Chapter 33

1887 Words
Mataas ang sinag ng buwan nang gabing iyon. sa gitna nila ay isang apoy na hindi namamatay at siya ang may gawa niyon. Binigay iyon sa kaniya ni Amber na item at nagamit niya ngayon gabi. Ngayon nasa level 6 na siya, pakiramdam niya ay lumalakas siya kahit konti.          Nasa gitna sila ng kagubatan at ang kaniyang mga kasamahan ay kaniya-kaniyang pwesto sa katawan ng mga malalaking puno. Nakasandal ang mga ito at siya ay tahimik na nakatingin  lang sa apoy na kulay asul.          “Thingking?” untag sa kaniya ni Zach. magkatabi sila nito sa punong kinauupuan nila.          Ang kanilang mga kasamahan ay may kaniya-kaniiyang kinaabalahan at ang tanging maingay sa kanilang grupo ay si Casmon na kaaway si Tala.          “Z-zach…” napalingon siya rito.          “What is it?” nagseryuso ang boses nito. Inaarok ang kaniyang utak at halatang binabasa ang kaniyang iniisip.          “Pagtatawanan mo ako ‘pag sinabi ko sa`yo.” Ang totoo  niyan, gusto niyang sabihin sa lalaki ang nakita niyang laboratoryo nung muntikan siyang mamatay sa kamay ni Maskoro.          “Try me,” masuyong saad nito.        Napatingin siya rito at napatango. Walang sandali hindi niya naiisip ang bagay na iyon na kaniyang nakikita. karapatan din malaman ni Zach ang nangyari nang mga sandaling iyon nung muntikan siyang napatay ni Maskoro.          “You know what, f**k you to the moon!”          Napatingin sila sabay kay Tala na galit na sinapok ang ulo ni Casmon.          “Ouch! That is not fair.” Napakamot ito at parang batang tiningnan si Tala.          “All is fair in the name of war.” Galit nitong sinapok ulit ang ulo nang lalaki at tumayo. Lumipat ito ng ibang pwesto.          “I did nothing wrong! C’mon on, Tala. There’s no harm in  telling us the truth that you love Orion!”               Hindi nakahuma ang babae sa deritsahang saad ni Casmon na sinabayan pa ng tawa at mula sa kung saan, may nilabas itong isang instrumento na hugis ukulele.          “Oh Orion I love you so much!”   At kumanta na talaga ito na lalong kinainis ni Tala kaya sa sobrang kahihiyan na naramdaman nito, tumalikod ito at nagtungo sa ibang deriksyon.          Isang nakakamatay na irap ang binigay niya kay Casmon na ngisi lang ang binalik nito sa kaniya. Kung wala lang si Zach sa kaniyang tabi, sinaksak niya na rito ang ukulelel na hawak niya.          “Casmon,” isang warning tone naman ang ginamit ni Orion na napilitan si Casmon na tumayo para sundan si Tala sa deriksyon na tinahak nito.          “I was joking!”          “Talk that to the frog!” hindi niya mapigilang sagot dito.          “I’m already talking to you, froggy.” Ngumisi ito at mabilis na sinundan si Tala. “Yow Tala my star! Wait for me.”          Bwesit ‘tong lalaking ‘to ah! Akmang tatayo siya pero pinigilan siya ni Zach sa kamay at pinakalma. Habang si Akaara at Orion ay tahimik lang na nakatingin sa apoy.          “Hindi pa rin ako sang-ayon na sumama ka sa`min ngayon ni Elowin.” Mamaya ay saad ni Orion na ngayon ay sa kaniya nakatingin ng deritso.          Hindi naman siya umimik. Kahit magsalita siya, hindi pa rin sasangayon si Orion. Nagpasalamat din siya nang tumayo ito at sandali silang iniwan, ang sabi nito… susundan nito si Tala at Casmon. Habang si Akaara ay nagpasya ng matulog na nakasandal sa malaking puno.          Siya naman ay humarap sa binata at tinanong kung saan ang tamed monster nito. Napangiti naman si Zach sa kaniyang naging tanong.          “Nasa paligid lang.”          “Hindi nga?”          Natawa ito. “Here.” Mula sa kung saan, lumabas si Safira. Maliit ito at kasinglaki lang ng palad.          Namilog ang kaniyang mata nang pagmasdan niya ang dragon. Kahit maliit itong tingnan ngayon, nakakatakot pa rin ang mata nitong nakatunghay sa kaniya.          “Bakit maraming naghahangad sa kaniya?”          “Dahil hindi basta-basta isang tamed monster lang si Safira, Amulet. Isa siyang special ancient tamed monster May ibang kapangyarihan na siya na kahit ako, hindi ako alam.” Inabot ni Zach ang dragon at nilagay sa kaniyang palad.          Nanginig ang kaniyang kamay nang tanggapin niya iyon at pinagmasdan ang dragon. Maganda talaga si Safira at naiintindihan niya kung bakit aagaw rito.          “May limang dragon at hindi ko alam kung saan ang mga ito ngayon at kung sino ang nakakuha sa kanila. Asul, dilaw, berde at pulang dragon pa ang meron sa mundong ito.”          Napaamang naman siya sa nalaman at hindi mapigilang mapatingin sa Zach. “Limang dragon?”          Ngumiti ito at bumalik na sa kamay ni Zach si Safira at bigla itong nawala. Nagtaka naman siya kung bakit nawala bigla si Safira pero ningitian lamang siya ng lalaki na parang pinahiwatig sa kaniya na okay lang ‘yon.          “Ano nga pala ang sasabihin mo sa`kin kanina?” mayamaya ay untag nito sa kaniya.          Napahugot siya ng hangin at napakagat ng labi. Kailangan ba niyang sabihin sa binata ang lahat?          “It’s okay.” Pinisil nito ang kaniyang kamay nang abutin nito iyon. “Sige na matulog ka na. pag-uusapan na lang natin kapag handa ka na.”               Napangiti siya sa malambing na boses nito at tumango, sinandal niya ang kaniyang katawan sa kahoy at pinikit ang mata. Makakatulog siya nito ng mahimbing.          “Good night Zach.”        “Good night Amulet.”          At tulad nang kaniyang sabi, ang himbing nga ng kaniyang tulog pero kahit gaano kahimbing ang kaniyang tulog. Nagising siya kay Raberoo. Inutusan niya pala ito na gisingin siya para mag-ensayo mag-isa. Kasinglaki lang ito ngayon ng kaniyang palad at sinadya niyang hindi binalik ito sa loob para matulog. Mas masaya kung kasama niya itong maglakbay. Iyon nga lang, kung saan ito sumiskiksik. Minsan nasa balikat niya, minsan nasa loob ng coat niya, at minsan nasa ilalim ng malago niyang buhok na kulot.          Nakita niyang payapang natutulog na ang kaniyang mga kasamahan. Si Orion na nakahalukikip ang kamay habang nakasandal sa kahoy. Si Casmon na nakatalukbong ng kumot. Si Tala na nakasandal at mahimbing na natutulog pati si Akaara na payapang nakapikit. Parang normal lang ang mga itong tingnan.   Napangiti siya nang magpalingon niya ay ang payapang tulog ni Zach. Ang gwapo pa rin nito kahit nakapikit at bago pa siya matuksong titigan ito buong gabi, nagpasya na siyang tumayo ng dahan-dahan. Maingat ang kaniyang galaw na walang makakapansin sa kaniya.          Sa may kalayuan siya pumwesto, sapat na para hindi marinig ng mga ito ang kaniyang gagawin pag-ensayo ng archery.          Tahimik siyang nagpractice siya ng kaniyang skills gamit ang kaniyang magic. Pinorma niya itong isang sibat at pana at mula sa kalayuan, tinira niya ito at napangiwi siya nang hindi tumama iyon. dumamplis, sa tamang sabihin.          Umulit siya. Hindi siya matutulog lalo na at may pangako siya sa sarili na titira siya ng isangdaan bago magpapahinga ulit at matulog.          “Dalawa,” mahinang bilang niya, “Tatlo!” kahit papaano, tumatama siya sa kaniyang target at minsan inisip niya na naka-swerte lang siya nung inatake sila sa Rock City at napatay niya ro’n ang halimaw.               “Someone qoute this, 'A good archer is known not by his arrows but by his aim'.”           Napangiti siya nang maalala ang sinabi sa kaniya ni Zach. Sa tuwing lumilitaw iyon sa kaniyang isipan, nagiging focus ang kaniyang isipan at tumatama siya.          Mula sa malayo ay nakatingin si Orion sa dalaga at gano’n din si Zach. pinagmamasdan nila si Amulet na seryusong nag-eensayo.          “You taught her?”          “Yeah. I need too.”        Hindi umimik si Orion at tumalikod na ito. Habang si Zach ay matiim na nakatitig kay Amulet…               “Fight love… fight.”   MASIGLANG gumising si Amulet kinabukasan. Kahit massakit ang kaniyang kamay tulad nung una, wala siyang pinagsabihan n’yon. Alam naman niya ang rason kung bakit, sa kakapractice niya ito. Next time nga, magpapaturo siya kay Zach o kay Orion ng sword fighting. Pero sa ngayon, archery muna.          Ayon sa location map na tiningnan ni Casmon, malayo pa silla sa Main City. Sobrang layo at mga ilang araw iyon, baka nga abutin ng isang linggo at minsan gusto niya nang gumamit ng portal kung meron man.          Biglang humangin ng malakas. Napatingin siya sa paligid. Bakit pakiramdam niya ay may masamang mangyayari ngayon?          “Monsters. Coming from south.” Magkapanabay na saad ni Zach at Orion.          Napatingin tuloy siya sa dalawa at napatango. Iniisip niya kung bakit laging magkapanabay ang mga ito sa pagsasalita.          “Average monster to be exact,” mabilis na tugon ni Casmon at halatang tinatamad. “Let them come to us.” Kampanteng saad pa nito at  naunang maglakad.          Okay.          Nagpatuloy sila sa paglalakad. Hindi siya nabored, hindi dahil wala silang nakasalamuhang monster kundi nasisiyahan siyang makita ang lahat na magskasama sila. maliban kay Casmon na hindi niya ala, kung saan na naman ito galing ng instrumento at nagsimula na naman itong kumanta.          Isa sa kaniyang hilig ang kumanta at magaling din siya sa iba’t ibang klaseng instrumento pero sa mundong ito, nawalan yata siya ng ganang ilabas ang kaniyang talento.          “Hey, Elowin! Sing with me.” Malakas na sigaw ni Casmon.               Lihim lang siyang umirap sa hangin at hindi pinansin ito. Habang si Zach at natatawa sa boses ni Casmon na parang pinukpok ng lata.          “Shut up you asshole!” nangangalaiting sigaw ni Tala.          “Why won’t you sing with me, Tala?”          Inismiran lang siya ni Tala na ikinailing ni Akaara at Orion. Kahit papaano, si Casmon ang nagpapagaan sa atmospera ng dalawang magkapatid na parang hindi magkakilala. Nabibilang niya sa kamay ang pag-uusap ng mga ‘to.          Ilang sandali pa ay natatanaw na nila ang malakas na agos ng tubig sa kalayuan. Napatitig siya roon at parang may kung anong nagtulak sa kaniya na humakbang patungo sa ilog. Parang may mahikang humihila sa kaniya na pumunta roon at lumusong sa tubig.          “Amulet!”          Lumingon siya kay Zach at tinuro ang ilog. “Parang may humihila sa`kin na pumunta sa tubig.”          Napatitig naman sa kaniya ang lahat at ningisihan naman siya ni Casmon. “Weird.”          Inirapan niya ang binata. “Pwede ba na pumunta muna tayo sa ilog kahit saglit lang? nauuhaw na rin ako.”          “May tubig ak—”          “Gusto ko sa ilog!” mabilis na putol niya sa sasabihin ni Casmon.          Agad naman pumayag ang lahat sa kaniyang suhestyon at nauna na si Orion na maglakad papunta sa tinuro niyang deriksyon habang nakasunod sila ni Zach. weird na kung weird pero may kung ano sa ilog na gusto niyang malaman, ito rin ‘yong naramdaman niya nung nagawi siya sa ilog at may halimaw na umatake sa kaniya kaya napunta siya sa lugar ni Zach.          “Now what?” gagad ni Casmon at tumingin sa kaniya. Nasa tabi na sila ng ilog at hindi pa rin niya napipigilan ang sarili na humanga sa ganda ng ilog. Parang totoo kung iyon ang basehan!          “Iinom lang ako…” Humakbang siya patungo sa tubig nang pigilan siya ni Orion.          “The water is not safe.”          “Paano mo nasabi?”          “Maaring may halimaw sa ilalim na hindi natin alam. Lahat dito sa Znthra ay panganib ang dala.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD