Chapter 21

1607 Words
“Saan na tayo?” tanong ni Tala. Nagpalingun-lingon ito.   Agad naman pinagana ni Orion ang hologram map ng Znthra. Nakikita niyang nasa Forest City pa rin sila at wala silang nakikitang Amulet.   “East. Heading to Rock City. 836 kilometers.”   Natigilan naman si Casmon pero saglit lang iyon at agad napangisi. “Rock City! I love the sounds of it.”   “836 kilometers? Wow!” napatanga si Tala sa kaniyang sinabi.   Kung susumain, kung lalakarin nila iyon at depende sa makakasalubog nila, isang linggong paglalakad papuntang Rock City pero wala siyang balak tumuntong sa Rock City. Hanggang Forest City lang sila. sa Rock City may tatlong territory ang nando’n at maaring kaaway ang turing ng mga ito sa kanila o kaibigan.   “But we are not going to Rock City.”   “Why not?” mabilis na apela ni Casmon. May kinakagat itong isang prutas sa isang kamay.   “Because we can’t.”   “But we could try.” Kangising sagot nito.   “Shut the hell up, Casmon. I don’t wanna go to Rock City.” Mabilis na singit ni Tala rito at nakahalukipkip.   “Then how about go back to the Gudgeon? Bet you are scared, scardycat.”   “Bet I could chop your head too, Casmunito!”   “Enough with that,” umapela siya sa dalawang nagsimulang magbangayan.   Ang totoo niyan hindi niya alam kung saan sila pupunta. Hindi niya alam kung anong sunod na gagawin at saan nila hahanapin si Amulet.   “Elowin?!”   Napalingon siya nang sambitin ni Casmon ang pangalan na iyon. Napakunot siya ng noo nang makita ang babaeng hinahanap nila at nakatalikod sa gilid ng bangin.   “Elowin…” mahinang tawag niya sa pangalan ng dalaga.   Dahan-dahan naman itong lumingon at walang reaskyon sa mga mata nitong nakatingin sa kanila.   “Thanks God! You’re alive.” Napahinga siya ng maluwang nang makitang buhay pa ang dalaga at walang masamang nangyari rito.   Agad naman lumapit ang kaniyang kaibigan na si Casmon sa dalaga pero biglang may humablot na malaking ibong halimaw sa babae.   “Elowin?!” magkapanabay silang napasigaw.   Agad niyang nilabas ang kaniyang double edge sword para punteryahin ang halimaw nang makita nila sa likuran ng ibon ang nakangising mukha ni Maskoro.   “Si Maskoro!” nakuyom niya ang kaniyang kamao at walang pagdadalawang isip na hinampas ang kaniyang espada sa hangin pero tinawanan lamang ito ni Maskoro.   “If you wanna want her alive, then go get her!” malakas na halakhak nito habang walang reaksyon sa mukha ng dalaga. Para itong estatwa na nakatingin lang sa kaniya.   “Orion no!”   Mabilis siyang napigilan ni Tala nang akmang ihahagis niya sa hangin ang kaniyang double edge sword na pinangalan niyang Fulcrum. Malakas siyang napamura nang makitang papalayo na si Maskoro habang dala-dala nito si Amulet.   “We need to follow him!” mabilis na pinalabas ni Casmon ang tamed monster nitong agila. “Hop in!”   Napatango siya at mabilis na sumakay sa likuran ng alagang hayop nito. Si Tala ang nasa gitna at siya ang pinakahuli. Sinundan nila ang deriksyon na pinuntahan ni Maskoro! Kung si Kiyu, nakayang tumakas sa kamay ni Maskoro, alam niyang pagdating kay Amulet malabo ang pagkakataon nitong makatakas.   “I can’t see them!” inis na anas ni Casmon.   “Same here.” bwelta ni Tala.    “There!” turo niya sa kanang deriksyon. Papasok ang hinahabol nilang kaaway sa makapal na ulap.   “I’m losing sight of them again!” anas ni Casmon pero agad din napangisi. “No problem, I have this.” May nilabas itong isang telescope na mula sa item na binili nito sa Znthra Store.   “Where are they?”   “Heading to Rock City.”   “Rock City?” gulat na tanong ni Tala.   Habang siya ay nanatiling kalmado. Nakahanda sa kanan kamay niya ang kaniyang espadang hindi magkakamaling pumatay ng kapwa player sa mga sandaling ito.   - “You okay?”   Napatigil si Zach sa paglalakad at sinulyapan si Amulet. Kitang-kita niya sa magandang mukha ng dalaga na pagod na ito at hapung-hapo na sa kanilang paglalakad  pero hindi ito nagrereklamo.   “Yeah! I’m okay.”   Tiningnan lang niya ang dalaga at sumulyap kay Akaara na walang naramdaman kahit anong pagod. “Magpahinga muna tayo sandali.” Binalik niya ang kaniyang tingin kay Amulet.   “Ha? Bakit? Malayo pa ang pupuntahan natin. Kaya ko pa, Zach.”   “Pagod na rin ako, Amulet. Kaya magpapahinga tayo.” Pagkukunwari niya at naunang umupo sa tabi ng malaking bato. “Akaara, let’s rest for 10 minutes.”   “Copy Captain.”   Napatango naman ito na parang nakarinig ng masayang balita. Agad itong umupo sa isang tabi at saglit na pinikit ang mata. Napailing na lang si Zach habang nakatingin dito at naiintindihan niya kung bakit. Nasa mababang level pa lamang si Amulet kaya ito mabilis mapagod at maubusan ng enerhiya.   “Here.” Inabot niya rito ang dalang prutas na agad nitong tinanggap.   “Ikaw?” mabilis na tanong nito sa kaniya.   Ngumiti lang siya at ginulo ang bangs nito na ikinaismid ng dalaga. “Ang hilig mong guluhin ‘tong bangs ko ‘no?”   “I can’t help it. You were looking so cute on that looks.” Honest na saad niya rito.   Agad naman namula ang pisngi ni Amulet na parang hindi ito sanay sa mga puri niya. Kung sabagay naiintindihan niya kung bakit asiwa ito sa mga puri niya kahit matagal na silang relasyon. Isang taon siyang naging malamig sa babae. Kaya naiintindihan niya at nagpapasalamat siya sa mga panahon iyon, hindi ito bumitaw. Na hindi ito sumuko. Malaki ang kaniyang kasalanan kay Amulet pero babawi siya, babawi siya rito sa mundong ito at sa totoong mundo oras na makalabas sila at mahanap niya ang exitus.   “Ano ‘yon?!”   Napatingin siya sa deriksyon tiningnan ni Amulet. Agad siyang napatayo at nahila ang dalaga papunta sa kaniyang deriksyon. Hindi  niya alam kung anong meron sa dalaga at nakikita nito ang isang halimaw na halos invisible at hindi makita sa normal na mata maliban kung may skills ka at nasa mataas na level.   “Akaara!”   Agad pumwesto si Akaara at akmang tatargetin ito ng arrow nito nang humampas sa kanila ang malakas na hangin. Napasigaw si Akaara at humampas ito sa kalayuan.   “Akaara!” Si Amulet na gulat na gulat sa nakita.   “Stay there love, I’ll go help my Co-Captain.” Isang iglap lang, nasa itaas na sila ng mataas na puno at nilagay ito sa malaking sanga para makapagtago ito.   Wala siyang sinayang na oras, agad siyang bumalik sa kasama niyang babae na halos hindi makabangon sa lakas ng impact ng pagkakatapon nito.   “Huwag Archer!”   Tinulak siya ni Akaara papalayo nang muling humampas ng hangin ang halimaw na hindi niya masyadong nakikita. mabilis ang galaw nito at nag-iisa lang ito ayon sa kaniyang nararamdaman.   Hinanda niya ang kaniyang Falchion Sword na nalilibutan ng kakaibang enerhiya. Nararamdaman ng espada ang presinsya ng mga halimaw, nang kahit anong klaseng halimaw.   “Take this!” Isang malakas na hataw ang binigay niya sa kanan bahagi.  Malakas at nakakangilong sigaw ang kaniyang narinig at tama nga si Zach, natamaan niya ang halimaw. Lumitaw ito habang hawak ang tiyan. Napatingin siya sa health bar nito at nakikita niyang critical hit ang kaniyang binigay. Isang malakas na hataw ang kaniyang binigay at sa pagkakataong ito,  napatay niya ang halimaw.   “Thank you!”   Agad niyang nilapitan si Akaara at akmang ibabangon ito nang sumigaw ang dalagang nilagay niya sa itaas ng kahoy para proteksyuna.   “Zach!!! Sa likod niyo?!” “Amulet!” napasigaw siya nang isang kurap lang, nasa likuran na nito ang mga halimaw na mahirap makita.   Nanlaki naman ang mata ni Amulet nang paglingon niya, nasa likuran niya ang isang halimaw na hirap siyang i-describe kung anong anyo nito. Ang tanging nakikita lang niya ay ang ulo at mata nitong kulay dugo.   Hindi niya na nakuhang sumigaw nang mabilis pa sa kidlat ang kilos ni Zach at pinangko siya paalis sa sangang pinaglagyan nito sa kaniya.   “Zach anong klaseng halimaw ‘yon?”   “I’ll tell you later, love. Kailangan dalhin kita sa isang safe na lugar.”   “Zach! Sa likuran mo!”   Isang malakas na hampas ang ginawa ni Zach sa halimaw pero para itong hangin na agad din nakaiwas. Mahigpit lang siyang nakakapit sa leeg ng binata habang ang isang kamay nito ay nasa kaniyang beywang. Para siyang lumulutang sa hangin sa tabi nito.   “Lightning arrow!”   Napatingin siya kay Akaara. Nakita niyang okay na ito ang arrow na pinakawalan nito ay papunta sa kanilang deriksyon. Napasigaw siya sa isipin tatama iyon sa kanila pero nagkamali siya. Ang dalawang halimaw ang natamaan n’yon at napahiyaw ang mga ito ng malakas.   “Good job, Akaara!”   Tumango lang ang babae at muli itong nagpaulan ng arrow sa langit habang nasa bisig siya ni Zach. sa kanan kamay nito ang mahabang double edge sword nitong kahit sa panaginip, wala siyang balak hawakan dahil nasisilong siya sa enerhiyang nakapalibot do’n.   “Lightning purge!”   Napapikit siya nang mula sa kung saan may nagsilabasan mga kidlat sa kalangitan at sa sobrang lakas n’yon, parang mabubulag at mabibingi yata siya.   “Close your eyes, Amulet!”   “Oo!” Pinikit niya ang mata gaya ng utos ni Zach. gusto niyang pagmasdan kung paano ito lumaban gamit ang kakaibang espada nitong siya ang nabibigatan sa laki at haba niyon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD