Chapter 27

1882 Words
ILANG beses huminga ng malalim si Amulet. Hindi niya makuha ang pinag-uusapan nila Casmon at Zach. Sinasabi ng mga ito, nakabalik na si Kiyu sa Forest City nung pag-alis niya. Sinasabi rin ni Orion na nakita ng mga ito si Maskoro na nakuha siya ng lalaki at dinala rito sa Rock City kaya mabilis na sumunod ang mga ito.   Nanatili lamang siyang nakinig at pinilit i-absorb ang pinag-uusapan ng mga ito nang magsalita si Zach at iyon ang bumasak sa katahimikan niya.   “Hindi ang totoong kasamahan niyo ang nasa teritory niyo.”   Doon siya naliwanagan. Iyon din ang kaniyang iniisip. Ayaw lang niyang magsalita sa usapan ng matataas ang ranko sa laro.   “Mahilig manggya ng mukha si Maskoro. Iisa lang ang ibig sabihin  nito, sinet-up tayo ni Maskoro para sa lugar na ito at dito magkita-kita. Ginawa niyang pain si Amulet at kung ano ang kaniyang motibo, hindi natin alam. Ang masasabi ko, hawak niya ang kasamahan niyong si Kiyu at ang totoong Kiyu ay nasa kaniya, nakakulong.”   “That f*****g bastard!”          Halos nangalaiti ang mukha ni Orion nang sambitin nito ang bagay na iyon at ramdam ni Amulet na mas lalong namuo at lumaki ang tensyon sa bawat pagitan.          Kung pagsusumain niya, hindi niya mabasa kung masaya ang dalawa sa pagkikita ng mga ito. Tanging si Casmon lang ang masaya sa presinsya ni Zach at si Orion naman ay parang wala lang rito ang presinsya ng kambal nitong si Zach.          Kung sasabihin ba niyang si Orion at Casmon ang dahilan kung bakit nandito si Zach, matutuwa na rin kaya si Orion sakali?          Habang si Tala at Akaara ay tahimik lang na nakikinig. Walang kahit ni isang salita ang maririnig sa mga labi ng mga  ito at nababaguhan siya sa parteng iyon. Pansin din niya ang kakaibang tingin ni Akaara kay Orion at dama niya ang galit sa kislap ng singkitan nitong mata. Damang-dama niya ang galit na namumuhay sa simpleng titig lang na binigay nito kay Orion na hindi maipinta ang mukha sa naramdaman galit para kay Maskoro.          “Elowin.”          Napatingin siya kay Orion. Ito ang tumawag sa kaniya at hindi niya na kailangan pa magtanong, alam niya ang  ibig sabihin sa paraan ng pagtawag nito sa kaniyang pangalan.          “Okay sasama ako pabalik sa Gudgeon.”          “Amulet!”          Napatingin naman siya kay Zach na siyang unang umalma sa kaniyang sinabi. Napahugot siya ng malalim na hininga, alam niyang aalma ito at alam din niyang maiintindihan siya ng binata.               “Zach, kung hindi si Kiyu ang nasa Gudgeon at kasama ng mga kapwa guilds ko, ibig sabihin nasa panganib ang buhay nila. Isa akong Gudgeons, Zach at si Orion ang unang nagligtas sa`kin nung una kong tungtong sa mundong ito. Kailangan kong sumama sa kanila pabalik sa Gudgeon.”          Namayani ang katahimikan nang sabihin niya iyon. alam niyang ito ang tamang desisyon na pwedeng gawin niya. Hindi siya pwedeng umarteng parang walang nangyari at sumama na lamang kay Zach pabalik sa teritoryo ng guilds nito.          “Okay then. Sasama kami ni Akaara sa  Gudgeons.”          Siya naman ang  hindi nakahuma nang deritsong sabihin iyon ni Zach. Gusto niyang magtanong pero naiwan lamang iyon sa kaniyang lalamunan. Tumalikod na si Orion at sumakay sa tamed monster ni Casmon at gano’n din si Zach. Bumalik ito sa tamed monster nitong hindi pa rin niya magawang tingnan dahil natatakot siya sa presinsya ng dragon.          “Amulet, dito ka na sa`min.” mabilis na tawag sa kaniya ni Casmon.          “No bud, Amulet can ride with us.” Agad na apela ni Zach.               “Ah—”          “Let her choose,” deritsong saad ni Orion na hindi mapigilang sumingit sa usapan,               Ngumiti na lamang siya. Wala siyang balak na sumakay alinman sa mga tamed monster ng mga ito. Kay Raberoo lang siya sasakay at mas kampante siyang sumakay sa alaga niya.          “Kay Rabi na ako—” Hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin nang mula sa kaniyang kinatatayuan uminog iyon. parang nagkaroon ng malakas na lindol at pakiramdam niya mahihilo siya!          Kung hindi pa siya agad nakuha ni Raberoo at isakay sa likod nito, baka naalog na ang kaniyang utak sa lakad ng pagkayanig ng lupa. Napatingin siya sa paligid, gano’n din ito at mukhang may kung anong sa ilalim dahil kahit ang mga naglalakihang bato ay nagsigalawan. Parang may kung anong demonyo sa ilalim ng lupa na gustong lumabas at makipaglaro ng habul-habulan sa kanila at kamatayan nang mga sandaling ito.          “Anong nangyayari?!” malakas na tanong niya habang nakatingin sila lahat sa ibaba. Sakay siya sa likod ni Raberoo.          “High class monster.”          Nalito siya kung saan siya titingin, kay Zach ba o Orion. Magkapanabay kasi ang pagsagot ng dalawa at naniniwala na siyang  kambal nga ang dalawa. Kahit gusto niyang tanungin si  Zach ngayon kung bakit hindi nito pinakita sa kaniya  si Orion kahit sa picture man lang, para kung sakali nagkabanggaan sila sa palengke dalawa ng kambal nito… kilala niya.          “Look!”          Napatingin siya sa tinuro ni Tala. Awtomatikong nanlaki ang kaniyang mata nang makita ang sunod-sunod na paglabasan ng mga malalaking ahas sa ilalim ng lupa. Hindi lang basta ahas ang mga ito, kundi nagkukumpulang ahas na malilito ka kung saan ang totoong ulo!          “That’s Dalmadur.”          “Dalmadur?” napatingin siya kay Zach. Nakahanda na ang double edge sword nitong hindi man lang niya napansin na nilabas nito. Gano’n din si Akaara, nakaumang na ang mahabang pana at sibat nito at ilang sandali lang ay alam niyang magpapaulan ito ng mga arrow mula sa kalangitan.          “Is it dangerous?” Mali. Napangiwi siya sa sariling tanong na iyon. malamang! Panganib ang bawat dala ng mga halimawa sa loob ng larong ito          “Amulet!!!”          Halos lumabas ang puso niya kung  hindi naging mabilis si Orion at Zach sa pagtira nung halimaw na muntikan umatake sa kaniya na hindi niya nakita sa sobrang bilis.          “Anong—” Naramdaman niyang nilayo siya ni Raberoo sa halimaw na gustong umatake sa kaniya at hindi basta-basta sa laki at haba. Nagkukumpulan ang mga ito at  kung susumain, heganteng tingnan ang mga ito.          “Zach gusto kong sumama makipaglaban!”          “No you can’t!” magkapanabay na sagot ni Orion at Zach sa kaniya. Napalabi naman siya at walang magawa kundi ang panoorin ang mga ito na kaniya-kaniyang pakikipalaban.          Maraming Dalmadur at hindi niya mabilang kung ilan talaga ang mga ito. Nahihirapan siyang magbilang at alam niyang malalakas ang mga halimaw sa kanilang harapan na nagmula sa ilalim ng lupa. Kung hindi pala nagsidatingan ang mga ito, hindi lang pala ‘yong gagambang halimaw na may mukhang tao ang kakain sa kaniya. Pati rin pala ang halimaw na ito na masasabi niya nang mas malala sa mga high class monster na naengkwentro nila.          “Safira! Guard her for me.”          Napaurong naman siya sa sinabing iyon ni Zach at napatingin sa white dragon nitong nakakatakot ang mata. Para siyang hinihigop ng mga kulay na iyon at nasisilaw siya. Agad lumipad ang dragon sa kaniyang deriksyon at tulad ng sabi ni Zach, binantayan siya nito.          Nakita niya kung paano kaniya-kaniya sa pagharap ang mga kasamahan niya sa halimaw na nagngangalang Dalmadur. Pansin din niyang konti lang ang nababawas sa health bar ng halimaw sa tuwing inaatake ito ni mga kasamahan niya.          Habang siya, walang ginagawa at nanatiling nanonood sa mga ito. Gusto niyang sumali at gamitin ang ilan sa mga alam niya pero baka maging abala lang siya sa mga ito pagnagkataon. Kaya ang tanging ginawa niya ay gumawa ng protection sa kaniyang mga kasamahan kahit alam niyang hindi na nito kailangan. Malalakas at magagaling ang mga ito. Puro officials ang mga kasamahan niya ngayon at ilang beses ng nakipagbuno ng kamatayan.          Let them be, there’s no need for you to make a protection spell for them.           Nagulat siya nang marinig niyang nagsalita sa isip niya ang dragon. Napatingin siya rito at tulad nung una, natatakot pa rin siyang tingnan ang mga mata nitong parang hinahalukay ang kaniyang kaluluwa at dinadala papuntang impyerno.          “Nakakapagsalita ka?”          Indeed. I can understand what you are saying as well.          Para siyang natuod. Paano siya nito nakakausap? Isa lamang siyang hamak na healer?!          Exitus.           Hindi niya nakuha ang sinabi nito. “Exitus?” Naghintay siya ng ilang segundo para sagutin nito ang kaniyang tanong pero hindi na ito muling nagsalita pa sa kaniyang isipan. Tumingin ito sa ibaba at gano’n din siya. Doon niya napansin na hindi namamatay ang mga halimaw!          Sa tuwing pinuputol ng mga kasamahan niya ang mga ulo ng mga ito, bumabalik ang mga iyon at nag-gegenerate ulit. Mas lalong nagiging agresibo at mas lalong lumalakas sa tuwing nag-gegenerate an mga ito.          “You need to help them!” malakas na saad niya kay Safira nang tingnan niya ito pero walang kibo mula rito. “Safira! Hindi namamatay ang halimaw na ‘yan! Mauubos ang lakas nila at—”          Watch.           Sinunod niya ang sinabi ni Safira at deritsong tumama ang kaniyang tingin kay Zach at Orion na may galit ang bawat tira sa halimaw. Napakunot ang kaniyang noo, may asul na enerhiyang nakaikot kay Zach at pula naman ang kay Orion. Kung pagsusumain, parang ito na nag nag-aaway dalawa. Hindi na ang halimaw ang hinarap ng mga ito.          “Anong ginagawa nila?” takang tanong niya pero wala siyang makuhang sagot. Basta lamang na nag-aaway ang mga ito sa katawan ng halimaw at palipat-lipat ang mga ito.          Muntik pa siyang napasigaw nung muntikan makain si Orion nung Dalmadur kung hindi naging madali ang binata at hinati ang ulo nito. Pero tulad nung una, muling tumubo ang ulo ng halimaw at patuloy ang mga ito sa pag-atake.          “Zach! Orion?!”          Hindi niya mapigilang tawagin ang mga pangalan ng mga ito. Hindi naman halatang may alitan ang mga ito sa bawat pagtama pa lang ng bawat espada ng mga ito sa sa isa’t isa, nagkakaroon ng malakas na impact na pati siya, ramdam niya ang lakas n’yon.          “Anong ginagawa niyo? Bakit kayo ang naglaban-laban dalawa?!”               Pero wala siyang makuhang kasagutan sa mga ito. Panay pa rin ang pag-atake ng dalawa na parang ito ang magkaaway. Hindi niya tuloy maintindihan kung bakit nagpang-away-away ang mga ito kung magkakambal ang dalawa.          “You shoudn’t be here.” malakas na saad ni Orion kay Zach at pati siya dinig na dinig niya iyon.          “I’m here to get my twins and Carver.” Walang emosyong sagot ni Zach. patuloy pa rin ang mga ito sa pagtatagisan ng lakas kung sino ang mas matapang sa dalawa.          Habang ang mga kasamahan nila ay hinayaan lamang ang dalawa na magpatayan kasabay ang  mga halimaw na walang balak yata mamatay kahit anong gawin nila Casmon, Tala at Akaara.          Huminga siya ng malalim. Hindi pwedeng manatili lamang siyang nakasakay sa likod ni Raberoo at pagmasdang nagpapatayan na ang dalawang lalaking ilang beses ng sumagip sa kaniya dito sa Znthra.          Don’t.           Hindi siya nakinig sa sinabi ni Safira. Bigla niyang sinangga gamit sa firebolt niyang hindi kalakasan ang tira na ginawa ni Zach kay Orion. Sapat lang na mapatigil niya ang pag-aaway ng dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD