Chapter 20

1109 Words
“Rise and kanin!!!” nag-unat ng katawan si Amulet nang dumantay sa kaniyang mukha ang maliit na liwanag na nagpupumilit na pumuslit sa nagtataasang puno.   “Good morning.” Si Zach.          “Good morning!” masiglang bati niya rito sa kabila ng p*******t ng kaniyang katawan at kamay. “Good morning din sa`yo, Akaara,” baling niya sa dalagang nakatayo sa isang tabi at nagmamasid sa paligid.          Base sa mga hitsura ng mga ito, kanina pa ang mga ito gising at siya na lang yata ang hinihintay. Bigla siyang nakaramdam ng hiya sa isipin siya nga talaga ang hinintay ng mga ito!               Agad niyang inayos ang kaniyang sarili at nagyaya na sa mga ito na umalis na sila.          “You sure? You just woke up and—”          “Yes I am and we need to start walking. Napasobra yata ang tulog ko! Hindi mo ako ginising, Zach.” namumula ang kaniyang mukha nang lingunin si Zach na nakasunod sa kaniyang likuran.          “I wanted too but Akaara stop me.”          “Pinigilan ko siyang gisingin ka. Kailangan ng katawan mo ang tulog. Ayaw kong ikaw ang dahilan sa pagpatagal ng gagawin natin paglalakbay kong aantukin ka lang sa daan.”          Napangiwi naman siya sa sinabi ni Akaara. Hindi niya alam kung paano pakiharapan ang mala-yelong personality ng babae. Para talagang si Tala ito kung umasta at gumalaw.          “S-salamat.”          Ngumiti lang ito na hindi abot sa mata. Napailing-iling na lamang siya sa inasta ng dalaga. Damang-dama niya ang pagkaayaw nito sa kaniya at naiintindihan niya ang bagay na iyon. Sino ba ang matutuwa sa kaniyang presinsya na biglang darating sa Crystal City at agawin ang buong atensyon ni Zach at isama sa paglalakbay na gagawin niya?          “Amulet?”          Napatingin siya kay Zach, nakatingin ito sa kaniya at hindi pa rin siya nasasanay sa kulay ginto nitong mata. Naninibago siya, nasanay siyang asul ito at kasingkulay ng karagatan.          “What’s the matter? May problema ba?”          Umiling siya at ngumiti sa binata. “Wala. Tayo na?”          Tumango lang ito at nagsimula na silang maglakad sa umagang iyon. Panibagong araw na mahabang lalakbayin at panibagong mga halimaw ang makakasalamuha nila ulit.          Habang naglalakad sila, panay practice niya sa ibang spells. Hindi siya naka-focus sa pagpagaling lang ng bawat player. Kailangan din niyang matutong makikipag-away.          “Ano ‘yan?” Sandali siyang napahinto nang makita niya ang isang malaking balon sa kanan bahagi ng kanilang nilalakaran. Napapalibutan ang mga ito nang iba’t ibang klaseng bato na kumikinang na normal na yata sa Crystal City.          “Balon ng kamatayan.”          “Ha?” napatingin siya kay Akaara. Seryuso itong nagsasalita at wala sa hitsura nito ang magbiro. “Balon ng kamatayan? Paano naging balon ng kamatayan?”          “Ang lumalapit d’yan ay nawawala bigla. Hinuha ng lahat, may kakaibang halimaw na nakatira d’yan sa ilalim na walang sino man ang gustong sumubok. Kaya kung gusto mong mabuhay ng matagal-tagal dito sa loob, isa ang balon na ‘yan ang dapat mong iwasan.”          Napatango siya sa sinabi ni Akaara. Unang pagkakataon na marinig niya itong mahabang nagpaliwanag sa kaniya. Iyon nga lang, nakakatakot pa rin ito magsasalita. Parang nangangain ang mata nito kapag sumusulyap sa kaniya, na parang nagbabadya ng panganib.          “Malapit na tayo sa Main City.”          Mayamaya ay saad ni Zach. nagliwanag naman ang kaniyang mata sa sinabi ng binata. Nasa harapan nito ang hologram screen kung saan ando’n ang malaking mapa at kung saan sila nakatayo.           “Malapit?” agad siyang napangiwi sa nakita. “Zach tingin ko tatlong araw pa natin lalakarin iyan bago natin marating ang Main City.”          “Yes. Malapit ang tatlong araw na paglalakbay, Amulet. Bakit? Napapagod ka na ba? Just tell me love right away so we could buy time and rest for awhile.”          Agad siyang pinamulahan sa tinawag nitong love at sa pag-alala nito. Hindi man nakikita sa mata nito at boses, nakikita niya sa galaw ni Zach iyon.          “No-no, I am okay. Nagulat lang ako.”          Ngumiti lang sa kaniya si Zach at hinawi na nito ang screen. Tumingin ito sa unahan at sinundan niya ang tinitingnan nito; doon lang niya napansin na wala na sila sa Crystal City.          Nagulat siya nang makita ang isang bagay na kuminang sa malayo. Malayong-malayo ito na parang bituin sa kalangitan.          “Iyan ba ang—”          “Main City nang Znthra.”          Napanganga siya sa sinabi ni Zach. Wala pa man sila ro’n pero damang-dama niya agad ang takot at kaba.          “Don’t be scared. You will always be safe as long as I’m here. No need to be frightened.”   Naramdaman niya ang presinsya ni Zach sa kaniyang tabi. Sumulyap siya rito at hindi niya mabasa kung ano ang iniisip ng binata. Malalim ang iniisip nito ngayon.   “We need to go.”   Napatango siya nang sabihin nito iyon. Habang si Akaara ay nasa unahan nila at siya ay sa likuran ni  Zach. Parang may kung ano sa Znthra na magnet na humihila sa kaniyang mata. Napapatingin siya ro’n at mas lalo niyang naramdaman lalo ang ang hindi matatawarang kaba.             “I can’t wait the game to be started.” Napangisi lalo si Maskoro habang nakatingin sa isang lugar kung saan nakikita nito ang babaeng nagngangalang Elowin, Archer at Akaara. “That’s good, that’s good. I will meet you there at Znthra City.”   “Kiyu.”   Mula sa pintuan, pumasok si Akuji at Manolos. Napangiti naman si Maskoro at nagpanggap na kapatid ni Akuji.   “What is it?”   “I need you to stay here with Manolos and the others.”   “Why?”   “I’ll go back to the Forest City.”   Napangisi ng lihim si Maskoro sa nalaman. “I understand.”   “Really?” takang tanong ni Manolos.   “Yes. Just promise me brother that you will be back before the guilds war.”   Napangiti si Akuji at tinapik nito ang balikat na inaakala nitong kapatid. “I will. Don’t be an asshole to Manolos and the other guild members, okay?”   Tumango naman si Maskoro saka nagpaalam si Akuji at Manolos. Isang malakas at malademonyong halakhak ang pinakawalan ni Maskoro nang makalabas ang dalawa. Iniisip nito, matutupad ang gustong-gusto nitong laro ngayon may mga sarili na itong mga puppet sa gagawin nitong laro, maliban sa guild war na paparating para sa exitus. Pero wala itong plano sa Exitus. Ang tanging gusto nito ay makikitang mamatay ang mga players na mapipili nitong paglaruan.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD