Chapter 22

1678 Words
Damang-dama niya ang higpit ng pagkakahawak ni Zach sa kaniyang beywang at wala yatang balak itong bitawan siya kahit anong mangyari. Sinisigurado nitong kaya siya nitong protektahan mula sa mga halimaw na parang galit na galit sa kanilang presinsya.   ilang sandali pa ay ang hiyawan ng mga halimaw ay dahan-dahan nawala sa hangin. Pinakiramdaman niya muna ang paligid at ang sarili kung pwede na ba siyang magbukas ng mata.   “It’s safe now, love. You can open your eyes.”   “Ha?” Eksaktong pagbukas niya ng mata, nasa lupa na ang kanilang paa at wala ng mga bakas ng mga halimaw na kanina lang ay galit na galit at balak yata silang gawin pagkain sa araw na iyon.   “You okay Akaara?”   Tumango naman ang babae sa tanong na iyon ni Zach at pansin niya ang mga galos sa katawan ng dalaga. Nakuha siguro nito iyon nung sumadsad ito sa lupa kanina.   Gusto sana niyang magpresintang tulungan itong pagalingin ang mga galos nito pero naunahan siya ng hiya. Alam niyang balewala lang iyon sa babae, lalo na at nasalamin niya sa mata nito ang selos. Selos dahil nasa beywang pa rin niya ang kamay ni Zach at hindi pa rin siya nito binibitawan na parang isang napakahalagang bagay siya na dapat pag-ingatan sa mundong iyon.   “We need to go. Marami pa tayong makakasalubong na mga halimaw sa daan.” Si Zach ang nagsalita. Tumingin ito sa langit at sa kaniya. “Ganado pa naman akong makipaglaban ngayon.”   “Let’s rest for a while, Archer.” Agad naman na apela ni Akaara.   “Okay, 5 minutes then,” mabilis nitong saad at tumingin sa kaniya. “How ‘bout you, Amulet? Okay ka lang ba?” bumitaw ito sa kaniya at tiningnan siya kung okay lang ba siya at  buo pa ang kaniyang katawan.   Tumango siya bilang tugon. Wala siyang rason para hindi maging okay. Pakiramdam nga niya, pabigat siya sa dalawa na may mga potential paano makipaglaban habang siya? Wala. Nakaasa lamang siya sa kaniyang magic at spells. Bigla siyang nakaramdam ng hiya.   “I need you to teach me how to handle any weapon, Zach.”   Napangiti ito sa kaniyang sinabi  at nasundan ng iling. “You’re a healer, love. Not a warrior, not a rogue, not a mystic not even a hunter. You can fight with spells and magic. You can use weapon but not that long.” Hinaplos nito ang kaniyang pisngi. “I can teach you everything but I’m also here to protect you. As long as I’m breathing, I will do everything to keep you safe. Amulet, make me as your weapon and your shield.”   “Z-zach!” natigalgal naman siya sa narinig at hindi makapaniwala. Anong gawin itong weapon at shield? Baliw ba ito? Hindi niya iyon gagawin.   “I’m serious. Look me as your weapon and shield. Hangga’t dito ako, walang sinong makakapaglapat ng kamay sa`yo. I will kill them all. Hindi man kita naprotektahan sa totoong mundo, pero dito, dito makikipagpatayan ako para sa`yo. Tandaan mo, ‘yan Amulet.” Hinalikan nito ang kaniyang noo at mahigpit siyang niyakap. Pinaparamdam nito sa kaniyang sobrang mahalaga siya rito at ayaw nitong mawala siya.          Zach… parang gustong bumukal ng kaniyang luha mula sa kaniyang mata pero pinipigilan lamang niya. Hindi ito ang panahon para umiyak na naman siyang parang bata.          -        Pinagmasdan ni Amulet si Zach na malayang natutulog. Nakasandal ito sa malaking katawan ng kahoy at nakahalukipkip ang kamay. Alam niyang kahit tulog ito, gising ang diwa ng lalaki at mabilis na magigising sa maliit lang na galaw sa paligid.          “Hi.” Si Akaara ito at lumapit sa kaniya.          Hanggang ngayon, naasiwa pa rin siya sa presisya ng babae tulad kay Tala. Ngumiti siya rito. Hindi niya alam kung anong kailangan nito kung bakit ito lumapit sa kaniya.          “Hindi ako personal na nagpakilala sa`yo simula nung dumating ka rito sa Crystal City. Ako nga pala si Akaara, Co-captain ni Archer at dahilan kung bakit buhay pa ngayon. Niligtas niya ako nung nasa isang Quest kami at muntikan akong namatay kung hindi ako agad nakuha ni Archer.” Umupo ito sa kaniyang tabi mga isang metro ang layo.          Ngumiti naman siya at tumango. Nagpapasalamat siya at naging open na ito ngayon hindi tulad kahapon at kanina, na parang tingin sa kaniya ay isa siyang pabigat sa team.   “Bago lang si Zach dito sa Znthra, ‘di ba?”   Tumango naman ito. “Oo pero ang bilis niyang matuto bilang isang player. Dalawang buwan pa lamang si Archer pero siya na ang Captain namin.”   Ngumiti lang siya ng tipid. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Naisip niya si Amber at Brighid kung kumusta na kaya ang mga ito at kung galit ba ang dalawa sa kaniyang pag-alis.   “Baguhan ka rin, ‘di ba?”   “Oo. Wala pa isang linggo.” Napatango-tango naman ito sa kaniyang sinabi. “Maswerte ka kay Archer.”   Awtomatikong namula ang kaniyang pisngi sa sinabi ni Akaara. Dati pa man ay alam niyang maswerte siya sa lalaki kahit nung mga nagdaan taon dama niya ng lumalayo ito pero hindi siya bumitaw. Pinanghawakan niya ang pangako nilang dalawa at ngayon, kung swerte man matatawag ito na magkasama sila, siguro nga maswerte siya.   “Gusto mo siya.” Hindi patanong iyon. Alam niyang gusto ni Akaara ang binata kahit magkaela pa ito sa harapan niya. Magaling siyang kumilatis ng tao at alam niya ang galaw at kilos na pinapakita nito sa tuwing nasa paligid si Zach.   Namula ang pisngi nito at nagtaas ng tingin. Tiningnan nito ang tatlong buwan na nakatunghay sa kanila. “Isa ako sa mga babaeng nagkagusto kay Archer dito sa Znthra.” Ngumiti ito ng tipid nang tumingin sa kaniya.   Napatango siya at namayani sa kanila ang katahimikan. Tumingin din siya sa kalangitan at pinagmasdan ang kalangitan. Maswerte nga ba talaga siya? Napailing siya nang pumasok ulit iyon sa kaniyang isipan ang katanungan iyon.   “Pero huwag kang mag-alala. Wala akong balak na agawin si Archer sa`yo Elowin.”   Nagulat siya sa huling binanggit nitong pangalan.   “Narinig kong iyan ang pangalan na dala mo rito  sa mundong ito kaya tatawagin kitang Elowin kung okay lang sa`yo.” “Naman, okay lang.”   “Mabait ka at ramdam ko iyon kaya masaya ako na ikaw ang babaeng tinutukoy ni Archer.”   “Tinutukoy?” napakunot ang kaniyang noo at napatingin kay Akaara.   Natawa naman ito at ito ang unang pagkakatao na makita niya itong tumawa. Hindi  niya tuloy alam kung okay lang ba ang babae o pinaplastic siya nito ngayon.   “Yes. Ikaw ang babaeng tinutukoy lagi ni Archer. Nababanggit ka niya sa`kin sa tuwing may quest kami at nasa bingit ng kamatayan ang buhay. Isa sa sinabi niya, ang makalabas ng buhay rito para makita ka dahil alam niyang malaki ang kasalanan niya sa`yo nung pumasok siya rito kahit ayaw mo.”   Nagbaba siya ng tingin at halata sa mga mata niya ang sakit. Hindi niya alam kung ano ang iisipin kaya napasulyap na lamang siya kay Zach na mahimbing na natutulog. Para itong anghel sa kagwapuhan nito at wala na siyang makapang galit para rito.   Zach… ito ang tanging binubulong ng kaniyang puso.   “Mahal ka ni Archer, Elowin at masaya ako para sa inyong dalawa.” Ngumiti ito at hindi nakatakas sa kaniya ang paglaglag ng luha nito pero agad itong nagpanggap na napuwing.   Agad naman niyang ginanap ang kamay ni Akaara at nagpapasalamat dito. Alam niyang darating ang araw, makakahanap din ito ng lalaking mamahalin nito.   “Akala ko nung una, pangit ang ugali mo kaya masama ang naging trato ko sa`yo pero ngayon, hindi na. Napatunayan kong  mabait ka at pinapangako ko na tutulungan ko kayo ni Zach na mahanap ang kasamahan mo.”   Natawa naman siya sa naging sinabi nitong pangit ang kaniyang ugali at alam niya simula sa gabing iyon, alam niyang magiging magkaibigan na sila ni Akaara.   Habang si Orion at Casmon ay tahimik na nakaupo sa itaas ng puno. Nagpapahinga na si Tala sa isa sa malalaking sanga habang silang dalawa magkaibigan ay may mahalagang pinag-uusapan.   “Bukas na bukas din ay papasok tayo ng Rock City,” mahinang anas niya.   Sa paghahabol nila kay Maskoro kanina naiwala nila ito pero nakita nilang sa Rock City ang hinintuan ni Maskoro. Kailangan nilang makuha si Amulet, iyon ang pinaka-main goal nilla.   “Hindi ba at mas delikado ang Rock City kesa sa Forest City?”   “Parehong delikado Casmon. Nasa loob tayo ng laro at hindi natin alam ang bawat galaw ng larong ito. Kaya bago pa patayin ni Maskoro si Elowin, kailangan na natin siyang makuha.”   Nagkibit naman ng balikat si Casmon. Nakaharap sila sa Rock City at kitang-kita na nila ng malaking pader na gawa sa malaking bato at nakapalibot ito sa Rock City. Bukas na bukas din ay papasok sila.   Wala naman pinagbabawal ang Znthra. Pwede silang pumunta kahit saan City, walang pipigil sa kanila. Wala rin ibang player na papatay sa kanila hangga’t wala pang guild war.   “What about Tala?”   “What about her?” balik tanong niya kay Casmon.   “She likes you man.”   Natawa siya sa naging sinabi ng kaibigan. “She’s a friend, dude.”   “Because you like Elowin more than Tala?”   Isang malakas na batok ang nakuha nito sa kaniya at napaaray ito. “Come on, dude! I’m just joking!”   Ningisihan lang niya ito at iniwan. Nauna siyang bumalik kung saan mahimbing ng nagpapahinga si Tala at napapailing naman si Casmon.   Too bad. Elowin can’t love you back. She love someone else and that someone else is Zach. pabuntunghingang saad ni Casmon at nagpasya na rin itong sumunod kay Orion para magpahinga. Mahaban-mahabang araw pa ang gagawin nila at kung ano ang kasunod na mangyari, bahala na. Basta ang alam ni Casmon, handa itong makipagpatayan ng mga halimaw.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD