Chapter 30

1770 Words
Ilang sandali pa ay napuno na nang away ang pagitan nilang dalawa. Kaniya-kaniya silang labas ng lakas at kung ano ang  kaniyang atake, gano’n ang dipensang binibigay sa kaniya ni Zach.          “Damn! Fight like a man.” Inis na baling niya sa kakambal.          “Don’t provoke me, Zaydan. You know I would!” kalmadong saad nito habang iniiwasan ang mga atake na kaniyang ginagawa.          “Then fight like a man! You don’t f*****g know how this angered devouring me for letting Amulet almost died here!”          Awtomatikong natigilan ito sa kaniyang sinabi at gano’n din ang ilang kasamahan nila sa kaniyang sinabi. Nagagalit siya. Nagagalit siya sa dahilang hinayaan nitong makuha ni Oscario ang babaeng mahal nito para lang hanapin siya. Hindi nito alam ang kaniyang totoong rason kung bakit siya nandito sa Znthra.          “You don’t f*****g know. You don’t f*****g know how scared I was when knowing she’s here…” napailing-iling ito at napaatras.          “Bullshit  Zach! I don’t need you to defend yourself. What I want is fight like a man and show me that you still could protect her even in Znthra!”          Napatango si Zach at ang mukha nitong kanina lang ay nakitaan ng pagsisi, biglang naging bumalagsik at handang papatay ng kahit sino.          “f**k!!!” napamura nang wala sa oras si Casmon pero huli na ito para sumingit at pigilan ang dalawa nang magsimulang maglabanan ang magkapatid.   -        Napatayo si Amulet nang maramdaman niyang parang may kakaiba. Agad niyang hinawakan si Brighid at Amber sa kamay para dalhin siya sa field kung saan nagpunta ang kaniyang mga kasamahan para hulihin si Maskoro.          “Saan tayo pupunta?”          “Dalhin niyo ako sa field, ngayon na please!”          Sabay na napatango ang mga ‘to at sa isang iglap ng mata, nasa field na sila at gano’n na lamang  ang gulat na kaniyang naramdaman nang makitang hindi si Maskoro ang nakikita niyang kaaway nang dalawang kambal. Kundi si Zach at Orion mismo ang nag-lalabanan dalawa.          “Zach!” nanlaki ang kaniyang mata para pigilan ang mga ito pero nasa likod niya na si Casmon at inakbayan siya.          “Kugn gusto mo silang magkabati, hayaan mo silang mag-laban dalawa.”          Napapantastikuhang napatingin siya kay Casmon at inis na pinalis ang kamay nitong umakbay sa kaniya. Ang lakas talaga ng apog nitong akbayan siya at hindi naman sila close dalawa.          “Pigilan mo nga sila! Hindi mo ba nakikitang nagpapatayan na ang dalawang kaibigan mo, Casmon!” inis na pakli niya at akmang lalapitan ang dalawa pero hinarangan siya ulit ng binata.          “I guess tama si Co-captain, Elowin,” singit ni Amber at hinawakan siya sa kaniyang braso.          Natigilan naman siya at napatingin sa babae. Hindi niya makuha ang ibig nitong sabihin lalo na at seryuso ang paglalabanan ng magkapatid. Nawala lang siya ng ilang minuto, ito na ang kaniyang madadatnan? Inisip pa naman niya ay nahuli na si Maskoro.          “Tingnan  mo sila Elowin. Kahit seryuso ang paglalabanan nila, makikita mo sa bawat tira nila na may pagtitimpi pa rin.” Si Brighid ang  nagsalita sa kaniyang tabi habang nakatingin kay  Zach at Orion na nagpapatayan. “Kilala namin si Captain, Elowin, kung balak niyang patayin ang kakambal niya, matagal na ‘yang patay. Malakas si Orion. Hindi mo pa siya nakikita kung paano siya lumaban kaya chill ka lang, hindi pa sila totally nagpapatayan talaga literal.”          “I agree. Tulad nga ng sabi mo, siya si Archer nang Embers. Ibig sabihin, isa rin siya sa pinakamagaling na manlalaro sa Znthra na ito. No wonder why they are twins at kung totoong naglalabanan sila, baka kanina pa ang isa sa kanila namatay.” Tango-tangong saad ni Amber habang napangisi na lamang si Casmon.          “Kaya kung ako sa`yo, Elowin. Enjoy mo lang ang show. Matatapos din ‘yan at pagkatapos niyon, magkapatid na sila ulit. Parang isa ‘yang welcome party nila na hindi nila parehong alam. Palibhasa kasi ay parehong matitigas ang mga ulo ng mga kaibigan ko pero iiisa lang masasabi ko, ako ang pinakagwapo.”          Napairap siya ng mata sa sinabi ni Casmon. Gwapo nga pero never mind na lang, masyadong walang modo sa kaniyang paningin ang lalaki at mataas ang apog. Naiinis siya sa presinsya nito pero habang nakatingin siya sa dalawang magkapatid, siya ang natatakot.               Hindi kasi welcome party ang kaniyang nakikita, mukhang seryusuhan kasi ang lahat. Bawat bitaw ng sandata ni Orion kay Zach, nararamdama nila ang malakas na enerhiya mula ro’n. Sa bawat tira ni Zach naman, napapapikit siya lalo na at kasabay ang hangin sa bawat tira nito.          “Pustahan tayo, oh? Ano?” natatawang baling sa kanila ni Casmon at naglabas ng item. “Mahal ang item na ito, nabili ko ito sa halagang isang daan diamonds. Ano? Gusto niyo?”          “Really?” napapantastikuhang napatingin siya sa lalaki. May gana pa talaga itong makipagpustahan habang siya itong nag-aalala na sa dalawa. Nagsasanggan ang galing ng mga ito at nagkakasakitan lang.          Sa dalawang minuto nilang panonood sa pag-aaway ng magkapatid, gustong-gusto niya ng pumagitna at pigilan ang magkapatid pero sa kislap ng mga mata ng mga ito, mukhang walang makakapigil sa mga ito.          “Bet.” Si Briggy ang mabilis na naglabas din ng item.          “Same here!” natawa si Amber at naglabas ng item.          “Let’s try them too.” Nang sinabi ni Casmon ang bagay na iyon, pagkurap nila ng mata, nasa malaking puno na sila at nasa tabi na nila si Tala at Akaara.          “Bet?” Pinakita ni Casmon ang item sa dalawa pa nilang kasama pero inismiran lang siya ni Akaara at Tala.   Tulad niya, nag-alala rin ang mga mukha ng mga ito at alam niya kung bakit. Pareha lang silang nag-alala. Gusto niya na talagang tumakbo papunta sa dalawa pero sa lakas ng cheer at tawa ni Casmon, parang ito yata ang nauunang papatahimikin niya. Ano kaya?   “Hit him hard Orion!” ang lakas ng sigaw nito na sabay pa silang napalingon ni Akaara rito at kulang na lang ay lamunin ito ng buo.   “Ouch! That is f*****g hurt. You see that, Elowin?” umarteng nasaktan si Casmon nang makita nitong natamaan si Zach at gumulong ito sa lupa.   Sa inis na kaniyang naramdaman, sinapak niya ng binata sa ulo. Kumunot naman ang noo nito pero agad din natawa.   “Have fun for awhile, Elowin. C’mon, they are not literally killing themselves or—”   “They will.” Mabilis na putol niya nang makitang seryuso na ngang nagpapatayan ang dalawa. Wala na ‘yong sinasabi ni Casmon na hindi ito magpapatayan, na isang welcome party lang iyon at away magkapatid lang.   “God!” hindi pwedeng tumunganga lang siya nang paintense nang pa-intense ang bawat tirang pinapakawalan ni Orion habang gano’n din si Zach dito.   At bago pa siya napigilan ni Casmon at sa pesteng pustahan nito. Awtomatikong nagpunta siya sa gitna ng dalawa na kaniya-kaniyang hataw sa sandata at katangahan na kung katangahan, sa deriksyon niya papunta ang mga tirang binigay ng mga ito.   “Itigil niyo na ito?!” malakas na sigaw niya.   “Amulet?!   “Elowin!!!”   Napapikit siya ng mata. Alam niyang siya ang tatamaan at  hindi na siya makakailag n’yon. Pero nagdaan ang ilang segundo, walang tumama sa kaniya. Wala siyang naramdaman sakit o kahit malakas na enerhiyang pwedeng yayanig sa kaniyang pagkatao.   Napalunok siya at dahan-dahan nag bukas ng mata at napatingin sa paligid. Napansin niyang natigil ang dalawang magkapatid at ngayon ay nakatingin lang ito sa kaniya. Nasa ibaba na ang mga sandata ng mga ito at nagbalik sa natural na anyo. Wala na rin ang mga enerhiyang nakabalot sa mga sandata ng mga ito pati na sa katawan ni Zach at Orion. Mabuti naman kung gano’n.   “You shouldn’t interfere, Elowin.” Boses ni Orion iyon. Pero hindi niya naulinigan galit ito. Kalmado na ang boses nito ngayon, hindi tulad kanina na galit na galit na kaharap si Zach habang nagpapaligsahan kung sino ang magaling.   “At anong  gusto niyong mangyari? Ang hayaan kayong mag-away dalawa na parang magkaaway? Hindi kayo ni Zach ang magkaaway rito, Orion. At ikaw Zach, ikaw ‘yong panganay sa inyo ni Orion o Zaydan! Ikaw ang dapat umintindi at huwag na huwag niyo akong pagsasabihan na kesyo kambal kayo at welcome party niyo itong dalawa dahil naiirita akong nakikita kayong nagpapatayan dito mismo sa Gudgeon! Jusko! Si Maskoro ang kalaban natin dito, ang buong Znthra kamo at hindi kayong magkapatid ang magkaaway. Naiintindihan niyo ba ang sinasabi ko, ha?” mahabang lintanya niya habang nakapameywang sa harap ng mga ito at pinanlilisikan ang bawat isa ng mata. Hindi siya aware na naging maldita siya nang mga sandalin iyon basta isa lang ang gusto niyang mnagyari, ang magkasundo ang dalawa kung anong alitan man ang  meron ang mga ito ngayon.   “Ano? Sumagot kayong dalawa!” muling tumaas ang kaniyang  boses nang walang sumagot. Nanatiling nakatingin lang ang mga ito sa kaniya at hindi nakahuma sa kaniyang inasal.   “Zach?” nagbaling siya ng tingin sa lalaki. “Humingi ka ng sorry, ngayon na.”   Huminga naman ng malalim ang binata at nagtaas ng tingin sa langit. “I apologize.”   “At ikaw Orion?” nakapameywang na tanong niya sa binata pero tiningnan lang siya nito na parang hangin saka tumalikod.   Mabilis naman siyang humabol sa binata at hinawakan ang dulo ng damit nito. “Orion!”   “Pwede ba, Amulet?” inalis nito ang kaniyang kamay na nakahawak dito. “Huwag kang mangialam.”   Natigilan naman siya nang marinig niya ang sinabing iyon ni Orion. Doon lang niya napagtanto na masyado yatang malawak ang kaniyang pangingialam.   “Let’s go Amulet.” Nasa likuran niya na agad si Zach at hinawakan ang kaniyang kamay. “Let’s go back to the Embers.”   “No!” Humarap siya rito. “Hindi tayo pwedeng bumalik hangga’t hindi natin nakikita at nakukuha si Kiyu, Zach.” Nasa boses niya ang pagmamakaawa.   Napabuntunghinga naman ito at tumango. “Okay, hahanapin natin ang kasamahan niyo. Pero sa ngayon, me and Akaara needs to find a place to stay for tonight. Hindi kami welcome rito.”   “You can stay with us tonight.” Si Orion.          Napangiti siya kahit papaano sa sinabing iyon ni Orion, kahit nasa tono nito ang pagkaayaw at pormal sa presinsya ni Zach. At hindi niya alam kung bakit gano’n.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD