Chapter 32

1821 Words
“Zach, let’s talk.”          Nagulat siya sa biglang pagsulpot ni Orion sa tabi ng binata. Hindi pa rin talaga siya sanay sa teleportation nito na lagi nitong ginagawa.            “Yes.”          Napangiwi siya sa naging palitan ng salita ng dalawa. Damang-dama niya ang pag-iba ng hangin at tensyon sa pagitan ng kambal na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya inakalang magkapatid ang mga ito. Saka na lamang niya aalamin ang bawat rason ng mga ito kapag  napagsulo niya. Sa ngayon, hahayaan niya munang mag-usap ang dalawa at wala siyang pakialam kung hindi papayag si Orion. Kahit captain niya ito, sasama  pa rin siya at huwag na huwag siya nitong pigilan dahil kaya  niyang tumakas.        Matagal na naghintay si Amulet na matapos mag-usap si Zach at Orion. Gusto niya sanang pakinggan kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito pero kabastusan  naman yata kapag gagawin niya ang bagay na iyon. Kaya naghintay siya at  habang naghintay siya sa labas, saka naman tumabi sa kaniya si Akaara.          “Sasama ka ba talaga bukas?”          Tumango siya. desidido na siya at walang sinong makakapagbago sa kaniyang desisyon. “Oo.”          Ngumiti ito. “Sige, magpapahinga na ako.” Tumalikod na ito at nawala sa kaniyang harapan. Hindi niya alam kung saan ito matutulog pero si Tala na ang bahala sa bagay na iyon.               “Yow Elowin!”          Hindi niya na kailangan pa lumingon, sa boses pa lang na kaniyang naririnig… alam niyang si Casmon ito at bibwesitin siya. Specialty yata ito ng lalaki.          “Ano?” paangil na tanong niya. Kulang na lang bugahan  niya agad ito ng apoy.          “Hey hey harsh mo sa`kin ngayon, Elowin. Nandito ako para yayain kang tumambay sandali sa ibabaw ng puno.”          Tumaas ang kaniyang kilay. “At anon naman ang gagawin ko ro’n?”          “Gusto mo ba pag-usapan natin si Zach?”          Natigilan siya. Oo nga pala ang dami  niyang gustong malaman at kung bakit hindi sinabi ng mga ito na kilala ang lalaki samantalang hinahanap niya  noon si Zach.          “Ano, sama ka?”          Tiningnan lang niya ito ng masama saka walang magawa kundi ang tumango. Kahit naninibago siya sa tuwing nagsasalita ito ng tagalog at may American accent.          “Sig—”          Hindi pa niya natapos ang kaniyang sasabihin, isang iglap lang ng mata ay nasa itaas na sila  ng puno kung saan siya nito unang dinala.          “Here we are!” ngumisi ito nang humarap sa kaniya.          Hayop talaga ito! Buti na lang at medyo na overcome niya na ang kaniyang takot sa matataas. Pero hindi ibig sabihin n’yon ay pwede na siyang hilain nito mula sa kung saan.          “Na-miss ko mamalagi rito.”        “Kung mag-emo ka lang pala rito sa taas, hindi na pala ako sumama rito.”          “Emo?”          Napairap siya. “Mag-drama!”               “Ah, okay.”          Napailing-iling na lamang siya at nagpasyang iwanan ito. Wala yata itong balak magseryuso, eh. Naniwala pa siya. Pero ang tanong, paano nga pala siya baba rito mula sa taas?          Ngumisi ito nang makita ang pagkalito niya  at pag-iisip kung paano baba. “Matagal na ba kayo ni Zach?”          “Pakialam mo?”          Nagkibit ito ng balikat. “I’m his bestfriend, alam mo ba ‘yon? Pero wala siyang binanggit na may babae sa buhay niya at isang filipina.”          “At anong pinupunto mo?” hindi niya alam kung sasagutin ba ito ng maayos o hindi.          “Ang pinupunto ko, tinatago ka sa`min ni Zach at hindi ko alam kung bakit. Hmm? Secret relationship ang pagitan niyo. No wonder kaya hindi ka namin kilala ni Zaydan.” “Eh ano kung itinago niya ako? Anong meron do’n?”          “Dahil ang pagkakilala namin, iba ang girlfriend ni Zach at hindi ko natatandaan na Amulet Gaviera ang pangalan ng babaeng iyon.”          Natigilan naman siya sa narinig. Anong iba? Hindi siya agad makapagsalita. Pinag-aralan niya ang mukha ni Casmon kung nagsasabiba ito ng totoo o hindi. Minsan wala pa naman sa hulog ang utak nito.          “Childhood sweetheart namin ang babaeng sinasabi ko, Elowin. Hindi ko sinabi ‘to para sirain ang relasyon niyo pero parang gano’n na nga.” Saka ito ngumisi.          Inis na binatukan niya ito!  Wala talaga ito sa hulog kahit kailan. At imbes na paniwalaan ito, inismiran lang niya ang lalaki at mabilis na tinalikuran. Agad na lumabas si Raberoo at sumakay siya sa likod ng kaniyang alaga. Akala nito ha, hindi siya marunong bumaba ng puno?          “Elowin magkikiwentuhan pa tayo! Wait!”          “Ikwento mo sa pagong!”          “Pero wala si Tala rito.”          Wow! At pagong pala ang tingin nito kay Tala? sana marinig ito ni Tala at bigwasan ito sa mukha para magising ito sa kabwesitan nito.          “Amulet.”          Napalingon siya at eksaktong nakita niya si Zach. napangiti siya at agad na nagpababa kay Raberoo. Lumapit siya rito at kinamusta ang pag-uusap nito kay Orion.          “Pinag-usapan namin ang pag-alis bukas.”          “At kasama ako.” Ngumiti siya ng matamis. “Magpapahinga na ako, Zach.” akmang tatalikod siya para puntahan si Raberoo at magpahatid sa Healer House nang hawakan siya ni Zach sa braso.          “Wait.”          “Bakit?”          “Alam kong hindi ka magpapahinga, Amulet. Kaya sasamahan kita.”          Lihim siyang napangiti. Nababasa nito ang galaw ng kaniyang utak. “Pagod ka. Dapat magpahinga ka na.”          “Bakit ako mapapagod, kung ikaw naman ang rason kung bakit ako masaya ngayon.”        Napalunok siya nang wala sa oras sa walang latoy na pahayag nito. Iba talaga pala kapag sariling lenggwahe ng Pinas ang gamit nito, nawawalan siya ng sasabihin kahit may relasyon naman sila. hindi lang siguro talaga siya sanay na showy ito ngayon at masyadong vocal sa pagmamahal sa kaniya. Hindi niya tuloy alam kung blessings ba ang mapunta rito o ano.          “Halika na nga.” natatawang hinila niya ito para magsimula na silang magpractice.          Habang si Orion ay walang ekspresyon na nakatingin sa dalawa na masayang tumalikod at nagtatawanan. Napatango ito at tumalikod na din. gano’n din si Akaara, kitang-kita sa mukha nito ang sakit pero tanggap nito na wala na itong pag-asa. Maluha-luhang tumalikod ito at nagtungo sa silid kung saan ito magpapahinga.          “Tsk-tsk. What a loveless creature.” Natatawang saad ni Casmon nang makita nito ang nangyari. “Good thing I don’t put myself into that situation. Helpless and hopeless loveless creature.”          MAAGA pa lang ay umalis na sila. tulad nga ng kaniyan sabi, sasama siya at walang makakapagpigil sa kaniyang gagawin iyon. hindi siya magpapasagabal sa grupo at hindi rin siya magiging pabigat. Hangga’t kaya niyang protektahan ang sarili, gagawin niya.        “Malapit na ang guild war.”          Narinig niyang saad ni Zach. Sa tabi nito ay si Akaara at siya ay nasa likuran. Sa unahan ay si Orion at tabi nito si Casmon na panay ang daldal at pagmamayabang at habang si Tala ay nakasimangot sa tabi niya.          “Matagal pa `yon. We have plenty of time.” Mabilis na sagot ni Casmon na nakuha pang lumingon kay Zach kahit dada na ito nang dada sa harapan.          “And my guilds were not going to participate on the guild war.”          “Wow!” muling sagot ni Zach at hindi nakatiis na lumapit sa binata. “Why is that?”          “After this, I am going to find the exitus. Iyon ang exit sa larong ito.”          Walang kumibo sa kanila. Nanatili silang tahimik habang nakikinig sa mga salitang binitawan ni Zach. Kahit si Orion ay gano’n din, tahimik ito at nakikinig.          “Nagpapatawa ka ba? Ang exitus ay makikita lang pagkatapos ng deputang guild war na iyan!”          “I know, but I know there must be another way.”          “C’mon dude, huwag muna nating isipin ang nalalapit na guild war. Let’s focus on finding Maskoro and kill him!”          Napatingin siya agad kay Casmon at naiiling. Hindi na siya sumalungat. Mag-aaway lang sila ng binata.          Habang sa tabi niya ay si Tala na halatang maraming gustong itanong sa kaniya pero hindi alam kung saan ito magsisimula.               “Elowin…”          “Ha?”          “Paano ka napunta sa mundong ito?”          Nagkibit siya ng balikat at napatingin sa unahan.  Wala naman mawawala sa kaniya kung sasabihin niya ang totoo. tutal, nasa Forest City na sila at binabaybay nila ang daan papuntang Main City. Malayo ang lakaran na iyon pero bahala. Kaya niyang maglakad… sa ngayon.          “Taga-pinas ako. Hindi ako tulad niyo na iisang lugar lang lahat. Basta ang alam ko, dinukot ako at pagkagising ko, ibang lugar na.”          Napatango ito at matagal nag-isip. “Hindi ko alam na may kakambal si Orion.”          “Ako rin. Hindi ko inaakala na siya ang kakambal na sinasabi ni Zach sa`kin no’n. Masyado kasing malayo ang kanilang mukha at hindi mo aakalain na magkapatid sila.”          Natawa naman si Tala sa kaniyang sinabi at napatingin kay Orion. “I like him so much.”          Napangiti siya. alam niya iyon na gusto nito si Orion nang mas higit pa sa lahat. Sinabi ito sa kaniya ni Kiyu rati. Natawa siya sa kaniyang isip sa parteng iyon ng pagkakadaldalero ni Kiyu. Namimiss niya ang hapones na batang iyon.          “I guess—”          “Don’t say those words. Alam kong hindi niya ako gusto, Elowin. Hanggang kaibigan lang tingin niya sa`kin at alam kong hanggang do’n lang lahat.”          Walang komento galing sa kaniya. Nagkunwari na lamang siyang tiningnan ang bawat nadadaanan nila na mga punong-kahoy. Kasi ang totoo niya, ito rin ang unang pagkakataon na kinausap siya ni Tala na wala siyang nararamdaman awkwardness dito.          Mayamaya lang ay huminto sila. nagbaling ang kaniyang tingin sa unahan at napatingin kay Orion kung bakit sila huminto. Kung susumain, dalawang oras na silang naglalakad at wala siyang nararamdaman pagod. Dahil na rin siguro sa magic na kaniyang ginamit para hindi siya hapuin agad at maging sagabal sa mga ito.          Ang kaniyang apprentice rod naman ay nasa kaniyang ulohan at nagmistulang hair ornament. Nung una, nagulat siya na pwedeng gawin palang gano’n. Si Briggy ang nagturo sa kaniyan n’yon kanina bago sila nagsimulang maglakbay.          “Why we stop?” Si Zach.          “Wait.” Awtomatikong nagtaas ng kamay si Orion at parang pinapakiramdaman ang paligid. Pati ang daloy ng hangin at galaw ng mga dahon sa mga punongkahoy.          “Something is coming.” Si Zach din ang nagsabi n’yon at seryuso ang boses nito.          Naglibot naman siya ng tingin at naghanda kung sakaling may halimaw na darating. Ayaw niyang sa ibabaw ng kahoy na naman siya pagtataguin ng mga ito. Tutulong siya this time.          “Nasa malayo pa ang taong nakatingin sa`tin.” Anas ni Orion at nagsimulang humakbang.          -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD