Chapter 19

1435 Words
Naghikab si Amulet at pilit nilalabanan ang kaniyang antok kahit kanina pa niya gustong matulog. Nasa ilalim sila ng malaking kahoy at sa mga ugat nito. Natutulog na si Akaara at payapang nagpapahinga na ito at gano’n din si Zach sa isang tabi. Mula sa nagkikislapan at nagliliwanag na mga dahon at bato, nakikita niyang mahimbing na natutulog ang lalaki. Parang walang pinagbago rito simula nung huli nilang kita sa Personal. Matagal na rin pala. Mayamaya ay marahan siyang tumayo at humakbang. Alam niyang walang halimaw sa paligid dahil bago sila napunta ro’n sa kanilang pinagpapahingaan ngayon, nilibot muna ito ni Akaara at Zach at  tiningnan kung pwede ba silang doon muna magpahinga sa isang gabi. Mga limang dipa lang ang kaniyang hinakbang papalayo sa mga ito, baka kasi pag lumayo siya, mahihirapan ang mga ito sa paghahanap sa kaniya. Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa kaniya kung bakit siya napuntang South kung totoo naman talaga ang pinagsasabi ni Zach na nasa North at East ang Forest City. Pinakita nito sa kaniya ang mapa ng Znthra sa pamamagitan ng Hologram screen nito at kung saan sila nakatayo sa parte ng Crystal City at kung gaano kalayo ang Forest City. Sobrang malayong-malayo iyon! Ilang milyang ang nakikita niya at kung lalakarin nila, aabutin sila ng tatlong linggo papuntang Forest City. Gano’n ito kalayo. Inisip na lamang niya, napasok siya sa isang portal. Nung nahulog sila sa tubig ni Raberoo, inisip niyang portal iyon kaya napunta siya sa lugar ni Zach. Lumabas sa hangin ang hologram nang pisilin niya ang kaniyang balikat. Napangiti siya nang makita ang kaniyang tamed monster na mahimbing na natutulog. Namiss niyang kasama ito pero tulad nga ng sabi ni Zach, bawal nilang gamitin ang kanilang mga tamed monster. Mas mapapabilis sana ang pagdating nila sa Znthra kung ang mga ito ang gagamitin nila. Kinuha niya ang libro ng mahika at binuksan iyon. Hindi siya makatulog at gagamitin niya ang oras na iyon na mag-ensayo. Marami pa siyang dapat matutunan at aralin na mga mahika at spells na kakailanganin niya sa pakikipaglaban sakali. Lumutang sa ere ang libro at siya naman ay pinikit ang kaniyang mata. Nag-concentrate siya habang ang kaniyang kamay at mga daliri ay nakadaop sa isa’t isa. Pinapakiramdaman niya ang sarili na palibutan siya ng kakaibang enerhiya na gagamitin niya. Protection spell… Napangiti siya. Iyon ang kaniyang gagawin para sa dalawang natutulog kahit hindi kalakasan ang gagawin niya. “Fire hot, fire bright. I cast the spell to the southern light. Threads of flames, tendrils of desires, Weaves a protection shield made of earth’s fire. Fire hot, fire bright. I cast the spell to the southern light. Threads of flames, tendrils of desires, Weaves a protection shield made of earth’s fire.” Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at napangiti nang makitang napalibutan sila ng kulay apoy na protection shield pero hindi masakit iyon. hindi rin mainit. Para lang itong invisible at hindi nakikita kung hindi titigan ng mata.   “You are starting to get stronger, Amulet.”   Napatingin siya kay Zach. Hindi niya napansin na bumangon ito at pinanood ang kaniyang ginawa. Agad namula ang kaniyang pisngi at nagbaba ng tingin. Nagising niya si Zach.   “I’m sorry I woke you up.”   Ngumiti lang ito at nilapitan siya. “I’m happy to see you striving yourself to get stronger. Znthra is a scary place for a coward.”   “I know…”   “But I will do my best to teach you, love.”   “Ha?”   “Don’t relly too much on your magic and spells. You need a weapon, a weapon you could use to kill a monster when you can’t use your magic.”   Sunod-sunod siyang napatango sa sinabi ni Zach. Dahil ang totoo, gusto niyang matuto paano makipaglaban. Naisip na rin niya iyon, paano kung may halimaw siyang makaaway at hindi tumatalab ang magic spells dito? O kaya naman ay si Maskoro? Sa ganoon paraan, may pakinabang pa rin siya kahit wala ang spells niya. Pwede siyang lumaban pa rin ng p*****n. “Pwede tayong mag-ensayo kung handa ka na, Amulet.”   “Handa naman ako lagi simula nung napunta ako rito, Zach.”   Lumarawan ang lungkot sa mata nito sa kaniyang sinabi na agad niyang kinuha ang kamay nito at pinisil iyon.   “Hey, nawawala ang pagiging gwapo mo.”   Napangiti ito sa kaniiyang sinabi at ginulo ang kaniyang bangs. “Let start?”   “Start what?”   Mas lalong lumawak ang ngiti nito. “What do you have in mind?”   “Um, training?”   “Good.” Muling ginulo nito ang kaniyang buhok.   “Stop doing that!” pakli niya at pilit tinatanggal ang kamay nito. “You’re ruining my hair do.”   “Silly.”   Ilang sandali pa ay tinuruan siya ni Zach ng basic kung paano humawak ng bow at archer. Hindi nila alintana na mula sa kung saan, natutuwang nagmamasid si Maskoro sa kanila habang si Akaara ay palihim na niyakap ang sarili sa natagpuan tagpo.     Gumuhit ang tipid na ngiti sa labi ni Zach nang sulyapan niya ang payapang tulog ni Amulet. Kung hindi pa niya pinilit ang dalaga na magpahinga ito, hindi pa ito makikinig. Natuwa ito masyado sa ginagawa nilang pag-eensayo sa sibat at pana. Kaya hindi nito  namalayan na malapit ng mag-uumaga.   Kailangan ni Amulet na lumaban kung sakaling hindi gumana ang mahika at spell na gagawin nito. Kaya niyang proteksyunan ang dalaga sa mundong ito, pinapangako niyang poproteksyunan  niya ito rito. Kung hindi man niya nagawang protesyunan ito sa totoong mundo, baka sakali dito, magagawa niya. Hindi lang baka sakali, kundi totoong poproteksyunan niya ang dalaga!   “Zach…”   kumawala ang malapad na ngiti niya nang banggitin ni Amulet ang kaniyang pangalan. Wala pa rin itong pinagbago. Sa tuwing magkatabi silang matutulog, nagigising siyang binabanggit nito ang kaniyang pangalan at alam niyang pati sa panaginip nito ay magkasama silang dalawa.   “Orion…”’   Natigilan siya nang marinig ang pangalan binanggit na binanggit ni Amulet.   Orion? Captain of Gudgeon.   Hindi siya nakaimik at pinagmasdan ang dalagang payapang natutulog. Marahan siyang napabuntunghinga at hindi na inisip ang pangalan na binanggit nito.   “You really love her, do you?” Tumango lang siya sa naging tanong na iyon ni Akaara. Nakaupo na ito at nakasandal sa malaking katawan ng kahoy.   “You can go back to sleep, Akaara.”   “No need. Nakapagpahinga na ako.”   Ngumiti lang siya sa naging tugon ng dalaga habang hindi niya winawalay ang kaniyang tingin kay Amulet na mahimbing na ngayon na natutulog.   “Mabilis siyang matuto. Iyon ang nakikita ko.”   Napasulyap siya kay Akaara at nakuha niya ang ibig sabihin nito. Tulad nila, hindi ito natulog at marahil nanood ito sa pag-eensayong ginawa nila ni Amulet.   “She needs too. Znthra is a dangerous place for her and she needs me to protect her when she can’t protect herself. And to do that, I myself will taught her everything to fight and kill.”   Hindi umimik si Akaara. Nanatili lang iisang deriksyon ang mata nito. “She’s lucky to have you.”   “And I am lucky to have her. Siya ang rason kung bakit ako naniwala ulit sa pag-ibig at sumubok. Ang dahilan kung bakit ako napadpad sa Pinas at napamahala sa lugar niyo.”   Natawa naman ito sa huling sinabi niya. “I see that.”   “To make the story short, she’s my other half. The reason why I must need to go out here alive with all of you. Siya ang babalikan ko sa totoong mundo. Ang  babaeng pinangarap kong makakasama pero naglaro ang tadhana sa buhay ko.”   Gulat itong napatingin sa kaniya at hindi makapaniwala. “Ito ang unang pagkakataon na nagkwento ka na parang isang matalik mo akong kaibigan.” Tumawa ito. “Amulet is really lucky to have you, I’m envious.”   “Don’t be, Akaara.”   “I’m joking!”   ngumiti siya sa naging sagot ng dalaga. Binalik niya ang kaniyang atensyon kay Amulet na parang manikang natutulog sa kaniyang tabi at hawak-hawak ang kaniyang kamay.   I’ll protect you myself, love. I promise and this time, I will not let Oscario have you here again. N   Napahugot siya ng malalim na hangin at inisip na sana katulad ng kay Amulet; mabilis sana ang pagkikita ng kaniyang kakambal at kaibigan. Alam niyang buhay pa ang mga ito. Nararamdaman niya iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD