Chapter 24

1494 Words
Pinikit niya ang mata at itinaas sa ere ang kaniyang kamay saka pinagsiklop iyon at pinormang diamond. Natatakot siya sa mnagyayari pero mas nanatakot siya sa reyalisasyong baka pati si Zach ay kukunin ni Maskoro.   Nang magmulat siya ng mata at tapos niya na ang limang spells, nakita niya nag tila kulay asul na naglalagay ng protection sa dalawa na siya lamang ang nakakakita. Hindi pa siya mataas na level pero kaya niyang magbigay ng proteksyon sakali kahit ‘di kalakasan.   Napapikit siya nang muling nagbigay ng lightning arrow si Akaara at parang ulan na tumama iyon sa katawan ng halimaw. Pero lahat balewala iyon sa halimaw. May bakal na nakaprotekta sa katawa nito at may tiwala rin siya sa dalawa na kayang patayin ng mga ito ang halimaw na nasa harapan nila.   Saglit siyang napapiksi nang marinig niya ang malakas na hiyaw ng halimaw. Nakakangilong pakinggan ang matulis na boses nito at ang sakit sa teynga. Nawawala siya sa focus na kaniyang ginagawang protection.   “Archer!”   Si Akaara iyon na lumipad sa kalayuan. Tinamaan ito ng buntot ng ahas at do’n niya napansin na wala na ang kaniyang protection na ginawa. Mabilis siyang nagbigay ng healing power kay Akaara at kahit papaano, gumana ang kaniyang binigay. Biglang naging okay ito at agad nakatayo. “Stand back, Akaara! I’ll finish this high class monster!”   Nakita niyang tumango si Akaara at umatras ito. Habang siya naman ay nalilito kung ano ang gagawin ni Zach kung bakit pinapaatras nito si Akaara.   Muntik pa siyang napasigaw nang tutuklawin ito ng halimaw at naglabas ito ng apoy sa bibig na maraming kasabayang matatalim ba bakal. Kung hindi lang naging maagap si Zach na pagsanggain iyon gamit lang ng doble edge sword nito. Malamang natusta na ang  binata.   Abot-abot ang kaniyang kaba, ganito pala sa mundong ito. Tama nga talaga si Orion, bawal sa lugar na ito ang mahina at  siguradong kamatayan ang kahahantungan kapag nagpapatalo sa kahinaan.   Gusto niyang sumigaw at tawagin ang pangalan ni Zach nag masagi ito ng buntot ng halimaw. Napahinga lang siya ng maluwang nang makitang hindi nabawasan ang health points ng binata pero gano’n din sa halimaw, kontin lang ang nabawasan sa health points nito.   “Freezing s***h!”   Nagulat siya nang biglang nanigas ang halimaw at naging yelo ang katawan nito nung tamaan ito ng double edge sword ni Zach. Mula ulo ng halimaw hanggang sa buntot nito napalibutan ng makapal na yelo pero alam niyang hindi iyon magtatagal.   Agad niyang hinanda ang kaniyang kamay para sa gagawi niyang firebolt. Hindi man kalakasan tulad ng kay Akaara at Zach ang skills niya, pero ayaw niyang manonood lang do’n at pagmasdan ang dalawa na siyang nakikipaglaban.   “Akaara, your arrow!” Mabilis na saad ni Zach at sagli na sumulyap sa kaniya.   Nakuha naman niyang ngumiti sa binata para ipaalam nito na okay lang siya at nanood dito.   Agad pumwesto si Akaara sa bow and arrow nito na ipapatama sa halimaw nang magsmulang matunaw ang yelong ginawa ni Zach. Isasabay niya sa attack na gagawin ni Akaara ang firebolt na gagawin niya.   Habang nakaumang pa rin ang double edge sword ni Zach sa halimaw at nung humudyat ang kamay ni Zach sa ere na ‘Go!’   “Flurry of Splinters!”   Pero naiwan sa lalamunan niya ang attack na kaiyang gagawin nang makita ang Flurry of Splinters na ginawa ng dalaga. Napatulala siya sa isang malaking bungo ng dragon na lumabas sa ere at kasunod niyon ay nagpaulan ng maraming sibat na umaapoy.   Kung hindi siya nakahawak sa katawan ng puno, baka natumba siya sa naksaksihan na skills ng babae. Hindi ito basta-basta iyon ang alam niya at parang abong nawala sa harapan nila ang halimaw. May binagsak itong tatlong drop items, diamonds at gold coins.   “We defeated it.” Ang lawak ng ngiti ni Zach sa sinabing iyon at napangiti rin siya.  “Yeah, thanks to you!” mabilis na sagot ni Akaara.   Masaya siya na makitang magkapartner ang dalawa sa laban at bigla siyang natigilan nang makita si Maskoro na nakatingin sa kaniyang deriksyon.   Si Kiyu?!  Agad siyang napaunat ng tayo at akmang sasabihin sa dalawang kasama pero agad nawala si Maskoro. Hindi! Napatingin siya sa paligid at tiningnan kung saan si Maskoro kung saan ito nagpunta. Hindi siya maaring magkakamali, ang lalaking kumuha kay Maskoro ang kaniyang nakita.   “Zach—” naiwan sa ere ang kaniyang sasabihin nang maramdaman niyang may presinsya sa kaniyang likuran. Eksaktong paglingon niya ay nakita niya si Maskoro na nasa kaniyang likuran at mabilis na hinawakan ang kaniyang leeg.   “Amulet?!”   “Elowin?!”   Napatingin siya kay Zach at Akaara na naluluha ang kaniyang mata nang higpitan lalo ni Maskoro ang paghawak sa kaniyang leeg. Itinaas siya nito sa ere sa pamamagitan lang ng isang kamay. Napapikit siya sa sakit at abut-abot niya ang kaniyang hininga. Nahihirapan siyang huminga at parang hinihigop ni Maskoro ang kaniyang natiitrang lakas.   “Z-zach…” At bago pa siya nalapitan ng binata para bawiin kay Maskoro, naramdaman na lamang ni Amulet ang pagsalubong ng kadiliman sa kaniya. Tuluyan siyang nawalan ng hangin at kasunod n’yon at bumagsak siya sa isang bahagi na napapalibutan ng walang katapusang kadiliman.   -      NAPASINGHAP si Amulet nang magising siya. Ilang beses siyang napakurap at inalala kung anong nangyari. Tuluyan lang nagising ang kaniyang diwa nang maalala ang binata. Pero agad din siyang natigilan nang wala siyang makitang kahit katiting na liwanag.   Para siyang isang bagay na lumulutang sa hangin na wala siyang nakikitang liwanag kundi puro dilim. Pero damang-dama niya ang hangin na nagmumula sa kaniyang bibig. Gusto niyang sumigaw pero wala siyang makapang boses.   Saan ako?! Saan ako!  Nagsimulang pumatak ang kaniyang mga luha. Patay na ba siya? Hanggang dito ba ang lahat para sa kaniya? Nagkatotoo ba ‘yong panaginip niya na pinatay siya ng isang halimaw? Pero bakit?   Ang luha niyang masaganang pumatak ay naging hagulhul. Hindi pa siya handang mamatay, marami pa siyang gagawin. Magsasama pa sila ni Zach at nang lahat ng mga manlalaro ay lalabas sila ng sabay sa larong iyon at bumalik sa totoong mundo.   Amulet…   “Zach?!” napalingung-lingon siya at hinahanap ang boses na iyon. Nagmistulang echo ito at hindi niya alam kung saan nagmula ang boses na iyon.   Amulet…   “O-orion?” Nalito siya. Dalawang boses ang kaniyang narinig na tumawag sa kaniyang pangalan. umiikot iyon at hindi niya alam kung saan ibabaling ang kaniyang ulo para sundan  boses.   Amulet wake up…   Si Zach ulit. Napapikit siya at minulat ang mata. Baka sakaling nakatulog lang siya at nasa isang masamang panaginip na naman, pero hindi. Wala siya sa isang panaginip. Totoong nasa isang madilim siyang lugar at ramdam niya ang katawan niyang lumulutang.   Kung gano’n, patay na rin ang mga ito? Pero imposible ang bagay na iyon! Natalo ni Zach ang halimaw na ahas. At kung si Orion ang pag-uusapan, magaling din ang lalaki kaya nga captain din ito sa isang guilds tulad kay Zach.   Amulet…   “Zach?! Zach saan ka!” Pero bumalik lang sa kaniya ang kaniyang sigaw. Nag-eecho ito at napahikbi siya sa isipin iyon na patay na nga siguro siya.   Akmang hahagulhol na siya ng iyak nang  may makita siyang liwanag. Ilang beses siyang napakurap-kurap at tinitigan ang maliit na liwanag na iyon at baka bigla itong maglahoo kapag hindi niya ginawa iyon.   Papalaki nang papalaki ang liwanag at nasisilaw siya. Bahagya niyang pinikit ang kaniyang mata para i-adjust sa liwanag na kaniyang nakikita.   Awtomatikong nanlaki ang kaniyang mata nang ma-realise niyang wala siya sa Znthra at buhay na buhay pa siya nung makita niya ang mga Doctor at ilan sa mga lalaki at babaeng nakasuot ng putting lab gown at busy sa pag-check ng bawat nakatayong capsule. Hindi niya kayang bigyan ng pangalan kung ano iyon!   Saan ako?! Naiwan sa ere ang sasabihin niya nang pagtingin niya sa kaniyang dalawang kamay, may dalawang nakakabit na device ro’n. magkabilaan. Hindi! Pinilig niya ang kaniyang ulo para lang malaman niyang may nakalagay sa kaniyang ulo. Inabot niya ito nang dahan-dahan at doon niya napagtanto na may suot siyang parang helmet.   “Znthra!!!” nang banggitin niya ang bagay na iyon, biglang nagkagulo ang mga taong naka-lab gown at awtomatikong nakatingin sa kaniya.   Nasindak siya at gusto niyang tumakbo pero paano nga pala niya gagawin iyon? nasa loob din siya nang isang hugis capsule at puro salamin ang nakaharang.   “Player’s awake! Player’s awake.” Ito ang mismong katagang naririnig ni Amulet pero hindi siya sigurado.   May limang lalaki ang mabilis na lumapit sa kaniya at nung sinubukan niyang buksan ang bibig para magsalita ulit, naramdaman na lamang niyang nanghihina ang kaniyang sistema ulit.   Alam niyang may ginawa ang mga lalaking lumapit sa kaniya at bago pa niya matitigan ang mga mukha ng mga ito, dahan-dahan siyang bumalik ulit sa walang katapusan kadiliman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD