Chapter 28

1491 Words
“Kung magpapatayan kayong dalawa, siguraduhin niyo munang napatay niyo na ang halimaw na nasa likod niyo! Hindi ‘yong nagpapatayan kayo dahil sa galit na hindi  man lang namin alam kung bakit!” kulang na lang ay magwala siya sa sobrang inis. Kung may magagawa lang siya para pagsampalin ang dalawang magkapatid, baka ginawa niya na. hindi lang siya pwedeng bumaba dahil na rin sa Dalmadur na nasa ibaba at aaminin niyang malakas ang halimaw.          “Sorry.” Magkapanabay na sagot ng mga ito.          Napahinga naman siya ng maluwang. Buti naman at naiintindihan ng dalawan ang kaniyang sinabi.          “Archer!” malakas na tawag ni Akaara sa binata.          Habang siya ay nagsimulang nag-chant ng spells for protection. Patuloy pa rin sa pag-generate ang halimaw at walang kapaguran ang mga ito sa pagsalakay.          “Matatalo tayo rito!” “We are not, Akaara,” ganting sagot ni Zach sa dalaga. “On your back!”   Agad naman itong pinatamaan ng sibat ni Akaara sa bibig at sumabog iyon. “Thank you!’   “Orion! We need to retreat.”   “No time for that, Tala.”   Hindi sumagot si Tala. Patuloy nitong ginamit ang malaking  palakol na nababalutan ng pulang enerhiya. Sa isang kamay nito ay isang kakaibang espada at sa kabila ay palakol na dalawa ang talim. Masasabi ni Amulet na halimaw rin makipaglaban si Tala kaya siguro tinagurian itong Ace ng Gudgeon.   Habang si Casmon, ang weapon nito ay isang sword na nahihirapan siyang idescribe. Basta ang nasa dulo ng hawakan ng binata, ay isang bungo at hindi basta-basta ang tabas at haba ng weapon nito. Walang sinasanto ang bawat tama ginagawa nito sa mga halimaw.   “f**k!”   Napatingin siya kay Zach na bumalandra sa isang tabi. Napuruhan ang tagiliran nito at bago pa siya makapagbigay ng healing dito, uminom na ito agad ng potion. Muli itong sumabak at nakipaglaban ulit.   Bahagya siyang napabuntunghinga. Hindi siya kailangan ng grupo sa totoo lang. Para lamang siyang lumabas na tau-tauhan habang naghihintay kung kailan matapos ang mga ito.   Teka, kung hindi namamatay ang halimaw na ‘yan. Imposible ang bagay na iyon! Alam kong may source sila para mag-generate pero saan? Natitilihan sigaw ng kaniyang utak at hinanap niya ang source. Kapag makita niya talaga ito, sasabihin niya agad kay Zach. There! Napasigaw siya sa tuwa nang makita niya. Nasa may kalayuan kung saan nakita niya isang hindi pangkaraniwang ahas na maraming ulo at kulay ginto at nakapulupot sa isang sanga. May kalakihan ito at sapat lang na makita niya iyon. nag-obserba pa siya ng ilang segundo at tama nga siya, ito ang pinaka-source sa lahat.   Agad niyang inumang ang kaniyang kamay at gumawa ng arrow at bow sa pamamagitan ng mahikang binuo niya sa isipan. Nagmistulang apoy na pana iyon. Kung paano niya ginawa iyon, hindi niya alam. Basta iisa lamang ang nasa kaniyang isipan ng mga sandaling ito, ang patayin ang Dalmadur.   Tumayo siya sa likuran ni Raberoo at pinunterya niya ng maayos ang pana para sa gawin pagtira sa halimaw na siyang nasa puno. Kailangan niya itong matamaan.   “Firebolt!” malakas na sigaw niya kasabay ang pagtira niya sa apoy na ginawa niyang pana, papunta ito sa deriksyon ng halimaw na nasa puno.   Napasigaw siya sa tuwa nang makitang natamaan ito at nahulog mula sa sanga. “Rabi!”   Nakuha naman ng alaga niya ang kaniyang gustong mangyari at bago pa siya napigilan ni Safira, deritso na nilang tinungo ni Raberoo ang halimaw na nahulog sa sanga.   “Amulet!”   Hindi siya nakinig sa tawag ni Zach. Agad siyang bumaba mula sa likod ni Raberoo at muling inumang ang kamay para sa gagawing firebolt at itira sa ulo ng Dalmadur.   “Elowin?!” Si Orion.   “Ha?!”   Naramdaman niyang lumutang ang kaniyang katawan sa ere. Nawala ang konsentrasyon niya sa gagawing pagpatay sa Dalmadur nang makitang pinuluputan siya ng isang ahas sa katawan. Pahigpit na pahigpit iyon pero bago siya mawalan ng malay, muli niyang tinuon ang kamay sa ahas na kulay ginto.   “Firebolt!”          Nabitawan siya ng ahas na pumupulupot sa kaniya at naramdaman niyang may sumalo sa kaniyang katawan para ‘di siya tuluyang bumagsak. Pagbukas niya ng mata, si Zach iyon at sakay sa likod ni Safira.          “You okay?” agarang tanong nito.          Napatango siya. “Ang Dalmadur?”          “You defeated it.”          “Ha?” napaawang ang kaniyang labi sa nalaman.  “Hindi nga?” hindi siya makapaniwal. Nakuha pa niyang tumingin sa ibaba at tama nga si Zach, hindi ito nagbiro, natalo nga nila ang halimaw na walang balak mamatay.          “You did great, love. Hindi ko akalain na magiging magaling ka agad sa archery. You have skills. Thanks for saving us all.”          Namula naman siya sa sinabi ni Zach. Pinapalabas nito na masyado siyang magaling kung sa totoo naman, hindi talaga. Agad niyang tiningnan ang kaniyang level. Namilog ang kaniyang mata nang makitang tumuntong na siya sa level 6!          “Zach?!”          “Congratulations love.”          Halos maiyak siya sa nakitang level 6 na siya. Ibig sabihin magkakaroon na rin siya ng staffod tulad kay Brighid at Amber.  Hindi siya makapaghintay na mahawakan ang kaniyang apprentice staff. Kahit isang simpleng stick lang ito tatanggapin niya.          “And I guess this staff belongs to you.” Mula sa kung saan, may nilabas itong isang staff, walang masyadong special kung titingnan iyon pero masayang tinanggap niya ito. “Nalaglag ‘yan nung napatay mo ang Dalmadur. Golds and diamonds was decided to given to you dahil ikaw ang walang gano’n sa`min.”               Natawa siya sa sinabi ni Zach. tama ito, nasa kaniya nga ang golds, diamonds, at items na na-collect sa pinagtulungan nilang patayin na halimaw. Sapat na ang laki n’yon para makabali siya ng mga item na kakailanganin niya balang-araw.   -        SAKAY siya kay Raberoo pabalik ng Gudgeons. Tulad ng sabi ni Zach, sumama ito sa kanila pabalik. Kailangan nilang  mahuli si Maskoro at alamin kung saan si Kiyu.               “Welcome to our humble territory, bud!” kangising saad ni Casmon kay Zach nang dumating sila sa Gudgeon.               “Ito ang Gudgeon?” manghang saad naman ni Akaara at hindi makapaniwala. Nasa bukana sila ng gate at wala pa sa loob.        “Hold your excitement, lady. You’ll be amaze when we reach the core.”          Napailing-iling naman si Tala at nag-ikot ng tingin. “Don’t mind him. Bastos masyado.”          Natawa siya sa sinabi ni Tala. Somehow, pareho sila ng tingin kay Casmon. Bastos.          May nagbantay sa gate at nang makilala sila nito, agad silang pinagbuksan. Ilang araw lamang siyang nawala sa territoryo na ito pero na-miss niya agad ang lugar.               “Anong gagawin natin ‘pag nakita na natin si Maskoro?” Siya ang nagkusang magtanong nung papasok na sila. Pansamantalang pinatulog niya si Raberoo, habang ang white dragon ni Zach ay nagpaiwan sa ibabaw ng malaking puno malapit sa bungad ng  gate.          “Let’s find out,” mabilis na sagot ni Orion. Nakatingin ang mga mata nito sa unahan at hindi niya mabasa kung galit ba ito o hindi. Nahihirapan siyang basahin ang tinatakbo ng utak ng lalaki.          “Kill is the first option we have,” agad naman na sagot ni Zach.          “I don’t think that’s the best idea,” apela ni Orion. Nagpatuloy pa rin sila sa paglalakad.          Kung dati ay na-eenjoy niya ang mga nagagagandahang umiilaw na mga halaman, ngayon ay parang naging normal na lamang sa kaniya ang lahat.          “Then what idea do  you have in mind? Maskoro is powerful.”          “And a player like us.” Putol ni Orion.          Namayani ang katahimikan. Walang umimik at nagsalita at kahit siya ay napaisip. Tulad nila, player lang din si Maskoro at tulad nila, may pamilya rin naghihintay sa lalaki pag uwi nito.            “Siguro, ang mas mabilis na paraan ay huliin siya.” Siya ang bumasag sa katahimikan na nangyari.          “That’s better.”          Hindi siya nakaimik nang sabay sumagot ang dalawang kambal sa kaniyang sinabi. Bigla tuloy siyang napipi at hindi alam ang kasunod na sasabihin. Damang-dama niya kasi sa hangin na kahit anong gawin ng kambal, hindi magkakasundo ang mga ito maliban na lang kung siya ang umeeksina.          “Captain is here!!!”        Napatingin siya sa sumigaw. Nakita niya si Ambrosine at Brighid na masayang nakatingin sa kanila. Sa sobrang lakas ng boses nito, lahat ng mga nando’n ay napalingon at napatingin sa kanila.          “Amber! Brighid!”          Napatakbo ang dalawang babae at mabilis na yumakap sa kaniya. May libre pang kurot ‘yon kay Amber nang bitawan siya ng mga ito.          “Gaga ka! Buti na lang at hindi ka nakain ng halimaw. Mabuti na lang at buhay ka.”          Ngumiti lang siya sa exaggerated na pagdadrama ni Amber kaya siguro mabilis silang naging magkaibigan.          “At may apprentice staff na siya!” masayang saad ni Briggy.                              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD