Chapter 29

1528 Words
Hindi na niya magawang sumagot nang biglang nagsalita si Orion sa kanilang likuran. Nakalimutan niyang si Maskoro pala ang sadya nila at hindi ang pakikipagbesuhan niya ngayon sa dalawang Healer.          “Where’s Akuji?”          “Akala namin ay kasama niyo siya?” takang tanong pabalik ni Brighid. “Sumunod din siya agad sa inyo. Hinatid niya lang rito si Kiyu tapos agad siyang umalis.”          “What? That’s bullshit. Orion give him an order already.” Hindi mapigilang umalma ang boses ni Tala sa usapan.          “So where is Kiyu?” singit ni  Casmon.          “Kanina lang ay nakita namin siya sa malawak na field.”          “Alam ko ‘yon,” mabilis niyang sabi. Doon siya minsan nagpupunta noon at nageensayo.          “There’s no time left. We need get him.”          Agad tumalikod si Orion at bago pa siya nakasunod, nahila na siya ni Brighid at Amber. Pagkurap niya ng mata, nasa bahay kung saan siya unang tinanggap ng mga ito. Sa Healer House.          “Sabihin mo nga sa`min, Elowin, ano ba ang nangyayari? Bakit may kasama kayong ibang players na hindi taga Gudgeons? Bakit parang aburido si Captaina at bakit hindi niyo kasama si Akuji?” mabilis na tanong sa kaniya ni Brighid. Wala yata itong balak na pakawalan siya na hindi nasasagot ang mga tanong nga mga ito.               “Mahabang kwento,” pabuntunghingang saad niya. Hindi nga niya alam saan magsisimulang magkwento, eh.          “Then gawin mong shortcut. Gusto namin malaman kung anong nangyari sa pag-alis mo at paano ka nakaligtas sa Forest City. My God girl! Nakaya mong mabuhay ng isang araw sa Forest City tapos baguhan ka pa. Its impossible talaga! Kaya ngayon na, kwentuhan mo na kami. Hindi ka aalis d’yan sa kinauupuan mo kung ‘di ka magkikwento.”               “Yep! At ikwento mo na rin kung paano ka nag-ivolve . gandara ng hair at outfit mo girl, oh. Pangsosyalin ang dating! Ilang diamonds ‘yan? s**t! Sino ang bumili sa`yo sa damit na ‘yan?”          Napangiwi naman siya nang sunod-sunod na nagtanong ang dalawa. Wala pa rin  nagbago, ang tatabil pa rin ng mga ito at isa iyon sa namiss niya kahit ilang araw lamang siyang nawala.          “Isa-isa lang.” Napangiwi siya. “Hindi ko kayo masasagot isa-isa kung sabay kayo.”          Nagtinginan naman ang dalawa at nagkibit ng balikat. “Okay, magsimula ka sa parteng pareho mong masasagot ang tanong namin.”          Natawa siya nang sabay magsalita ang dalawa. Kaya matalik na magkaibigan ang dalawa. Huminga siya ng malalim at nagsimulang magkwento at kailangan pa niyang ikwento sa mga ito ang relasyon ni Zach.               - Napatingin si Zach sa kaniyang likuran para lang maalarma na wala si Amulet sa kaniyang tabi.               “She’s with Brighid and Ambrosine, bud.” Inakbayan siya ni Casmon.          Kumalma siya nang marinig niya ang bagay na iyon. akala niya nawala na naman ito at kinuha ni Maskoro. Sandali niyang pinilig ang kaniyang ulo at hinarap si Orion. Sa isang kisap lang ng mata ay nasa isang malawak na field sila kung saan may isang malaking kahoy sa gitna.          “Maskoro is not here.” deritsahang saad ni Orion nang lumingon ito sa kanila.               “Marahil ay nakaamoy siya na papunta tayo rito.” Hindi mapigilang sabat ni Akaara.               Tumingin naman si Orion sa dalaga at hindi sumagot. Habang siya ay nilibot ang kaniyang paningin sa bawat paligid. Unang apak  niya sa teritoryo ng Gudgeons, at masasabi ni Zach na maganda ang lugar ng mga ito na napili. Ang Embers Territory ay halos napapalibutan ng malamig at mga kristal. Sa madaling salita, umuulan ng snow sa kanilang lugar na napili.          “Wait, let me use this.” Mula sa kung saan, may nilabas si Casmon pero hindi nito nagamit ang item nang nakangising lumabas si Kiyu mula sa kung saan.          “You are all here.” lumarawan ang saya sa mukha nito.          “Where did you hid him?!” mabilis na tanong ni Orion.  Halos magsilabasan ang ugat sa leeg nito sa galit na nakatingin kay Maskoro na gamit ang mukha ni Kiyu.          “Somewhere you can never find.”          Natawa siya ng mapakla. Mabuting wala rin si Amulet ngayon at kasama nila. Malaya nilang papahirapan si Maskoro hanggang sa umamin ito sa kanila.          “If you want your pal Kiyu and hmm,  wait, Akuji to be rescued. Then meet me at the Znthra City. If you can defeat me there, I’ll release your friends. But if not, you will be all joining in one death.” Ngumisi ito at biglang nawala sa hangin.          “f**k!” sabay silang napamura ng kaniyang kakambal.   May ibang gustong mangyari si Maskoro at ramdam ni Zach ang bagay na iyon.   “I guess we don’t have a choice.” Humarap sa kanila si Orion at kahit magkakambal sila, hindi niya mabasa ang nasa isip nito.          “I’m in.” Si Casmon agad ang nagsalita kahit wala pang sinabi si Orion. “Kiyu and Akuji is our friends and I will not let them die.” Napakuyom ng kamao ang kaibigan niya.          “You can count on us.” Siya ang nagsalita.          “No. We don’t need your help, Zach. You can go back to the Embers and let us handle this on our own.”          Natawa siya ng mapakla sa naging sagot ni Orion. “And you think I will let you? I am your twin.”          “And I am the captain of this territory.”          “What’s wrong with you, Zaydan?” pinigilan niyang magtaas ng boses. Nasa malawak silang field at pwedeng dito magpapatuloy ang away nila kanina na naputol kung ‘di lang sumingit si Amulet.          “What’s wrong with me?” natawa ng pagak si Orion nang tingnan siya. Mula sa kamay nito, lumabas ang espada nito.          Naalerto agad ang kasamahan nilang si Akaaara, Tala at Casmon.          “Hey-hey guys,” agad na pumagitna si Casmon.          “Step aside, bud. We must settle this ‘thing’ between me and my brother.” Habang siya ay naglabas na din ng sandata niya para sa pangalang away nila ng kambal niya.          “f**k!” napakamot si Casmon sa ulo at napalunok ng wala sa oras pero sinunod nito ang kaniyang gusto.          Samantalang si Orion ay mas lalong pursigidong harapin ang kakambal na si Zach. mag-aaway sila ngayon sa loob mismo ng teritoryo niya at ipapadama niya rito kung ano ang maling sinasabi nito na hindi nito alam.          “Girls, I guess we need to—” paglingon ni Casmon, wala na ang dalawang babae. Nasa malaking puno na ito at nakatayo ro’n. napakamot na lamang ito sa ulo at mabilis na sumunod sa dalawang babae. Natakot itong masama sa away ng dalawang magkapatid.         “Bakit sila nag-aaway?” takang tanong ni Akaara sa dalawang bagong nakilala na si Casmon at Tala.          “Iyan ang hindi ko alam.” Agad na sagot ni Tala na nalilito rin sa pangyayari pero nanatiling naka-focus ang mata nito sa magkapatid.          “Lagi silang ganiyan.” Si Casmon ang pasimpleng sumagot at namulsa. Nakatitig din ito sa magkakambal na kaniya-kaniyang labasan ng mga sandata at parang ito ang magkaaway.               “Hindi ba kaibigan mo silang dalawa? Bakit ayaw mong pigilan?” muling tanong ni Akaara na hindi nito nagustuhan ang idea na ang magkapatid ang nagkaharap at handang magpapatayan.          “f**k. Kung gusto niyong mamatay agad, feel free.”               “So hahayaan lang natin silang mag-aaway?” mas lalong nagtaka si Akaara.          “Trust me honey, they will stop,” kampanteng sagot ni Casmon at sumandal sa puno. Kahit ito, gusto nitong mapanood ang pag-aaway ng dalawa.          “When? Kapag pareho na silan sugatan?” galit na tanong ni Akaara at akmang pupuntahan nito ang dalawang magkapatid pero pinigilan ito ni Casmon.               “Look at them.”          Sabay ang mga itong napatingin kay Zach at Orion.          “You should not show yourself here, Zach.” mariin na lumabas ito sa bibig ni Orion habang hawak niya sa isang kamay ang sandata na gagamitin niya sa paghaharap nilang magkapatid.          “I am here to get you out of here. I’m the oldest and its my responsibilty to look after you.”          Natawa si Orion at napailing. “You don’t f*****g understand, Zach.”          “Yeah I did not f*****g understand why the hell you are mad at me.”          Napailing na lamang si Orion at nagsilabasan ang enerhiyang nakapalibot sa kaniyang espada. Hindi sila magpapatayan, magsusugatan lang silang dalawa. Ipapadama niya sa kakambal na mali ang desisyon nitong pumasok sa loob ng Znthra at sinasabing iligtas siya. May isa siyang rason na sa tuwing naiisip niya, umaakyat ang kaniyang dugo.               “Howling wind!” isang malakas na hangin ang binigay niya kay Zach nang ihampas niya ang kaniyang espada sa hangin.          Pero mabilis ang kamay ni Zach na sanggain ang hangin na pinakawalan ng kaniyang sandata. Alam niyang malakas ang sandata nitong gamit at hindi basta-basta nagiging kapitan ang isang manlalaro kung hindi karapat-dapat ang skills nito sa isang guild. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD