Chapter 31

1913 Words
Nang gabing iyon ay doon nga nanatili sila Zach at Akaara sa Gudgeon.  Tapos na rin itong ipinakilala ni Orion sa lahat ng mga myembro pero  hindi nito pinakilala bilang kakambal, kundi isang manlalaro lamang na tumulong sa kaniya.          Nagkaroon din sila ng meeting sa bahay ni Zach at kasama siya sa naging meeting na iyon kahit hindi siya official. Nasa pabilog silang mesa at kasama niya si Akaara, Casmon, Tala, Maponos, Orion, Brighid, Amber at Zach,          Walang nagsasalita ne isa sa kanila. Pareho silang nagpapakiramdaman sa nararamdaman tensyon na nasa paligid. Kahit siya, napapangiwi sa tensyon na iyon ni Zayday, wait Orion at Zach sa loob ng silid na iyon.          “So what’s the plan?”          Napatingin siya kay Casmon nang ito ang uang magsalita. Himala! Marunong pala itong magseryuso at pormal. Pero boses lang nito dahil ang paa nito ay nasa ibabaw ng mesa at nakahalukipkip ang kamay.          “First, remove your feet off the table.” Hindi mapigilang saad ni Tala na masama ang tingin kay Casmon.          “Nope. My life, my rule.” Ngumisi ito at binelatan ang babae.          Napailing-iling na lamang siya at walang pinagbago pa rin si Casmon. Bastos pa rin ito at antipatiko sa lahat!          Sumama ang tingin ni Tala sa binata at nilabas nito ang sandata nito bilang Mystic. Siya na agad ang tumayo at pinigilan si Tala na bwesit na bwesit na sa pagmumukha ni Casmon.          “Guys, hindi ito ang panahon para magbiruan at mag-asaran. Kailangan natin magkaisa at planuhin kung paano makuha si Kiyu at Akuji. Tulad nga ng sabi niyo, si Maskoro na mismo nagsabi na nasa kaniya ang magkapatid.”          “Pwede tayong umalis bukas ng umaga papuntang Znthra City.”  Suhestyon ni Akaara. Nasa tabi ito ni Brighid at Amber na tahimihik lang na nakikinig sa kaniya.          “By foot of by tamed monster?” tanong naman ni Manolos.          “You will stay here Manolos.”          Napatingin siya kay Orion nang magsalita ito. Deritso ang tingin nito na binigay kay Manolos. “And the two of you as well, Ambrosine and Brighid. You must protect this territory while we are gone.”          “Copy Captain.” Magkapanabay na sagot ni Amber at Brighid.          “Pero tulad nga ng tanong ni Manolos, paano tayo makakapunta agad sa Znthra City? By foot of by tamed monster?” siya ang nagtanong ulit.          “I suggest, by tamed monster,” pormal sagot ni Zach. Deritso ang tingin nitong pinakawalan sa kaniya at alam niyang sa mga sandaling iyon, ang pagiging captain nito ang pinapairal nito ngayon. “We can’t used our tamed monster.” Salungat naman ni Orion na halatang hindi nagustuhan ang suhestiyon ni Zach.               “Bakit hindi pwede?”          “Mabilis tayong makita ni Maskoro kung gano’n o kahit na sinong mga masasamang player na nandito sa loob ng Znthra. Napagalaman ko, na hindi lahat ng players na nandito ay parehas ng Mindset natin. Iyong gustong makalabas. May iba rito, tulad ng mga alagad ni Oscarius na hindi natin alam ay baka kasama lang din natin, ay gustong maghasik ng kasamaan. At sa katayuan ng tamed monster na nakuha mo, Zach, alam mong hindi ordinaryong tamed monster ang white dragon. Maraming naghahangad sa dragon na iyan at kahit sino sa`min, naghahangad sa dragon na nasa iyo kaya kung gagamit tayo ng tamed monster papuntang Znthra, malaking tsansa na makikita nila agad tayo.”          Walang nakaimik sa mahabang paliwanag ni Orion at naiintindihan ni Amulet iyon, sinabi na ito ni Zach nung nasa Crystal City siya at nag-insist na gamitin ang mga tamed monster nila. Nung mga sandaling iyon, hindi niya naintindihan kung bakit pero sa sinabi ni Orion, naintindihan niya. White dragon ang nasa kay Zach at aminado siyang napakaganda nga ng nakuha nito. Walang sinong hinding maghahangad.          “We are going by foot then.” Pormal pa rin ang mukha ni Zach na sinangayunan ang sinabi ng kakambal nito.          “Paano tayo makakarating agad sa Znthra City kung gano’n?” mabilis na tanong ni Akaara.          “Sa sitwasyon ni Amulet nung napadpad siya sa Crystal City, sa tingin ko ay may portal dito sa Forest City na hindi niyo alam.”          “Nakarating ka ng Crystal City?” takang napatingin naman sa kaniya si Casmon matapos sabihin ito ni Zach.          Napatango siya at napangiwi. Naikwento niya na ang bagay na iyon kay Amber at Brighid, hindi niya akalain na uulitin niya ulit ang pagkikwento sa harap ng mga ito.          Pero wala siyang choice, Kailangan niya ulit magkwento sa mga ito para maintindihan ng lahat lalo na si Orion kung paano siya napunta sa Embers at kung paano niya nakita si Zach na kakambal nito.          Ilang sandali pa ay nagkwento siya simula sa unang pag-alis niya sa Gudgeon at kung paano siya nakatakas. Hanggang sa paano siya napunta sa IU river ng Cystal City sa hinanap nila si Kiyu papuntang Znthra, hanggang sa kinuha siya ni Maskoro at dinala sa Rock City at do’n natapos ang kaniyang kwento. Kung may tinago man siya sa kwento niya ngayon, ay ‘yon ay kung paano siya parang batang umiyak sa bisig ni Zach at kung paano siya galit na galit dito pero kalaunan ay nawala rin.          “Hindi ko alam na may portal sa Forest City. Sa tagal ko rito, hindi ko narinig iyan pero dahil naranasan ni Elowin ang bagay na iyon, siguro iyon ang mas mabuting paraan para makarating tayo sa Znthra City nang mas maaga.”          Napangiwi siya sa naging sinabi ni Orion. Hindi siya kumbinsido sa portal na sinasabi nito, dahil pati siya ay hindi niya alam. Pakiramdam niya, sa sarili niya mismo galing iyon pero hindi niya lang kayang maexplain ng maayos kung bakit dahil wala naman siyang teleportation.          “Mahirap iyan. Wala na tayong panahon pa para hanapin ang portal na iyan na walang kasiguruhan din.”          “I agree on Elowin.” Tumatangong saad ni Casmon at pabirong kumindat sa kaniya na agad din niyang inismiran. Wala sa lugar talaga ang pagiging bwesit nito!          “Wala na tayong panahon para hanapin ang portal. Isa lang ang nasisiguro ko, marahil nagkaroon ng glitch nang mga panahon iyon kaya napadpad siya sa IU river. Nasa loob tayo ng laro kaya posibleng maagkaroon ng pagbabago.” Muling dagdag ni Casmon.          Nakahinga siya ng maluwang, may sense rin pala ang mga pinagsasabi ng binata. Iyon ang gusto niyang sabihin pero dahil sinabi na ito ni Casmon, mananahimik na lang siya sa tabi.          “Sige, bukas pagputok ng liwanag. Aalis tayo by foot. Mananatili rito si Manolos, Brighid, Ambrosine at—” tumingin sa kaniya si Orion, “Ikaw Elowin.”          “What?”          “Zaydan is rigth.”          Mas lalong kumunot ang kaniyang noo nang sundan iyon ni Zach. Anong mananatili siya rito? No! hindi siya papayag at sasama siya papuntang Znthra City!          “Bakit pati ako? Gusto kong sumama. Pangako, hindi ako magiging hadlang!” Napatayo siya sa kaniyang kinauupuan. Hindi niya akalain, pati siya ay maiiwan din sa Gudgeon. Hindi pwede!        “Yow Elowin, Orion and Archer my buddy is right. Dito ka na lang sa Gudgeon, bantayan mo ang mga kabute rito at baka mag-iba ang kulay.” Nakangising saad ni Casmon na agad din tumahik nang batuhin ito ng mahika ni Tala. “Ouch!”          “Manahimik ka na lang, Casmon!” asik ni Tala rito.          Nagtaas naman ng kamay si Casmon at agad nag-zip ng bibig. Habang siya ay hindi pa rin makapaniwala na maiiwan siya sa Gudgeon. Gusto niya talagang sumama at hindi siya papayag na manatili ro’n na ligtas tapos ang mga ito, makikipagsalubungan ng p*****n?          “Amulet…”          “No Zach! At huwag mo akong pilitin na manatili rito dahil para sa kaligtasan ko. Dahil ang usapan dito, kaligtasan ng lahat! Hindi lang sa`kin. Nasa iisang mundo lang tayo at lahat walang matinong kaligtasan sa loob ng larong ito kaya sa ayaw at sa gusto niyo, sasama ako at wala akong pakialam kung magagalit ka sa`kin. Pinapangako ko rin na hindi ako magiging sagabal sa lahat ng plano para sa pagligtas kay Akuji at Kiyu, just please, huwag niyo na akong pigilan na huwag sumama. Dahil sasama ako!” Sa inis niya, sinundan niya iyon ng pag-alis sa naturang silid na pinag-meetingan nila. Kabastusan na kung kabastusan ang naging labas sa kaniyang ugali.        “Yikes, I guess our princess is pissed off?” natatawang saad ni Casmon na sinamaan naman ng tingin ni Akaara at Tala. “Okay tatahimik na.” nag-zip ulit ito ng bibig at hindi nagsalita na ulit.          Saka naman tumayo si Zach at mabilis na sinundan ang daan na tinungo ni Amulet. Habang si Orion ay napapailing. Alam nitong hindi papayag si Amulet pero buo na ang desisyon nitong hindi nila isasama ang dalaga. Maliban sa hindi pa mataas ang level nito, malaki rin ang posibilidad na makukuha ulit ito ni Maskoro.          “Amulet.”          Napatigil si Amulet sa paglalakad nang hawakan ni Zach ang kaniyang kamay. Doon lang niya naisip na nag-walk out pala siya at iniwan ang mga kasamahan sa loob ng silid kung saan ginanap ang meeting.          “Hayaan mo muna ako Zach.”               “Kailangan natin mag-usap.”          “Para i-insist sa`kin na hindi ako pwedeng sumama sa inyo, tama ba?”          Napabuntunghinga naman si Zach at mabilis na hinawakan ang kaniyang kamay. Pinaharap siya nito rito at matagal na tinitigan.          “Delikado ang sumama ka.”          Napailing siya. “Paanong delikado? Okay Zach, aaminin kong nasa level 6 pa lang ako. Pinakamababa sa lahat kumpara sa inyo na mataas na at top player pa pero ayuko naman maghintay rito sa Gudgeon habang nag-iisip kung okay lang kayo at—”          “Amulet.” Hinaplos ni Zach ang kaniyang buhok at marahang hinawakan ang kaniyang baba para magpantay ang kanilang tingin.          Nag-iwas siya ng tingin. Hindi niya kayang sundin ang pakiusap ni Zach at kung sakaling iiwan siya nito sa Gudgeon, gagawa siya ng paraan para makasunod sa Znthra. Walang makakapigil sa kaniyang gagawin iyon!          “Amulet look at me.”          “No.”          “Love?”          Napabuntunghinga siya at walang magawa kundi ang sundin ang pakiusap ni Zach na tingnan ito sa mata. Alam niyang binabasa ng binata ang kaniyang isipan at kung ano man ang mabasa nito, wala siyang pakialam basta sasama siya!          “Mukhang malabo nga na mapipigilan kita.” Napakamot ito sa batok at napailing-iling. “Damn!”          “Love, please? Promise, hindi ako magiging hadlang. Sa paglalakbay natin, mag-eensayo ako. Mabilis akong turuan, right? Nakita mo naman ‘yon. Isang turo mo lang sa`kin ng archery, agad ko iyon natutunan.”          “Alam ko, Amulet.”          “Kaya please, sama ako, ha?”          “I… I don’t know…”          “Alam mong gagawa ako ng paraan kapag hindi niyo ako isasama.”          “Isa rin ‘yan sa nababasa ko d’yan sa makulit mong isipan. Damn! Baka makakapatay na talaga ako ng tao kapag may masamang nangyari sa`yo sa pag-alis natin.”          Ngumisi naman siya. Ngayon ganito na ang tono ni Zach, ipupusta niya ang kaniyang apprentice rod. Pumapayag na ito. Kailangan lang ng konting lambing pa para pumayag ito.          “Hindi ako mamatay, ano ka ba!” pero agad siyang natigilan nang maalala ‘yong nakita niyang liwanag at laboratory. Gusto sana niyang buksan ang topic na iyon pero saka na siguro kapag naglalakbay na sila papuntang Main City.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD