Chapter 26

2084 Words
        “Wait,” mabilis na saad ni Casmon.        “What is it?” Napalingon si Orion sa kaibigan nang sandaling huminto ito. Nasa likuran nila ito at nakiramdam sa paligid.          “You heard it?”          Natigilan siya nang marinig ang humuhugong na kalangitan at eksaktong pagtaas nila ng tingin tatlo, nakita nila sa kalangitan ang paglabas ng isang kulay pilak na dragon kasabay nang kidlat at kulog ng kalangitan.               “f**k!!!” napamura si Casmon sa nakita.   Habang siya ay kalmado lang na nakatingin sa kalangitan kung saan kitang-kita nila ang kagandahan ng legend dragon. Pero alam niyang sa kagandahan na  nakikita nila, panganib ang dala nito.          “I must be seeing things that can’t be real.”          “That’s the white legend slaying dragon.” Saad niya.          “Can’t be!” hindi makapaniwalang saad ni Tala sa kaniyang tabi. “I thought, it’s only legend! I never thought that dragon exist here. Well, so far I read it on the books on the town hall. But I can’t really believe it exist!”          “Let’s continue. We need to find Amulet.”        “Yeah, yeah.” Hindi pa rin makapaniwala si Casmon at napapailing. “Wow! It looks so real on my eyes. I’m gonna miss this place after we go back to the real world.”          “Let’s go,” marahan saad niya. Nauna na siyang humakbang sa mga ito. Nasa bukana na sila ng Rock City at kahit gusto niyang gamitin ang tamed monster sa lugar na iyon, hindi pwede.          -        “Rabi get ready.”          Pero nanatiling kalmado si Rabeero sa tabi ni Amulet. Doon lang niya napagtanto na marahil wala talagang halimaw sa kaniyang pinaglalagyan ngayon kung saan siya dinala ni Maskoro.          “Si Kiyu?!” natigilan siya nang maalala niya ang binatilyo. Tama! Baka nandito ang binatilyo at tulad niya, baka nakakulong lang ito sa isang lugar at baka nandito lang sa kaniyang pinagtatayuan ngayon.          “Huh?!” napalingon si Amulet nang makita niya ang malaking halimaw na maraming mga galamay na parang gagamba pero ang mukha nito ay hugis tao. At sa mukha pa lang nito, nandidiri na siya at pinagtayuan ng balahibo. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakita siya ng halimaw na mukha ng tao ang gamit.        Agad umalma si Raberoo sa kaniyang tabi pero mabilis niya itong hinawakan. Hindi sila pwedeng makipag-away sa halimaw na nasa kanilang harapan. Wala silang laban!          “Rabi!” agad siyang nakasakay sa likod ng tamed monster niya. Tatakbo sila kung kinakailangan. Hindi siya tanga para magtapang-tapangan ngayon.               Pero anyong tatakbo pa lang sila papalayo ni Rabi, agad silang nasaputan ng halimaw. God?! Hindi pa siya handang mamatay ngayon!  Nahirapan siya kung paano gumalaw. Masyadong mahigpit ang sapot na ginawa sa kanila ng halimaw at nakikita niya kung paano nahirapan si Raberoo. Nagmistulang bakal ang sapot na ginawa sa kanila.          “Calm down Rabi, nag-iisip ako ng paraan!” Pero malabo ang kaniyang gustong mangyari nang mas lalong humigpit ang sapot na ginawad sa kanila. Para silang iniipit n’yon at kung hindi sila makakaalis, mamatay silang dalawa ng alaga niya.          Dinig na dinig niya ang paggalaw ng halimaw papalapit sa kanila at iniisip niya kung kakainin ba sila nito tulad ng kaniyang nakikita sa mga palabas. Gumagawa siya ng spell, pero dahil hindi siya makapag-focus, hindi tumatalab ang spell na gusto niyang gawin para makawala silang dalawa ni Raberoo.          “Okay, I have to think staight. I have to think Zach… yes, Zach. Zach. Zach!” sa isiping iyon, biglang nagliwanag ang kaniyang kamay. Hindi sila pwedeng abutan ng halimaw namaraming galamay at nakakatakot ang mukha. Hindi ito isang high class monster ayon na rin sa hitsura nito pero ‘di sila pwedeng kainin!          Ayan na! nararamdaman niya ng lumuluwang ang sapot na umiipit sa katawan nila ni Raberoo. Konti na lang, konti na lang at makakawala na sila pero napasigaw na lamang si Amulet nang muli silang saputan ng halimaw nang makita sila nitong makakawala.          “Food!”          Mas lalo siyang nahumindig sa narinig na sinabi ng halimaw. Nakakapagsalita ito?! Parang gusto niyang mawalan ng malay sa takot. Unang encounter niya rito at kahit ayaw niyang matakot, hindi niya mapigilan ang sarili.  O dahil baka masyado lang siyang nasanay sa presinsya ni Orion at Zach na laging and’yan para sa kaniya at nililigtas siya sa tuwing nasa ganito siyang sitwasyon?          “Hindi?!” naiwan sa lalamunan niya ang kaniyang sasabihin nang maramdaman niyang umangat sa ere ang kanilang katawan at doon niya lang naisip na ang halimaw ang may gawa n’yon.          “Food! Food!”          Napapikit siya at pinilit ulit ang sarilli na makawala sila ni Raberoo sa kamay ng halimaw. Hindi sila pwedeng kainin nito ngayon at umasang darating si Zach. -        “Safira, you see her?” mabilis na tanong ni Zach sa kaniyang dragon pero umiling ito. Simula nung nasa kaniya na ito, nagkaroon na sila ng connection at kahit ‘di ito nagsasalita, naiintindihan niya ito. Nagsasalita ito sa kaniyang isipan at kung paano nito ginawa ang bagay na iyon, hindi na siya nagtaka.  Nasa ibang mundo sila.          Tiningnan niya ang tracker, malapit na sila at makukuha na nila ang dalaga at wala siyang pakialam kung si Maskoro ang makakaharap niya sa Rock City. Isa itong Rogue at player. Papatay siya kung kinakailangan at kung iyon ang gusto ni Maskoro, ibibigay niya ang laban na gusto nito. Mali ito ng taong kinuha dahil hindi siya takot na pumatay sa mundong ‘to.          I saw her. Natigilan siya nang magsalita si Safira sa kaniyan isipan.          “Let’s go and get her.” Mabilis na saad niya.   -        “Casmon, why are we following that white dragon?” takang tanong ni Tala.          “Coz that dragon might lead us where to find Elowin,” deritsahang sagot ni Casmon habang sakay sila sa malaking agila nito na hindi basta-basta isang agila lang. Nakuha ito ni Casmon sa isang quest.          “How do you sure?” muling tanong ni Tala.          “His tamed monster tells him.” Siya na ang sumagot.          Agad naman napatango si Tala at nakuha ang kaniyang sinabi. May ginamit siyang isang item para makita ang kabuuan kung saan makikita nila si Amulet pero hindi ito nakikita ng kaniyang mata.          “Where the hell that Maskoro hid her!” inis na saad ni Casmon at hindi mapinta na ang mukha.          “Maybe he hid her somewhere down there. I’m pretty sure of that,” anas niya at sinulyapan ang dragon na nasa ere at kung gaano ito kay gandang pagmasdan. Para itong isang araw sa ganda nitong hindi kayang titigan. Napahugot siya ng hininga at binalik ang tingin sa mga naglalakihan bato. Konti lang ang mga punong-kahoy at mas marami ang mga bulubundukin bato at  mga nagtataasang bundok.                 “I saw her. Turn down, Casmon!” turo niya sa isang deriksyon at kitang-kita niya kung paano nahihirapan ang dalaga at ang binigay niya ritong tamed monster. Nasa loob ito ng sapot na kahit sinong player ay mahihirapan umalis sa sapot.          “We’re coming Elowin!” malakas na sigaw ni Casmon.          At bago pa sila nakalapit sa deriksyon ng dalaga, naunahan na sila ng puting dragon. Halos mapapikit sila sa lakas ng impact na ginawa ng dragon nung lumapag ito sa lupa sa may kalayuan. Kung gaano ito kagandang pagmasdan sa malayo, mas lalo itong nakakasilaw sa ganda sa malapitan. Walang sinong hindi maghahangad sa dragon na walang takot na nakatayo sa kanilang harapan.          “f**k! Don’t f*****g tell me, Maskoro own that thing.” May takot sa boses ni Casmon nang sabihin nito ang bagay na iyon.          “I guess not.” Si Tala ang mabilis na sumagot. “Look.”   Hindi pa man nila tuluyan nakita kung sino ang sakay nung dragon, bigla nang nangisay ang halimaw nung tusukin ito ng pakpak ng puting  dragon na hindi basta ang haba at talim ng bawat dulo.   “Damn!” hindi makapaniwalang saad ni Casmon. Habang siya ay bumaba na sa tamed monster ng kaibigan. Tinakbo niya ang deriksyon ni Amulet pero nang akmang tatanggalin niya na ang sapot na nakalagay sa katawan ng dalaga, may naunang gumawa n’yon.   Nanghihinang bumagsak si Amulet sa lupa pero may naunang sumalo sa kaniyang katawan. Pagod na pagod siya at parang hinihigop ang kaniyang katawan nung sapot na ginawa ng halimaw sa kanila ni Raberoo.   “Amulet…”   Awtomatikong nagmulat siya ng mata nang marinig niya ang dalawang boses na iyon na kilalang-kilala niya. Nagulat siya nang makita si Zach at Orion na parehong salo siya.   “Zach? Orion?” nagpabaling-baling ang kaniyang tingin sa dalawa. Nalito siya kung totoo ba ang kaniyang nakikita o pinaglalaruan siya ng kaniyang mata nang mga sandaling ito. Imposibleng ang dalawang lalaki ang nasa kaniyang harapan para tulungan siya sa halimaw na muntikan dumali sa buhay nila ngayon ni Raberoo.   “Yes. You’re safe now.”   Mas lalo siyang nalito na pati sa pagsalita ng mga ito, magkasabay. Buhay pa ba talaga siya?   “Anong nangyari?”   Siya na ang nagpumilit na umayos ng tayo at agad nilingon si Raberoo sa kaniyang tabi, napahinga siya ng maluwang nang makitang okay lang ito at parang maamong pusa na nakaupo sa isang tabi. Marahil dahil kilala nito si Orion.   “A monster almost took your life.” Sabay na saad ng dalawa.   Napalingon siya ulit sa dalawang lalaki. Hindi siya patay at mas lalong hindi siya nag hallucination  na nasa harapan nga niya ang dalawa. Pero paano siya nahanap ng mga ito? Paano nalaman ni Orion at Zach na dito siya dinala ni Maskoro? Gumulo saglit ang kaniyang isip pero nang mapatingin siya sa likuran ni Zach, muntikan siyang napasigaw nang magtama ang mata nila ng— dragon!   Napalunok siya nang wala sa oras sa nakita. “W-white dragon?”   “Safira. My tamed monster. She help us to track you fast here,” ganting sagot  ni Zach.   Napatango siya at kahit gusto niya pa titigan ang tamed monster nito, hindi niya magawa. Ramdam niya ang tensyon sa paligid at hindi niya alam kung bakit may gano’n atmospera. Doon lang niya napansin na may namuo ngang tensyon nang tumingin siya kay Orion at Zach. Kahit walang salitang lumabas sa bibig ng dalawa, alam niyang may pinag-uusapan ang mga ito gamit lang ng mata.   “Zaydan.” Naunang bigkasin iyon ni Zach.   Habang siya ay nalito. Hindi niya alam kung ano ang naging takbo.   “Zach.” Walang emosyong sambit ni Orion sa pangalan ng binata.   “Dude!!!” Si Casmon.   Litong napatingin siya kay Casmon na bumaba mula sa tamed monster nito at deritsong tinakbo si Zach. Nagbiruan ng suntukan ang mga ito na parang matagal ng magkilala.   Napaatras siya nang sunod-sunod na pumasok sa isipan niya ang sinabi ni Zach…   “I am sorry. It is my fault. I never think of you. I thought they will never find your address. Si Zaydan ang kambal ko ang totoong dahilan kung bakit ako nandito, Amulet. Si Zaydan at Carver kaya ako nagpresintang pumasok sa larong ito kahit alam kong ayaw na ayaw mo. I’m sorry, nasama ka sa mitsang ginawa ko. Lahat ng lead na makakapagturo sa`yo ay binura ko pero hindi ko akalain na pati ikaw ay madamay sa ginawa ko.” “Ibig mong sabihin Zach, si Orion ang sinasabi mong kambal mo?!” gulat na gulat na tanong niya na halos ‘di na lumabas iyon sa kaniyang bibig sa sobrang gulat. Hindi siya makapaniwala sa nalaman. Masyadong maliit din pala ang mundo ng Znthra kung gano’n.   Tumingin sa kaniya si Zach at hinawakan siya sa kamay. “Yes. Orion is my fraternal twins.”   Napatango-tango siya. Pero bakit hindi masaya ang dalawa nang magkita ang mga ito? Bakit damang-dama niya ang tensyon ng paligid na dapat sana ay hindi niya dapat maramdaman? Bakit pakiramdama niya ay may alitan ang dalawang magkapatid at bakti hindi sinabi sa kaniya ni Orion na si Zach Faulkner na kaniyang taong hinahanap dati rito sa mundong ito ay iisang Zach lang na kambal nito?   Napailing siya. Ang daming pumasok agad na tanong sa kaniyang utak pero ayaw niyang tanungin ang mga ito ngayon. Kung bakit, dahil na rin siguro sa tensyon na ramdam niya ngayon sa mga ito kaya mas pinili niyang manahimik muna.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD