Napatango siya pero ando’n ang urge na gusto may something sa ilalim ng tubig at dama niya iyon. tumiim ang kaniyang tingin sa malayang daloy ng tubig at nangingislap iyon. Parang ang sarap maglunoy sa tubig! Ang problema, hindi siya marunong lumangoy. “We don’t have much time left, let’s keep going.” Mayamaya ay saad ni Casmon. “C’mon, Elowin. Sa susunod ka na maligo ‘pag balik natin.” Ngumisi ito. Inismiran lang niya ang binata at sumunod na sa mga ito na nagsimulang tumalikod. Napapatingin na lang siya sa ilog at damang-damang niya talagang gusto niyang pumunta sa ilalim ng tubig. GABI at payapang nagpapahinga ang kaniyang mga kasamahan. Nilabas niya si Raberoo at nagsimula silang maglakad. hindi sila kalayuan sa ilog at nasa Forest City pa r

