. At mukhang mahirap basahin ang nilalaman ng nasa isip nito. Ngunit wala itong kakayahan, upang lumaban! Masyado pa itong bata! Kayang-kaya pa itong takutin!
Gaya nang ginawa niya sa malanding ina nito!