Chapter 23

1233 Words
Nagising si Amulet na masakit ang kamay. Kung hindi siya healer, baka hindi niya mapapagaling ang simpleng p*******t ng kaniyang kamay. Nag-practice siya buong magdamag ng pana at sibat habang tulog ang dalawa. Kaya ngayon, para siyang sabog na nagising.          “Saan sila?” Kinusot niya ang kaniyang mata. Siya na lamang mag-isa sa kinahihigaan. Wala na ang dalawang kasama niya na sina Akaara at Zach. Kung saan man nagpunta ang mga ito, wala siyang alam.   Agad siyang bumangon at pinilig ang ulo. Inaantok pa siya at gusto pa niyang matulog pero hahanapin niya muna ang dalawa. Kagabi lang ay kausap pa niya si Akaara at naging kaibigan.   “Zach? Akaara?” Walang sumasagot sa tawag niya.   Nagpalingon-lingon siya, baka nasa paligid lang ang dalawa at naghahanap ng pagkain pero sobrang imposible ang bagay na iyon. May dalang prutas lagi si Zach at tubig para sa kaniya, cliché man sabihin.   “Zach!” muling sigaw niya. Wala siyang makitang anino ng lalaki. Posible din na iwan siya ng mga ito dahil isa siyang pabigat pero malabong mangyari iyon. Hinding-hindi gagawin iyon sa kaniya ni Zach.   “No!” napasinghap siya nang may lumitaw na isang malaking halimaw sa kaniyang harapan mula sa kung saan.   Sa hitsura ng halimaw, hindi basta-basta ito lalo na at kilalang-kilala niya ang halimaw na mga uri nito. Sa mga hugis patalim at mahahabang parang kutsilyo na nasa katawan nito at sa  nakakatakot na kulay na mga mata. Hindi ito isang Purko Monster pero para itong ahas na masisindak ang sino man makakakita.   Firebolt, yes!  Agad niyang itinaas ang kaniyang kamay para patamaan ito ng apoy pero parang balewala lamang iyon sa halimaw na nasa kaniyang harapan. Sa uri ng tingin nito, nagalit lang ito sa kaniyang ginawa.   No no no! napaatras siya nang gayahin nito ang kaniyang apoy na ginawa. Oras na matamaan siya ng apoy nito, tusta ang aabutin niya!   Ang pumasok sa kaniyang isip ay tumakbo at humingi ng tulong pero bago pa niya nagawa iyon, tumama na ang malaking apoy sa kaniyang katawan at damang-dama niya ang init na lumukob sa kaniya. Napasigaw siya nang malakas at kasunod n’yon ay ang malakas na yugyog.   “Amulet?!”   “Ha!” Napasinghap siya at deritsong napabangon. Abot-abot niya ang kaniyang hininga at nahihirapan siyang habulin ang hangin.   “Bad dream?”   Sunod-sunod siyang napatango at niyakap ang sarili. Tiningnan niya ang kaniyang kamay at katawan kung buo pa ba siya at hindi pa sunog. Panaginip nga! Buti naman at panaginip lang. Akala niya, totoo talagang napatay siya sa mundong iyon at ang isipin na hindi niya na makikita si Zach ulit at hindi na makakabalik sa totoong mundo ay labis na nagbigay ng takot sa kaniya.   “Akala ko— akala ko patay na ako!”   “Shh…” Agad siyang niyakap nito nang mahigpit. “It’s a bad dream. It’s a bad dream Amulet.”   Pinilit niya ang kumalma at tumango. Tama, masamang panaginip lang iyon. Laru-laro lang ng kaniyang utak. Nang bumitaw ito sa kaniya nakakunot ang noo ni Akaara na nakatingin kay Zach, na parang takang-taka ito.   “Archer, we all know that all the players here doesn’t dream.”   Natigilan siya sa sinabi ni Akaara at napatitig dito. Anong sinabi nito? Tama ba ang narinig niya? Napatingin siya kay Zach, pati ito ay hindi nakasagot sa sinabi ni Akaara.   “A-anong ibig mong sabihin?”   “I may sounds imposibble to believe but, Elowin, lahat ng players na nasa loob ng Znthra ay walang panaginip. Kasama na iyon sa announcement na ginawad ni Oscarius. Kapag pinikit mo na ang iyong mata rito, o kung sakali man na may mapapaginipan ka, kinabukasan n’yon ay hindi mo na maaalala. Gano’n bagay kaya nagulat ako na nagkaroon ka ng panaginip.”   Nagulat naman siya sa sinabing iyon ng babae. Nalito siya at hindi alam kung ano ang isasagot sa sinabi nito sa kaniya.   “But maybe Amulet is exemption.”   “Exemption for what, Archer?”   Napalunok siya nang sunod-sunod at damang-dama niya ang lakas ng tahip ng kaniyang puso. Kung hindi panaginip iyon, ibig sabihin, totoong mangyayari ang naginipan niya? Marahil isa iyong vision o ano. Isa siyang healer, posibleng mangyari iyon pero bakit? Isa siyang healer na nasa pinakababang level na manlalaro.   “Damn!”   Sabay silang napatingin ni Akaara sa kanan bahagi nang marinig ang malakas na ungal ng isang halimaw. Napasindak siya nang makita ang halimaw na nakita niya sa kaniyang panaginip!   “Iyan ang halimaw na nakita ko sa panaginip ko?!” napaatras siya. Alam niyang high class monster ito at sa likod nito ay si Maskoro!   “Amulet, here!” Agad siyang hinawakan ni Zach sa kamay at imbes na labanan ang high class monster, hinila siya nito papalayo.   Tumatakbo sila ngayon papalayo habang hawak ni Zach ang kaniyang kamay at kasunod nila si Akaara. Mabilis ang galaw ni Zach at Akaara na halos hindi niya makita ang kanilang tinatakbuhan.   Huminto lang sila nung nasiguro nilang malayo na sila sa presinsya ng halimaw.   “Ang halimaw na iyon, isa sa mga halimaw na iyon ang kumuha kay Kiyu.”   “You mean, posibleng andito si Maskoro?” gulat na tanong ni Akaara.   “Yes.” Si Zach ang sumagot sa seryusong boses. “But I can’t afford to lose you here, Amulet. You told us that you saw that high class monster in your dream and I have this bad feeling about it. I am sorry, I ran you off away from the monster. Kaya namin labanan ni Akaara ang high class monster na iyon pero kung totoo nga na pinatay ka ng halimaw na iyon, mas mabuting tumakbo kesa ang mapahamak ang buhay mo.”   Namula siya. Hindi niya tuloy alam kung anong sasabihin nang mga sandaling iyon. Damang-dama  niya ang takot sa boses ni Zach at hindi siya maaring magkamali sa takot na nababasa niya sa mga mata nito.   “T-thank you…” mahinang anas niya.   “It’s my duty to protect you here, Amulet. As what I’ve said, make me as your weapon and your shield. No one can harm you as long as I’m here and breathing.” Mariin siya nitong tinitigan na parang sila lang taong nando’n dalawa.   Nagbaba siya ng tingin at pati boses niya ay hindi niya mahanap. Ang lakas ng tahip ng kaniyang puso at kahit kailan, alam talaga ng binata kung paano siya pakiligin at pakiligin sa mga simpleng salita lang nito.   “God! I think, sinundan tayo ng halimaw!” nababahalang saad ni Akaara.   “Ha?” eksaktong paglingon niya, nakita niya sa kalayuan ang paglitaw ng halimaw.   “f**k! I guess, Akaara is right! We need to protect you love. Stay here and don’t ever go away. Papatayin lang namin ni Akaara ang high class monster na iyan, okay?”   “Pero Zach—” Naiwan sa ere ang gusto niyang sabihin nang iwan siya ni Zach sa itaas puno. Isang kisap lang ng mata, nalipat na siya nito sa ligtas na lugar at hinarap ng mga ito ang halimaw na hugis ahas at halos napapalibutan ng matatalim na bakal ang katawan.   Mag-ingat ka Zach, pati ikaw Akaara. Napapikit siya at nagdesisyong gumawa ng protection spell sa dalawa kahit hindi malakas iyon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD