Chapter 25

1624 Words
Hindi?! Nang sambitin ni Amulet ang salitang iyon, ibang lugar ang kaniyang namulatan. Wala na siya sa loob ng isang parang capsule at may mga nakakabit na parang transmitting device sa katawan at paran helmet sa ulo. Wala na rin ang mga babae at lalaking nakasuot na puting lab-gown.   Ilang beses niyang kinurap ang kaniyang mata. Pilit inaadjust ang kaniyang sarili kung saan nga ba talaga siya. Alam niyang kanina, totoong tao ang mga nakita niya. Kung hindi siya nagkakamali, totoong mundo ang kaniyang nakita at marahil laboratoryo iyon kung saan siya dinala ng mga dumukot sa kaniya.   “Zach?” Napalingon siya. “Akaara?” Nanlaki ang kaniyang mata sa reyalisasyong hindi niya kasama ang dalawa at ibang lugar ang kaniyang nakikita.   Wala siya sa Crytsal City! Malabong nasa Crystal City siya sa kaniyang nakikita. Mga nagtataasang mga bundok ang nabungawan ng kaniyang mata at mga malalaking bato. Mas maniniwala siyang nasa Rock City siya nang Znthra.   Wait, Rock City?! Para siyang nabagsakan ng langit sa pumasok na pangalan sa kaniyang isipan. Imposible! Paano siya napunta sa lugar na ito? Saan si Zach at Akaara?   Dali-dali niyang pinisil ang Znthra button sa kaniyang braso at lumabas do’n ang hologram. Hinanap niya ang kaniyang tamed monster at nakita niya itong natutulog. Mabilis niyang pinalabas si Raberoo sa tulugan nito.   Bahagya siyang napangiti nang mag-unat ito ng katawan na parang pusa. Nang makita siya nito, agad itong naglambing sa kaniya at nagpahimas sa ulo.   “We’re lost Rabi,” mahinang anas niya, “Huling naalala ko, inatake kami ng high class monster at  si Zach at Akaara ang pumatay n’yon. Tapos si Maskoro—” natigilan siya nang banggitin niya ang pangalan Maskoro. Tama, nasa likuran niya ang lalaking iyon kanina at sinakal ang kaniyang leeg. Dahilan para mawalan siya ng malay!   Huh! Napalingon siya nang may marinig siyang kaluskos sa unahan. Sa isiping isa iyong halimaw, agad niyang inumang ang kaniyang kamay patungo sa deriksyon ng malaking bato.   Sunod-sunod siyang napalunok at hinanda ang sarili na sumugod ito. Pinapangako niyang poprotesksyunan ang sarili kahit wala si Zach sa kaniyang tabi. Kailangan niya pa sabihin sa binata ang kaniyang nakita sa loob ng laboratoryo. Pero ang tanong, saan ang mga ito? Kung nasa Rock City siya, paniguardong milya-milya ang layo nila.   “I swear I’m gonna kill the hell out of this monster.” Naibulong na lamang niya sa kaniyang sarili habang sa tabi niyang si Raberoo ay nakatingin lang sa kaniyang gagawin. -   Inis na sinuntok ni Zach ang kawawang puno hanggang sa magdugo ang katawan ng puno sa kaniyang ginawa. Hindi niya akalain na hinayaan niyang makuha at matangay si Akaara ni Maskoro. f**k him! f**k him!!!   Ang sabi niya sa dalaga, gawin siya nitong panlaban at panangga. Pinangako niya rito na walang makakagalaw rito na halimaw at poproteksyunan niya ito pero itong nangyari ngayon?   “Archer, we don’t have much time. We need to follow her.”   Hinamig niya ang kaniyang sarili at pinipilit ikalma ang sarili kahit ang totoo hindi alam  ni Zach kung paano niya pakalmahin ang kaniyang sariling galit na galit. Namumula ang kaniyang buong mukha at halos magsilabasan ang litid ng mga ugat sa kaniyang leeg at katawan sa galit na kaniyang naramdaman ngayon.   “I let her. f**k, Akaara! I failed again as her man. I failed her at the outside world and now, curse it! I f*****g let Maskoro took her. Maskoro took Amulet and I just can’t believe I let that bastard took my woman.”   “Archer look, pareho natin hindi inasahan iyon. bago pa natin nalappitan si Maskoro, nakuha niya na si Elowin at ang huling binanggit niya, sundan si Elowin sa Rock City. Ngayon, we need to follow her down to the Rock City.”   Hindi siya nakaimik. Pinipigil niya ang kaniyang sarili ‘wag umiyak sa harapan ni Akaara. Alam niyang iba ang kaniyang obligasyon kaya narito siya sa Znthra. Dapat ang kaniyang kakambal at kaibigan ang hinahanap niya pero kailangan siya ni Amulet. Ngayon nandito ito at iisa lang sila ng mundo, kailangan niya itong proteksyunan kahit anong mangyari pero ano itong nangyari?   “f**k! I will never forgive myself, Akaara if something bad happen to her. I swear heaven, I will never ever forgive myself.” Galit niyang saad habang pinipilit ang sariling ‘wag magsilabasan ang pulang enerhiyang nasa kaniyang katawan.   “Calm down, Archer. You know what will happen when you are angry.”   “I know, I know.”  May nilabas siyang item mula sa Znthra Holo Closet. Binili niya ito nung mga nakaraan araw at imbes na gagamitin niya ito para sa kaniyang kambal, kay Amulet niya ito gagamitin.   “What is that?”   “A tracker. Sa pamamagitan dito, makikita natin kung saan si Amulet.” Isa itong hugis kwadrado na parang camera.   “How?”   Pinakita niya rito ang magandang mukha ni Amulet sa tracker. Larawan ito ng dalaga na kinunan niya habang natutulog sa tabi ng puno at parang anghel sa kaniyang mga mata. Bagay na bagay sa dalaga ang mahabang kulot nitong buhok at suot nito.   “She’s really beautiful.”   Hindi siya umimik. Ginamit niya ang picture ni Amulet at ilang sandali pa ay tumaas ang tracker item sa ere at mula roon lumabas do’n ang  mukha ng dalaga.   “Amulet!”   Napalingon ito at katabi ng dalaga ay ang tamed monster nitong tinatawag na Raberoo. Nakaharap ito sa isang deriksyon at sa kamay nito ay nakahanda ang isang apoy.   “f**k! She’s in danger. We need to get her, now!”   Mula sa kung saan, lumabas ang kaniyang tamed monster. Isang dragon na ayaw niya sanang gamitin ang dragon na nasa kaniyang pangangalaga ay maraming naghahangad dito. Kulay pilak ito at may dalawang mataas ng sungay. Ang mahabang pakpak ng kaniyang dragon ay may mga talim sa dulo at kung gaano ito kaganda pagmasdan, gano’n din ito kadelikado. Alam niya iyon dahil ito ang huling kaaway niya sa dungeon sa isang solo quest bago ito napasakaniya.          “You own this legendary dragon Slaying Monster?!” napaatras si Akaara nang makita ang kaniyang tamed monster na nakakayanig ang binigay nitong ngiyaw. Gulat na gulat ang dalagang nasa tabi niya at hindi makapaniwala habang nakatingin sa kaniyang alaga.          “Yes. She’s Safira. Now we don’t much have time. Hop in!” agad niyag hinila ang babae sa kamay at hindi ito nakapaghindi nang sumakay sila sa likod ng kaniyang dragon.               Mabilis na umalma ang kaniyang alaga pero agad niyang pinakalma ito. Isa sa mga rason kung bakit ayaw niya rin gamitin ang kaniyang dragon na nakuha nung nag-solo quest siya mag-isa sa dungeon ay may sarili itong desisyon at halos kainin siya nito nung una niyang gamit kay Safira.          “Calm Safira, you need to help me look for Amulet.”               Umalma ito at sa mga mata pa lang ng kaniyang dragon, hindi nagustuhan nito ang kaniyang sinabi.          “Look Safira, I know you hate this but I need you to help me on this. I will not lock you up again after this, I swear. But first, you have to help me look for her.” Bigla niyang nilabas ang tracker item at pinakita kay Safira ang larawan ni Amulet.          Tumingin ito sa kaniya at sa larawan. Habang si Akaara sa kaniyang likuran ay nasisilong sa presinsya ni Safira. Kinakabahan ito sa kaniyang likuran.          “Papayag kaya siya?”          “Yes she will.” Siguradong sagot niya. Naghintay siya ng ilang segundo bago niya naramdaman na pumayag si Safira.          “Archer!”          “She sense you’re scared. Huwag mo gagawin ang bagay na iyan. Safira hates it when you scared.”          Agad napatango ang dalaga at ilang sandali pa ay tumaas na ang katawan ng dragon niya at naramdaman niyang nasa alapaap na sila, sakay sa likod nito.          “Hold tight, Akaara.”          “Okay!” Humigpit ang pagkakahawak nito sa kaniya lalo na nung mas tumaas pa lalo ang pagkakalipad ni Safira sa itaas at sinusuong nila ang makapal na ulap.          “God! This is crazy!” malakas na sigaw ni Akaara sa kaniyang likuran, halos ‘di na ito humihinga.          “I know!” ganting sagot niya habang mahigpit ang pagkakahawak sa likuran ni Safira. May tiwala siyang hindi sila ihuhulog ng dragon na ngayon ay kaniyang pag-aari.          “Safira, head to the Rock City!”          Bumuga lang ng malaking apoy ang dragon bilang tugon nito na halos ikasindak ni Akaara at ikabitaw nito sa kaniya. Kung hindi niya naagapan ang kamay nito, baka nahulog ito.          “Hold on tight.”          “Yes, I’m sorry.” Namula ito.          Tumango lang siya at muling hinarap si Safira. Hinhintay niyang dumating agad sila sa Rock City at makuha si Amulet. Kailangan siya ng dalaga at baka hindi niya ito maabutan ng buhay.          “Wait me love, wait me.” Mahinang anas niya. Malayo ang Rock City pero sa bilis ng lipad ni Safira, walang isang oras lang ay darating na sila sa pupuntahang destinasyon.          Habang sa kalayuan ay manghang-mangha si Maskoro na pinagmasdan ang dragon na kay tagal nitong hinahanap. Isa sa apat na dragon. Tuwang-tuwa ito na makita ang kulay pilak na dragon. Para itong nakakita ng isang napakagandang bagay na hindi nakita buong buhay.          Nagwagi ang plano nito na palabasin ang isa sa mga dragon at hindi nito inakalang ang isa sa may hawak n’yon ay ang manlalarong kilala nitong kilala sa pangalan Archer.          “Archer… hmm?” Napangisi ito. “Gusto ko ang dragon na nasa kamay mo.” Saka ito nawala na parang usok.          -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD