Kabanata 35

2311 Words
Gumising ako sa nakakabinging katahimikan. Hindi ko na mapagtanto kung ano ang mas tahimik; ang bahay na tinutuluyan ko ngayon o ang nararamdaman ko sa loob-loob ko. O baka naman ay parehas. Wala pa man ay hinahanap-hanap ko na ang pakiramdam ng La Esperanza. Ang malamig nitong hangin, ang amoy ng dagat, ang bawat pagsasayaw ng mga dahon sa puno, ang huni ng ibon... tila ba nakatatak sa memorya ko ang lahat. Pinilit kong bumangon kahit hinihila ako ng antok at kagustuhang palipasin ang buong araw sa kamang iyon at magpahinga. Magkikita kami ni Creed. Pang-apat na araw ko na sa Maynila. Umuwi raw siya saglit sa La Esperanza para hindi maghinala si Mayor kung bakit nagtatagal siya rito. Mabuti nga naisip niya iyon dahil kung hindi siya uuwi at nawawala ako, baka malaman pa nina Ate Aly na siya ang tumulong sa ‘kin sa pag-alis. Halos tumalon ang puso ko palabas ng dibdib nang matanaw ko si Creed sa kalsadang bungad sa tinutuluyan ko. Napabuga ako sa hangin at tinungo ang kinatatayuan niya. “Bakit narito ka? Ang sabi ko’y hindi mo pwedeng malaman ang tinutuluyan ko...” Nagkibit-balikat si Creed. “Bakit? May itinatago ka ba diyan? Huwag mong sabihing may asawa ka pala rito sa Maynila at nilihim mo lang?” Humalakhak siya at kulang na lang ay busalan ko ang kaniyang bibig. “That Del Fuego will surely be heartbroken,” tukoy niya kay Seatiel. “Ewan ko sa iyo! Dito na lang tayo mag-usap tutal ay nandito ka na rin naman. Ano pang saysay ng pag-alis?” Ngumiwi si Creed sabay taas sa dalawang kamay. “Sorry na, dear sister! Gusto ko lang namang malaman ang tinutuluyan mo... konsensya ko kung mapaano ka. Nagugutom ako, tara sa night market,” yakag niya. “Huwag mo nga akong tawagin niyan. I’m not your sister,” naiiling na sabi ko at pumayag na lang sa sinasabi niyang night market. “Sister by heart,” halakhak ni Creed at hinayaan akong sumakay sa sasakyan. Lagi niyang sinasabing nakikita niya ako bilang nakababatang kapatid at magaan ang loob niya sa ‘kin. Nagtungo kami ni Creed sa night market. Napansin niya ang pagiging matamlay ko kaya inilibre niya ako. Kahit ang totoo’y may pera naman na ako. “Bakit ka pa kasi bumalik dito sa Maynila? Wala ka na rin naman yatang babalikan dito...” Naglalakad-lakad kami sa mataong lugar. Gabi na kaya bukas ang mga ilaw na halos kulay dilaw sa pusyaw. Isang normal na gabi sa Maynila. “Binalikan ko ang mga magulang ko, Creed. Ang mama ko... ang papa ko na may kinakaharap na problema.” “Oh? At may nasolusyunan ka ba?” naiiling na tanong ni Creed. Sa tono niya, parang nasasayangan siya sa binayad niya sa eroplano at sa lahat ng effort niya. Pakiramdam ko tuloy ay hindi niya naman talaga naiintindihan ang sitwasyon ko! Napasimangot ako. “Sa tingin mo ba magkakaganito ako kung meron na?” Tumango siyang walang pag-aalinlangan. “Bakit hindi mo aminin na kaya ka nagkakaganiyan ay dahil iniwan mo siya... at hindi naman talaga dahil sa mga magulang mo?” sabi ni Creed na nakapagpatigil sa ‘kin. Para siyang boses sa utak ko nang sabihin iyon. Pilit ko nang inaalis iyon sa isip ko pero pinipilit niya pa ring pinapaamin sa ‘kin kahit halos binabaon ko nga ‘yon sa kasuluksulukan ng utak ko. “Aminin mo na, Lauren... huwag mong paniwalain ang sarili mo na kaya ka nagkakaganiyan ay dahil iniintindi mo ang nangyayari sa mga magulang mo... it’s because of that Del Fuego.” Siya na mismo ang nagbigay ng konklusyon. Nakaramdam ako ng inis kay Creed. Bakit niya pinipilit si Seatiel sa usapan? “May magagawa ba ako? Para mong sinasabi na iwan ko na lang ang Maynila at balikan si Seatiel.” Hindi na sumagot si Creed at nagkibit-balikat. Tumigil kami sa isang bilihan nang biglang may tumawag sa kaniya at tumunog ang kaniyang cellphone. “Ano ba ang kailangan ng gagong ito,” pabulong na sabi niya at inangat ang cellphone. Nasilip ko rin iyon nang lingunin ko siya at ganoon na lang ang pagkatigil ko nang mabasa ang pangalan ng caller. Luke. Sinundan ko ng tingin si Creed nang magpaalam siyang sasagutin ang tawag dahil maingay sa kinaroroonan namin at naiwan akong mag-isa. Hindi ako mapakali buong sandali na wala si Creed. Nanlamig bigla ang mga palad ko sa hindi ko maintindihang dahilan. Wala pa naman iyong bibilhan sana namin kaya naghanap muna ako ng mauupuan. Hindi ko na rin kasi natanaw si Creed at natagalan siya sa tawag. Baka naisip niyang nauna na akong kumain. May nahanap akong bench sa isang malapit na park. Pagod akong naupo rito nang sa wakas ay makatikim ng katahimikan. Mas lalong gumulo ang isip ko sa sinabi ni Creed. Napatigil ako nang may maramdamang tila kakaiba sa paligid. Para bang... para bang may nagmamasid sa ‘kin. Parang may sariling pag-iisip ang puso ko na biglang binalot ng kaba. I felt something behind me. Wala sa sariling napatayo ako. Maglalakad na sana ako paalis nang biglang may mahinang boses ang nagsalita sa likod ko. Napaharap ako roon at pinamutlaan nang makita ang isang lalaking nakasuot ng itim na hoodie. Wala pa man ay agad akong pinanghinaan ng mga tuhod. F*ck. Humakbang ang mga paa ko paalis ngunit bago pa ako makalayo ay agad akong hinablot ng lalaki sa braso. Hindi ko nagawang sumigaw nang may itakip siya sa ‘kin dahilan para agad akong makaramdam ng hilo. Mabilis ang pangyayari at kahit mayroon pa ring malay ay hindi ko nagawang pumiglas dahil sa pagkahilo. Walang tigil ang dagundong ng dibdib kong binalot ng takot at panghihilakbot. Mabilis ang pangyayari at bigla na lamang may humintong sasakyan sa harap namin kung saan niya ako ipinasok. “Isla Laurena...” Isang pamilyar na boses ang nakapagpagising sa ‘kin. Napaubo ako nang unti-unting iminulat ang mga mata. Nag-adjust ang paningin ko sa liwanag. Walang kahit anong nakatali sa akin. Nakaupo ako sa isang sofa. Nang tuluyang mawala ang panlalabo ng paningin ko ay bumungad sa akin ang mukha ng isang pamilyar na tao, nakaupo sa isang upuan habang prenteng kumakain. Nangunot ang noo ko at pinanlamigan. “P-Pa?!” Nilingon ko ang ibang tao sa paligid at nakita ang dalawa pang lalaking hindi ko nakikilala. Nakatayo sila malapit sa pintuan at parang mga robot na hindi gumagalaw. “P-Papa, a-ano ang ibig sabihin nito?” gulong-gulo na tanong ko. Para akong nanghina. Nag-iinit ang sulok ng mga mata ko. Para akong napapaligiran ng kapahamakan at kamalasan. At wala akong kalaban-laban. Ang lugar kung nasaan kami ay mukhang lugar kung saan siya tumutuloy ngayong nagtatago siya. “A-Ano po ang ibig sabihin nito?” Bumuntonghininga si Papa at mataman akong tiningnan. “Kung hindi mo lamang tinakasan ang pakakasalan mo, sana’y hindi mangyayari lahat ng ‘to... you ruined everything, Isla, hindi mo ba iyon alam?” “I’m sorry, Pa... h-hindi ko lang po talaga kaya ang gusto n’yong ipakasal ako sa kung sino lang... please, huwag n’yo naman pong gawin sa ‘kin ‘to...” Nanginig ang boses ko. “Bumalik ako para tulugan kayo... at si Mommy. I came back for her.” Hindi sumagot si Papa Frank. Alam kong galit siya sa ‘kin at may parte sa kaniyang sinisisi ako sa nangyari at kung bakit siya narito sa sitwasyong ito. Tumayo si Papa at hinarap ang bintana. Uminom siya sa wine. Tumayo ako sa sofa at napahawak sa ulong nananakit. Pwede niya naman akong kausapin at kitain nang hindi ako pinakukuha sa tauhan niya! “Hahanap ako ng ibang pakakasalan mo kung ayaw mo sa lalaking iyon...” biglang sabi ni Papa na halos magpabagsak sa mga balikat ko. “Hindi ka maaaring maging ganito, Isla Laurena. Look at yourself! Para kang pusang pagala-gala. Ang dapat sa ‘yo ay makahanap ng asawa at nang maitali ka na! Wala kang binibigay sa amin ng mommy mo kundi sakit ng ulo! And look at what you’ve done!” Ngayon ay nailabas niya rin ang galit na iyon. Wala akong magawa kundi mapayuko. “A-Ano po ba ang hindi n’yo maintindihan na hindi ko kayang magpakasal sa kahit na sinong lalaking pipiliin n’yo?” nanghihinang tanong ko. B-Bakit siya ganito sa ‘kin? Parang isa lang akong pusa kung ipamigay niya... siya mismo ang nagsabi niyon! “This is the only solution for us to be able to face people again! Ito ba ang gusto mo na mangyari sa pamilya natin? Ang mama mo sa hospital? At ako na nagtatago! Ang negosyo natin na bumabagsak! Stop being selfish, Islal Laurena! Make use of yourself! You can tell them you were gone for abroad because you got married!” Napahilamos ako sa mukha. Maybe going back to Manila was really wrong! Sana nakinig na lang ako kay Creed noong unang hindi siya sumang-ayon sa planong ito! “Ano ba ang problema at hindi ka mapapayag magpakasal? What is wrong with you, Isla Laurena?!” galit na turan ni Papa. Hindi na ako nakatiis at maging ako’y napagtaasan siya ng boses na hindi ko ginagawa. “I love someone else, Pa! I met someone and I love him! Iniwan ko siya para sa inyo ni Mommy! I.. l-left him... Pa... I-I left him... for us... for this!” Hindi nakasagot si Papa. Malalim ang kaniyang paghingang hinabaan ang pasensya. Kung magagalit ako sa kaniya, iisipin niyang tatakasan ko ulit sila. “Ano ang magagawa ng sinasabi mong pagmamahal?” Naiiling akong tumingin sa kaniya. “I will do it on my own... please, a-ako na po ang bahala sa lahat ng ‘to, Pa... just... just don’t marry me off to someone else.” Umuwi ako nang gabing iyon na mabigat ang pakiramdam. Nag-text ako kay Creed na umalis ako at may pinuntahan. Alalang-alala siya at galit na hindi ako nagpaalam ngunit hindi ko na iyon napagtuunan ng pansin. Para akong lasing na naglakad pauwi sa hilo. Kulang na lang bumagsak ako sa daan. Napatigil lamang ako nang mapaangat ang tingin ko sa isang lalaking nakatayo sa labas ng isang sasakyan, sa tapat ng bahay na tinutuluyan ko. Noong una’y akala ko si Creed iyon. Lumapit ako para sana paalisin siya pero parang may mga insektong nagising sa kaibuturan ko nang ibang mukha ang bumalandra sa paningin ko. Napahawak ako sa nananakit na ulo. G-Ganito ko na ba hinahanap si Seatiel... na nagha-hallucinate na ako at nakakakita ng mga bagay-bagay? Hindi ko alam kung sa pinaamoy bang kemikal ng tauhan ni Papa kaya ako nagkakaganito. “Lauren...” mahina ngunit malinaw na tawag ng lalaking iyon. Napamaang ako’t napatitig kay Seatiel. Nakasandal siya sa kotse, nakahalukipkip at nakatingin sa ‘kin. “Seatiel...” I called. Is this... a dream? Nananaginip ba ulit ako? “Ako nga, Lauren.” Naitikom ko ang nakaawang na labi. Parang may punyal na umukit sa dibdib ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Nasaktan ako. Kahit ako ang nanakit sa kaniya, kahit ako ang umiwan sa kaniya, nasasaktan ako... “S-Seatiel... anong... a-anong ginagawa mo rito?” Tiningnan ko ang paligid ngunit sigurado akong hindi ito panaginip. Narito talaga si Seatiel sa harapan ko. Magkakrus ang mga braso, with his casual long sleeve shirt with its three buttons open revealing his chest, where I used to lay my head. Malalim siyang huminga at binaba ang tingin sa kabuuan ko. “Kinukuha ang akin...” Imbes na matakot sa mapang-akin niyang salita at boses ay parang may humahalukay pa sa tiyan ko at naglilipanang insekto. Nagkatitigan kami, naging malumanay ang mga mata niya sa kabila ng lamig niyon. “Don’t expect for me to cry at the corner because you left... hindi ako ganoon, Lauren. Mapapagod ka lang kakatakbo palayo sa ‘kin...” Madilim ang kaniyang tingin. Nahanap ko roon ang sakit, tampo, at bahid ng galit, ngunit wala sa mga ‘yon ang nagbigay sa ‘kin ng takot. “Run all you want. We can do this for all our lives, sweetheart... bakit hindi natin tingnan kung sinong unang mapapagod sa ‘tin?” Mapaglarong ngisi ang sumilay sa labi ni Seatiel. He’s really here in front of me. Sa halo-halong nararamdaman ko’y parang may sariling pag-iisip ang mga paang lumapit ako para yakapin siya. I encircled my arms around his nape. Nanuot sa pang-amoy ko ang pamilyar niyang bango. Bahagya kong nilayo muli ang sarili at pinakatitigan siya. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Please, tell me... this is not a dream... “S-Seatiel? I’m sorry...” Nanginig ang boses ko. “I’m sorry, I-I’m sorry, iniwan kita... p-please... please, don’t be mad at me,” nag-iinit ang sulok ng mga matang usal ko. Mahigpit niyang hinawakan ang bewang ko na tila pag-aari niyang lahat ang akin. Niyakap ko siya at idiniin ang ulo sa kaniyang dibdib. Humikbi ako roon. “Get me... get me, please. W-Wala na akong pakialam, Seatiel. Ilayo mo ako rito... please...” I don’t want a place without him. I don’t want to get married with someone else! Malalim ang paghingang pinakawalan ni Seatiel. Muling nagtagpo ang paningin namin at bago pa siya magsalita ay hinalikan ko siya. Hindi siya tumugon. Halos maiyak ako. “Seatiel... I’m sorry... please, f-forgive me. Hindi na ako aalis. Please... I’m sorry. I’m sorry.” Sinagot ako ng malalim niyang buntonghininga at mababaw na dampi ng labi sa noo ko. Nilayo niya ako mula sa pagkakayakap sa kaniya. Halos umiyak ako sa ginawa niya kung hindi niya lang ako binuhat agad. Ang isang kamay niya’y nasa likod ko at ang isa’y nasa likod ng mga hita ko. Walang kahirap-hirap niya akong dinala papasok sa loob ng bahay. “Hindi na talaga, Lauren. Now, let’s get inside... Marami tayong pag-uusapan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD